KABANATA VI

2339 Words
Zaina Jhin Nagtatakang inilibot ko ang aking paningin sa loob ng apat na sulok ng silid ngunit anino man ng pakay ko ay hindi ko nakita. Sinikap kong hanapin muli sa isa pang pagkakataon ngunit hindi ko talaga siya makita. Isang malalim na buntong hininga ang aing pinakawalan saka nagtungo sa silyang nakalaan para sa aming mga 1st year representative. “Reighn, si Jovann?” tanong ko kay Reighn matapos kong tumabi sa kanya. Inilapag ko ang mga reviewer na dala ko saka nagsimulang ayusin ang mga ito. “Hay Zaina, buti dumating kana. Kanina pa ako naiinis dyan sa boyfriend mo ha, ang tigas ng ulo,” Natigilan ako hindi dahil sa tuloy tuloy na sumbong ni Reighn, kundi dahil sa salitang boyfriend na binanggit niya. “Boyfriend?” takang tanong ko, bilang pag uulit na rin kung tama ba ang narinig ko. Ngunit sa pagtataka ko ay nginisihan lamang ako na may pang aasar ni Reighn na lalo kong pinagtaka kayat napaka kunot noo tuloy ako. “Nako Zaina, napaka malihim mo. Diba nga kay Jovann na mismo nanggaling na kayo na,” nakangiting sambit ni Reighn na lalo kong pinagtaka. Wala akong matandaan na naging kami ni Jovann. “Wala akong maalala,” sagot ko. “Baby it’s okay, si Reighn lang naman iyan, pwede naman siguro niyang malaman,” Lalong nalukot ang muka ko nang mula sa likod namin ay biglang bumangon ang nakahiga palang si Jovann. Idagdag pa ang sinabi niya na, teka ano daw? Baby? “Diba nga inamin na natin nung nangungulit si Ricky,” agap na wika ni Jovann nang magtangka akong magtanong tungkol sa sinasabi niya. Tinitigan niya ako nang tingin na tila nagsasabing sumakay ka nalang. Doon ko naalala yung time na napilitan siyang sabihing kami para tigilan ako ni Ricky. Napangiwi ako matapos marealized na naniwala pala sila sa sinabi ng siraulong Jovann na ito. “Ah oo nga pala,” tanging naisagot ko na lamang habang pinandidilatan si Jovann na ngingisi ngisi pa. Buti na lamang ay hindi na iyon napansin ni Reighn dahil bigla ay nakareceived siya ng text messages mula sa kanyang cellphone. Mariin ko siyang tinitigan habang binabantaan ng pabulong, ngunit ang siraulo ay nakangiti pang sumandal ng prente matapos akong siksikin upuan namin. Akala niya siguro ay nakaligtas na siya, kung hindi dahil sa kalokohan niya ay hindi sana kami mababalitang mag nobyo. Naiinis ako pakiwari ko ay nagtataksil ako kay JM, kaya ganon na lang ang pag ngingitngit ko. Sa inis ko ay lumipat ako ng upuan sa unahan saka nagsimula nang magreview. Makakabawi din ako sa Jovann nay an pero sa ngayon ay mag aaral muna ako. “Huy! Jovann!” Napaangat ako ng ulo matapos kong marinig ang naiirita nang boses ni Reighn. Actually ay kanina ko pa naririnig na paulit ulit niyang pagtawag kay Jovann, ngunit tila hindi siya pinapansin nito. Nang lingunin ko ay nakita kong nakasandal ito at nakataklob ang libro sa kanyang muka. Nang magtama ang paningin namin ni Reighn ay halata na ang pagkainis nito. “Ikaw na nga Zaina,” wika ni Reighn matapos kong lumapit sa kanila. Mukang suko na si Reighn, kayat wala na talaga akong choice malapit na ang contest kayat kailangan na naming pilitin ang lalaking ito na mag aral sa kahit anong paraan. Marahas kong kinuha ang libro na nakapatong sa kanyang muka kayat ganon na lamang ang gulat niya. Masama agad ang tingin nito sa akin, at dahil nakatayo ako ay kinakailangan pa niyang tumingala. Sinamantala ko iyon upang mamewang saka siya tinaasan ng kilay. “What?” iritang tanong nito. “Last day na nang review natin, baka gusto mo nang magreview,” mataray kong sambit, kailangan kong sindakin ang lalaking ito dahil may katigasan talaga ang ulo nito. Tinitigan lamang niya ako saka muling kinuha ang libro bagay na kinainis ko ng bongga. “Matutulog ako, need ko ng tamang pahinga para bukas,” sambit nito saka muling bumalik sa pagsandal at akmang ibabalik ang libro sa muka niya. Mabilis akong kumilos at saka ko hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya. Isang nagtatakang tingin ang binigay niya sa akin kayat nakipaglaban ako ng tingin. Pero sa totoo lang ay kinakabahan din ako, ilang buwan pa lamang kami magkakilalal ni Jovann, at kahit medyo madalas kaming mag usap hindi ko parin masabi kung magkaibigan naba kami. Hindi ko rin sure kung ano talaga ang ugali nito, bipolar kase ang isang to, madalas magbago ng mood. “Magrereview tayo Mr. Del Fuego!” mariin kong sabi saka siya tinitigan. Bumangon siya mula sa pagkakasandal saka ako pinakatitigan din ng mariin. Pinagpawisan na ako at baka magalit to lalo naming hindi makasundo. Sinikap kong ngumiti ng matamis upang malipat sa magandang mood ang loko. “Please Jovann, unang contest natin to kahit para na lang sa klase natin,” Nilambingan ko nang bahagya ang boses ko at pinaganda pa ang mga mata na tulad don sa mga mata sa cartoons. “Hindi bagay sayo, mas maganda parin ang mata sa cartoons,” wika niya kasabay ng pagpitik sa noo ko. Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya, namalayaan ko na lamang na nakatayo na ito at nakalayo na sa amin. “Teka saan ka pupunta, magrereview nga sabi tayo,” pahabol kong tanong. “Bibili lang ako ng pagkain, nakakatakot yang titig mo baka ako pa kainin mo,” sigaw nito habang naglalakad palayo, wala man lang pakialam kung nakakaabala sa mga kapwa namin estudyante na nagrereview. Ako tuloy ang nahihiya sa ugali ng lalaking ito. Ilang minute lamang ay nakabalik na rin si Jovann at totoo nga na bumili siya nang pagkain. Natuwa naman kami ni Reighn dahil sa totoo lang ay ngugutom na rin kami, nakakagutom ang mag aral. “Oh Mrs. Del Fuego, kumain kana at mag rereview na po ako,” Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Sobra naman ang lapad ng ngiti niya lalo na nang asarin pa kami ni Reighn. Naisahan na naman ako ng lalaking ito, kagaganti ko nga lang heto at nabawian agad ako, pwede bang manakal kahit isa lang. Hindi ko na lamang pinansin at sinimulan na kumain. Nang lingunin koi to ay nagrereview na nga talaga, nakonsensya naman ako kayat inalok ko na siya nang pagkaing siya din naman ang bumili mula sa sarili niyang pera. “Oy, oy Jovann,” tawag ko. “Oh?” patanong na sagot niya nang hindi man lang lumingon sa akin. “Kumain ka na ba? Mamaya na yan kumain ka muna kaya,” wika ko dahil tinamaan talaga ako ng konsensya. Ngunit nawala ang hiyang nararamdaman ko ng lumingon siya sa akin nang may ngiting pang aasar. Sinamaan ko agad siya ng tingin, pero natawa lang siya kayat lalo akong nayamot. “Sige na kumain kana, damihan mo ang payat mo,” mahinahon niyang wika. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi na nang aasar ang tono niya o maiinis dahil sa pinaparating ng salita niya. Minabuti ko na lamang na tumahimik at nagmadaling kumain upang makapagpatuloy na sa pagrereview. Sa ilang oras na pagrereview namin ay naging maayos naman ang lahat. Lahat kami ay nakapagreview ng maayos at nakakatuwa na nagseryoso na si Jovann. “Saan ka pupunta? Doon ang building natin,” nagtataka kong tanong kay Jovann nang mapansin na hindi siya sumama kay Reighn pabalik sa classroom namin at sa halip ay heto siya at sumusunod sa akin. “Boring sa room, sama ko sayo,” sagot niya saka derederetchong naglakad at nilagpasan pa talaga ako. Hindi man lang nagtanong kung pwede siya sumama o hinintay na pumayag ako sa gusto niya. “Hoy hindi ka pwede baka mapagalitan tayo— Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang siyang pumasok. Hindi ko kase agad siya nahabol dahil nagsabi pa ako sa mga teacher namin na papasok na ako sa office ng principal. “Hoy wag kang pasaway dito ha baka mapagalitan tayo, itong mga bulletin board lang ang aayusin,” pauna ko kay Jovann bago isa isang nilabas ang mga dala kong pang design. Nagawa ko na ang mga iyon at ididikot ko na lang naman kayat saglit lang din ito. Iaayos ko lang din ang mga halaman at display na narito upang bumagay ang ayos. “Magaganda to ah, talagang nag effort kapa sa pag gugupit,” puna niya habang isa isang tinitingnan ang mga gawa ko. Napailing na lamang ako saka nagsimulang magdikit. Sinadya ko na nakaready na at ididikit na lamang dahil ayaw kong magtagal sa mga ganitong lugar. Pinagkatiwalaan ako dito ngunit hindi ko nais na magpakapanatag dahil may mga pagkakataon na hindi maiiwasang husgahan tayo lalo sa gaya kong mahirap lamang. Hindi ko alam kung baka mamaya ay pag isipan ako ng hindi maganda kapag nagtagal ako, baka kung ano ang isipin nila mabuti nang makaiwas. “Ano bang pwede kong gawin?” tanong niya. Tiningnan ko siya, naghahanap talaga siya ng gagawin kayat mabuti narin siguro na magpatulong na ako upang makatapos na rin agad. Bumaba ako mula sa pagkakatungtong ko sa upuan saka kinuha ang gunting at inabot iyon sa kanya. “Heto ang ilang bulaklak na ginawa ko, mukang kukulangin ako kayat pakigupit na ang ibang bulaklak,” wika ko saka binigay sa kanya ang mga gugupitin. Nang magsimula siyang maggupit ay iniwan ko na siya at nagpatuloy na sa pagdikit. Ilang minuto na rin akong nagdidikit at nakakailang sulyap na rin ako sa kanya ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Tila nagko-concentrate pa sa paggupit kayat napangiti ako habang naiiling. Muli kong binalik ang tingin ko sa ginagawa ko. Patabos na ako at tinitingnan ko na lamang kung ano pa ang kailangang idagdag nang bigla na lamang napashit si Jovann. Nang tingnan ko ito ay nakatigil na ito sa pag gugupit at nakalagay na ang dalawang kamay niya sa likod niya. “Anong nangyare?” nagtatakang tanong ko. “Wala,” maagap niyang sagot. Hindi ako kumibo nguinit hindi ako kuminsido sa sagot niya, para bang may tinatago siya sa akin. Agad akong humakbang palapit sa kanya ngunit mas naghinala ako dahil bawat lapit ko ay pilit niyang tinatago ang kanyang kamay na nasa likod niya. “Jovann!” sambit ko matapos huminto dahil nag iikutan lang naman kami. “Wala nga to,” wika niya saka pa kumiti upang makumbinsi ako, ngunit hindi talaga ako naniniwala sa ngiti niyang iyan. Napasulyap ako sa lamesa kayat laking gulat ko nang makita ko ang pula doon na tila dugo. Nang lapitan koi yon ay nakumpira kong dugo nga kayat masama ng tingin kong hinarap si Jovann. “Kamay!” wika ko habang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa akin at ipakita ang kamay niya. Nagulat pa ako ng bahagya ng makitang my dugo na iyon. “Konting gupit lang naman,” wika niya na kinainis ko. Konti heto at may dugo na nga. “Maupo ka dyan,” sabi ko saka umalis. Lumabas ako humiram ng first aid kit. Nag aalala pa tuloy ang hiningian ko ngunit sinabi kong simpleng hiwa lamang upang wag na silang magpanic. Maliit lang naman talaga ngunit may dugo kase kayat mabuting linisin ng alcohol at lagyan ng band aid upang hindi bumuka ang pagkakagupit ng balat niya. Nang matapos ay sinamaan ko siya ng tingin saka namewang sa harap niya. “Manahimik ka na lang dyan ah, patapos na rin naman ako,” “Opo,” sambit niya kayat inirapan ko siya saka bumalik sa ginagawa ko. Dinikit ko na ang mga nagupit niya saka nag ayos ng ilang display. Hanggang sa natira na lamang ay ang malalaking halaman na kailangang iusog ng bahagya upang makita ng maayos ang ilang display at disenyo sa silid na ito. Nagsimula na akong magtulak dahil hindi ko naman iyon kayang buhatin. “Tabe!” napaangat ako ng tingin dahil boses na nagsalita sa tabi ko. Sino pa ba edi si Jovann. “Kay payat payat mo ginagawa mo yan, pwede mo naman ipagawa sakin kaya nga ako sumama sayo!” wika niya saka ako tinulak ng bahagya upang maalis ako sa pwesto ko. Nagsimula na siyang magbuhat ng mga pasok habang ako ay napapailing na lamang. Muli ay nagtulak naman ako ng isa pang paso upang makatulong ngunit nang mapalingon siya sa akin ay isang masamang tingin ang nagpatigil sa akin. “Napakatigas ng ulo mo, hindi mo ba alam na masang nagbubuhat ng mabibigat ang mga babae,” “Hindi naman ako nagbubuhat ah,” sagot ko naman. “Ganon na rin yun, doon ka na nga lang. Magpahinga ka na lang kanina kapa gumagawa,” wika niya kayat hindi na ako kumontra pa, sa totoo lang ay pagod na rin ako at masakit na mga paa ko. Habang nakaupo ay pinagmamasdan ko siya, nagagawa naman niya ng maayos at sinusunod ang mga sinasabi ko kayat napangiti ako. Masunurin naman pala ang mokong na ito. Ngunit bigla ay nawala ang ngiti ko nang lumingon siya sa akin at nag tumbs up. Habang nakangiti siya, ibang muka ang siyang nakikita ko. Ang mga ngiti at mga mata niya, ang pagtulong at pag aasikaso niya sa akin. Tila nakita at nadama ko na ang mga ito, sa isang lalaking palaging nariyan sa tabi ko. “JM,” sambit ko. Bigla naman ay nawala ang imahe ni JM na siyang nakita ko, napalitan iyon ng muka ni Jovann na nagtataka. Doon ko napagtanto na nakita ko lamang pala sa isip ko si JM at wala naman talaga siya. Napayuko ako nang makita kong nakatayo na pala ako. “Sino?” tanong niya na agad kong inilingan. “Tapos kana ata, okay na yan halika na alis na tayo,” wika ko saka mabilis na nagligpit ng mga gamit. Tinulungan niya ako ngunit hindi na kami nag imikan pa. Matapos magligpit at magwalis ay umalis na rin kami upang bumalik sa room namin. Muli ay tahimik lamang kaming naglalakad, nagpapasalamat ako at hindi na siya nagtatanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD