KABANATA IX

1289 Words
Zaina Jhin Malayo pa lamang ako rinig ko na ang ingay na nagaganap sa aming bahay kayat napabilis ang hakbang ng mga paa ko. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng ingay iyon, dahil medyo malakas ang boses at sabay sabay pa sa pagsasalita. Kabado ako nang tumapat ako sa pinto namin at agad na pumasok mula sa pinto saka iyon buong lakas na tinulak. Nang makapasok ako ay agad akong natigilan kasabay ng pagtahimik nilang lahat. Nang igala ko ang paningin ko ay naroon ang mga kapatid ko na bakas ang kasiyahan na mukang naudlot lamang dahil sa pagdating ko. Nabaling ang paningin ko mula sa nahinto nilang pagbubukas ng mga laruan hanggang sa pagsusukat ng mga damit. Nagulat ako hindi lang dahil sa mga laruan at damit dahil mayroon ding mga pagkain na hinahanda si nanay. Ngunit ang mas labis na nagpagulat sa akin ay nang makita ko ang aking ama. Nawala na sa isip ko ang araw ng pag uwe ni tatay kayat ganon na lamang ang gulat ko ng makita siya. Hindi ko inaasahan na aabutan ko siya ngayong araw dahil wala naman kasiguraduhan ang pag uwe niya. “Ate andyan kana pala, tingnan mo ang daming pasalubong ni tatay,” masayang sambit ni Vina na agad kong nginitian. “Madami ding pagkain ate,” natutuwang wika naman ni Faye na nilalantakan na ang donut na naroon. Habang papasok ako ay pinagmasdan ko ang uwe ng tatay ko, may letchong manok, donut, ice cream at mga prutas pa. Hindi ko sinasadyang mapako ang tingin ko sa aking ama na kasalukuyang nilalaro si James. Napangiti ako ng bahagya nang makita ko ang paghalakhak ng kapatid ko. Ang mga kapatid ko ay masayang masaya kayat pakiramdam ko ay masaya na rin ako. “Hindi na ako nakabili ng sayo, hindi ko naman alam ang gusto mo,” Natigilan ako dahil sa tinig na iyon ni tatay. Nagtama an gaming mga paningin bagay na hindi ko inaasahan. “Oh eto na lang sayo,” dagdag pa ni tatay habang inaabutan ako ng pera na sa tingin ko ay isang daan ang halaga. Tinitigan ko lamang iyon sapagkat hindi ko magawang igalaw ang mga kamay ko marahil ay dahil may pumipigil mula sa isip ko. “Pang load mo,” wika pa niyang muli kayat napatitig ako ng matiim sa kanya. Ibinili nya ng mga laruan at damit nag mga kapatid ko habang ako ay binibigyan niya ng pera para ano? Pang load? Nais kong matawa, wala ba talaga siyang alam na gusto ko kayat hindi niya ako naibili o dahil wala siyang paki alam sa akin. Hindi namana ko naghahanap ngunit ang mabigyan ako, kahit ano pa iyan malaki man o maliit ay ikasisiya ko. “Anak tanggapin mo na, para nagagamit mo ang cellphone mo,” sabi ni nanay na agad inabot nag perang binibigay ni tatay saka pilit na nilalagay sa kamay ko. Nang mailagay ito ni nanay sa palad ko ay nagawa ko lamang itong pagmasdan at manatiling tahimik. “Kulang paba yan, heto dagdag mo, bumili ka nalang ng gusto mo, para na din makapili ka anak,” Muli akong napatitig sa nakangiti kong ama. Gulat ang siyang una kong naramdaman dahil sa pagtawag niya sa akin ng anak, ngunit bigla ay ang pagsirit ng lungkot mula sa aking puso sapagkat naalala kong hindi kase siya lasing, kaya nyang magpanggap. Hindi ko alam kung mali ba ang paraan ng pag iisip ko sapagkat puro negatibo ang naiisip ko pagdating sa aking ama. Oo nga’t mabibili ko ang nais ko sa perang binibigay niya, ngunit isa akong anak na naghahangad na mabigyan ng konting pagamamahal mula sa amang tila ang layo ng loob sa akin. Hindi naman siguro kalabisan kung hahangarin kong makaramdam ng kahit kongting pag papahalaga mula sa kanya. Sa simpleng maalala niya akong bilan ng kahit anong bagay na mumurahin lang ay sapat na bastat alam kong binili iyon ng tatay ko. Mabilis akong tumalikod ng maramdaman ko ang biglang pag iinit ng aking mga mata, alam kong nagsisimula ng mamuo ang mga luha na pilit ko pang pinipigilan. Isang pamilyar na kirot na naman ang siyang aking naramdaman ng dahil sa saglit na tagpong iyon sa amin ng aking ama. Bago pa man tuluyang bumagsak ang mga luha ko ay nakapasok na ako sa aming kwarto. Doon ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko sapagkat nasasaktan ako. “Anak,” Agad kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi ng marinig ko ang tinig ni nanay. Sinikap kong kalmahin ang aking sarili upang makaharap ako ng maayos kay nanay, pinilit kong ngumiti upang maitago ang tunay kong nararamdaman. Subalit agad akong natigilan ng makita ang malungkot niyang mga mata na nakatunghay sa akin. Doon ay naisip kong hindi ko na kailangan magpanggap dahil siguradong batid na ni nana yang nararamdaman ko. “Mahal ka ng tatay mo anak,” sunod sunod na iling ang naisagot ko sa nanay ko ng sambitin niya iyon, kasunod ng mga luhang mabilis nagsiagos sa aking mga pisngi. Lumapit agad si nanay sa akin saka masuyong hinawakan ang aking muka upang pigilan ang aking pag iling. Nagawa ko pang salubungin ang kanyang mga tingin habang ang kanyang mga palad ay abala sa pagpupunas sa aking mga luha. Gaya ko ay lumuluha narin si nanay at alam kong nasasaktan ito para sa akin. Batid ko rin gusto niyang pagaanin ang kalooban ko kayat paulit ulit niyang sinasabi sa akin na mahal ako ni tatay kahit pa pareho naman naming alam na iyon ay walang katotohanan. “Nay gusto ko rin po ng laruan at damit, gusto ko parin maglaro ng laruan at magsuot ng damit na bigay ni tatay,” umiiyak na wika ko na siyang tuluyang nagpaluha kay nanay. Hindi ito kumibo ngunit mahigpit na yakap ang kanyang ibinigay sa akin. Ang yakap ng isang ina na sa tuwina’y siyang pumapawi sa kalungkutang aking nadarama. Sa gabing iyon ay mas lalo lamang nadagdagan ang bigat sa aking dibdib. Aaminin kong sa bawat araw na lumilipas ay patuloy parin akong umaasa na mararamdaman ko din ang pagmamahal ni tatay ngunit sa tuwina ay bigo lamang ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako aasa, hindi ko din masigurado kung may aasahan pa nga ba ako lalot sa tuwina ay lalo lamang ipinamumuka sa akin na katotohanang wala akong halaga sa aking ama na pilit ko namang tinatanggi. Gaya ng madalas kong ginagawa, ang pag alala sa bilin ni Inang ang siyang naging sandalan ko upang magpatuloy. Muli ay inalala ko ang habilin ni Inang na intindihin at mahalin ko ang aking ama kayat sa huli ay pinilit ko paring magpakatatag kahit ang sakit sakit na. Muli kong pinagpatuloy ang aking buhay, ang pag aaral ko na siyang pinakamahalaga sa lahat. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng contest na aming sasalihan, ang araw na labis naghatid sa akin ng kaba at kaligayahan. Kaba sapagkat ngayon na lamang ako muling sasabak sa academic contest, saya sapagkat kaygaan sa pakiramdam ang muli kong pagsubok sa pakikipagtalasan ng kaalaman. Tatlo kami nila Jovann at Reign na nilaban sa contest, at ng araw na iyon ay magkakahiwalay kami ng silid na pagdadausan kayat mas lalo kinabahan. Ngunit bago kami naghiwahiwalay ay nagkaroon kami ng maikling dasal upang humingi ng gabay sa Panginoon upang maisagawa namin ng maayos ang pagsagot sa patimpalak na iyon. Naroon parin ang kaunting kaba ng magsimula ang contest subalit mas nanaig sa akin ang kagustuhang mairaos ng maayos ang laban kayat nagtiwala ako sa aking sarili at sa tulong ng Panginoon alam kong magagawa namin ito ng maayos. Basta, manalo o matalo ay buong puso kong tatanggapin kung iyon ang kaloob sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD