Agad na kinabahan si Helena nang makita ang titig ni Harley sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin kay Shaun at hindi niya namamalayan na hindi niya nagustuhan ang ginawa niya. Binati niya lang si Harley. Sa kaba ni Helena, nagmadali na siya sa elevator. "Done for today, Harley? Uuwi ka na?" Narinig ni Helena ang maligayang tanong ni Shaun habang pumasok siya sa elevator. Pareho silang nakatingin sa kanya. Si Shaun ay nakangiti habang si Harley naman ay nakabusangot. Bago pa nakasagot si Harley kay Shaun, sumarado na ang pintuan ng elevator. Hindi makapag-concentrate si Helena sa kahit ano. Marami siyang iniisip—tulad na lang ng halik ni Shaun, titig ni Harley, at ang hagulhol ni Bea. Ngunit nang nakapasok siya sa Lounge at narinig ang pag-iyak ni Bea, agad na napalitan ang mga iniisip niya

