CHAPTER 1
LUNA'S POV.
***********
Ako nga pala si luna cruz "oh diba cruz yung apilyedo ko pero hindi naman ako yayamanin"probinsyana ako,kaya galing ako sa hirap pero dahil sa pag pupursigi at pagsasakripisyo ni mama ay nakapundar naman siya kahit papano pero sakto lang naman.
masarap manirahan sa probinsya maaliwalas ang paligid at syempre di mawawala ang original na aircon."hangin kasi yun.sa sobrang lakas ng hangin aantukin ata ako pero hindi,kumakalam ang sikmura ko kailangan kong bumaba at kumain ng pang umagahan.diba nga sabi nila "Breakfast is the most important meal"atyussssss nakapulot na naman ako ng inglis kuno.pagbaba ko nga ay naabutan ko si mama na naghahanda ng almusal.
"oh luna buti naman at gising kana,abay akala ko magdamagang tulog na naman gagawin mo.saad ng nanay kong ang aga aga palang bumabaril na naman ang bunganga niya akala niya siguro ay natulog ako,inaantok nga ako eh.
"Ma naman,parang ang aga pa ata para pagalitan niyo ako,-paawa effect kong sagot.
Hay naku!bata ka malapit na ang pasukan and you need to get ready soon luna. kunot noong sabi niya.
"Yeah! I know.pero sulitin ko muna habang hindi pa naman pasukan.syempre pag nasa school na ako gabi na lang ako makakatulog kaya itulog tulog ko nalang muna.pasimangot kong sagot habang nagpapalaman ng slice bread.
si mama kasi ang lagi kong kasama ganun lang kami mag usap pero mahal namin ang isa't isa.Actually dalawa lang kami hindi ko kasi alam kung anong nangyari sa kanila ni papa kapag kasi nagtatanong ako about kay papa biglang nag iiba ang reaksyon ng mukha niya na para bang may mali.
i mean,parang may bangayan sila ng papa ko.kaya mas mabuti ng hindi nalang ako magtatatanong about kay papa.
bat ko ba yun tinatawag na papa eh di naman nagpaka ama.may kapatid ako at nasa puder siya ni papa,parang naghati lang sila ganun.
"Luna sigaw ni mama dahilan upang mawala ako sa pagkakatulala.Kanina kapa tulala.
ano bang nangyayari sayo?pag aalalang tanong nito.
ahmm...wala po.sige ma akyat nako sa kwarto ko'kunot noong sagot ko kay mama,sabay alis sa kusina at tumungo na nga ako sa kwarto ko.
"humiga ako at kung anong sumagi sa isip ko dahilan upang maalala ko kung anong sakripisyo ni mama sakin mula bata ako and now im 18.
Sa totoo lang naawa ako kay mama,sa dami ba naman ng sakripisyo niya,alam kong nahihirapan na siya at alam kong bukod sa akin ay gusto din niyang makita at makasama ang kapatid ko.Hindi ko pa kasi nakikita at nakikilala ang kapatid ko kaya diko alam kung ako ba ang panganay o siya.diko din alam kung babae ba siya o lalaki.wala ganun talaga,ganun ang buhay basta piliin ko nalang maging masaya."
Next week na nga ang pasukan at kailangan ko na talagang ihanda ang sarili ko.lalo na at magbabagong buhay na tayo,este new school,new friends and syempre new me hehe.nag iimagine nga ako kung paano ba ang feeling ng new student.kagaya din ba ng iba ng mga napapanood ko na may mga prince charming? At yun nga diko namalayan kinikilig na pala ako.
Luna ilabas mo ang mga uniporme mo at ng malabhan ko na'sambit ni nanay lita ang matandang katulong namin pero hindi pa naman siya ganun katanda,mabait siya at maalaga sakin,mula kasi bata ako kasama na namin siya and i know naman na siya ang pinagkakatiwalaan ni mama para mag alaga sakin pero dalaga na ako,so hindi ko na kailangan ng mag aalaga pa sakin.and of course hindi na ako bata.
kaya ko naman na ang sarili ko.at tumayo nga ako at kinuha ang mga nakatagong uniporme ko,malinis pa naman ang mga yun at alam kong bibili din naman si mama ng bago pero mas okay na yung madaming pagpalitan kesa sa iisa diba?
binigay ko na nga yun kay nanay lita.
