Mas inagahan ko ang pagpasok sa opisina kinabukasan. Sinadya ko 'yon para makausap ko si Sir Ian. Ibabalik ko ang cellphone niya sa ayaw at sa gusto niya.
Ni hindi na nga ako nakadaan ng Cafè Aroma para bumili ng paborito kong kape.
I sit on my chair and patiently waited. Mula kasi sa pwesto ng lamesa ko ay tanaw ko ang main door ng opisina. At kitang-kita ko ang mga taong papasok at lalabas.
Wala pa si Apol. Tanging ang janitor pa lang ang tao maliban sa akin. Nilabas ko ang phone ni Ian. Ilang beses din itong ring ng ring kagabi. Unregistered number ang pumasok na tawag.
Hindi ko naman na pinagkaabalahang sagutin. Baka magtaka pa kung sino ang tumatawag pag boses babae ang sumagot. May mga text messages din na pumasok pero di ko na din pinag-aksayahang buksan. Ang daming kumokontak dito. Kaya mas dapat talagang ibalik ko na itong phone niya at baka naaabala ko na ito ng husto. Napahikab ako ng malakas.
Inaantok na tuloy ako kakahintay. Out of boredom and to divert my attention, I open his phone. I click on the social media app icon. Pero pagpindot ko ay ang social media account nito ang bumungad sa akin. I scrolled down on his timeline. Karamihan sa mga nakapost ay nakatag lamang dito. Wala man lang siyang personal na post. Karamihan sa mga tag post sa kanya ay puros mga biyahe nito sa ibang bansa. Mukhang marami na itong napuntahang lugar dahil sa propesyon nito. I twitched my lips. Ano kayang pakiramdam na makapunta at makabiyahe sa ibang bansa. I always wanted to travel. Parang ang sarap sa pakiramdam na makapunta ng iba-ibang lugar, makakilala ng iba-ibang tao at makita ang ganda ng mundo. Kaya lang, ayokong maiwan sila tatay. Mas nananaig sa akin ang kapakanan ng pamilya kesa sa pansariling interes. At isa pa, magastos ito. Hindi ko afford. Wala rin naman akong masyadong ipon pa. Pero sana sa hinaharap ay makapagtravel din ako. Kahit dito lang sa Pilipinas.
" Good morning Marsha,"
" Ay! Kabayong palaka!" Gulat na sambit ko. Napaigtad pa ako sa sobrang gulat at muntik mabitawan ang hawak na cellphone.
The man infront of me chuckled. Kunot noong tinignan ko ito. It was Sir Ian. Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko pagkakita ko dito. Standing in front of my table while holding a cup of coffee on both of his hands.
" Magugulatin ka pala," anito habang inilalapag sa ibabaw ng mesa ko ang hawak.
Matapos ay hinila nito ang upuan mula sa pwesto ng mesa ni Apol. Inilagay nito iyon sa harap ng mesa ko at naupo. Tahimik ko lang siyang sinusundan ng tingin.
" I hope you won't mind if I sit here for a while. Hinihintay ko kasi si Sir Dennis," tukoy nito sa isa sa mga engineers." May site visit kasi kami sa Cavite. Umiling-uling ako " Okay lang," tugon ko. Alangan namang paalisin ko pa ito samantalang prente na itong nakaupo. He smiled gently at my answer.
" Siyanga pala, binilhan kita ng kape. Sana tama inorder ko para sa'yo. Pamalit du'n sa sinasabi mong kape na natapon kahapon. I frowned. Ipaalala daw ba ang nangyari kahapon.
" Thank you," I trying my best to be polite with him. Isang hamak na empleyada lang ako dito samantalang ito ay isa sa mga engineer. Isa pa, labis- labis na ang idinulot kong pamamahiya dito kahapon. Oo, suplada ako at kung minsan ay saksakan ng katarayan. Pero tinuruan naman ako ng magandang asal. Kaya kahit gustong-gusto ko ng paalisin ito ay hindi ko magawa. Napipipilan ako sa labis na kabog ng dibdib ko.
"So how's your phone," ungkat nito habang mataman na nakatitig sa akin. Tila na naman ako naeengkantong napatitig sa kanya.
" Ahmm, dinala ko na sa service center for repair. Makukuha ko after a month." I cleared my throat to take away the uneasiness in my voice. "Siyanga pala, ibabalik ko na 'to." Sabay abot ko ng phone niya sa kanya.
Na siya namang tinanggihan nito. " Bakit binabalik mo na? Sabi mo pinapaayos mo pa ang cellphone mo. Eh! Di wala kang ginagamit ngayon. Diyan mo muna sa'yo yan! Use it for as long as you want."
I sighed. Sa lahat ng ayaw ko ay pinipilit ako. " Ayoko naman talagang gamitin yang phone mo. Ikaw 'tong makulit na pilit ng pilit," pasinghal na sagot ko. Di na nakapagpigil pa ay nasungitan ko na ito. Pero imbes na maoffend ay tinawanan lang ako nito. " Isa pa ang dami mong text at missed calls, tignan mo."
"You always say no," wika nito. " Sige, di na ako mangungulit. Kukunin ko na 'to ulit," tukoy nito sa phone na hawak. " Pero in one condition, you'll have lunch with me later," nakangisi pa itong nagsasalita sabay higop ng kape.
I sighed. Ang kulit talaga. Tinitigan ko ito. And he did the same. Nakataas ang kilay na pinagmasdan ko ang mukha niya. Sapat ang distansiya namin sa isa't isa upang matitigan kong maige ang kabuuan ng kanyang mukha. Makakapal na kilay, kulay abong mga mata at mahahabang pilikmata. Ang tangos pala ng ilong niya. At ang labi niya ay natural na mamula-mula. I don't like men with curly and messy looking hair. But it perfectly suits him, highlighting his facial feature. Making it look more manly and seductively gorgeous. In short, guwapo. Mauubos ko na 'ata lahat ng papuring mga salita sa mukha pa lang niya. Napanguso ako. Pagbibigyan ko ba? Pero kasi pag di ko 'to pinagbigyan baka kulitin lang ako ng kulitin. sighed once more. " Okay, fine!" I defeatedly answered. Mas lalo namang lumapad ang pagkakangisi nito sa naging sagot ko.
" Okay fine what? Okay fine tatanggapin mo na 'tong phone ko or okay fine sabay tayong kakain mamaya ng lunch?" I twitched my lips. Sana naman di na 'to mangulit pagkatapos.
" Okay fine, I'll have lunch with you later," madiin at puno ng katarayang sagot ko.
" Great!" Tila nanalo ng jackpot na napatayo pa ito.