Chapter 4

1081 Words
Nagtatanong ang matang tinitigan ko siya. Ibinibigay niya sa akin ang phone niya. Seryoso ba 'to? Isang sikat na brand ang phone nito. At hindi biro ang halaga. Tapos ibibigay lang sa'kin na akala mo candy lang ang iniaabot niya sa akin. I took a glimpse of his face then to his phone. Base sa kaseryosohan na nakikita ko sa mga mata niya, mukhang hindi ito nagbibiro. " Seryoso? Ayoko nga!" Nanlalaki ang matang tanggi ko. Isang malakas na halakhak ang pinawalan nito habang manghang-manghang nakatitig sa akin. " Sige na! Danyos perwisyo para sa phone mo na nasira," pangungumbinsi nito sa akin. " Ayoko pa din!" Baka mamaya palabasin pa nito na ninakaw ko ang phone niya. Mahirap na sa iisang opisina pa namin kami pumapasok. " Okay. Gan'to na lang. Ayaw mo ng bigay. Eh! di isipin mo na lang pinapahiram ko sa'yo yan. Balik mo na lang pag may phone ka na ulit," pangungulit pa nito. I raised my brow. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kamay nitong may hawak ng cellphone at sa mukha nitong nakangisi pa. " Tanggapin mo na besh! Mas okay ng 'yan ang gamitin mo kesa naman sa ipapahiram kong di-keypad na cellphone," bumubulong na sulsol ni Apol sa gilid ko. Hindi pa rin ako sumagot o gumalaw man lang para tanggapin ang phone na iniaabot ni Ian. Nang tila mainip ay kinuha nito ang kamay ko, ipinatong ang phone doon at isinarado ang palad ko. Natatamemeng napatitig ako sa kanya. His brooding stare is locked on my face. Ramdam ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Muli nitong isinuot ang helmet at sumakay na sa kanyang motorsiklo. He start up it's engine and drove away from the spot. Natutulalang nakamasid ako sa kanya hanggang sa mawala ito sa aking paningin. *** " Hoy Apol! Tumigil ka na nga," awat niya sa kaibigan. Paano ba naman kasi wala itong ibang ginawa simula ng bumalik sila ng opisina kundi ang kalikutin ang phone ni Ian. Kanina pa picture ng picture. " Isa na lang besh," pangungulit pa nito. " Ay, pak! Ang ganda mo dito o sadyang maganda talaga camera nito. Ang ganda oh! Para kang Diyosa! Diyosa ng mga virgin!" tuwang-tuwa at humahagikhik pa ito habang tinitignan isa-isa ang mga kuha nitong larawan. " Burahin mo nga yan! Nakakahiya kay Sir Ian pag nalaman ang pinaggagagawa mp diyan sa phone niya," saway ko dito. "Eh pinahiram naman sa'yo kaya ok lang yan!" " Ibabalik ko yan. Hindi ako komportableng gamitin 'yan," sagot ko sabay agaw ng phone mula dito na agad kong sinilid sa aking bag. Pag nakita ko ito ay ibabalik ko talaga agad ang cellphone nito. Mas okay na sa akin ang walang magamit kesa naman hiramin ko ito. Nagiguilty tuloy ako sa ginawa ko kanina. Napahiya ko ito sa harap ng maraming tao, sa gitna ng kalsada at sa ilalim ng tirik na araw. ' Susko Marsha! Kung kelan ka tumanda 'tsaka ka naging eskandalosa!' Usig ng aking isip. " Mano po 'Tay," bati ko kay tatay pagpasok ng bahay. " Oh anak! Ba't di ka man lang tumawag o nagtext. Nasundo sana kita sa terminal," naabutan ko itong nanonood ng balita. I sat beside him. Hinubad ang sapatos at marahang minasahe ang paa. " Nakalimutan ko po. Maikli lang naman po ang pila sa traysikel kaya nakasakay naman po ako agad," hindi ko na sinabing nasira ang phone ko. Uusisain lang ako nito kung anong nangyari. Ayoko namang mag-alala pa sa'kin si Tatay. Pumunta ako sa kusina. Napangiti ng makita ang nakatakip na ulam sa kaserola. Bulalo! Agad akong nagsalin ng sabaw sa mangko at humigop ng sabaw. Ah! Heaven. I love bulalo! " Tay kumain na po ba kayo?" Baling ko kay Tatay. Pagtango Ang naging sagot nito. " Sila Otep po?" Tanong ko pa habang nagsasandok ng kanin. " Nasa taas na ang mga kapatid mo. Si Jay na lang ang wala," sagot ni Tatay. Sinipat ko ang aking relong pambisig. Mag-a-alas otso na ng gabi. Binitbit ko ang aking platong may kanin at mangkong may ulam. Tumungo ako sa sala at inilapag ang mga iyon sa center table. " Napapadalas 'atang ginagabi ng uwi si Jay. Mas nauuna pa ako lagi sa kanya," puna ko at naglakad ulit pabalik sa kusina. "Tay kape ho?" Alok ko kay tatay. " Sige 'nak. Tapangan mo ha," Nakagawian na namin ito ni Tatay pag- uwi ko sa galing trabaho. Nagkakape ito habang ako ay naghahapunan at masayang nagkukwentuhan. Bitbit ang tinimplang kape at basong may tubig ay muli akong bumalik sa sala. " Nag-aalala lang ho ako sa kanya 'Tay. Eh, halos ilang araw ng late kung umuwi." Wika ko habang umuupo sa single na sofa. " Lalaki ang kapatid mo kaya wala kang dapat ipag-alala. Baka busy lang sa eskwela at malapit ng grumadweyt," mahinahong sagot sa akin ni Tatay. Nagsimula na akong kumain. " Mas nag-aalala pa nga ako sa'yo anak. Ang layo ng opisina 'nyo tapos mag-isa ka lang na umuuwi. Mag-boyfriend ka na kaya anak para may maghahatid sundo na sa'yo at nang mapanatag na ang loob ko." Napatigil ako sa tangkang pagsubo. Ibinaba ko ang hawak na kutsara sa aking plato. " Tay wala pang nagkakamali," nagbibirong sagot ko. Humigop muna si Tatay ng kape bago nagsalita. " Pasensya ka na anak. Palagi na lang kaming inuuna mo. Tuloy, wala kang love life. Anak, di naman sa minamadali kita. Pero mag-asawa ka na. Aba! Gusto ko ring magkaapo sa'yo!" Ang tatay talaga. Halos gabi-gabi na lang ito ang litanya niya sa akin. Pangarap niya raw na makita akong maikasal at magkaroon ng sariling pamilya. Gustong-gusto ko rin naman na mangyari iyon. Kaya lang natraffic 'ata sa EDSA ang tinadhana para sa akin ni Lord. Ang tagal dumating! Sana naman bago ako tuluyang tumandang dalaga eh makadaupang palad ko na siya. " Tatay naman! Ayaw 'nyo na ba akong makasama? Parang gusto 'nyo na akong ipamigay," kunwa'y nagtatampong wika ko. " Hindi naman sa gan'un anak. Gusto ko lang makita kitang masaya," depensa ni tatay. " Masaya naman po ako 'Tay. Happiness ko kayo ng mga kapatid ko. At kahit hindi na ako makapag-asawa, okay lang. Aalagaan ko na lang kayo hanggang sa pagtanda 'nyo." Totoo naman iyon. Kung sakaling hindi na dumating ang pagkakataon ko upang magkaroon ng iniibig, mas pipiliin ko na lang na tumandang dalaga at alagaan ang Tatay. Kasama ang mga kapatid ko. I love my family so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD