Chapter 7

1077 Words
Hindi ako nakahuma sa sinagot nito. Hindi ko ini-expect ang sagot niya. Kahit na alam ko namang yes ang isasagot nito dahil sa laro. I can sense the seriousness in his voice while uttering those words. Napadiretso ako ng upo. My heart starts beating wildly. I don't know how I would react so I just stared back at him. Marahan itong tumawa habang nakatitig sa akin. " Yes, I like you. And I'd like to be your friend." Paliwanag nito sa sinabi. 'Yon naman pala Marsha. Like ka maging friend. Asyumera ka naman masyado! tudyo ng utak ko. "My turn. So can we be friends?" I don't want to loose to this game so I said "yes". Hindi naman ito mukhang masamang tao at katrabaho ko pa para pagdudahan ko. Ako na ulit ang magtatanong. Uminom na ako ng tubig. Trying to calm myself from the nervousness that I am feeling. Wala akong maisip na itatanong kaya pinagpatuloy ko na lang muling kumain. Ngunit panaka-naka ay sumusulyap ako dito. Nang matapos ay inaya ko na ito pabalik sa opisina. Hindi ko na kasi matagalan ang mga titig nito sa akin. " Pwede ba tayo ulit magsabay kumain bukas?" untag nito sa akin habang daan. I looked up on him. Halos pumantay lang ako sa balikat niya. Kaya kailangan ko pang tumingala para makita ng husto ang mukha nito. " Yes," maikling sagot ko. Sakto namang nasa tapat na kami ng table ko. " Okay, tomorrow then.'Bye my mallows," paalam nito na may kasama pang kindat at naglakad na rin ito papunta sa sarili nitong mesa. Napatanga ako sa sinabi nito. Talagang tinawag akong mallows. Aba'y loko 'yon ah! Gawin bang joke ang pangalan ko. Naiinis pero may halong kilig akong naramdaman sa paraan ng pagtawag niya sa akin. I bit my lips to suppress a smile. " Uy! Nag-lunch out lang my endearment na. Mukhang magkakatotoo wish ko para sa darating mong bday. Ang magkalovelife ka na," kinikilig na may kasamang sundot pa sa tagiliran na tudyo ni Apol. Nakatayo na pala ito sa gilid ko. " Sira! Nang-aasar lang 'yon." Kunwa'y inis kong sagot at umupo na sa aking swivel chair. Simula kasi pagkabata ko ay 'yon na nag laging pang-asar ng mga kaibigan ko sa'kin. Ang tawagin akong mallows. Minsan pa nga marshmallows pa. " Ang sweet! Nag-aasaran na. Diyan nag-uumpisa 'yan besh! Baka mamaya si Sir Ian na pala ang maging forever mo" kinikilig-kilig at maarteng pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng dibdib nito. "Loka-loka! Malabong mangyari 'yon," pagtutol ko. " Hindi 'yon malabong mangyari. Alam mo ba usap-usapan sa accounting department yang si Sir Ian. Ten years nagtrabaho abroad. Marami ng pundar at ipon. At higit sa lahat very single at oh! so jowable at the age of thirty five. Naku besh! Pag ikaw niligawan niyan 'wag mo ng tanggihan. Bagay na bagay kaya kayo. Seryoso ako besh!" pangungumbinsi pa nito. Iiling-iling na natatawa na lang ako sa mga pinagsasasabi nito. Natigil lamang ang usapan namin ni Apol ng magring ang landline phone sa lamesa ko. " HOME Builders, good afternoon." Bati ko sa kabilang linya. " Marshmallow..." ani kabilang linya. " S-sir Ian?" tanong ko kahit na nabosesan ko na kung sino ang nasa kabilang linya. " Ako nga," sagot nito. " Pwede ba kita ihatid mamaya pauwi?" Napataas ako ng kilay sa sinabi nito. We're still playing the game. Pero nag-aalangan akong sumagot. Paghatid sa akin pag-uwi ang gusto nito. "Ahm...Ah...Y-yes," nauutal at naalangan kong sagot. It's all part of the game. I don't want to loose. Pero habang tumatagal ay parang nagugustuhan ko na ang mga tanong nito. Kaya ng makita ko itong nakatayo sa harap ng building sa tabi ng motor nito ay bahagya akong napangiti. Iniabot nito sa akin ang hawak na ekstrang helmet. Nahihiyang inabot ko 'yon. " May ekstrang helmet ka talaga ha. Pinaghandaan mo ba 'to?" kunwa'y masungit na tanong ko. Trying to hide my uneasiness. Sasakay ako sa motor niya. Kaya malamang magkakadikit kami. Iniisip ko pa lang ay kinakabahan na ako. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko tuloy para akong teenager sa mga nararamdaman ko. He chuckled at my question. " Tanong mo na ba 'yan? Sinisiguro ko lang baka kasi magkamali ako ng sagot. Ayoko pa namang matalo. Yes," nakangiting sagot nito na nagpalabas sa maputi at pantay-pantay nitong ngipin. Pinadaan muna nito ng kamay ang buhok bago ipinatong ang sariling helmet sa ulo nito. " Teka, malayo ang sa amin. San Mateo pa. Sigurado ka bang ihahatid mo ako sa'min?" naniniguradong tanong ko. Tumango muna ito " Sa Marikina lang ako. Kaya 'wag kang mag-alala malapit lang ang sa inyo," sagot nito at tuluyan ng isinuot ang helmet. Tinulungan niya akong maisuot ang helmet ko. " May pantali ka ba sa buhok?" kapagkuwa'y tanong nito. Tumango ako sabay hila ng pantali na nakasuot sa aking palapulsuhan. Kinuha nito iyon. Matapos ay pinahawak nito sa akin ang helmet na gagamitin ko. Nahigit ko ang aking hininga ng hawiin nito ang aking buhok. Matapos ay ipinuyos niya iyon gamit ang pantali sa buhok na ibinigay ko. 'Tsaka niya kinuha ang helmet sa kamay ko at tuluyan itong isinuot sa akin. Napakalapit namin sa isa't isa. Nanunuot sa aking ilong ang mabangong amoy ng gamit nitong pabango. Napakawalan ko lang ang pinipigil na hininga ng matakpan ng helmet ang mukha ko. Sumunod ako dito ng humakbang na ito palapit sa nakaparadang motorsiklo. Kinakabahang humawak ako sa kanyang mga balikat pagkasakay ko sa motorsiklo nito. Pero inabot niya ang mga kamay ko. Inilipat niya ang pagkakahawak ko sa kanyang beywang. Dahilan upang halos mapasandal na ako sa kanyang malapad na likuran. Itinaas niya ang isang kamay at sumenyas ng okay. Sabay tanong kung okay na ba ako. Tumango na lamang ako. Tinanong niya pa akong muli ng daan pauwi sa bahay. Sinagot ko naman agad. At pinaandar na niya ang motorsiklo. Napakalakas ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko mabibingi ako sa lakas ng pagtibok nito. Tahimik lamang ako habang nagmamaneho ito. Napapahigpit ang hawak ko sa kanyang beywang sa tuwing napapabilis ang pagpapaandar nito. At sa tuwing pumipreno ito ay napapadiin ang dibdib ko sa kanyang likod. Nanatili akong nakahilig sa likod nito buong biyahe. Humigit kumulang kalahating oras din ang biyahe pauwi sa bahay. May kahabaan pero hindi ko iyon namalayan. Bahagya pa akong nagulat ng huminto ito sa tapat ng aming bahay. Napapahiyang napabitaw ako ng pagkakayakap dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD