KABANATA VIII

2273 Words
Jozelle Napaangat ako ng ulo at muli ay napatingin sa pinto ng aming silid aralan dahil sa mga bagong parating na inakala kong si Zaina. Kanina ko pa kase hinihintay ang babaeng iyon dahil hihiram ako ng suklay, ngunit halos lahat na ata ng mga kaklase namin ay narito na ngunit wala parin siya. Nakakapagtaka nga dahil dapat ay kanina pa siya narito sapagkat nauna pa siya sa akin na bumalik mula sa canteen. Naghiwalay kami kanina dahil nagtungo pa ako sa room ni sir Castro, kayat inaasahan ko sana na narito na siya. Saan naman kaya angtungo iyon, hindi naman non hilig ang tumambay sa labas. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ulit nag klase, kailangan ko na talagang mag ayos at mag ipit ng buhok kong kulot. Hindi naman siguro magagalit si Zaina kung bubuksan ko na ang bag niya para makahiram na ako ng suklay. Nakakainis naman kase ngayon ko pa naiwan ang suklay ko, pinaka kailangan ko pa naman iyon dahil sa bumubuhaghag ang buhok ko kayat dapat palaging higpitan ang pagkakatali nito. Nakakailang tingin pa ako sa pinto at nagbabakasakaling dumating si Ina ngunit nang wala pa ito ay naglakas loob na akong buksan ang bag niya. Ipapaliwanag ko na lamang mamaya pagdating niya. Pagkabukas ng bag ni Zaina ay mapapangiti ka talaga, dahil sa napakaayos ng bag nito. Ang mga notebook niya ay maayos na nakalagay pati narin ang mga ballpen at ilang mga kagamitan. Talagang organized person ang kaibigan kong ito. “Teka nasaan kaya nag suklay niya, bakit wala ata dito, pulbos lang ito at salamin,” wika ko habang patuloy sa paghahanap ng suklay. Ilang beses ko pinag isipan bago ko isa isang inilabas ang mga gamit ni Zaina upang makita ko kung nasaan ang suklay. Pinagpag ko pa ang mga notebook niya dahil nagbabakasakali akong naipit lamang sa isa sa mga notebook. Ngunit sa halip na suklay ay isang papel ang nalaglag mula sa isang notebook na tila hindi naman namin subject notebook. Nahulog pa ito sa ibaba kayat yumuko pa ako upang madampot ang isang maliit na papel na iyon. “Ano to?” nagtatakang sambit ko matapos pulutin ang papel na kulay dilaw. Napakunot noo ako dahil ang dilaw na papel ay may isang papel na idinikit doon na marahil ay para maging matigas dahil parang papel ng ordinaryong notebook lamang iyon. Napangiti pa ako ng mabasa ko ang isang salitang nakakakilig. “I love you Zaina Jhin,” bigkas ko sa salitang naroon. May pangalan na nakalagay sa baba, from JM. Nang mag angat ako ng tingin ay siya namang pagpasok nina Zaina at Jovann mula sa pinto ng aming room. Nakasimangot si Ina habang si Jovann naman ay sobrang lapad ng ngiti at panay pa ang bulong kay Ina kayat madalas ay nakakatanggap siya ng tampal mula sa kaibigan naming tila napipikon na. “Ano na naman ginawa mo?” natatawa kong tanong kay Jovann nang mauna itong makaupo sa upaun namin habang si Ina ay kinakausap pa ng kaklase namin tungkol ata sa report niya mamaya. “Wala naman, nakita kase namin si Ricky kaya hayan badtrip na naman,” natatawang sagot ni Jovann at mukang narinig ata ni Zaina dahil inambaan agad siya. Napapailing na lamang ako habang natatawa sa kakulitan ng dalawang ito, away bati sila ngunit madalas naman ay palaging magkakampi sa lahat ng bagay. “Bakit ang tagal mo nauna pa ako sayo dito?” tanong ko kay Zaina nang makaupo ito sa tabi ko. “Paano kase may isa dyan na lumandi pa,” sagot nito saka tumingin sa katabi niyang si Jovann na kasalukuyan ng nakapikit at nakasandal sa kanyang upuan. Naka headset ito kayat hindi na narinig ngunit muli ay tinampal ni Zaina sa braso kayat napaaray na naman ang kaawa awang Jovann. “Ay maiba ko, sorry ha pinakialaman ko na ang bag mo maghahanap sana ko ng suklay,” sambit ko na tinanguan lamang niya. Abala siya sa pag aayos ng mga gamit niya para sa report niya mamaya. “Nasa bulsa ko eh, heto oh,” wika niya saka inabot sa akin ang suklay niya. “Zaina may itatanong sana ako, kung okay lang,” sambit ko kayat napatingin siya sa akin. “Sige ano ba yun, magsalita ka lang dyan nakikinig naman ako,” sagot niya saka muling bumalik sa pag buklat ng gamit niya. “Iba kase ang nakita ko kanina, hindi ko naman sinasadya na makita iyon,” “Ano bang nakita mo?” tanong pa niya na wala pa ding kaalam alam. Sa totoo lang ay nahihiya din ako dahil nakita ko ang hindi na dapat ngunit nais ko ding malaman ang ibang tungkol sa kanya kayat sana ay wag niya masamain ang pagtatanong at pangingialam ko. “Isang papel eh,” sambit ko, hinihintay kong magreact siya ngunit baliwala parin. “Asus papel lang pala,” “May nakasulat na, I love you Zaina Jhin,” Napahinto siya sa kanyang ginagawa saka dahan dahang napatingin sa akin. Nawala ang kaninang ngiti niya at bigla ay tila nanlambot ang kanyang mga tingin na para bang nauupos siya. “Sino si JM?” tanong ko na lalong nagpakaba sa kanya, hindi ko alam kung dahil ba sa medyo napalakas ang pagbigkas ko sa JM o dahil sa mismong tanong ko. Kitang kita ang pagiging biglang pagkailap ng mga mata niya. Naihulog din niya ang notebook na hawak niya kayat mas napaisip tuloy ako. Sino nga ba si JM at ano ang naging papel niya sa buhay ni Zaina. “Sorry ha, hindi ko sinasadayang makita,” nahihiya kong sabi. Umayos siya ng upo at saglit na tumingin kay Jovann, tila sinisigurado niya kung naka headset parin ito at natutulog. Kapag kase ganitong wala kaming klase ay madalas matulog iyang si Jovann lalo na at naka headset na. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago tumingin sa akin. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi kayat nawala kahit paano ang kaba ko. Inilahad niya ang kanyang kamay kayat iilagay ko sa kanyang palad ang papel na nakita ko. Pinakatitigan niya ito saka muling tumingin sa akin., protector, “Galing ito sa pinaka special childhood friend ko. Bestfriend, supporter, protector, enemy and childhood sweetheart,” pagsisimula niya. Nais kong marinig ang lahat kayat minabuti kong manahimik at hayaan siya sa pagkokwento. “Sa probinsya kase transferee ako noon, isang bata ang palagi akong inaaway, naiinis siya sa akin kase taga Maynila daw ako. Pero dahil doon na ako nag aaral sa school nila, hindi nagtagal ay nagkasundo din kami at naging close,” napangiti siya matapos magkwento, ramdam ko na masaya siya habang binabalikan ang nakaraan. “Habang lumilipas ang mga taon ay mas nagkalapit kami, ang dating magkaaway ay naging magkakampi. Mula noon ay palagi na niyang sinasabi at pinaparamdam na gusto niya ako, at sa totoo lang mula din noon ay gusto ko din siya. Ngunit dahil mga bata pa kami at hangad ko ang makapag aral ng maayos, mas inuna at binigyang pansin ko ang main goal ko, ang mag aral at makatulong sa pamilya ko,” Saglit siyang nanahimik at muling tiningnan ang sulat ni JM. Binuklat niya ang bag niya ay mula doon ay inilabas niya ang isang notebook, inabot niya sakin iyon at saka bahagyang tumango. Naintindihan ko kayat binuksan ko na upang masagot ang ilang tanong ko. Doon ay nakita ko ang mga mensahe ni JM sa kanya noon, simple ngunit nakakakilig. “Mahirap lang kami lalo doon sa probinsya, madaming beses na kapos kami, sa pang araw araw na pangangailangan sa buhay, sa school, lahat lahat. Siya ang naging sandalan ko sa lahat ng problema, ang palaging nagpapalakas sa akin, ang palaging nakaagapay sa akin. Noon kapag kasama ko siya para akong prinsesa at siya ang prinsipe ko. Ayawan man ako ng ibang tao, ngunit siya ay hinding hindi nagbago sa akin, Naging malinaw ang lahat sa aming dalawa, gusto niya ako at gusto ko din siya,” Nagulat ako dahil sa biglang pagtulo ng luha niya, ngunit agad niya iyong pinunasan at muli ay nakangiti parin. “Maayos naman ang lahat noon, sabay kaming nangarap at nangako sa isat isa na magtutulungan upang maabot an gaming mga pangarap. Sabay naming aayusin ang buhay namin at patutunayan namin sa lahat na balang araw magkakaroon kami ng maayos na buhay,” “Anong nangyare? Bakit nandito ka at magkahiwalay kayo?” Hindi na ako nakatiis at naitanong ko na. “Dahil sa kahirapan ng buhay kinailanngan ulit naming bumalik dito sa Maynila. Nasira ang lahat sa akin, ang honor na pinaghirapan ko, ang scholarship na inaasam ko, at siya na iniwan ko,” wika niya at doon ay hindi na niya napigil ang pagluha. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng sakit at pait na maging ako ay ramdam ko. “Siya si Jude Maikko Gonzales o JM. Ang lalaking lubos na nagmahal sa akin,” nakangiti ngunit patuloy sa pagluha na hindi na niya nagawa pang pigilan. Naramdaman ko na lamang na tumulo na rin ang luha ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya upang kahit paano ay mapagaan ko ang kanyang damdamin. Ang sakit na dinadala niya na hindi ko alam ganon pala kalalim. Ilang oras na ang nakalipas mula nang malaman ko ang kwento sa likod ng buhay ni Ina at ni JM. Ngayon ko lang nalaman na Ina pala ang palayaw niya, madalas kase ay Zaina ang tawag namin sa kanya kayat halos lahat kami ay hindi namin alam na Ina pala ang tawag sa kanya doon sa probinsya nila. Ako nga pala si Jozelle ang kaibigan ni Ina ngayon dito sa Maynila. Mula ng araw na magkakilala kami ay naging magaan na ang loob ko sa kanya. Madalas din na kami ang palaging magkasama, actually halos kami lamang ni Jovann ang palaging sinasamahan ni Ina. Hindi naman siya suplada sa mga kaklase namin ngunit pansin ko na ilag siyang makipag close lalo sa mga lalaki. Ngunit dahil sa kwento niya kanina ay nasagot na lahat ng katanungan ko. Hindi na gusto ni Ina nag maulit pa ang nakaraan, nasasaktan siya sa tuwing naalala niya na may mga kaibigan siyang naiwan sa probinsya, mga mahal niya na ngayon ay hindi na niya nakakasama. Ayaw din niyang mapalapit sa iba dahil tanging isang lalaki lang ang nais sana niyang manatili sa puso niya, at iyon ay si JM. Sa totoo lang una palang ay hanga na ako kay Zaina Jhin, dahil napakatalino niya at talagang sobrang sipag mag aral. Wala siyang sinasayang na oras pagdating sa pag aaral. Napakahusay din niya sa lahat ng bagay, magdrawing lalo na magreport sa harap. Ako aaminin ko ayaw na ayaw ko ang magreport sa harap dahil nakakatakot at nakakakaba. Ngunit siya ay tila vitamins sa kanya kapag nagrereport siya. Siguro dahil iyon sa minsang nabanggit niya na pangarap sana niyang maging guro balang araw. “Huy nakinig kaba baka mag pa quiz si mam, bawal kopya ha,” nakangiti niyang wika sa akin matapos niyang maupo sa upuan niya. Natatawa pa ako dahil sa paraan ng pagpapaalis niya kay Jovann sa upan niya. Hinila lang naman niya ang tenga nito kayat napaaray na naman ang makulit at maarte naming kaibigan. Noong una ay akala ko hindi ako magkakaron ng kabigang gaya nila kase parang ang labo na magustuhan nila ako bilang kaibigan. Si Zaina Jhin na maganda na matalino pa, si Jovann na alam naman naming lahat na may kaya sa buhay at may pagkasuplado at tahimik. Ngunit nang makasama ko silang dalawa doon ko sila lubos na nakilala. Kapwa mabait at may mabuting puso kaya naman masaya ako na naging kaibigan ko sila. “Napakasadista mo talaga! Isusumbong na kita sa nanay mo,” sambit ni Jovann na kinatawa ko, akala mo naman ay magagawa niya. “Subukan mo lang,” pananakot naman ni Ina na may kasama pang banta. “Kung ibigay kaya kita kay Ricky, tingnan ko lang kung hindi ka mastress araw araw,” tumatawang pang aasar ni Jovann kayat napasimangot si Ina. Ayaw na ayaw niya talaga kay Ricky. Ako din naman ay naiinis sa lalaking iyon, pogi naman pero ang angas kase sobrang lakas ng dating at kay kapal ng muka. “Kung ibisto kaya kita sa mga baba emo? Tingnan ko lang kung hindi ka makatikim ng malulutong na sampal!” Hindi talaga papatalo itong si Ina, natatawa na lamang ako sa kakulitan nila. Ganito sila palagi mag asaran, walang nais magpatalo. “Zaina Jhin, halika muna dito,” Natigilan kami nang tawagin si Ina nan gaming guro. Mabilis siyang umalis at nagtungo kay mam ngunit bago pa siya umalis ay mabilis din siyang nakakurot kay Jovann kaya heto at hihimas himas ng braso si Jovann. “Yang kaibigan mo sarap itapon, sobrang s*****a,” nakangiwing sambit ni Jovann. “Kaibigan natin, saka bakit kaya mo ba?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang pagtatapon niya kay Ina. Napakamot siya sa ulo kayat natawa akong muli. Binaling ko ang tingin ko sa harap at tumawang tuwang si Ina marahil ay dahil nagustuhan ng aming guro ang kanyang report. “Gusto ko siyang makilala,” Napalingon ako kay Jovann na bigla ay nagsalita. Hapakunot noo tuloy ako dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Binalikan ko pa tuloy kung ano ang napag usapan namin kanina upang alamin kung sino ang nais niyang makilala. “Si JM,” sambit niya na wala man lang reaksyon maliban sa nakatitig siya kay Ina. Paano niya nalaman ang tungkol kay JM, gayong tulog siya kanina. Hindi kaya? Gising kaba kanina Jovann?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD