Chapter 2 The 90 days

1794 Words
(Sunny) Pagmulat ko ay wala talaga akong ideya kung nasaan na ako. Mabilis akong bumangon mula sa sahig na tila puting ulap. Wala akong ibang nakikitang kulay kundi puro puti lang. “Patay na ba ako?” tanong ko sa aking sarili. OMG! Pinasadahan ko ang aking sarili. Kung ano ang suot ko bago ako umalis sa bahay ni mommy ay ganun pa rin naman ang ayos ko. Hindi ko lang alam kung ganun rin ang mukha ko. Walang naman kasing salamin. Sa naaalala ko lang, mukha akong puyat na panda. Naglakad ako ng konti at may nakita akong hagdan na tila nakalutang sa kaulapan. Humakbang ako paakyat at tila may kakaiba sa aking pakiramdam. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot ‘o pag-alinlangan. Basta, magaan bawat paghakbang ko. Bigla akong huminto ng tumambad sa akin ang kulay puti na pintuan. Walang pag-aalinlangan na binuksan ko iyon at naiharang ko ang isang kamay ko sa ibabaw ng aking mata dahil sa liwanag na sobrang nakakasilaw. “Hello there,” boses ng isang babae. Pinilit ko siyang inaninag ngunit wala akong makita. “Sino ka? A—at nasaan po ako?” tanong ko. Luminga-linga ako sa aking kapaligiran kahit na medyo nasisilaw pa rin ako sa liwanag. “Paraiso.” maikli nitong tugon. “S***t!” bigla akong napamura. Ngunit mabilis ko naman tinampal ang bastos kong bibig. Sino naman kasi hindi mapapamura. Pumunta ka ng paraiso na hindi prepared. "S—sorry po." hingi ko ng paumanhin. Sa wakas ay naaninag ko na rin ang kinaroroonan ng nagsasalitang babae. Nakatalikod ito sa akin at nakasuot ng puti, may mahabang manggas at abot talampakan na bestida. Kulot ang mahaba nitong buhok na kasing itim ng gabi. “Patay na po ba ako?” Hindi ko na napigilang itanong. Kahit naman kasi may sa lahing diablo minsan ang pag-uugali ko pero nagbabasa rin naman ako ng bibliya. May alam rin naman ako sa langit at kung paano ito ilarawan ng mga naka-experience na masilip ito. “I–mean, nasa langit na ba ako? At—isa po ba kayong anghel?” Bahagya namang natawa ang babae sa mga katanungan ko. Bahagya itong lumingon kaya gilid lang ng mukha nito ang nakikita ko. Base sa matangos nitong ilong, alam kong magandang anghel ito. “Tama ka, hija.” anito. “Nasa langit ka nga at tama ka rin na ako ang iyong anghel dela gwardiya ngunit…” Tuluyan na itong lumingon sa akin at ngumiti. Tama nga ako napaka-ganda niyang dilag ngunit mukhang napakabata pa nito. Sa tantiya ko nga ay nasa sixteen pa lang ito. Humakbang ito palapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. “hindi ka pa patay.” Nagningning naman sa tuwa ang mata. “Yes!” hindi ko napigilang ibulalas. “S–so ibabalik nyo na ako sa lupa? A-aba’y pakibilisan ‘nyo na po baka akalain ng pamilya ko ay patay na ko. Pakiramdam ko kasi naka-ilang oras na ako nandito.” Muli na namang natawa ang anghel. “Huwag kang mag-alala. Ibabalik rin kita mamaya pero…” biglang nalukot ang maamo nitong mukha. “Babalik ka rin dito muli matapos ang siyamnapu na araw.” “Po?!” Halos hindi ako makapaniwala sa narinig. “B-bakit po ako babalik rito sa loob ng ninety days?” “Dahil iyon ang tamang oras na binabawi na namin ang hiram mong buhay.” Gusto kong umiyak ngunit tila wala akong mahagilap na luha sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang ang gaan lang ng pakiramdam ko dito. Iyong tipong wala akong takot ‘o pag-alinlangan na makapa sa aking dibdib. “P–paano po nangyari na mamatay ako ng maaga? I’m just 32. Bakit napaka-aga naman po.” “Hindi ko rin alam, hija. Tanging siya lang ang nakakaalam at makasagot sa lahat ng iyong katanungan.” Tumuro ito sa taas kaya sinundan ko rin iyon ng aking mga mata. “Makikita ko rin po ba siya?” tanong ko. “Sa tamang panahon.” ngumiti ito. “Sa ngayon, ibinabalik ka muna namin sa lupa. Humakbang ito palapit sa akin kaya napilitan akong umatras. “A–ano po iyong gagawin ninyo? Mag-mamagic po ba kayo?” Hindi naman kumibo ang anghel at patuloy lang ito sa paglapit sa akin kaya ganun rin ang pag-atras na ginagawa ko. “Makaka-uwi ka na.” anito sabay ngiti. May itinuro ito sa likuran ko kaya sinundan ko naman iyon ng tingin. Wala akong makita kundi puro ulap. “D–dito po ba ang exit?” nalilito kong tanong. “Huwag ‘nyong sabihin na tatalon ako dito?” Napayakap ako sa aking sarili. Ngayon bigla na akong nakaramdam ng takot at pangamba. Parang lahat na pwedeng maramdaman ng isang normal na tao ay nararamdaman ko na. “Oo, hija. Nawa’y magawa mo at matapos ang dapat mong tapusin bago tuluyang maubos na natitira mong oras sa mundo ng mga buhay. Goodluck sa’yo.” Muli na naman itong humakbang palapit sa akin. “Wait! T–teka! Saglit lang po!” Pigil ko. Inilahad ko pa ang isang palad ko sa harapan niya para siya’y mapahinto. “W–wala po bang kahit elevator man lang? Or magic snap. Dito talaga?” Nag-aalangan kong wika. Eh, sa taas nito baka makarating ako ng lupa ay matuluyan na talaga ako. Nahuli kong pina-ikutan ako ng mata ng anghel. Tila may konting attitude rin talaga na tinatago ang mga anghel. Sinasabi ko na nga bang nobody is perfect except kay Jesus. “Gusto mo bang bumalik o dito ka na lang?” anito. Pinag-krus pa nito ang dalawang braso. “Syempre, gusto pero…no other option na ba? Tatalon talaga ako mula rito?” “Paulit-paulit?” anito. “Huwag kang kabahan. Promise, you are safe.” Tuluyan na itong nakalapit sa akin. Gusto ko mang umatras ngunit wala na akong pwedeng ma atrasan pa. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakawala sa pagkakatali ko. “See you there!” Ngumisi ito sabay tulak sa akin. Hindi na ako nakapaghanda. Umawang na lang aking labi sa sobrang bilis ng pangyayari. “T—teka!” sigaw ko. . . . . Habol ang hininga na ako'y napabangon. Pakiramdam ko para akong hinahabol ng libo-libong palaka. Napahigit ako ng hangin at naka-awang pa rin ang aking mga labi. Tumingin ako sa aking kapaligiran. I was surrounded with familiar faces. Naka-awang din ang mga labi ng mga ito na tila nakakita ng multo sa kanilang harapan. “Anak?!” mangiyak-ngiyak na usal ng aking ina. Nilapitan ako nito at ikinulong sa palad nito ang aking mukha. “I’m glad that you are okay. I’m so sorry.” at niyakap na nito ako ng mahigpit. Napakahigpit. Ako naman ay tila hindi pa nakabalik sa tamang wisyo ang utak ko. Pakiramdam ko nasa ulap pa rin ako at kausap ang magandang anghel na may konting attitude. “Sorry talaga. I was so scared. Akala ko talagang tuluyan mo na kaming iiwan.” dagdag pa ni Mommy. Niyakap ko naman siya pabalik at mariing napapikit. Hindi ko na rin napigilang tumulo ang aking mga luha sa pag-aakala na hindi ko na muling mararamdaman ang yakap ng isang ina. “I’m so sorry too, mie.” naiiyak kong sabi. “Pasensya na rin po sa mga nasabi ko.” Dumako naman ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan na si Ricky at Pearl. Panay rin ang iyak ng mga ito. Ginagap ni Pearl ang kamay ko at makahulugan niya itong pinisil. “Thank you for coming back.” anito. Nakangiting tumango naman ako. “Sorry, sissy. Next time, hindi na kita tatawagan kong nagmamaneho ka.” si Ricky. Wala pa ring tigil ang pag-iyak nito. Hinawakan ko naman ang palad niya at pinisil iyon. “It’s okay.” sabi ko kay Ricky. “Okay na nga ako diba kaya baka naman pwede na kayong tumigil sa kakaiyak.” pakiusap ko sa kanilang tatlo. “I’m not dead yet, duh!” Bahagya namang natawa ang tatlo. Mabuti at tumigil naman silang tatlo sa kakadrama at humiwalay na rin si mommy sa akin. “Oh sige, maiwan ko muna kayong tatlo.” si mommy. “Kakausapin ko lang ang doctor mo kung pwede ka nang lumabas sa susunod na araw.” Tinanguan ko naman siya bilang pagsang-ayon. Nang makalabas na ang aking ina ay lumapit na ang dalawa at umupo sa gilid ng kama ko. Pearl is still holding my hand. May konting pag-alinlangan rin akong nararamdaman dahil nagtatalo pa rin ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa dalawa na may tatlong buwan na lang akong natitira sa mundong ito. “From now on, you're not allowed to use your phone when driving.” Paalala ni Pearl. Malungkot nitong tiningnan ang benda ko sa ulo pati na rin ang mga galos ko sa katawan. “Tingnan mo ang nangyari sa’yo. Mabuti na lang at hindi nagasgasan ang mukha mo.” malambing nitong wika na nakanguso. Napangiti naman ako at pinagdikit pa namin ang aming mga pisngi. “But anyway, kahit nagasgasan man ang face mo, maganda ka pa rin.” dagdag pa niya. “Sissy?” si Ricky. Halos sabay rin kaming napabaling ni Pearl sa kanya. “Alam mo bang natigok ka ng tatlong minuto? Ano ba ang feeling?” Bigla naman siyang siniko ni Pearl. “Ouch!” daing nito. “Bakit masama bang sabihin iyon sa kanya?” Pinandilatan naman siya ni Pearl ng mata. “Bakit? Kailangan ba talagang ipaalala pa iyon sa kanya?” “Ano ba kayong dalawa!” pagitna ko sa kanila. “Bakit ba palagi na lang kayong nag-aayaw?” Kapwa naman silang nagkatinginan at napa-ismid sa isa’t isa. “By the way, may sasabihin sana ako sa inyong dalawa.” wika ko. Sabay naman silang napatingin sa akin. “Ano iyon, sissy?” si Ricky. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. “Pwede bang pakisara ng maayos ang pinto baka kasi marinig ni Mommy eh.” pakiusap ko. “Bakit? Napaka-seryoso ba iyan?” si Pearl. Lumakad ito palapit sa pintuan upang isara iyon ng maayos. Siya kasi pinakamalapit sa pintuan. “Ano kasi eh,” napakagat ako sa aking kuku. Parehong nakatingin naman ang dalawa sa akin. Seryoso ang mga mukha ng mga ito habang naghihintay sa susunod kung sasabihin. “Alam kong medyo mahirap ito paniwalaan pero—-sana ay paniwalaan ‘nyo pa rin.” “Ang ano nga?” si Ricky. “Excited ka?” si Pearl sabay batok sa kanya. “I’m dying!” diretsa kong sabi. Pareho namang tumahimik ang dalawa. Nakatutok lang ang mga mata ng mga ito sa akin na walang kakurap-kurap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD