Chapter 7

2121 Words
“Salamat sa paghatid. Mag-iingat kayo at ingat sa pagda-drive,” sunod-sunod na habilin niya nang pasakay na ito sa sasakyan. “I will,” anito. Kapagkuwan ay bumaling ito sa tatay niya. “Aalis na po kami.” “Sige, hijo. Ingat,” anang kanyang ama. Hinintay muna nila itong makaalis ang sasakyan nito saka sila pumasok sa loob ng bahay. Idineretso ng tatay niya si JB sa kuwarto nito. Hindi na niya ito inabalang bihisan dahil baka maistorbo lang ang tulog nito. Pumunta muna siya sa kusina dahil nauuhaw siya. “’Tay, wala pa ba si Mela?” tanong niya sa tatay niya tungkol sa kapatid niya kung nakauwe na ba ito. Sinundan kasi siya nito sa kusina. “Wala pa, anak. Mamaya pa iyon uuwe, tumawag siya kanina,” sagot nito. “Siyanga pala, anak, siya ba iyong nakilala n’yo sa Baguio?” “Opo, Tatay.” “Aba’y kaguwapo. Iyong katabi ni JB sa loob ng sasakyan, iyon ba ‘yong batang tinulungan niyo?” pang-uusisa nito tungkol sa mag-ama. Naikuwento niya kasi sa mga magulang ang nangyari sa Baguio nang sila’y namasyal doon at ang pagkakapulot nila ng isang batang lalaki. “Hmmm,” tumatango-tangong sambit nito. “May asawa ba iyon? Kasi wala akong nakitang sing-sing sa daliri niya, eh.” Napatingin siyang bigla sa kanyang ama. Mukhang may naaamoy na naman siyang kalokohan na naiisip nito. Iyong pagsasabi palang nito na guwapo si Clint ay may kakaibang pahiwatig na iyon sa kanya, iyon pa kayang pagtatanong nito kung may asawa na si Clint? Hindi kasi nito ugaling usisain ang pagkakakilanlan ng isang tao o partikular ng isang lalaki kung wala itong maitim na binabalak. “’Tay, ha? May iniisip na naman po yata kayong hindi ko magugustuhan, ah? Saka tiningnan n’yo po talaga ang pala-sing-singan niya?” nakahalukipkip na tanong niya sa kanyang ama na may himig pagbabanta. “Eh, may asawa na nga ba iyon?” Hindi pinansin ng tatay niya ang sinabi niya bagkus ay pilit nitong inaalam kung may asawa na si Clint o wala. Napasimangot siya bago nagsalita. “Wala po. Binatang ama po siya. Saka bakit naman po ganyan ang tanong n’yo?” Hindi nakaligtas sa paningin niya ang naging reaction ng tatay niya pagkarinig sa sagot niya. “Sinasabi ko na nga, ‘Tay eh. Iyong ‘Kupido moves’ n’yo umiiral na naman.” “Hindi mo ba siya type, anak?” Hindi pa rin nito pinapansin ang paghihimutok niya sa mga hirit ng tatay niya. “Hay, naku, ‘Tay! Hindi ko po siya type,” pagtanggi niya para tigilan na siya nito. Pero sa kaloob-looban niya ay kumukontra ang isip niya. Kaya tumalikod siya sa kanyang ama upang ikubli ang kanyang mga mata baka kasi mabasa roon ng tatay niya na taliwas ang lumabas sa bibig niya ang nararamdaman niya. “Naku, anak. Gusto mo siya. Kilala kita,” giit ng kanyang ama saka siya iniwan na nakatayo sa may kusina nila. Naiinis na natatawa siya sa gawi ng kanyang ama. Paano kasi sumisipol pa ito habang naglalakad palayo sa kanya. Napapailing na lang siya sa kinikilos ng tatay niya. Tatay, talaga. Mas marunong pa sa nararamdaman ko. ‘Di ko ‘yon type, ‘noh! Pero agad kumontra ang kabilang isip niya. Type mo kaya siya. Kinilig ka nga kanina nang hawakan niya beywang mo, eh! Bigla siyang natigilan nang maalala ang pangyayaring iyon. Saka siya napangiti. “Tama ako, eh. Type mo nga siya, anak!” Ganoon na lang ang gulat niya nang biglang lumitaw ang tatay niya sa kusina. Hindi pa pala ito tuluyang umalis. Bagkus ay pinagmamasdan pala siya nito habang nangingiti na parang ewan nang maalala niya iyong nangyari sa Mall of Asia nang muntik na siyang matumba. “Sa tingin ko mabait siyang tao, anak. Type ko siya para sa’yo.” Huminga muna siya nang malalim bago hinarap ang tatay niyang ala-kupido ang moves. “Paano niyo naman nasabi, ‘Tay, na type ko siya?” “Anak, mula nang iniwan kayo ng tatay ni JB ay ni minsan wala kang pinakilala na lalaki sa amin, kahit kaibigan lang. Ngayon lang. Kaya naisip ko na sa wakas binuksan mo na ulit ang puso mo sa ibang lalaki. Saka… saka ‘yong ngiti mo kanina…” pambibitin nito sa iba pang sasabihin. “Ano meron sa ngiti ko, ‘Tay?” salubong ang mga kilay na tanong niya kahit nahihinuha na niya kung ano ang isasagot ng tatay niya. “Masaya ka, anak, at halatang kinikilig ka.” Napasimangot na siya nang tuluyan sa sinabi ng tatay niya. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng tatay niya. Hindi niya akalain na ganito kapursigido ang tatay niya na magkaroon siya ng asawa. “Kayo talaga,’Tay, may naalala lang po ako kaya ako nangingiti,” pagdadahilan niya sa hinala nito na kinikilig siya kay Clint. “Okay. Sabi mo, anak, eh,” anito. Tumalikod na ito sa kanya ngunit may huling hirit pa rin ito habang papalayo sa kanya. “Tulak ng bibig kabig ng dibdib,” pagkanta nito nang lumakad palayo sa kanya. Mas lalo siyang napasimangot sa kinanta ng kanyang ama. Napailing na lamang siya bago pumanhik sa kanyang kuwarto. Ang tatay ko talaga, napaka-supportive, napapalatak na bulong niya sa isip. Nakahiga na si Mina pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Napapaisip kasi siya sa sinabi ng kanyang tatay. Ganoon ba siya ka-obvious para masabi iyon ng tatay niya? Umiling-iling siya. Hindi maari iyon, pinal na sambit niya sa isip. Inayos na lang niya ang pagkakahiga niya sa kama, mas mabuti pang itulog na lang niya ang isiping iyon. Kinabukasan ay umakto siyang parang wala lang sa kanya ang ‘kilig-kilig’ na naramdaman niya nang nagdaang araw. Napausal na lang siya ng pasasalamat dahil hindi na rin inungkat ulit iyon ng kanyang ama. “Ate, si JB ba nakahanda na?” tanong ng kanyang kapatid nang mabungaran niya ito sa kusina. “Oo. Nasa sala na siya’t naghihintay.” Ang kapatid niya kasi ang maghahatid sa anak niya sa school, saka ito babalik at sabay na silang pupunta sa coffee shop nang bandang alas diyes ng umaga. “Sige, Ate. Aalis na kami.” “Ingat sa pagmamaneho,” pahabol na bilin niya rito. “Don’t worry, Ate. Maingat ako!” pahabol din na sigaw nito kahit nasa labas na ng bahay. Hindi na niya hinatid ang mga ito hanggang makasakay ng sasakyan. Nakapagpaalam na rin naman siya sa anak bago siya nagpunta ng kusina upang kumain ng almusal. Kailangan pa kasi niya gumayak. Gusto niya nakahanda na siya pagbalik ng kapatid niya para hindi na naman siya nito madaliin. Naging busy sila nang mga sumunod na araw sa coffee shop. Kaya kahit papaano ay nawaglit sa isipan niya si Clint na pabor naman sa kanya. Ayaw niyang i-entertain kung ano man ang kakaibang pakiramdam na iyon para kay Clint. Nang mga nakalipas na araw ay hindi si Clint ang naaabutan niyang sumusundo kay Drake. Kundi iyong matandang driver ng mga ito. “Ate, past twelve na. Kailangan mo nang sunduin si JB.” Napatigil siya sa ginagawa. Hindi na niya namalayan ang oras dahil sa dami ng gawain. Dumagsa kasi ang maraming customers kaya naging busy sila, lalo na at nagpaalam na mag-day off ang isa nilang service crew kaya tumulong siya sa pag-aasikaso sa mga ibang customer. “Sige, maghahanda na ako. Ikaw na bahala rito,” habilin niya sa kapatid saka inayos ang sarili para sunduin ang anak sa paaralan nito. Mabilis ang bawat kilos niya dahil nangangamba siya na baka hindi siya makaabot bago maglabasan ang mga bata. Mabuti na lang at hindi na siya nahirapan sumakay ng taxi, kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Makakaabot pa siya. Pagdating niya sa paaralan ay lakad-takbo ang ginawa niya. Paano kasi, malayo ang pinagbabaan sa kanya ng taxing sinakyan niya gawa nang hindi makausad dahil madaming sasakyan ang nagsisidatingan upang sumundo rin ng mga estudyante. Agad siyang nagpunta sa waiting area. Hindi pa siya nakakalapit ay naririnig na niya ang tawanan ng dalawang bata na masayang nagkukuwentuhan. Si Drake iyon, ang katabi ng anak niya. Ngunit, ang mas umagaw ng atensyon niya ay ang lalaking kasama ng dalawang bata na nakaupo sa tabi ng mga ito. Habang papalapit siya ay parang bumibilis din ang t***k ng puso niya. Kahit ilang beses palang niya nakakasama ang lalaki, kahit paano ay kabisado na niya ang bulto nito. Si Clint ang lalaking nakatalikod sa kanya na kasama ng dalawang bata. “Ma!” agad na tawag sa kanya ni JB nang makita siyang papalapit. Ngunit kinailangan muna niyang kalmahin ang sarili bago tuluyang makalapit sa mga ito. Naging eratiko kasi bigla ang t***k ng puso niya pagkakita kay Clint. Hindi niya mawari kung para saan iyon. At ayaw niyang pagtuunan nang pansin ang bagay na iyon. “Anak, pasensya ka na na-late si Mama,” hingi niya nang paumanhin sa anak. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang siya na-late sa pagsundo sa anak. Naging abala kasi siya masyado kanina kaya hindi niya namalayan ang oras, kundi pa siya tinawag ng kapatid malamang ay tuluyan niyang hindi namalayan ang oras. “Okay lang po, ‘Ma. Sinamahan naman ako nina Tito Clint at Drake para hintayin ka.” “Hi!” Saka palang niya tinignan si Clint nang batiin siya nito, na nakaharap na pala sa kanya. “Salamat,” deretsahang sambit niya nang pasasalamat dito at hindi na pinansin ang pagbati nito sa kanya. “You’re welcome.” “Naabala pa tuloy kayo sa pagsama sa anak ko. Hindi ko kasi namalayan ang oras sa dami ng gawain sa coffee shop,” paliwanag niya ngunit sa pormal na tono. Pakiramdam niya kasi ay kailangan niyang magpaliwanag kung bakit siya nahuli ng dating sa pagsundo sa anak niya. “No problem. Hindi rin naman kami nagmamadali. Actually, yayain ko ulit sana kayo mamasyal kung okay lang sa iyo. Meryenda ulit tau.” Napapaisip siya sa imbitasyon nito. Ang totoo niyan, medyo nakakaramdam siya nang pagkapahiya sa sarili. Pakiramdam niya masyado siyang naging assuming sa nararamdaman niya. Malay ba niya kung simpleng attraction lamang iyon at hindi ganoon kalalim. Wala naman sigurong masama kung papayag siya. Basta alam niyang limitahan ang sarili. Go with the flow, iyan ang itinatak sa isip niya. Tila nahimasmasan siya nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya, para kasing sumosobra na siya sa kakaisip sa mga bagay na hindi naman dapat bigyan nang kahulugan. “Tara na?” yaya ulit ni Clint ng hindi pa rin siya sumasagot. Napabuntong-hininga siya saka sumagot. “O-okay.” “Yes!” magkapanabay pang sambit ng dalawang bata. Nagkatinginan silang dalawa ni Clint at sabay napangiti. Kasabay din noon ay iwinaglit na niya sa isipan ang lahat ng pangamba niya. Go with the flow, paulit-ulit na paalala niya sa isip. Nakakahiya rin kasi na tatanggi siya sa paanyaya nito dahil lang sa pakiramdam niya ay humahanga na siya rito. Tulad pa rin ng dati ay nagpaka-gentleman ulit si Clint. Dating gawi. Inuna ulit nito ang mga bata na pasakayin sa likod bago siya nito pinagbuksan ng pintuan sa may passenger seat. Saka ito iikot sa kabilang side ng sasakyan. “By the way, are you free on Sunday?” biglang tanong nito habang binabagtas nila ang daan papunta sa isang mall kung saan sila mamasyal ulit at kakain. “Why?” kunot-noong balik tanong niya. “Do you still remember when I said that I would take the kids to a place they would surely enjoy?” “O-oo, bakit?” nagtataka at kunot-noong tanong niya. “We will go there on Sunday. Iyon ay kung wala kayong gagawin?” Doon na nakisabat ang dalawang bata sa usapan nila. Nakikinig pala ang mga ito sa kanilang pinag-uusapan. “This would be fun, Tita. Pumayag ka na, please? Kuya and I, have never been there in Laguna,” nagmamakaawang pangungumbinsi ni Drake sa kanya. Binalingan niya si Clint. Saglit din itong sumulyap sa kanya. “Saan ba ‘yon, Clint?” “Sa Laguna,” maiksing sagot nito. “Saan do’n?” “I’ll tell you later,” kumindat pa ito sa kanya pagkasabi niyon. “Daddy, you’re so madaya!” reklamo ni Drake sa ama. Hindi rin kasi nito sinabi sa anak ang eksaktong pupuntahan nila. Basta ang binanggit nito ay ‘Laguna’ lang. “Baby, it wouldn’t be surprise if I tell you now,” turan nito sa anak. Kakaiba ang way of treatment nito sa anak. Para lang silang magbarkada kung mag-usap. He’s a cool Daddy! naisip niya. “Okay, Daddy. You won.” Tulad ng dati ay nakangusong parang talo na naman na sagot nito sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD