Chapter 6

1181 Words
"Sige na naman Apol! Sumama ka na," kulit ko. " Haynaku besh! Ayoko nga! Di ko pinangarap maging third wheel," umiiling-iling na sagot ni Apol. I was asking Apol to go with me and Sir Ian for lunch. Pero ang siste! Ayaw pumayag. Nang makaalis si Sir Ian kanina matapos naming mag-usap ay 'tsaka ko napagtanto ang nangyari. Pumayag ako na makasama ito mamaya para sa pananghalian. Ibig sabihin ay kami lang dalawa. Is it a date? Nah...'wag asyumera Marsha. Lunch out lang 'yon at hindi date! " Apol pumayag ka na. Libre ko na lunch mo," pangungumbinsi ko pa. " Alam mo besh, bet ko 'yan. Ang ilibre mo 'ko. Saksakan ka pa naman ng kuripot. Pero ayoko pa din. 'Tsaka bakit kasi pumayag ka kung ayaw mo naman pala?" nakapameywang na sagot ni Apol. " Eh!kasi nga, ayokong kulitin pa niya ako." naiiritang sagot ko. " Kaya ako kinukulit mo. Kaloka ka besh! Kakain lang naman kayo ng sabay." natatawang sagot sa akin ni Apol. Napanguso ako at nangalumbaba. Mukhang hindi ko mapipilit ang kaibigan. Kanina ko pa ito pinapakiusapan pero ayaw talagang pumayag. Napapikit ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " Let's go?" ani baritonong tinig. I lifted my gaze. His beautiful gray eyes greeted me. Matiim siyang nakatitig sa akin na may munting ngiti sa labi. " Let's go?" ulit niya sa sinabi. "H-ha?" blangkong sagot ko. "Sabi ko tara na," sagot niya. " Alis na daw kayo. Lunch date este lunch out. Remember?" singit ni Apol na nakikiusyoso na pala. Binalingan ko ito at pasimpleng pinandilatan ng mata. Matapos ay tumayo na ako at binitbit ang aking bag. Sa isang restaurant malapit sa opisina niya ako dinala. Malapit lang 'yon sa building ng kumpanya kaya imbes sumakay ay naglakad na lang kami. I feel a bit anxious while walking beside him. Paano ba naman kasi halos lahat ng makasalubong namin ay pinagtutuunan siya ng pansin. Pambihirang lalaki naman kasi ito. Akala mo modelo. Gwapo na matangkad pa at maganda pa ang built ng katawan. Tapos habang naglalakad kami paminsan minsan ay hinahawakan niya ako sa siko upang alalayan. Nininerbiyos tuloy ako. Ang puso ko di makalma. Tahimik kaming kumain. Hindi ko kasi alam kung paano ito pakikitunguhan. Hindi naman ito ang unang beses na may magyaya sa'kin na kumain sa labas. Hindi lang talaga ako sanay na mapagsolong kumain kasama ang isang lalaki. Sa pagkakatanda ko, taon na din ang lumipas simula. Kung hindi kasi si Apol ay mga malalapit lang na kaibigan ang parati kong kasama pag lalabas. " So, your still single?" Tanong nito sa kalagitnaan ng aming pagkain. Napatigil ako sa pagsubo. Uminom ng tubig bago nagsalita. " Oo, bakit may problema ba du'n?" Sagot ko na may kasamang tanong. He let out a soft chuckle. " Wala naman. Nagtataka lang naman ako bakit ang isang magandang dilag na katulad mo ay single pa rin hanggang ngayon?" Tila naaaliw pang sagot nito. Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi nito. Madalas naman akong nasasabihan ng maganda ngunit iba ang dating na manggaling iyon sa kanya. Nakakaconscious. Tumikhim muna ako bago muling nagsalita. " Hindi 'yon nakakapagtaka lalo na kung bread winner ka," makahulugan kong sagot. " " What do you mean?" " Wala akong panahon sa pakikipagrelasyon. I need to work for my family. They are my priority. And having a mutual relationship will just ruin it," seryoso akong nagsalita habang nakatitig sa kanya. Pinilit kong pakalmahin ang boses habang nagsasalita kahit na ang puso ko ay sobrang lakas ng t***k. " Makakasira agad? 'Di ba pwedeng gawing inspirasyon ang pagkakaroon ng karelasyon?" Napakunot ako ng noo. Ano bang pinaglalaban ng isang 'to? " Hindi. Sa iba siguro pero sa akin hindi," nakataas pa ang kilay na sagot ko. Tumawa ito ng malakas. Napalingon tuloy ang ibang mga kumakain sa gawi namin. " Lagi ka talagang nagsasabi ng hindi," amused at tuwang-tuwa na puna nito na may pagbibigay diin sa huling salita. " Hindi kaya!" Depensa ko sa sarili. " Kita mo naghindi ka na naman," tumatawang sagot nito. " Hindi nga," tanggi ko. " Really. Pangatlong hindi mo na." I bit my lips. Ayoko ng magsalita. Baka hindi na naman ang masabi ko. Yumuko na lamang ako at muling pinagpatuloy ang pagkain. " Okay, gan'to na lang. Just to be fair. Let's play a game. Baka sabihin mong hinuhusgahan kita. Do you know the "yup" game?" I raise my gaze on him. Blangko sa sinasabi nito. Muli itong nagpatuloy sa pagsasalita. " The yup game. It's a twenty four hour game. Lahat ng tanong ko dapat "yup" or "yes" lang ang isasagot mo. Will take turns in asking each other. Will do a bet. At kung sino ang unang sumagot ng "hindi" ang talo. It's a fun game," nakangiting salaysay nito. " At paano kung ayaw ko," kuryosong tanong ko. " Ibig sabihin si Miss Hindi ka nga!"natatawang sagot pa nito. Nakakairita ang pagiging makulit nito. Pero mas nakakairita ang palakas ng palakas ng t***k ng puso ko. I'm a competitive person. I don't want being challenge and look like a looser. " Ano naman ang magiging bet?" tanong ko. Napatitig ito sa akin bago nagsalita, " if I win you'll have a date with me." Napakurap-kurap ako. Ang babaw naman 'ata ng hinihingi nito. " At kapag ako ang nanalo?" tanong ko. He licked his lips before he spoke. " I know your annoyed of my presence. Ramdam ko na ayaw mong kinukulit kita. Kaya pag ikaw ang nanalo, you'll get want you want. Hindi na kita kukulitin." He spoke using his soft baritone voice. Natigilan ako. Totoo naman ang sinabi nito. Wala namang masama sa bet na sinabi nito. Paniguradong ako ang mananalo. " Game?" Tanong nito. I sighed." Okay, fine. Game." Tumingin ito sa relong pambisig. " It's exactly 12 noon. At ganitong oras din matatapos ang larong 'to bukas. We can now ask each other. Ladies first, ask me anything you want." May halong paghahamon na bigkas nito. I twitched my lips, acted like I am thinking. " Are you still single?" tanong ko na mabilis naman nitong sinagot ng " Yes." Stupid! Of course men like him would deny a relationship. By the way he looks, mukhang babaero na. " My turn," nakangiti nitong turan. " Can I call you mallows?" Joke ba 'to mallows tapos pangalan ko Marsha. Marshmallows? Aba'y lokong 'to! I answered yes. Now it's my turn to question him. " You said your single. Means no girlfriend or wife. Hindi ka naman siguro bakla. Malayo ang hitsura mo sa hitsura ni Apol," he smirked at may statement. " " So my question is do you like someone. Or do you like me?" Lakas loob na may halong pagbibirong salita ko. Tumigil ito sa pagtawa at matiim akong tinitigan. Hindi ito nagsalita bagkus ay sinuyod nito ng tingin ang aking mukha. Muling bumalik ang malakas na kabog ng dibdib ko. Parang gusto kong pagsisihan ang nabigkas. " Yes. I like you," maikling sagot niya ba nas nagpalakas ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD