bc

Sunny's Happy Ending 2 (R-16)

book_age18+
164
FOLLOW
1K
READ
brave
self-improved
doctor
drama
tragedy
comedy
sweet
lighthearted
first love
stubborn
like
intro-logo
Blurb

   Nang makita ni Sunny na may batang lumabas mula sa kotse ni Kycer ay naisip niyang tapos na talaga. Hindi talaga sila ang itinadhana para sa isa't isa kaya mas pinili na lang niyang lumayo. Akala niya ay kaya na niya pero akala niya lang pala. Masakit pa rin at hirap pa rin siyang basta na lang kalimutan si Kycer.

  Kahit na nalulunod na niya ang sarili sa alak at sobrang pinapagod ang sarili sa trabaho ay wala pa ring kwenta. Sobra pa rin niya itong namimiss at walang araw 'o segundo na hindi ito namutawi sa kanyang isipan.

  Isang araw ay may isang pangyayari na mas lalong yumanig sa kanyang malungkot na mundo. She got into an accident that lost her life for a three minutes. 

   She was dead for one hundred eighty seconds and everything went into a fantasy. Doon nakausap niya ang kanyang anghel dela gwardia at pinapabalik siyang muli sa kanyang katawang lupa dahil hindi pa niya oras. Meron pa siyang  siyamnapû na araw bago siya tuluyang mamamaalam sa mundo ng mga buhay.

  Para siyang nasabugan ng bomba sa natuklasan. Parang lahat ng pangarap niya ay biglang naglaho ngunit bigla siyang nabuhayan ng loob nang makita sa isang bagong larawan ni Kycer sa isang social media apps na suot pa rin ng lalaki ang couple ring nila noon. 

  Ngayon may isa na siyang naisip na tapusin na misyon. Iyon ay ang muling mabawi ang puso ni Kycer kahit sa maikli niyang nalalabing oras. She was positive and full of guts to give her dream of a happy ending a chance to happen for one last time.

   Mas lalo pa siyang nabuhayan ng loob nang malaman rin niya na hindi tunay na anak ni Kycer ang bata at hindi rin ito kasal ngunit— ikakasal pa lang. 

  Pero hindi pa rin siya uurong sa laban kahit wala siyang ideya sa magiging katapusan ng kanyang istorya. Ang importante ay mamamatay siyang walang pinagsisisihan at agam-agam sa kanyang isipan. May ginawa siya at may pinag-laban hanggang sa dulo.

   Magtatagumpay kaya siya 'o tuluyan na lang niyang tanggapin ang malungkot niyang kapalaran sa pag-ibig?

   

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Those sad days.
Sunny's POV Sabi nila kung hindi mag-work ang plan A, proceed tayo sa plan B. Pag-hindi pa rin, nevermind na lang. Itulog mo muna dahil malay mo, di pa niya oras para magtagumpay. Kaya ito ngayon ang ginagawa ko sa kasalukuyan. Ang ipikit ang aking mga mata at kalimutan muna ang lahat— ngunit sadyang may humaharang pa rin talaga sa munting kahilingan ko sa buhay. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang iba't ibang uri ng ingay sa aking kapaligiran. Busina ng sasakyan, mga marites sa labas, huni ng ibon at mga yabag na tila malapit lang sa akin. Mas lalo ko pang hinila ang aking kumot at sinaklob iyon sa aking ulo nang sa gayon ay mabawasan man lang kahit konti ang ingay na naririnig ko. Na sobrang disturbo talaga sa aking mahimbing na tulog. Medyo nabasawan nga ang ingay pero parang may matalim na tumutusok-tusok naman sa aking likuran. Naiinis na napabalikwas ako patagilid ngunit sadyang hindi matapos-tapos ang mga pagsubok na humaharang sa pagtulog ko. Walang ano-ano may naririnig na naman akong ingay sa loob. 'Kokak! 'Kokak! Kokak! S**t! Napamura na tuloy ako. Sorry. At mukhang hindi lang ito nag-iisa. Tila may family reunion pang nagaganap. Jusmiyo naman! Paano kaya nakapasok sa panaginip ko ang palaka!? At sa dinami-dami ba naman na pwedeng mapanaginipan, ‘eh talagang palaka pa talaga? Mabuti na lang sana kong ako iyong prinsesa sa isang fairytale story. I give a frog a kiss then it will turn into a prince. Sana kamukha at kasing pogi lang ng aking ex. Ayeeeh! Hay, ewan! Bigla na lang akong kinilig at parang timang na ako'y napangiti sa aking isipan. Iba pa rin talaga ang epekto ng mokong na iyon. Malakas pa sa bagyo ang hagupit. ‘Kokak! Kokak! Kokak! Haizz! Kaloka na talaga! Pinilit ko na lang bumangon at dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Kaagad sumalubong sa aking mukha ang malamig na hangin. Mga tuyong dahon na nasa ere dahil nilipad ng hangin. Bigla akong napangiti dahil sa halimuyak ng bulaklak na naamoy ko kahit na may konting pagtataka sa aking isipan dahil tila wala naman akong bulaklak na tanim sa aking munting apartment. Pero teka—meron naman pala! Iyong cactus ko na 50/50 na ang survival status dahil minsan isang buwan muna ang lumipas bago ko ito maalalang bigyan ng tubig. 'Kokak! Kokak! Kokak! Muli ko namang naririnig ang huni ng palaka. Bigla na lang bumilis ang pintig ng aking puso dahil tila hindi na ito panaginip. Nasa totoong mundo na ako. Pigil ang aking hininga na sinilip ito sa ilalim ng kumot at bigla akong napatayo sa gulat. Pati buhok ko nga muntik ng mapatayo sa labis na pagkabigla at ang nakakaloka pa ay hindi lang ito nag-iisa o dalawa …kundi anim talaga silang lahat. "Lumayo kayo sa akin!" Kaagad kong sigaw sa kanilang anim. Sabay dampot sa maliit kong bag. Parang may sariling isip rin ang mga ito at hindi rin gumalaw sa kanilang kinatatayuan. “O–okay! Good Boys! Diyan lang kayo….” wika ko. Habang dahan-dahang humahakbang palayo sa kanila at kumukuha na rin ng buwelo para maka- takbo. Ngunit may isa talagang palaka na may taglay na katapangan sa katawan. Bigla na lang itong tumalon malapit sa kinatatayuan ko mismo. Ewww! Hindi naman ako nagdalawang isip na tumakbo palayo upang isalba na ang buhay ko 'no. Saka lang rin ako natauhan na nandito pala ako sa labas ng bahay ng aking ina kaya pa pamilyar sa akin ang lugar. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sa labas ako nito pinatulog. Wala na rin ako maalala kung paano at bakit ako dito napadpad. "Mommy! Help! Dali! Paki-bukas ng pinto. Huhuhu!" Malakas kong sigaw pati pag-kalampag sa pintuan. Mukhang tulog pa rin ang aking ina kaya mas lalo ko pang nilakasan ang pag-kalampag sa pintuan. "Mommy!? Ano ba? Buksan 'nyo ang pinto, please. Maawa kayo sa akin. May humahabol sa akin. Anim sila." Sakto namang bumukas ang pintuan at bumulaga sa akin ang seryosong mukha ng aking magandang ina. Mabuti na lang at mabilis akong nakakapit sa malaking cabinet na lagayan ng mga sapatos dahil kung hindi ay nasubsob na ako sa sahig. "Buti gising ka na!" bungad nito. "Akala ko nga eh, hihintayin mo pang matusta ka 'dyan ng sinag ng araw." "Mommy naman eh!" ingos ko. Napakamot ako sa aking ulo. "Paano mo nasikmura na hayaan akong matulog sa labas ng bahay? Baka nakalimutan ‘nyo na tao ako at hindi aso, okay!" Matapang kong reklamo. Biglang umangat ang kilay ng aking ina. Tumayo ito ng tuwid at namewang. Pasalamat na lang ako at hindi ito kagaya sa ibang nanay na may pagka-sadista. Baka kasi ngayon may tatlong bukol na ako sa ulo. "At bakit? Sino ba ang nagsabi sa'yo na umuwi ka ng lasing na lasing? Aber?" katwiran nito. Sinimangutan ko siya. "Kahit na! Eh, paano kung may biglang pumasok na lang sa gate natin at na rape ako. Eh di, na virginize ako ng maaga." rason ko naman. “Mie naman! Gamit gamit din ng utak pagmay-time.” Naiirita naman akong tiningnan ng aking ina. Napakuyom ito ng kamao na tila nagpipigil lang na hindi ako mabatokan dahil nakakahiya naman na sa ganitong edad ko na 32, eh may batok pa rin akong reward sa nanay ko. "Ewan ko sayong bata ka! Ewan ko ba at kung ano- ano na lang pinaggagawa mo sa buhay mo." Duro nito sa noo ko. Inayos nito ang suot na roba at mas nilakihan ang buka ng pintuan. “Kung saan ka pa tumanda saka ka pa naging sakit sa ulo ko.” dagdag pa nito. Tuluyan na itong tumalikod. Syempre alangan tumunganga lang ako sa labas at hintayin na kuyugin ako muli ng anim na salbaheng palaka. No way! Highway! Mabilis na rin akong pumasok at sinara ang pintuan. Hindi ko na ni-lock. OA na kasi pag-ganun. "Mie, naman eh!" ingos ko pa rin. Habang nakabuntot sa likuran nito. "Bakit parang hindi nyo ako anak kung ituring. Alam ‘nyo bang muntik na akong gawing agahan ng anim na salbaheng palaka kanina." sumbong ko. "Mabuti na lang mabilis pa rin akong tumakbo. Huwag 'nyo na pong ulitin iyon 'ha. Nakakatakot kaya sa labas." Hindi ko inaasahan na hihinto ang aking ina sa paglalakad kaya ayon talagang napasobsob na ako sa likuran nito. "Aray ko!" Napangiwi ako sa sakit. Hindi ko akalain na may pagkabakal pala ang likod ng nanay ko. "Mie naman eh! Magsabi ka naman kung pepreno ka hindi iyong ura-urada kayong hihinto." Pinagsabihan ko ang aking ina. Pinandilatan naman ako nito ng mata at parang hindi natuwa sa biro ko. "Tumigil ka Sunny ha! Huwag mong ibahin ang usapan." anito. Ipinagpatuloy na nito ang paglalakad. "Naku! Kung hindi lang kita anak malamang kagabi ay pinadampot na kita sa mga tanod." Umangat naman ang kilay ko sa narinig. "Bakit naman?" kunot noo kung tanong. "Wala naman akong ginagawang masama ah. Hindi naman ako trespassing dahil bahay ko pa rin naman ito." paliwanag ko. "Anong trespassing!" bulyaw nito. Nilagyan nito ng tubig ang electric kettle para magpakulo ng tubig. "Nagwawala ka kaya diyan sa labas ng gate kagabi. Nagsisigaw ka na parang baliw." anito. “Nauubusan na ako ng sermon sa'yo pero tila hangin lang iyon sa pandinig mo. Pasok dito…labas sa kaliwang tenga mo mamaya." Palihim ko siyang pina-ikutan ng mata. "Mie— naman eh, ang aga-aga pa. Sermon na naman ba ipapa-almusal mo sa akin." reklamo ko. Humila ako ng silya at naupo. Ipinatong ko naman sa mesa ang aking bag. "Bakit sa tingin mo, gusto ko mag-dadakdak dito? Sayangin ang laway ko sa'yo? Tapos, ganun pa rin naman. Hindi ka pa rin marunong makinig. Naku naman, anak! Baka nakalimutan mo. Thirty-two ka na at hindi ka na sixteen. Tingnan mo nga mga kaibigan mo, they are doing great. Samantalang ikaw, parang walang future. Ano ba talaga nangyayari sa buhay mo? Ano ba talaga gusto mo sa buhay? Gusto mo na lang bang—" "Mie! Please!" Bigla akong napa-tayo ng marahas. Tila narindi na ang tenga ko sa paulit-ulit na sermon ng aking ina. Ikaw ba naman na paulit-ulit iyong maririnig sa loob ng ilang taon. Hindi ka kaya mapipikon? Natigilan naman ito at naka-awang lang ang labi habang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako nang ma-realize kong tila tumaas ang boses ko at alam kong mali iyon. "I'm sorry, Mie." hingi ko ng paumanhin. Dinampot ko na ang aking bag. "Saan ka naman pupunta uli?" tanong nito na may halong pag-alala sa kanyang boses. Pinilit ko namang ngumiti kahit na medyo may sama rin ako ng loob sa aking ina. Pakiramdam ko kasi, hindi ako nito maintindihan kung bakit ako nagkaganito. Kung bakit parang lagi akong nawawala sa sarili ko. Iyong tipong ang daming bakit na hindi masagot-sagot. "Uuwi na. Ano pa ba." sagot ko. Tuluyan na akong naglakad papunta sa pintuan. "Mag-almusal ka muna bago umalis." pahabol pa nito. “Huwag na!” tanggi ko. “Nabusog na ako sa sermon mo.” Padabog kung sinara ang pintuan. Saglit akong napasandal sa pinto. Bumuntong hininga at tumingala sa kalangitan. Minsan mapapaisip na lang ako kung bakit naging ganito na lang ang naging takbo ng buhay ko. Eh, simple lang naman ang hinahangad ko sa buhay pero bakit parang pahirapan pa rin na makamtan. Nang papalabas na ako ng gate saka ko lang napansin na dala ko pala ang kotse ko kaya gayon na lang ang tuwa na nararamdaman ko. Hindi ko na kailangan maghintay ng taxi o mag-book ng Uber. Dali-dali kung sinara ang gate at pumasok na sa loob ng aking kotse ngunit kaagad rin humaplos ang lungkot sa aking puso. Napasandal ako sa upuan habang malungkot na nakatanaw sa abandonadong bahay nila Kye. "Nakauwi na kaya sa America ang mokong na iyon?" mahina kong usal. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at pinilit na ngumiti. Nararapat lang na tanggapin ko na ang katotohanan na hindi talaga kami ang end game. Sa iba kami nakatadhana. In short, pinagtagpo lang kami pero hindi itinadhana. Gasgas man ang linyang ito pero minsan tagos talaga hanggang buto. Tagos na tagos ang sakit. "Ang g*g*ng iyon!" Hindi ko mapigilan na mapamura nang muling sumagi sa isipan ko ang batang babae na nakita noong nakaraang gabi kung saan naganap ang reunion namin. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko mula sa aking mga mata. Mabilis ko iyong pinahid at pina-andar na ang sasakyan. Nagsimula na akong magmaneho. Hangga’t maaari ay ayoko nang umiyak dahil sinabi ko na sa sarili ko na tanggap ko na talaga. May mga bagay talaga na kahit anong kapit ang gawin mo ay mawawala at mawawala pa rin talaga sa mga kamay mo. I’m losing Kye kahit na alam ko sa sarili ko na ginawa ko naman ang lahat para panghawakan ang pag-asa na baka someday. Kami pa rin. Kami talaga… ngunit…hindi hanggang dulo. Biglang tumunog ang aking cellphone na biglang nagpagising sa aking lumilipad na diwa. Mabilis ko iyong kinuha mula sa aking bag upang sagutin ang tawag. "Good news for you, sissy!" tili ni Ricky sa kabilang linya. Bahagya ko pa iyong inilayo sa aking tenga sa takot na baka mabasag nito ng bonggang-bongga ang eardrums ko. Ayoko namang mabansagan na magandang bingi 'no! "Ano naman iyon?" Walang ka gana-gana kong tanong sabay buntong hininga. Parang wala naman kasi akong inaasahang good news sa buhay ko. Puro na lang naman kasi bad news ang dumadating. "Paki-bilis ng sagot dahil nagmamaneho ako." dagdag ko pa. Umangat ang kilay ko. Habang naghihintay sa sagot ni Ricky ay bahagya ko munang sinilip ang aking mukha sa salamin at muntik na akong atakihin sa puso sa nakita ko. Nagkalat ang eyeliner ko sa mata na nagmukha tuloy akong puyat na Panda. "Si Kye…." panimula nito. Bigla akong napa-preno. Tila panandalin na tumigil ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalang iyon. "A–ano iyong tungkol kay Kye?" interesado ko ng tanong. "What!? Sabihin mo na, dali!" atat kong tanong. Nagsimula na ulit umusad ang kotse ko. "Summer is not his real daughter." anito. Parang nagkaroon ng panibagong sigla ang puso ko. "R–really?" Nauutal kong wika na parang hindi makapaniwala. "A-ano pa iyong good news?" "Wala na, syempre." ani nito. Napa-ismid ako. Langya! Ang damot naman ni Lord sa akin. “Eh, kanino palang anak ang batang iyon?" curious kong tanong. Huminga ng malalim si Ricky. "Sa chika na nakalap ko, anak raw iyon ng bestfriend niyang lalaki sa US. He adopted it since parehong patay na iyong magulang ng bata." Sunod-sunod naman akong tumango. "Eh, ano pa iyong iba mong chika about kay Kye?" “Hmmm…medyo bad news siya, sissy. You still want to hear it?” si Ricky “Go ahead!” hamon ko. Sa dinami-dami ng bad news na dumating sa buhay ko. Wala ng space ang takot sa puso ko 'no. "He's getting married." Bigla akong napa-preno muli. "What!?" Nanlaki ang mata ko narinig ngunit mas lalong nanlaki ang mata ko sa nakikita ko sa aking harapan. Kaagad akong nag-panic at nabitawan ko pa ang cellphone ko. May truck na paparating at gusto kung iwasan iyon ngunit tila huli na. Wala akong magawa kundi ang ipikit na lang ang aking mga mata. Sunod na nangyari ay ang pamamanhid ng buong katawan ko. I can't feel anything except for my fast heart beat. "Sissy?! O–okay ka lang?" boses ni Ricky sa kabilang linya. “May narinig akong malakas na impact. Hey! Sumagot ka!” Hindi pa pala naputol ang tawagan namin ng bakla. Gusto kong abutin ang cellphone ko pero tila kinakapos ako ng hangin. Nagsimula na rin dumilim ang aking paningin at tanging boses ng mga tao na lang sa aking paligid ang aking naririnig. "Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis!" utos ng babae. Pinilit ko pa ring idinilat ang aking mga mata at ang puting kalangitan na ang bumungad sa aking paningin. Mapait akong napangiti dahil tila ramdam ko na ang aking katapusan. Kasunod non ay ang luhang umagos sa aking mga mata at ang kabang halos lumulukob sa aking pagkatao. Pagsisisi at pag-alala. Hindi para sa sarili ko kundi para sa iiwan kong ina at mga taong malalapit sa puso ko. Tahimik akong napahikbi habang iniisip ang huling alaala na iniwan ko sa aking ina. Mga oras at segundo na sinayang ko. Mga maling desisyon sa buhay. Lahat ng iyon parang awtomatikong pina-paalala sa akin. Hindi ko akalain na ito pala ang pakiramdam kapag ramdam mo na ang tuldok ng iyong buhay. Lahat ng 'what ifs' at 'bakit' ay bigla na lang lumilitaw sa isipan mo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook