Hindi maalis ni Helena sa isip ang posibilidad na gustong halikan siya ni Harley, ngunit nahalikan siya ni Shaun. Halos wala siyang naramdaman nang dumampi ang labi ni Shaun sa kanya. Naalala niya ang labi ni Harley at nagduda kung dapat niyang itigil ang pagpapantasya tungkol dito. Tahimik silang naglalakbay pauwi. Nang matagal silang natagilid sa traffic, nagsalita si Harley. Nagulat siya sa tanong nito. “Siya ba ang first kiss mo?” tanong ni Harley bigla. “Uhm…” umiling si Helena. Dalawang beses na sumulyap si Harley sa kanya, at kumunot pa lalo ang noo nito. “Sino ang first kiss mo?” “Nong high school. Tinulak ako ng mga kaklase ko kaya ayon, aksidente,” sagot ni Helena habang pinapanood ang mga mata ni Harley na nakapirmi sa kalsada. “Anong pangalan nung first kiss mo?” Nanlaki