Luna hindi ka paba nag aayos ng mga gamit mo?pasukan niyo na,ihanda mo na lahat ng mga gamit mo at ilagay mo sa bag mo para wala ka ng gagawin."
Opo,pero maya maya nalang po,sagot ko.Sige bumaba kana at tulungan mo ako sa baba may bisita si mama mo kaya maghanda tayo ng tanghalian natin.pagmamadaling sabi nito.
N-Nay diba mula bata ako kasama kana namin?So alam mo din ba ang nakaraan ko?tungkol kina Ma-.
Luna hindi na dapat natin yan pinag uusapan,alam mong ayaw ng mama mo na hinahalungkat ang nakaraan.pagpuputol niya sa pagtatanong ko.
pero nay gusto ko lang naman malaman,bakit ayaw magsabi sakin si mama?
Kasi nasaktan siya,Nasaktan siya ng sobra ng ilayo ng papa mo ang kapatid mo sa kanya,sabi lang nito at umalis na.
naiwan akong tulala nag iisip kung bakit ginawa yun ni papa,bakit kailangan iwan niya si mama.siguro may ibang pamilya siya.pero bakit kinuha niya pati ang kapatid ko?Ang dami kong tanong sa isip ko na alam kong hindi yun masasagot ni mama ngayon.pero malalaman ko rin kung bakit nangyari yun.malalaman ko rin.
"Bumaba na nga ako at dumeretyo sa kusina at andun nga si nanay lita na nagtitimpla ng juice,at sabay tawag sakin.
ilagay mo ito sa mesa nila mama mo pati narin itong meryenda nila.sambit niya sabay abot sakin ng juice at tatlong slice na cake,at ganun nga mabilis nga ako nagtungo sa kinaroroonan nila at nilagay ito sa harap nila.
tila may pinag uusapan silang importante naputol ito ng mapatingin sakin ang babae.
Sis ito naba ang anak mo?May dalaga ka na"naka ngiting tanong nito.at ngumiti lang din si mama sa kanya.
at nagpaalam na nga ako sa kanila at bumalik sa kusina.
"Luna iha!bakit ganyan ka makatingin sa kanila?
Ahmm...Wala po inaalala ko lang po kung kilala ko po sila pero parang wala naman akong matandaan.
" Wala ka talagang matandaan katrabaho ng mama mo mga yan at syempre baka matatalik niya ring kaibigan,sagot nito sakin.tumango nalang ako at ini slice ang mga kalabasa na nasa harapan ko.syempre pakbet fav.ko eh.
Natapos na nga kaming kumain at andito na ako ngayon sa kwarto ko na paikot ikot palinga linga.syempre linggo na bukas at sa susunod na araw pasukan na.
So i can't imagine myself habang patanga tanga sa school namin?inis ko sabay padyak padyak ng paa ko,oh diba baliw lang.
Tulad ng sabi nanay lita ay inayos ko na ang mga gamit ko syempre para hablutin ko nalang wala ng kung anong anek anek pa na ilalagay.
hindi na ako kakain ng hapunan ,wala kasi akong gana napadami nga ako ng kanin kanina syempre ikaw ba naman mag ulam ng gulay mapapadami talaga ako ng kain.
....in the morning....
Sunday ngayon at syempre pasukan na bukas kaya bisita muna ako ng simbahan at magdasal na sana hindi ako tatanga tanga bukas.
Aalis ka?tanong ni nanay lita sakin.
Yes.im going to church nay,bye...sagot ko at umalis na nga.
Nagtungo nga ako sa simbahan at syempre madaming tao linggo eh!second mass na nga ang naabutan ko maaga pala kasi nag umpisa ang first mass.pumasok na ako sa loob at naupo sa may likod.
Tapos na ang misa at naglalakad ako patungo sa park madami ring tao.mga magjowa.pamilya ganun.pero hindi ko namalayang mapatitig sa masayang pamilya na nakaupo sa may gilid at hinahabol ng papa ang kanyang anak,napapangiti ako habang natingin sa kanila.hinahalikan at niyayakap niya kasi ang anak niya pag nahuhuli niya ito.green minded ka no?syempre bata yun.
hindi ko namalayan na napapaluha na pala ako habang nakangiting nakatingin sa masayang ginagawa nila.na sana ganun din ako.
Tumulo ang luha ko dahilan upang mabuhayan ako.
Oo.naiingit ako kasi wala akong ganun ka sweet na ama.
Why am I thinking about him? He doesn't care about me.
At umalis na nga ako dun bago pa bumuhos ang mga luha ko wala pa man din akong dalang baldi.pupunta pa sana akong bayan pero mas pinili kong umuwi nalang.
Pagkarating ko ng bahay,dumeretyo ako sa kwarto ko at nagbihis.pagkatapos ay bumaba ulit ako at kanina pa ako nauuhaw.
How was the mass? You didn't even bring anything, didn't you buy something for yourself? Bungad sakin ni mama na kanina pa pala sa kusina kasama si nanay lita.
I don't want anything. We have bought everything I need for school"sagot ko at kumuha ng yogart sa ref.
Kakain ka pa ng yogart?ayaw mo ba kumain ng kanin?pasingit naman ni nanay lita.
Luna kakain na tayo mamaya na yan.para maka pagpahinga kana.at bukas ihahatid kita sa school.
Yes Ma.sagot ko nalang at naupo na.
Gabi na at kinakabahan ako para bukas.alam ko naman na pala kaibigan ako pero syempre hindi mo parin maiwasang may mang away sayo.pero hindi lang naman siguro ako ang new students dun alam ko madami rin kaya nawala na ang kaba ko, at napalitan ng excitement.
"At nagulat nalang ako ng may gumigising sakin si nanay pala.Hindi ko pala namalayan nakatulog na pala ako pag gising ko umaga na.
Luna bumangon kana baka ma late ka pa sa school.maligo kana at bumaba na.sambit niya at agad ding bumaba.
Gulat ako naalala ko first day of school ngayon tapos malelate lang ako, NO WAY.
agad akong bumangon at nagmamadaling pumunta sa banyo at naligo na.nakapag palit na ako at agad na akong bumaba para mag almusal.
Bilisan mo.kekembot kembot kapa.alam mong pasukan niyo ngayon mag pupuyat puyat ka.kunot noong sabi ni mama.
hindi na nga ako umimik at kumain nalang. Aga aga mag aaway lang kami pag sumagot pa ako.
First day of school...
Habang nasa kotse kami ni mama ay kumakabog ang dibdib ko.kinakabahan na talaga ako.
"Luna are you okay?tanong ni mama.at nginitian ko lang ito.
you're nervous, you know, that's okay as long as the important thing is that you do well in your school, and I hope you don't get into fights mahinahong sabi niya sabay haplos sa balikat ko.
nakarating na nga kami sa harap ng school ang wow.namangha ako sa lawak at ganda ng school kahit nasa tapat palang kami ay makikita mo talaga ang luwang nito.At pati narin ang nagpapasukang mga istudyante ay mukang yayamanin bagay sila sa school na ito.
Habang nasa kotse nga kami ay makikita mo talaga ang mga malalaking letra na nakasulat sa building."NORMANE VALLEY UNIVERSITY".mukang yayamaning school to and i think hindi nga talaga ako kabilang dito.sabi nila ang NORMANE daw ay pangalan ng mag asawang may ari at pinagdugtong.diba ang ganda.
Bumaba na ako at hinatid ako ni mama papasok sa school at syempre kung saang room ako kabilang.nagtungo si mama sa office at kinausap ang kung sino man yun.
Nagtungo nga kami sa ikalawang palapag ng building at syempre baka dun ang room namin.Hinanap nga namin ang Section B kasi nga dun ako kabilang oh diba hindi naman kasi ako ganun kagaling kaya sa B ang bagsak ko at hindi sa A.
Pagkahatid sakin ni mama sa room ko ay nagpaalam na siya sakin.
"Luna please behave your self ?sabi nito at hinalikan ako sa pisngi at nagmamadaling umalis.
Pumasok na nga ako sa room at nagtitinginan sakin ang mga classmates ko syempre.
Ganun naba ako kapangit para taas baba ang tingin.
"Dito ka sa tabi ko sigaw ng babae sa may gilid sa tabi ng bintana.
nililipat lipat ko ang tingin sa iba pang mga bakanteng upuan ng biglang hilain ako ng babaeng sumigaw kanina at pinaupo sa tabi niya.
Hi,ako nga pala si Samantha Mariano."Sam for short.Ikaw?tanong nito.
Sam pala ang pangalan niya.mukhang madaldal siya at masarap kasama and napaka friendly din niya.may itsura siya,saktong lang din ang puti niya.
Ahmmm...im Luna Cruz.pagpapakilala ko sa kanya.nginitian niya ako.at madami pang sinasabing kung ano ano na diko naman maintindihan nakalimutan niya atang bago lang ako sa school.
Nagdadatingan na ang mga ibang istudyante sa room,at nagulat kami ni sam ng may sumigaw sa pangalan niya.nagkatinginan pa kaming dalawa.
"Sam its me mikay sabi nito kay mikay na mukhang nanalo sa lotto dahil sa tuwa niya.
"Mikay buti nalang at magkaklase tayo ulit hmm.namiss ko kayo,sabi nmn ng isang babae.umupo sila sa harap namin pero samin ang tingin nilang dalawa.
Oo nga,buti at Section B din kayo,Ahmm by the way she is our new friend "Luna" new student siya dito sa NVU.pagpapakilala niya.
Hi Luna mikay nga pala at siya naman si anne nakangiting sabi niya.
Anne pala ang pangalan ng kaibigan nilang isa maganda siya at simple sakto lang din ang puti niya.ang kinaganda niya ay bagay sa kanya ang maiksing buhok.Si mikay nmn medyo kulot maganda din siya at lahat sila mukang yayamanin.
Wala paba si ramram?tanong ni anne.
wala pa hindi ko alam baka malate na naman yun.pag aalalang sagot ni sam.
but who is ramram?sabi ko sa kanilang tatlo.
si ramram bakla yun classmate din natin,makikilala mo siya mamaya,dont worry mabait yun dugong babae nga lang.pabirong sabi ni sam sakin.
bakla pala yun.sabagay maganda nga naman pag may kaibigan kang bakla bukod sa masaya ang samahan niyo mas sasaya pa diba saan kapa.kumpleto na nga kami at bumatingting narin ang bell kaya alam na this.first period.pero pag first day of school naman wala naman masyadong gagawin kundi puro pagpapakilala lang at ganun nga ang nangyari.
Pumasok na ang guro namin at pinatayo kaming lahat at nag pray.
"Hello everyone,my name is SHANE DUQUE and i will be your english teacher.So now. from row 1 to 4 stand up one by one and introduce yourself..GO.sambit niya na agad namang ginawa ng istudyanteng tinuro niya.
nagpakilala na nga ang iba sa amin at ako naman ang next.
Hello i am Luna Cruz And i am 18 years old.From-
why are you late pagpuputol ni maam.
akala ko ako ang pinapagalitan niya kaya kinabahan talaga ako at sabay sinyas sakin na umupo na ako.
Siya na ba si ramram tanong ko kay sam pero umiling ito at humarap sakin.
Hindi!siya si cedrix at mga kaibigan niya mga kasama niya sa likod.
Nako kung alam mo lang basagulero mga yan pero matatalino naman sila saka gwapo diba?pangiting sabi nito kinikilig ata sa mga lalaking pinapagalitan ni maam.
"You know what?If you don't want to come to my class then leave,not because you guys are smart you have to do what you want?hindi uubra yan sakin umupo na kayo".galit na sabi ni maam at pinagpatuloy na ang ibang mga magpapakilala pa.
Tapos na nga ang unang subject namin at paparating narin ang pangalawang guro namin na siyang adviser pala namin.BAKLA rin huh.
Hello guyz.I am your ADVISERRRRR...pakilig na sabi niya.mukhang mabait ang guro na ito,di katulad ng nauna napaka sungit.
"I am your Mapeh teacher so guys ihanda handa niyo mga katawan niyo talagang mag zuzumba tayo...
okay lang sir.maganda yun para may exercise tayo-sagot ng babaeng classmate namin na nagngangalang shiela.
napangiti naman si sir,bagay nga ni sir maging mapeh teacher bukod sa bakla ito super energetic pa niya.
"So guyz!today dahil first day naman wala muna tayong gagawin and you new student I want you to take all the names of your classmates and give me the list pagkatapos mo.sabi niya sakin habang inaabot ang record book.
"Y-Yes sir sagot ko nalang at tumayo upang kunin sa harap ang inaabot na record book.
Tapos na nga ang pagpapakilala namin sa isa't isa at syempre hindi ko matandaan ang mga pangalan nila pero hindi naman na importante yun makikilala ko din naman sila.mag la lunch na kami at inaantay ako nina sam sa labas kaya binilisan ko ng mag ayos sa sarili ko,palabas sana ako ng room ng bigla akong mabangga ng babae dahilan upang mapa upo ako,si shiela pala.nakita yun nina Sam at agad lumapit sakin at inalalayan akong tumayo.
Hindi ko alam kung hindi ba nila ako nakita o sadya talagang binangga nila ako,pero bakit naman nila gagawin yun?
"Luna right?taas kilay na tanong nito sakin ng makatayo na ako.
Hindi ako sumagot at aalis na sana kami ng hilahin niya ang kamay ko.humarap ulit kami sa kanila.
You're new here at NVU, but you've gotten a lot of attention right away, even our teachers,..galit na sabi niya.
Kasi nga bago siya kaya dapat lang na ientertain nila.singit nmn ni mikay..
I dont care if she's new.I am still your campus president...
"Noon yun shiela,siguro naman ngayon mapapalitan kana at sana nga hindi ikaw ang magiging president sa room sus magiging chaka lang ang lahat pag nangyari yun,palabang sagot ulit ni mikay.
Diko inexpect na palaban pala itong si mikay hindi tulad ni anne na tahimik lang minsan lang magdaldal.
"Kaya nga shiela may point naman siya eh mag re re-elect na tayo,what if mas malakas ang kumalaban sayo at matalo ka.mahinahong sabi ng kaibigan ni shiela na si rose.
tsee.isa ka pa.tara na nga,inis na sabi niya at padabog na umalis pababa sa hagdan sumunod nga ang mga alipores niya.
Nag promise kasi ako kay mama na hindi ako makikipag away pero unang araw palang may nang aaway na agad sakin.syempre dahil bago ako sa NVU ipakita ko munang mabait ako.mabait naman talaga ako ayaw ko ng away pero pumapatol din naman ako.wag kang papa apak aba.
"Luna, pasensya kana ibang klase din si shiela umaastang campus president parin pweee...pagpapaumanhin na sabi ni sam sakin.
its okay.hayaan niyo nalang siya siguro ayaw niyang malamangan..
naku!sinabi mo pa,ganyan talaga ugali ng babae nayan walang paki alam sa bago.aawayin niya talaga kahit bago singit naman ni mikay.
Actually pupunta sana talaga kami sa canteen pero dahil nagtungo sina shiela doon ay pumasok nalang ulit kami sa room at doon nalang kami kakain.hinarap nga nila anne at mikay ang upuan nila at nagsalo salo nga kaming kumain.pagkatapos namin kumain ay nagpaalam akong mag banyo at sumama nga rin si anne at kanina pa raw kasi siya naiihi.habang naglalakad kami ay nagsalita si anne.
what if ikaw kaya ang lumaban as president kay shiela,nakakasawa rin kasi puro siya kaartehan sambit nito.
nagtaka naman ako bakit ako pa napili niya samantalang matalino naman si sam.sina cedrix at iba pang mga kaklase namin.
Huh!pero diba nga nang aaway siya kasi ayaw niyang malamangan?
kasi alam ko gusto niya siya lang ang mataas..
kaya nga mukha ka naman palaban luna.at alam kong behave ka palang ngayon kasi bago ka palang pero kayanin mo luna wag ka matakot dun kay shiela,para sa amin din namang mga kapwa istudyante mo.bago ka palang at wala ka pang ibang alam tungkol sa pinag gagawa ni shiela sa ibang istudyante.sabi niya na tila may bakas ng pag aalala ito.
galing sa mayamang pamilya si shiela at kaya niyang gawin lahat ng gusto niya kaya niyang bayaran lahat mga grades at kung ano ano pa.dagdag pa nito.
napapaisip ako kung sasang ayon ba ako o hindi.hindi naman ako takot pero ayaw kasi ni mama na nasasangkot ako sa gulo.
Sige pag iisipan ko muna.nakangiting sabi ko sa kaya at lumabas na kami ng CR.pagpasok namin sa room ay wala pa nga si sir Alvin.alvin kasi ang pangalan ng adviser namin.
"Akala namin nagpunta na kayo ng mall sa sobrang tagal niyo sa CR" mikay said.
ngumiti nalang kami ni anne at naupo na.
"Guyz...i need you to vote of me again for campus president and syempre pati narin dito sa room natin ako lang naman ang mananalo so wag na mag re-elect.sigaw na sabi ng bruha.
Paano ka naman nakaka siguro tanong ng lalaki sa likod na tila kaibigan ata ni cedrix.
Bakit napatingin ako kay cedrix bakit napaka seryoso niya habang naka subo ng lollipop.gwapo siya matangos ang ilong matangkad naman at maputi pa.kinikilig ata ako.siya naba ang prince charming ko.
Hoy luna-
ay kabayo sigaw na sabi ko,habang humarap sa kung sino man ang gumulat sakin.ang bruha na naman.talagang iniinis ako ng bruhang shiela na to.
"Bukas daw ang campus election.so kailangan ko ng boto mo para sa akin sayang din naman yung isang boto diba?pang iinis na sabi niya habang pahawak hawak sa damit ko.
"What if ayaw ko?-
Huh,at bakit?kahit di ka bumoto para sa akin alam kong ako ang mananalo.
"Wag kang pasiguro miss shiela.sagot ko at uupo na sana ako ng akmang sasampalin niya sana ako ng mabilis kong nahuli ang kamay nito.
"Anong gagawin mo?sasampalin mo ako?wag ako shiela.wag ako".at padabog kong binitawan ang kamay niya.
Pag sisisihan mo tong araw na to.galit na sabi niya at bumalik na sa upuan niya.
"Okay kalang girl,tanong ni anne.ang tapang mo naman pala eh.singit naman ni mikay.
halatang natutuwa rin ang iba naming kaklase dahil ako palang yata ang naka sagot ng ganun kay shiela.lahat kasi ng mga istudyante ay takot sa kanya.ang iba ay nagiging utusan niya.napansin ko ring napa ngisi ang mga kalalakihan sa likod.dahil ba sa pag aaway namin oh dahil sinagot ko si shiela ng ganun.pero wala akong paki alam.sabi ko nga hindi ako mag papa api.hmmm.
*******************