KABANATA V

2216 Words
Zaina Jhin “Ma’am bakit po?” nagtatakang tanong ko nang makalapit ako sa aming guro. Abala ito sa pag aayos sa kanyang lamesa at tila may hinahanap sa mga kahon niya. “Anak Zaina Jhin, patulong nga muna dito,” sagot naman ni Ma’am Jin na hindi na nag abalang lingunin ako dahil sa sobrang pagka busy sa kanyang ginagawa. Lumapit naman ako upang tumulong, nakita ko na pinipili niya ang mga makukulay na papel at kung anu anong pangdesign na nasa tatlong box. Matapos naming pagsamasamahin ang mga maaari pang gamitin ay kinausap na ako ni Ma'am. “Ako po?” gulat at nagtataka kong tanong. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mam sapagkat kung tama ang pagkakarinig ko ay nais niyang ako ang gumawa at magdesign ng aming bulletin board pati na rin ang officers list na ilalagay sa dingding ng aming room. “Oo, kung okay lang sana sayo,” nakangiting sambit ni MaMaam. “Wala pong problema sa pag gawa mam, kaya lang po, sigurado po ba kayo na ipagkakatiwala nyo sa akin? Kase po makikita po iyon ng buong klase at ng ibat ibang guro na papasok dito sa ating room,” nag aalangan kong wika. Napangiti ang aming guro bagay na lalo kong pinagtaka. Tumayo siya at may kinuha mula sa mga gamit niya. Nang makita ko iyon ay laking gulat ko na ang project ko ang hawak niya. “Tingnan mo itong design mo, ang ganda. Mas lalo niyang napaganda ang drawing mo. Ang tyaga mong gupitin ang maliliit na detalye para lang maipakita ang arts na nais mo. Ito ang dahilan kung bakit ipagkakatiwala ko sayo Ina. Magaling ka at alam kong kaya mo,” sambit nito na nagpangiti sa akin. Napatingin ako sa mga gamit na nasa kahon, inilapit ito ni Ma'am sa akin kayat hindi ko naiwasan na hawakan iyon. Bigla kong naalala ang mga ginagawa ko noong elemetary, namissed ko ang pagdedesign. “Ano, tinatanggap mo na ba?” muli ay nakangiting nitong tanong sa akin. “Wag ka mag alala, bibigyan kita ng dagdag grades sa buong Mapeh subject,” Napatawa ako dahil sa sinabi ni Maa'm, bakit pakiramdam ko ay nasuhulan ako. Mainam ang dagdag grades ngunit meron man o hindi ay gagawin ko dahil gusto ko ito, gusto ko ang gumawa ng mga bagay na may kaugnayan sa art. “Isang karangalan po para sakin na ako ang gumawa nito, pero hindi ko po tatanggihan ang grades,” nakangiting biro ko na kinatawa ng aking guro Nang araw na iyon ay kinuha ko na ang mga kakailangan para sa bulletin na gagawin ko. Pinag aralan ko muna kung anong magandang gawin bago nagpasyang simulan ang paggawa. Hiniling ko kay Ma'am na gawin iyon sa bakanteng oras at iuwe nalang sa bahay. Pumayag naman siya at hindi naman daw kailangang magmadali. Sinikap kong mapaganda ang inatas sa aking gawain. Inabot ako ng tatlong araw sa pag gawa dahil sinigurado kong nagagawa ko pang unahin ang mas importante, ang pag aaral ko at gawain sa aming bahay. Nang matapos na ito ay sobra ang sayang naramdaman ko nang makita ko ang paghanga ng bawat kamag aral ko lalo na ng aming guro. Panay ang papuri nila sa simpleng disenyo na aking ginawa. Sobrang nakakataba ng puso ang mga papuring binibigay nila kayat aaminin ko ay bumabalik ang tiwala ko sa sarili ko na unti unting nawala matapos mawala lahat ng pinaghirapan ko noon. Gaya ng sabi ko kanina, panibagong pag asa ang siyang aking nakikita. Matapos ang araw na iyon ay nagsunod sunod na ang magandang pangyayari sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na maging sa principal namin ay nakarating ang simpleng desensyo na ginawa ko at hiniling din na ayusin at lagyan ko ng disenyo ang kanyang office. “Taray designer na ang friend ko,” kinikilig na wika ni Jozelle na sinuklian ko lamang ng ngiti. Hanggang ngayon kase ay hindi ako makapaniwala na pati ang principal namin ay nagustuhan ang mga gawa ko at ipagkakatiwala pa ang kanyang office sa akin. Isa lamang akong high school student at kumpara sa mga mahuhusay na ay di hamak naman na magaganda at may class ang mga gawa nila. Ngunit heto ako, nabigyan ng isa na namang project na hindi ko itatangging kinalulugod ko ng sobra. “Saan mo ba natutunan ang pagdedesign Zaina?” tanong ni Jozelle sa akin habang paakyat na kami sa building kung saan naroon an gaming silid aralan. Huminto ako saglit at saka sumandal sa padel ng second floor. Saglit na nag isip, saan nga ba ako natuto? “Ang totoo hindi ko alam, basta natatandaan ko lang noong bata ako hilig ko ang magsulat at magdrawing. Kukuha ako ng papel at makukulay na crayola tapos iguguhit ko ano man ang nasa isip ko, o kung ano man ang makita ko na sa tingin ko ay maganda o kaya ay kung anong nagugustuhan ng mga mata ko. May pagkakataon naman na basta na lang ako guguhit tapos hahayaan ko na ang kamay ko na siyang kumilos,” pagpapahayag ko na kinangiti ni Jozelle. “Hay nako hindi ko talaga maiintindihan ang mga kagaya mong artist, ang hirap ireach ng mga utak nyo, out of this world,” tumatawang wika niya. Natawa din ako dahil sa pagbibiro niya kayat bahagya ko siyang tinampal sa braso, tampal na may halong biro gaya ng madalas naming ginagawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa aming room. Doon ay inabutan namin ang mga kaklase naming naglalaro ng jack stone. Ngunit hindi iyon ang nakakagulat dahil si Jovann ang isang suplado at isnabero naming kaibigan ang siyang mismong naglalaro kasama ang mga kaklase namin. May mga lalaki din naman, at ang nakakatuwa ay halos puro sila ang nagkakagulo at hindi na makapaglaro ang mga kaklase naming babae. “Oh bakit nabaliktad na ata? Kelan pa kayo naging interesado sa laro naming mga babae?” natatawang tanong ni Jozella matapos makiupo sa sahig ng aming room “Wag ka magulo Jozelle nagko-concentrate si Jovann,” tumatawang wika ng isa sa mga kaklase namin. Nagtawanan ang lahat habang si Jovann naman ay talagang abalang abala sa paglalaro. Nakiupo na rin ako sa kanila matapos ilagay sa desk ko ang mga gamit na pinadala sa akin g**g aming principal para sa pagdidesenyo. Natatawa ako habang pinagmamasdan si kaibigan kong akala ko noon puro pambababae lamang ang alam gawin. Akalain mo nga naman, kaya din pala niyang maki join sa mga kaklase ko. “Nandyan lang si Zaina Jhin natense kana Jovann,” pang aasar ni Jozelle nang hindi niya masalo ang bola. Napatayo pa ito at napatalon talon na akala mo ay babae habang kunwari ay naiinis dahil natalo siya. Lalo tuloy lumakas ang tawanan ng mga kaklase namin. “Wow ang sayo nyo ah,” Lahat kami ay napatingin sa boses ng isang lalaking bigla na lamang naki epal sa pagsasaya naming magkaklase. “Ano na naman Ricky? Bakit ba punta ka ng punta dito sa room namin hindi ka naman taga rito!” inis na sambit ni Jozelle. Sinamaan siya ng tingin ni Ricky saka ngumisi habang ibinaling ang tingin kay Jovann na kasalukuyang tahimik at nakatitig lamang sa kanya. Lumapit pa ng husto sa amin si Ricky saka nakangising sinulyapan ako na sinuklian ko naman ng masamang tingin. “Napadaan lang naman ako, kaso ang ingay nyo,” “Sana nag ingay ka din,” Hindi mapigil ni Jozelle na barahin itong si Ricky dahil noon pa man ay inis na siya dito. Habang kami naman ni Jovann ay kapwa tahimik, hindi ko kase alam kung ano na naman binabalak ng taong ito habang si Jovann ay hindi ko rin malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. “Kayo ba talaga— “Bakit ba hindi ka makamove on? Paulit ulit nalang tayo,” pagpuputol ni Jovann sa sinasabi ni Ricky. Nakita ko ang pagguhit ng inis sa mukha nito habang kalmado lamang si Jovann. “Sige kung kayo talaga, patunayan nyo nga!” Sa puntong iyon ay hindi na naitago ni Ricky ang inis. Samantala kinabahan naman ako, anong patunay ba ang gusto niya at paano namin patutunayan iyon gayong hindi naman talaga kami. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jovann bago nagsalitang muli. “Ano bang gusto mong mangyari?” tanong nito. Isang ngisi naman ang ginawa ni Ricky saka muling kumibo. “Why don’t you kiss her,” wika nito na kinagulat naming lahat. Napalunok ako habang napatingin sa mga kaklase naming nakatingin na rin sa amin. “In front of everyone here,” dagdag pa nito. “Ricky pwede ba tumigil kana nga— Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla akong hinila ni Jovann palapit sa kanya. Namalayan ko na lamang na magkalapit na ang aming mga muka habang titig na titig siya sa mga mata ko.Napapikit ako nang oras na maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo. “Nagawa ko na, now leave!” naghari ang malakas at nakakatakot na boses ni Jovann sa apat na sulok ng silid na iyon. Hindi ko nakita kung ano ang reaksyon ni Ricky dahil nanatili akong nakayuko at hawak ang isa kong pisngi sapagkat naramdaman ko ang tila pag init nito. “Wala na, tapos na ang palabas mga classmate, hala sige balik na sa kanya kanya nyong ginagawa!” Nakahinga ako ng maluwag nang sambitin iyon ni Jozelle, ang ibig sabihin kase ay umalis na si Ricky. Nag alisan na rin ang mga kaklase ko subalit kaming dalawa ni Jovann ay nananatili paring nakatayo. Nang tingnan ko siya ay doon ko napagtatantong hawak pala niya ang kamay ko. Napatingin naman siya sa akin at agad na binitawan ang kamay ko ngunit pareho kaming natahimik at hindi makatingin sa isat isa. Nauna siyang maglakad patungo sa upuan niya habang ako ay naiwang mag isa at hindi malaman ang gagawin. Hindi naman iyon ang unang beses na may humalik sa noo ko subalit ito ang unang beses na hindi si JM ang may gawa. Tahimik akong bumalik at naupo sa aking upuan na siyang katabi lamang ng kay Jovann. Tahimik siyang nakadukduk sa kanyang desk kayat hindi ko na lamang siya pinansin, hindi ko rin naman alam kung dapat ko ba siyang kausapin. “Sorry,” Nabigla ako nang bigla ay bumangon siya mula sa pagkakadukdok saka nagwika. Sa kabiglaan ay hindi ako nakakibo at sa kamalasan ay sininok pa habang nakatingin sa kanya. Bigla ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi, ngunit muli ay sininok na naman ako kayat napalakas ang tawa niya, pati tuloy ako ay natawa na lamang din. Hindi na namin pinag usapan ang naganap kanina ngunit sapat na ang mga ngiti sa aming labi upang ipahayag na ayos ang lahat. Nang sumapit ang uwian ay agad akong umuwe dahil pag iisipan ko pa ang gagawin ko sa office ng principal. Excited akong pumasok sa bahay namin upang ibalita kay nana yang nakakatuwang pangyayari sa akin sa school. Ngunit nawala ang ngiti ko nang marinig ang masayang pag uusap ng mga kapatid ko sa cellphone. Sa pakiwari ko ay si tatay ang kausap nila kayat hindi na ako sumali pa. Nagtungo na ako sa kwarto upang palitan ang uniform ko ng aking pangbahay. “Anak tatay mo,” sambit ni nanay na tinanguan ko lamang saka bahagyang ngumiti. Naupo ako malapit sa kanila saka ko na lamang pinakinggan ang pinag uusapan nila. Binabalita nito na maganda raw ang pasahod ng amo niya, malaki daw ay minsan ay may libreng pagkain pa sila kayat sigurado na malaki ang maiuuwe nitong pera sa amin. Tuwang tuwa ang mga kapatid ko lalo na nang panngakuan sila ng pasalubong ni tatay. Sa nakikita kong saya nila ay ibang saya naman ang aking naramdaman, masaya ako na kahit paano ay mararanasan ng mga kapatid ko ang ginhawa. “Dear JM, Kamusta kana? Kamusta ang school mo, nag aaral kabang mabuti? Baka naman mamaya pasaway ka dyan. Mag aaral kang mabuti at wag na wag kang gagawa ng ikasasakit ng ulo ng mama mo. Tuparin mo ang pangako mo na magsisikap ka para matuwa ang mama mo at para balang araw ay mapatunayan natin sa kanya na magagawa nating ayusin ang mga buhay natin. Ako dito maayos naman ako. Bagong school, bagong mga kakilala. Pero hinding hindi ko kayo ipagpapalit, kayong ng mga kaibigan natin. Nga pala, alam mo naipagpapatuloy ko dito ang hilig ko sa art. Sa totoo lang nalulungkot ako dahil hindi natupad ang partnership sana natin sa art contest noon. Pero gusto ko ibalita sayo na nabigyan parin ako ng pagkakataon upang ipagpatuloy iyon sa pamamagitan ng pag didesenyo ng mga room at office dito sa school. Sobrang saya ko kapag nagagandahan sila sa gawa ko. Sana tuloy tuloy na ito. Ipagdasal mo ako gaya ng pagdadasal ko sayo. Sana sa muli nating pagkikita ay may maayos na tayong mga buhay, iyong kapwa na natin maipagmamalaki ang bawat isa. Ina Isinara ko ang notebook ko matapos kong magsulat doon. Bahagya ko itong hinaplos saka inilagay sa aking dibdib at niyakap. Nais ko sanang sabihin lahat kay JM, lalo na ang mga masasayang pangyayari sa buhay ko ngunit ito lamang ang tanging paraan sa ngayon. “I missed you,” bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD