Chapter 1

1000 Words
" Cubao! Cubao! 'yong bababa diyan ng Cubao!" Boses ng drayber ang nagpatigil sa akin sa pagmumuni-muni. " Manong para po!" sabi ko at umakto ng baba. Ipinarada muna ito ng drayber bago huminto. Pagkababa ay sinipat ko pa ang mumurahin kong pambisig na relo. Maaga pa. Mayroon pa akong kalahating oras na allowance bago ang time in sa opisina. Sampung minuto pa ang lalakarin ko papunta sa building ng pinapasukan. Napangiti ako. May sapat na oras pa ako para makadaan sa bagong bukas na coffeeshop sa tapat ng building ng office namin. Magaan ang paang tinungo ko ang direksyon ng Cafe' Aroma. Pagkabukas pa lang ng glass door ay agad nanuot sa ilong ko ang paborito kong amoy ng kape. Isa sa mga hilig ko ang kape. At ang coffeeshop na 'to ang isa sa may pinakamasarap na kapeng natikman ko. Pagpasok pa lamang ay agad akong binati ng crew sa counter. " Good morning ma'am! The usual po?" Masiglang tanong pa nito sa akin. " Yes please," nakangiting sinang-ayunan ko naman ito. Kilala na ako ng mga crew dito. Paano ba naman kasi, simula ng magbukas ang coffeeshop na 'to ay halos araw-araw dumadaan ako dito. Pagkakuha ng order ko at pagkabayad ay umupo muna ako sa isa sa mga bakanteng silya. Habang naghihintay ay kinalikot ko muna ang cellphone ko. Ini- on ko ang mobile data nito. I scrolled down on my social media accounts. Karamihan sa mga kaibigan ko ay kundi kasama ang asawa ay picture ng anak nila ang pinopost. Meron ding iba na mga travel goals ang nakapost. Then a notification message came. It's from Cristina, one of her closest friend way back in high school. Address ng simbahan at venue para sa nalalapit nitong kasal ang pinadala. Isa kasi ako sa magiging abay nito. Papalapit na ang takdang araw ng kasal nito. Isa rin sa naging dati kong kaklase at dating masugid na manliligaw ang mapapangasawa nito, si Arthur. Paano kaya kung sinagot ko ito noon? Siguro may mga anaķ nadin kami ngayon. I shook my head at the thought. Di ko na 'yon dapat iniisip pa. Mas lalong dapat na hindi ko na panghinayangan pa. Cristina is one of the nicest woman I know. While Arthur is a good man. Parehas ko silang matalik na kaibigan. Saksi ako kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Alam kong magiging masaya ang mga ito sa hinaharap. At masaya din ako para sa kanila. 'Remind ko lang sayo. Sa twenty fifth ang schedule ng pagsusukat para sa gown. Hindi pwedeng hindi pumunta. Asahan ka namin ni Arthur. See you soon!' Another message came in. It's from my other friend. " H'wag kang mawawala sa Sabado. Binyag ng panganay ko. Ninang ka!" I sighed. Kailan naman kaya darating ang panahon na ako naman ang mang-iimbita para sa nalalapit kong kasal? O kaya sa binyag ng anak? So many what ifs. Hindi ko naman pinagsisihan na inuna ko ang kapakanan ng pamilya ko. Pero minsan hinihiling ko na sana matagpuan ko na rin ang lalaking magmamahal sa akin at makakasama ko ng panghabangbuhay. Napailing-iling ako. Marsha Lorraine Gatchalian nagiging hopeless romantic ka na masyado! Tudyo ng utak ko. I typed for a reply on their messages. ' Oo, pupunta ako. Basta walang tanungan tungkol sa love life.' Nagreply naman agad sa akin si Cristina. ' Hindi kita kukulitin pero may irereto ako sa'yo. Pinsan ko. Galing abroad. Tall, dark and handsome. Kaya dapat present ka. Hindi ako mapapahiya sa'yo, pramis! Malay mo ito na pala hinihintay mo.' Natawa na lang ako sa naging sagot ni Cristina at di na nakuhang magreply pa. Nakangiti ako habang ginagawa 'yon. Pihadong kukulitin na naman ako ng mga kaibigan ko kung kelan na ba ako mag-aasawa kaya inuunahan ko na sila. The counter crew called out for my name. Tanda na ready na ang order ko. With my phone on my one hand, I immediately stand up and grab my coffee. Dire-diretso na akong lumabas ng cafe. Tinignan ko ulit ang oras sa pambisig kong relo. Fifteen minutes to eight. Tamang tama. I smile then happily sniffs the coffee in my hand. Ang bango talaga! While walking towards the building of their office, she slowly sip a bit of the coffee. Ang sarap! Kape na lang talaga nagpapakilig sa buhay ko! I giggled upon the thought. I am so happy. This coffee really made my day. Sa sobrang tuwa ko ay di ko na namamalayan ang nangyayari sa paligid. Kaya ganun na lang ang gulat ko ng biglang bumusina ang isang paparating na motor. " Ay! Kabayong palakang kalbo!" Napatili pa ako sa gulat. Sa kagustuhan kong makaiwas at gumilid ay nabitawan ko ang kape ko. Bahagya pang natapunan ng mainit na likido ang blusang suot ko. Maging ang cellphone ko ay nabitawan ko. Tumilapon iyon sa ere. Nagkapira-piraso pa ng lumagapak sa sementong kalsada. Naniningkit ang mata dala ng sobrang inis ay sinundan ko ng tingin ang papalayong motorsiklo. Sinipat ko pang maige ang plate number nito. Siniguradong kabisado ko ito bago hiniwalayan ng tingin. Nanlulumong dinampot ang nagkapira-pirasong bahagi ng cellphone ko. Mangiyak-ngiyak na sinilid ko iyon sa bulsa ng aking bag. Hindi ko pa tapos bayaran sa credit company na kinuhanan ko ang cellphone ko. Siira na agad? Nakakaapat na hulog pa nga lang ako! Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ng pantalon at ipinunas ito sa parteng natapunan ng kape sa damit ko. Malaman ko lang kung sino ang may-ari ng motorsiklong iyon. Naku! Bubuhusan ko talaga siya ng isang baldeng mainit na kape. Ewan ko lang kung di siya mangisay! Kung sinong hudyo o Poncio Pilato man siya! Humanda siya sa akin. Gigil niya si ako! Great! Just great! Natapon na ang kape ko,nasira pa ang cellphone ko. And just like that! My happy monday morning turns very sour. Pwede pa naman akong bumalik ng coffeeshop para bumili ulit ng kape kaya lang magagahol na ako sa oras. Malelate na ako. Pagkalunes-lunes na kamalasan. Malas!malas!malas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD