(Sunny)
"You're joking, right?" tanong ni Pearl sa akin. Tila nagpipigil pa itong hindi matawa. Bigla pa itong napatayo.
God! Parang gusto kong tampalin ang sarili kong noo sa mga oras na ito. Alam kong minsan nagsisinungaling ako pero iba naman yatang usapan pagdating na sa kamatayan. Sinong stupidong tao ang magbibiro sa ganyang bagay.
Haiz! I pouted my lips. Mukhang nainsulto ako ng konti. Pero kailangan ko munang lunukin ang pride ko. Lalo na at bilang na ang oras ko at hindi pwedeng pairalin ang pride sa ganitong sitwasyon.
"Oh my God. I think, kailangan mo ulit patingnan ang utak mo, sissy." biro pa ni Ricky sabay tawa. Kaya nakitawa na rin si Pearl sa kanya." Nagpipigil lang ako na hindi ito tapunan ng pang-horror kong tingin baka kasi ma-minus points pa ako sa langit. "At baka kasi dahil din yan sa salpukang naganap between your car and the truck. Masyadong naapektuhan ang mga brain cells mo. Kaya kung ano-ano na lang lumalabas diyan sa bibig mo." dagdag pa nito.
"Tama si Ricky, bunso." sang-ayon ni Pearl. "For now, ipahinga mo muna ang lahat. Usap na lang tayo bukas." sabay kindat nito sa akin. "Okay?!"
Napalabi ako at bagsak ang mga balikat na tumingin sa kanilang dalawa.
"Hindi nga ako nagbibiro, okay." giit ko sa mababang tono. Seryoso ang mukha na tiningnan ko silang dalawa. "Bawat detalye talaga ng sinabi sa akin ng anghel na mukhang may attitude ay naka-marka talaga sa utak ko. I remembered it vividly. As in." Tinaas ko pa ang isa kong palad na parang nanunumpa. "Cross my heart, hoping not to die soon."
"Tsk! Tsk! Tsk!" Sunod-sunod na palatak ng dalawa habang umiling-iling. Pareho rin silang nakatingin sa akin na tila mababasa mo talaga sa mga isipan nila na hindi sila totally naniniwala. Na para bang hinding-hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi ko. The worst is, may mental damage ako. As if!
"May kilala ka bang pinakamagaling na psychiatrist?" biglang tanong ni Ricky kay Pearl. Seryoso ang mukha.
"Kailangan ba talaga niya?" kunot noo na wika naman ni Pearl. Seryoso rin ang mukha.
"Hindi pa ba obvious?" si Ricky sabay turo sa akin.
"Mukhang wala eh! Albularyo lang kilala ko at espiritista." Napa-kamot sa ulo nito si Pearl. "Try ko tawagan si Elton mamaya at ang misis niya baka may alam sila."
Pina-ikutan ko naman sila ng mata "Come on guys!" ani ko. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. "Sa ilang dekada ba naman ng pagkakaibigan natin, kailan ba ako naging siraulo sa paningin ninyo?" Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.
"Sissy! Sa pagkakaalam ko, matagal ka ng may toyo." ani ni Ricky. "Minsan pinapamukha na namin sa'yo kaso minsan may pagkabulag ka lang."
"No comment naman ako!" si Pearl. Pinag-krus pa nito ang mga braso. Tiningnan ko naman siya ng makahulugan at puno ng pagsusumamo. Ginamit ko na rin ang huling baraha ko. Iyong 'puppy eyes technique'. Favorite ko itong gamitin lalo na kay Pearl. Madalas kasi tumatalab naman. "Huwag mo akong daanin sa ganyan, bunso." anito.
"Bakit ba kasi ayaw ninyo akong paniwalaan." desperada kong sabi.
"Because, I don't want…okay!" si Pearl. Bigla pa kaming nagulat pareho ni Ricky dahil biglang tumaas ang boses nito. Suminghap ito ng hangin sa ere at muling naupo sa gilid ng kama. "I mean…nobody's know when exactly we are all gonna die. And it's a f***ing fact. Right?" Kay Ricky ito bumaling.
Tinanguan naman siya ni Ricky bilang pagsang-ayon. "Pearl has a point, sissy." segunda ni Ricky. Sa akin naman ito nakatingin. "Pahinga ka kaya muna." he suggested.
Ginagap ko ang kamay ni Pearl at buong pusong tiningnan siya ng puno ng pagsusumamo. "Please!" I said. "Just this once, paniwalaan mo naman ako."
Bumuntong hininga si Pearl at naihilamos ang sariling palad nito sa kanyang mukha. Mukhang nakaramdam rin ito ng konting guilt since she's always on my side in every arguments we went through between the three of us. "Alam mo, bunso." mahinahon nitong wika. "Itigil mo na kasi iyang kakabasa mo ng mga fantasy stories or movies etc…okay?" Pinilit nitong ngumiti sa akin sabay tapik ng mahina sa braso ko.
"Besides diyan, hindi magandang biro 'to, sissy ha!" segunda pa rin Ricky. "Huwag mo akong paiyakin today. If it is a prank, sinisigurado ko sa'yo. Hinding-hindi talaga kita mapapatawad. Forever."
"But—it's true." insist ko pa rin. "Alam kong mahirap paniwalaan but—-this is the truth. Besides, kailan ba ako nagsinungaling?"
"You know what!" marahas na tumayo si Pearl. Kinuha nito ang bag at sinukbit sa kanyang balikat. Tila naghahanda na itong umalis ano mang oras. "Maybe you badly need to rest, bunso. Marahil hindi pa masyadong bumalik sa wisyo ang utak mo. Kaya kung ano-ano na lang iyang naiisip mo. You're not gonna die, not this year or after twenty years. Mabubuhay ka hanggang tumuntong tayo ng eighty years old. "
"Oo nga naman, sissy." sang-ayon ulit ni Ricky. Tumayo na rin ito. "Getting into a car accident is not a joke anyway. So, pahinga ka muna. Walang mamatay. Hindi ako payag. Dapat sabay tayong tatlo. Walang iwanan eh."
"Come on guys!" giit ko pa rin. Unti-unti na rin lumalabo ang mga mata ko. "Alam ko na mahirap paniwalaan o tanggapin, pero…nagsasabi talaga ako ng totoo." Muli akong napayuko at hindi ko na rin na pigil ang mapa-hikbi. "Bakit ba nahihirapan kayong paniwalaan ako." wika ko sa gitna ng mahihina kong hikbi.
"And—why are you doing this to us?" sabat ni Pearl. May pait sa tinig nito. "You know that I just lost a baby sister and now…you're saying that—after three months. I'm gonna lose a best friend too? The heck with that!?"
"Pearl!" ani ko. Mahigpit kong hinawakan ang isang kamay niya at yumuko muli. "I'm really sorry pero—ito na 'eh. Nagulat din ako at ewan. I'm scared as well pero sabi kasi nila, life is unpredictable. Hindi natin hawak ang mga buhay natin."
Biglang napabitaw si Pearl sa bag nito at halos dumagundong ang tunog na iyon sa loob ng silid. Tila nahahapo itong napa-upo muli sa kama. Kasunod nito ang pagsobsob ng mukha nito sa sariling palad at bumulahaw ng iyak. "I'm sorry, bunso. Pero ayoko pa rin na paniwalaan ka." aniya.
Pinilit ko naman siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Pati si Ricky ay lumapit na rin sa aming dalawa at yumakap din.
Ilang minuto na nasa ganun kaming sitwasyon. Ilang minuto rin na hindi muna kami kumibo bagkus nakatingin lang kaming tatlo sa kawalan.
"So ano na? Ano na iyong plano?" Pambasag ni Pearl sa katahimikan. Good thing kumalma na rin ito. "Any last wish? Wala bang pwedeng lunas or any magic remedy or….potion."
Tinapunan siya ni Ricky ng masama. "Seryoso ka sa potion, teh?"
"Sa tingin mo nagbibiro pa ako sa lagay na 'to?!" galit na sagot naman Pearl.
"Pwede ba, kumalma nga kayo." mahinahon kong awat sa kanila.
"Paano ako kakalma sa lagay na 'to?" si Pearl. Mukhang sa akin naman nabaling ang inis nito. "Ano iyon? Ganun-ganun na lang lang? After three months, mawawala ka na lang na parang bula. Ni hindi na kita makakausap o mayakap muli. Hindi ka na namin maramdaman. At sobrang unfair iyon." Bigla na lang itong napa-hagulgol muli. Nilapitan naman siya ni Ricky at marahang tinapik-tapik sa likod para kumalma. Hindi ko sila
Pearl was right. Ang unfair nga naman. Kahit tanggap ko man na hindi na ako magtatagal pero paano naman pala sila? Hindi ko na naisip ang mararamdaman nila.
"Kung okay na sa'yo na maglalaho ka na parang bula. How about us?" dagdag pa ni Pearl. Hindi pa rin ito tumitigil sa paghikbi. "Hindi kami magiging okay, bunso. Makukulangan kami. Parang kalahati ng puso namin ang nawala. Alam mo ba iyon?"
Bumaling na lang ako sa kabilang direksyon dahil hindi ko rin maatim tingnan silang dalawa na umiiyak. Nasasaktan at parang dahan-dahang pinupunit ang puso ko. Marahil makasarili nga ako dahil ng nalaman ko na hindi na ako magtatagal. I was like, it's fine since parang wala namang kwenta ang buhay ko. I lost him. So, ano pa ba ang dahilan para mabuhay?
Now, I just realised na hindi rin iyon madali para sa kanila. Nawala man si Kye sa buhay ko pero meron pa ring 'sila' sa buhay ko.
Halos sabay kaming napasinghap sa ere na tatlo dahil sa pagkabigla ng biglang bumukas ang pinto.
"Oh! Bakit para kayong nakakita ng multo?" kunot noo na tanong ni Mommy. Mas lalong kumunot ang noo nito ng malipat ang tingin sa dalawa. "At bakit umiiyak ang dalawang 'to?" tanong pa niya.
Dali-dali namang pinahid ni Pearl ang kanyang mga luha at pinilit ngumiti. "Wala po 'to, tita. May naalala lang kaming kdrama na napakalungkot ng ending." pagsisinungaling ni Pearl.
Nabunutan naman ako ng tinik kahit papaano. Wala rin kasi akong balak na sabihin iyon kay mommy. Alam ko na mali pero—naduduwag ako. Sa ngayon.
"Yes, tita. T—tama po si Pearl." segunda ni Ricky. "Ang lungkot-lungkot naman talaga kasi."
"Hay naku! Kayong mga kabataan talaga." si Mommy. "Bakit lahat masyado ninyong dinidibdib at siniseryoso ang ilang walang ka kwenta-kwentang bagay." Nilapitan nito si Pearl at hinagkan sa noo. "Tahan na, panganay ko." ani nito na ikinangiti ng labis ni Pearl.
Kahit ako ay hindi rin napigilang mapaluha ngunit hindi dala ng lungkot kundi saya dahil kung sakali na mauuna man ako sa aking ina. Panatag ako na may mga tao pa rin na handang punan ang pwesto ko.
"Oh! Ba't naiiyak ka rin?" tanong ni mommy sa akin. Nang mapabaling ito sa kinaroroonan ko. "Gusto mo rin ba ng kiss?"
Walang pag-alinlangan na ako'y tumango. Malay ko ba kung ito na iyong huling halik ng aking ina sa akin. Kaya kung may gusto man kayong matutunan sa magiging kwento ko. Iyon ay ang pahalagahan at sulitin ang bawat segundo na meron tayo sa mundong ito. Hindi kasi natin malalaman kung hanggang kailan tayo mananatili rito. Maaring kinabukasan ay basta na lang tayong maglaho na parang bula.
This is Sunny at ito ang nalalabi kong pahina ng aking buhay na sana ay masubaybayan ninyo hanggang katapusan.