SUMAPIT PA ang ilang araw bago pa man umalis si Jerson at nanatili kaming malamig sa isa't isa. Anong panghihinayang ang aking nadama nang gabing madatnan niya akong umuwi ng late at hindi ko man lang nagawang magpaliwanag saka ibigay sa kaniya ang keychain na may litrato naming dalawa. Ewan ko ba pero may pagkakataon naman na gusto ko siyang kausapin at sabihin ang nararamdaman ko, pero pinangungunahan ako ng kaba. Isang linggo na rin magmula nang huli kong makasama si Rafael sa birthday niya, gayundin ang dahilan ng pag-aaway namin ni Jerson. At habang hindi pa ako tinatawagan ng BPO company na in-apply-an ko for OJT ay sinasamantala ko ang oras para maglaan ng over time sa trabaho. Narito kami ngayon sa may higaan habang nakatalikod siyang nakahiga sa akin. At katulad ng mga nakaraang

