" Anyare sa'yo?" Paglabas ng elevator ay nagtatanong na bati sa akin ni Apol. Officemate at bestfriend ko. Siya ang tumulong sa akin na makapasok dito sa kumpanya. Isang construction firm ito na nagsusupply din ng mga construction materials. Dating kapitbahay namin si Apol. Lumipat na nga lang ng tirahan simula ng makipaglive-in sa boyfriend nito. She's a transgender. At mukhang mas maganda pa sa akin.
" Huwag mo ng itanong at nakakabadtrip talaga!" Nanggigigil na sagot ko dito.
" Duh! It's a very beautiful morning my dear! Tapos highblood ka diyan? Tinatawagan kita, out of coverage area ka," dugtong pa nito habang nakasunod sa kanyang naglalakad papunta sa table nila. " Tsaka, amoy kape ka besh." Umakto pa itong sinisinghot-singhot ang damit ko bago ulit nagsalita." Bago na gamit mong pabango?"
Nanlulumong napaupo ako sa swivel chair sa may pwesto ng office table ko. Nilabas ko ang nagkapira-pirasong parte ng cellphone mula sa bag ko.
" Nasira phone ko baks! Hindi ko pa tapos hulugan 'yan eh! Nasira agad! Tapos natapunan pa ako ng kape sa uniform ko." Atungal ko dito habang nakapangalumbaba sa dalawang kamay.
Napangiwi naman si Apol pagkakita sa itsura ng cellphone ko.
" Hindi naman sira besh. Sirang-sira lang! Cellphone ba 'yan? Kawawa naman di na makilala!" Tila nang-aasar pa na biro nito.
" Baks naman eh!" Nakakapanlumo talaga.
" Hinuhulugan ko pa 'to!" busangot pa din ang mukhang hinaing ko. Pero imbes na aluin ay tinawanan pa ako ng kaibigan ko.
Naiinis na sinuntok ko tuloy ito sa balikat.
"Sige. Tawanan mo pa ako! Tuwang-tuwa eh ano?!" singhal ko sa kaibigan na sinabayan pa ng irap.
"Ito naman! Baka pwede pa 'yan maayos. O baka may warranty pa 'yan since hinuhulugan mo pa," pang-aalu nito sa akin.
" Tingin mo?" Tila batang paslit na tanong ko.
"Samahan kita mamaya. Lunchbreak besh. 'Tsaka tumigil ka na sa pagngawa. Para ka ng baka. Hagardo Versoza na feslak mo besh! May bisita pa namang gwapo si boss ngayon. Haynaku!kung nakita mo lang malalaglag panty mo besh! Napakagwapo!" Kinikilig pang kwento nito na napapapalakpak pa. Iiling-iling na tinignan ko ito. 'Tong baklang to! Basta lalaki kumikinang ang kalandian sa mata. I pouted my lips. Buti pa siya. Makakita lang ng gwapong lalaki kinikilig na! Samantalang ako kape na nga lang nagpapakilig sa akin natapon pa. Bwisit! Nakaramdam na naman ako ng inis ng maalala ang natapon kong kape. I sighed. I opened the drawer of my desk. Took out an envelope and put all the pieces of my broken phone inside.
" May bisita si boss? Ang aga naman 'ata? Sino?"
" Joe" maikling sagot nito.
"Joe?" Kunot noong ulit ko.
" Oo! As in next kong Joe-joe-wain!" Sabay tawa ng pagkaharot-harot!
" Umayos ka nga! Hoy Apolinario napakaharot mo," saway ko na may kasabay na hila sa buhok nito.
" Ouch! Besh masakit na 'yon ha," daing nito na akala mo natanggalan ng anit kung makaaray.
" Sumbong kita diyan sa totoong jowa mo gusto mo?" Taas-kilay na pananakot ko.
"To naman! Di na mabiro. Sabi ko nga hindi ako pwede. Sa'yo na lang besh para magkajowa ka na." Muli akong napairap dito dahil sa sinabi.
" But seriously besh, gwapo talaga bisita ni boss. Ang rinig ko nga bagong engineer natin dito sa firm," dagdag na kwento pa ni Apol.
" Ah, okay." Walang kainte-interes na sagot ko.
Nagpunta muna ako ng comfort room sa loob ng office. I cleaned up myself. Isinuot ko ang blazer para hindi makita ang namantsahan na parte ng kape sa blusa ko. Di ko ugali ang magmake-up kaya sinuklay ko na lang ang buhok ko. Matapos ay bumalik na ako sa aking mesa. Ibinuhos ko na lang ang inis sa mga nakatambak na papeles sa mesa ko. Napabaling ang tingin ko sa pinto ng opisina ng bumukas iyon. Lumabas mula dito ang boss namin na si Sir Noel.
" Good morning Sir," bati ko dito.
" Oh! Marsha, andiyan ka na pala," pabalik na bati nito sa akin. Ngumiti ako pabalik at pinagpatuloy ang gawain.
Pero muli akong nag-angat ng tingin ng marinig ang pagsinghap ni Apol sa katabing mesa.
Kunot-noong nilingon ko ito.
" By the way Marsha," narinig kong tawag sa akin ni Sir Noel.
" Ito nga pala si Ian, bagong engineer natin. Ian this is Marsha. She's our purchasing officer. Pag may kailangan na materyales sa kanya ka lalapit." Pakilala nito sa lalaking nasa likuran pa nito.
Napanganga ako sa lalaking nasa harap ko. Matangkad ito kaya naman nakatingala ako dito.
Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. At napatigil ang tingin sa mukha nito. Hindi ko napigilang mamangha sa kabuuang itsura nito. Engineer ba talaga 'to? Well he looks more like a model. At kahit na simpleng t shirt at jeans lang ang suot ay nag-uumapaw ang s*x appeal. Idagdag pa ang napakagwapo nitong mukha. Kaya pala ganun na lang kaaligaga si Apol sa pagkukwento tungkol dito. Tall, dark and handsome. Three words that would definitely fit this guy. Nagtama ang aming paningin. Ang puso kong nananahimik ngayon ay nagwawala sa sobrang bilis ng pagtibok.
" Uy Marsha," pukaw sa'kin ni Apol.
" H-ha?" Natutulalang sagot ko.
"Nakikipagkamay sa'yo si sir. Tanggapin mo na," may halong panunudyong wika ni Apol.
Napapahiyang tumayo ako mula sa pagkakaupo at inabot ang kamay nitong nakalahad sa akin.
Pinagmamasdan na din pala ako nito. Electricity flows through my veins the moment he held my hand.
" Nice to meet you Marsha," at bahagya pa nitong pinisil ang kamay ko. Muling nagtama ang aming paningin. At ewan ko ba na pero tila ako nababato balani sa mga titig niya. Hindi ko magawang bumitaw ng titig dito.
" Ahem! So Ian, welcome to the company. At sana maenjoy mo ang magiging trabaho mo dito," singit ni Sir Noel. 'Tsaka lamang nito binitawan ang kamay ko.
" I will definitely enjoy my stay here. Thank you for welcoming me." Nakangiti at masiglang sagot ni Ian habang nakatitig pa rin sa akin.
" Pwede ka ng magstart today, do some site visit or roam here in the office if you want," patuloy na salita pa ni Sir Noel.
" Okay. See you around Marsha," sabay kindat sa akin. Natameme na lang ako sa aking kinatatayuan.