Chapter 3

1120 Words
" Ganun katagal?" Naiinis na tanong ko. Andito kami ngayon ni Apol sa loob ng isang mall. Sa shop kung s'an ko kinuha ang cellphone ko. Thankfully, under warranty pa ang phone ko. 'Yon nga lang, kailangan kong maghintay ng isang buwan para tuluyang maayos ito. May kailangang palitan na pyesa at oorderin pa sa ibang bansa kaya matatagalan bago ito tuluyang maayos. " Pahiram ko muna sa'yo isang phone ko besh habang hininhintay mong maayos 'yang phone mo Kaya lang keypad ang pindutan. Gusto mo?" Napasimangot ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa alok ng kaibigan. Pakiramdam ko kasi nang-aasar lang ang isang 'to. "Tse!" pagsusungit ko kay Apol. "Aba! Ikaw na 'tong pinapahiram, choosy pa." " Ewan ko sa'yo Apolinario!" " Aray naman besh! Ang sakit sa tenga. Apol lang pls!" Nakangiwi at lukot ang mukhang sabi nito. Mukhang mapipilitan talaga akong gamitin ang pinapahiram nitong phone. I pouted my lips. Nakakainis naman kasi! Ipatrace ko kaya 'yong plate number ng motor na muntik sumagasa sa akin? Tapos singilin ko sa perwisyong ginawa niya sa akin. Pero mas lalo lang abala sa oras. I sighed with annoyance. Pagtyatyagaan ko na muna ang inaalok ni Apol. Wala na akong ekstrang pera para bumili. " Sige na nga! Bigay mo sa akin mamaya," napipilitang sang-ayon ko kay Apol. Nagpatiuna akong maglakad palabas ng gusali. Tanghaling tapat. Lunch break namin ni Apol kaya sinamantala na namin ang dumaan dito para mapaayos ang cellphone ko. Dinukot ko ang payong mula sa aking bag. Bubuksan ko na sana ito ng ako'y matigilan. Nahagip ng aking mata ang isang nakaparadang motorsiklo sa tapat ng isang kainan. Pamilyar ito. Pinakatitigan ko ang plate number nito. At ng makumpirmang ito nga ang motor na hinahanap ko ay dali-dali akong lumapit dito. Papasakay na ang may-ari nito. Nagmamartsang lumapit ako dito. Naguguluhan man ay sumunod sa akin sa paglalakad si Apol. Nakatalikod ang rider nito. A tall guy in black leather jacket and jeans. Nakasuot ito ng helmet at hindi ko maaninag ang mukha. Sa sobrang inis ay naibato ko dito ang payong na hawak. Tumama ito sa balikat nito dahilan upang lingunin ako. " Hoy! Ikaw na walanghiya ka. Nahanap din kita!" Nagpupuyos ang loob na sigaw ko. Dinuro ko ito habang nagsasalita. Nahihintakutan na hinihila ako ni Apol palayo. " Ano ka ba Marsha? Bakit nangggiyera ka?" Pang-aawat sa akin ni Apol. Pinagpag ko ang brasong hawak ni Apol. Dahilan upang mabitiwan niya ako. Humakbang akong muli palapit sa rider ng motor na ngayon ay nakatayo na paharap sa direksiyon namin. At muli ko itong dinuro habang nagsasalita. " Heto lang naman 'yong walanghiyang muntik ng sumagasa sa akin. Dahil sa'yo nasira cellphone ko. Ano? Magsalita ka diyan! ' Wag na 'wag kanglang magdedeny dahil tandang-tanda ko ang itsura nitong motor mo. Lalong-lalo na 'tong plate number. Naku! Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw nga 'yon!" Umuusok ang ilong sa sobrang galit na litanya ko. Katanghaliang tapat at tirik na tirik ang sikat ng araw. Pero imbes na sumilong o magpayong, 'eto ako binubuhos ang inis sa kaharap. Wala na akong pakialam, mangitim man o masunog ang balat ko. Kahit pa nga pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan at nakikiusyoso. " Marsha tama na! Nakakahiya na," muling awat sa akin ng kaibigan na pinukol ko lang ng masamang tingin. " Ayoko! Titigil lang ako pag 'tong mamang 'to ay nanagot na sa perwisyo niya sa'kin!" Nanggigil kong sagot sabay baling sa kaharap. Hindi pa rin ito nagsalita. Sa halip ay tinanggal nito ang helmet na suot. Matapos ay hinagod ng kamay ang buhok. Then he look at me with intensity and an amused smile plastered on his face. Ganun na lang ang pagsinghap ko ng mapagtanto kung sino ito. " Sir Ian! Ikaw pala 'yan," bulalas ni Apol sa tabi ko. Nanigas ako sa kinatatayuan. Napipilan at napapahiyan nag-iwas ng tingin. Ngumiti ito kay Apol bago bumaling sa akin. " Oh! Marsha. Anong problema? Bakit parang mainit 'ata dugo mo sa akin?" Nagtatakang tanong nito. Kumurap-kurap ako." M-muntik mo n-na akong masagasaan k-kanina," nauutal na sagot ko. Tumikhim muna ako bago nagpatuloy na magsalita. " Muntik mo na akong masagasaan kanina," ulit ko sa mas matapang na tinig. " Oh! I'm sorry. Hindi ko alam. Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin sabay hawak sa braso ko. Sinipat niya kung may galos ba ako sa katawan. Nang masigurong wala ay ibinalik niya ang tingin sa aking mukha. " Tara! Silong muna tayo, mainit dito. Baka masunog ang balat mo," yakag nito sa akin. Ang kanyang kamay ay nakahawak pa din sa aking braso. " Oo nga naman besh! Nahuhulas na ang beauty ko dito. Nawawala na ang freshness ko," singit ni Apol sa tabi ko. " Ayoko!" Muli kong pagtataray. Sinadya kong magmukhang masungit ang boses upang pagtakpan ang kabang nararamdaman. Ewan ko ba. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Dumadagdag pa sa kabang nararamdaman ko ang pagdantay ng kanyang palad sa aking balat. Hindi siya sumagot. Yumuko ito at pinulot ang payong ko na naibato kanina. Binuksan niya ito at agad itinapat sa akin. Tinangka ko itong hawakan ngunit hindi niya naman binitawan. Kaya ibinaba ko na lang ang aking kamay at imbes ay nameywang. " Muntik mo akong masagasaan. Dahil sa'yo nasira ang phone ko na hinuhulugan ko pa. Pati kape ko natapon," naghihimutok na wika ko. " Sorry. Hindi ko talaga alam na muntik na pala kitang masagasaan. Nangangapa pa kasi ako sa paggamit nitong motor. Sorry ulit," hinging paumanhin nito. May sinseridad naman ang boses nito sa paghingi ng tawad pero ewan ko ba. Sa labis na iritasyon ay ayokong maniwala. " Sorry... di maibabalik ng sorry ang nasira kong phone," bubulong-bulong na sagot ko. Pero sapat para marinig ng kaharap ko. " Tama na Marsha, engineer natin yan sa opisina. Baka pareho tayong mawalan ng trabaho pag di ka pa tumigil kakatalak diyan. Napapahiya mo na 'yong tao," ani Apol sa tabi ko. Napanguso ako at isang matalim na titig ang pinukol ko kay Ian. He looked at me, too. Then I looked around. Dumarami na nga ang taong tumitingin sa direksiyon namin. I sighed. Tama si Apol. Baka mawalan ako ng trabaho nito dahil sa pamamahiyang ginagawa ko. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Naiinis na tumalikod na lang ako. " Tara na Apol," yaya ko kay Apol. " Wait," pigil sa amin ni Ian. Dumukot ito sa bulsa ng leather jacket nito. Inilabas nito mula roon ang isang kilalang brand ng smartphone. " Here, use my phone instead." Napanganga ako sa sinabi nito. His giving me his phone. " Ano ulit?" Maang na tanong ko. " Sa'yo na 'tong cellphone ko," diretsang sagot niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD