(Sunny)
Dalawang araw na ang lumipas at sa wakas ay naka-uwi na rin ako sa munting apartment ko. So bale, may eighty-eight days pa ako.
Ika pa nga nila, There's no place like home. Sino ba naman kasi ang may gusto tumira sa Hospital? Diba, wala?! Paborito ko pa rin ang bahay ko 'no.
Napakasaya ko talaga nang sabihin na ng doctor na pwede na akong lumabas since wala naman daw problema ang ct scan na ginawa nila sa akin. Meaning, hindi pa rin naman daw sira ang ulo ko. Jowk
Iyon nga lang…medyo hindi pa rin lubusang masaya ang buhay ko. I mean… ang natitira kong buhay.
Paano naman kasi—iyong dalawa kong mabuting kaibigan ay nakitira na rin sa maliit kong bahay. Kaya heto kami, siksikang tatlo.
Haizzz! Mukhang ito pa yata ang dahilan ng ikamamatay ko.
Sa sahig nakahiga si Ricky at katabi ko naman si Pearl sa kama. Ewan ko rin nga ba at bigla na lang nangapit-bahay ang dalawa. Pinapalayas ko naman sila pero may kanya-kanyang rason naman ang mga ito para makitira.
Ayon kay Pearl, pinalayas daw siya ng daddy niya dahil hindi niya sinipot ang niririto nitong ka date sa kanya. (Sana all binibigyan ng date.)
Si Ricky naman, pinalayas daw sa tinitirhan niyang apartment dahil ilang buwan na siyang hindi nakapagbayad. (Ang mokong na 'to. Apakasinungaling! Eh, hindi naman ito nagrerenta at wala itong sariling bahay. Nakitira pa rin ito sa mommy niya. Mama's boy eh.
Sus! Akala mo naman naniniwala ako sa kasinungalingan ng dalawang 'to. Alam ko naman na gusto lang nila akong makasama sa natitira kong araw. Ayaw lang nilang sabihin. As if, madagdagan ang lungkot ko.
At hindi lang 'yan, parehas na rin kaming tatlo na tambay. Nagdesisyon na akong mag-resign sa aking trabaho dahil alangan namang sa natitira kong buhay sa mundong ito ay puro kayod pa rin ang nasa isip ko. No way!
All I wanted was peace of mind. Iyong tipong nasa bahay lang ako at wala ng iisipin pa kundi ang sarili ko lamang. Gagawin ang gusto kong gawin na siguradong magpapasaya at kokompleto sa araw ko.
At ewan ko lang sa dalawa at ano ang sumanib sa mga kukuti nila at ginaya-gaya rin ako. Eh, hindi pa naman sila mamamatay.
" ZZZ-Zzzz-ZZzzz-hngGGggh-Ppbhww- zZZzzzZZ…."
Tunog iyan ng hilik ni Pearl at Ricky. Nagpapaligsahan yata ang dalawa kung sino ang pinaka-malakas humilik. Ito pa siguro ang isa sa magiging kalbaryo na pagdadaanan ko sa araw-araw. Maliban sa bilang na lang ang natitira kong oras sa mundong ito.
Pinilit kong takpan ang aking tenga gamit ang aking unan pero wala eh. Nananaig talaga ang pa-contest ng dalawa. Kaya ayon napilitan akong bumangon. Mukhang ako pa ang mag-aadjust sa sarili kong bahay.
Lumabas ako sa sarili kong kwarto at tinungo ang living room bitbit ang aking kumot at unan. Pabagsak na humiga ako at mukhang tuluyan na rin lumipad ang antok ko. Ewan, kung saang planeta na naman ito napadpad.
Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at malapit na rin pa lang mag-alas tres ng umaga. Hay, buhay! Bakit ang bilis ng oras?
Itatabi ko na sana ang cellphone ko ng biglang tumunog ito. May nagpadala ng larawan sa group chat namin na high school batchmate. Out of boredom ay sinilip ko iyon.
Usually, minsan tinatamad na rin ako buksan kasi madalas puro family picture ang nilalagay ng mga kaklase ko noong high school. Mga family affairs nila at kung ano-ano pang mga family getaways. Maliban lang sa aming tatlo nina Pearl at Ricky dahil puro nasa inuman ang background.
Napa-angat ang kilay ko ng makita ko ang pangalan ni Elton. Ibig sabihin si Elton ang nagpadala ng picture. I was so curious kaya binuksan ko iyon.
"S**t!"
Hindi ako napamura sa nakita ko. Kundi sa biglaang paglabas ng dalawa galing sa kwarto ko.
"Nandito na si Kye Pilipinas." halos sabay nilang wika na dalawa.
Pina-ikutan ko sila ng mata. "I know!" saad ko. "Heto nga at tinitingnan ko."
Halos sabay rin silang lumapit sa kinaroroonan ko kaya bumangon na rin ako at naupo para maka-upo rin silang dalawa.
"Alam mo ba ang ibig sabihin niyan, sissy?" si Ricky. As if nababasa ko ang iniisip niya.
"No Idea." sagot ko. "Pero alam kong mabaho ang hininga mo."
Nahihiyang inamoy naman ni Ricky ang kanyang hininga. "Mabaho nga!" ani pa nito.
"Hindi kaya ito na iyong sign na tinatawag nila, bunso?" si Pearl.
"Marahil." sang-ayon ko. Bumaling ako kay Ricky. "Sign na nga siguro para mag-toothbrush ka, girl." sabi ko kay Ricky. Sabay tawa.
Sumimangot naman si Pearl. "Hindi iyan ang ibig kung sabihin, bunso. Ano ka ba! Iniiba mo naman ang usapan eh."
Sa kanya naman bumaling ang mata ko. "Sign na ano?" naguguluhan kong tanong.
"Sign na para magbalikan kayong dalawa. At para ituloy iyong happy ending na naudlot." sagot ni Pearl.
"Oo nga, sissy. Baka ito talaga ang plano ni Lord kaya ka pinabalik muli sa lupa. Baka ito iyong huling misyon mo." segunda ni Ricky.
Humalukipkip ako at mariing umiling. "No! He was happy and already engage kaya no way na guguluhin ko pa siya. What for?" pahayag ko.
"Pero sissy naman," si Ricky. "Diba mahal mo pa iyong tao? Eh, nakikita naman ni Lord iyon kaya dahil mabuti kang tao. Binigyan ka niya ng huling pagkakataon na suyuin muli ang puso ni Kye. Ito na ang huling chance mo, sissy. Sasayangin mo pa ba?"
Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"It's still a No." Pagmamatigas ko.
God knows how much I love Kye kaya lang. He's doing great right now with his adopted kid. Eh, bakit ko pa guguluhin iyon.
"Bunso, please." si Pearl. Sa itsura nito mukhang any moment ay mag-iiyakan na naman kami. "Sa huling pagkakataon. Ayaw mo bang makasama si Kye kahit sandali."
Bigla akong napayuko. Dahil ang totoo niyan ay gustong-gusto ko talaga kaya lang, hindi dahil gusto mo ay 'go' lang. Dapat isaalang-alang mo rin minsan ang sitwasyon.
"Pero—may fiancee na kasi siya." paliwanag ko. "Ayoko namang maging other woman sa huling sandali ng buhay ko 'no."
Halos sabay rin silang bumuntong hininga at tumingala sa kisame. Parang pati lovelife ko ay naging problema na rin nila.
"At isa pa," dagdag ko. "hindi naman siya magkakaroon ng fiancee kung talagang gusto pa rin niya ako. Kaya kahit masakit man, I need to let him go. Set him free. Hayaan na natin na may dumating talaga na tamang babae na magpapasaya sa kanya hanggang sa siya'y tumanda. Let's be considerate."
Bumuga ng hangin si Pearl at buong unawa na pinisil ang aking palad. "Ikaw ang bahala." nakangiti nitong sabi sa akin. "Basta, kung sakaling magbago man ang isip mo. We are just here to help you in your happy ending with Kye. Kahit ano pa yan. Kahit gumulong-gulong pa kami sa bangin basta makuha mo lang muli si Kye at mapangiti ka namin ay okay lang. We are willing to do that."
"Thank you." I said. Muli naming pinagdikit ang aming mga ulo.
"Oi! Bakit kayo-kayo lang?" si Ricky. Tila nagseselos. "Pasali naman ako." anito.
"Oo na, halika ka na!" ani ni Pearl. Kinabig siya nito palapit sa aming dalawa.
"I love you, guys. Thank you talaga sa inyo," naluluha kong sabi. Kaya kaagad akong tumingala sa ere dahil ayoko talagang maiyak sa mga oras na 'to.
"You're always welcome, bunso." si Pearl.
"Tama na nga muna itong drama," si Ricky. Bigla itong napasinghot. "Masyadong maaga pa kaya para umiyak. Ayokong masira ang ganda ko ngayon ano." dagdag pa nito. Tuluyan na itong lumayo sa aming dalawa. "I need to go back to sleep. Inaantok pa talaga ako." Humikab ito.
"Ako rin," si Pearl. Napahikab rin ito "Tara! Matulog muna tayo." aya nito sa akin. Tumayo na rin ito.
Mabilis naman akong umiling. "Kayo na lang, I rather stay here. Hindi naman ako inaantok eh." saad ko.
Nagkibit-balikat naman silang dalawa. Kinuha ko na lang muli ang aking cellphone at muling tiningan ang larawan ni Elton at Kye. Kuha iyon sa airport. Mukhang si Elton ang sumundo sa pinsan nitong pogi.
"Pero teka!" bulalas ko.
"Ha?!" si Pearl. Napatigil ito sa paghakbang at lumingon sa akin. Ganoon rin si Ricky.
"Bakit, sissy? Something wrong?" si Ricky.
Hindi ako kumibo kaya napilitan na lang silang lumapit. Kapwa sila napatingin sa screen ng cellphone ko.
"Nakikita nyo ba ang nakikita ko?" wika ko. I zoom in the picture.
"Hindi B2 eh," si Pearl. "Ikaw ba doding daga? Nakikita mo ba ang nakikita ni B1?" biro nito kay Ricky. Sabay tawa.
"Okay na? Happy?!" walang ka ngiti-ngiting komento naman ni Ricky. Mukhang napiko.
"Tingnan nyo!" utos ko sa kanila. Mas lalo kong pinalaki ang larawan at tanging naka-focus lamang sa bandang leeg ni Kye. "Suot pa rin ni Kye ang couple ring namin." Nagniningning ang mata ko sa saya.
"So?" kunot noo na tanong ni Ricky.
"Ibig sabihin, he still cares about me. He still cares about us. Our past." sagot ko.
"O–okaaay!" si Pearl. "So? Ano ba talaga ang pinupunto mo, bunso? Hindi ka masundan ni B2."
Ngumiti ako ng malapad sa kanila. "Well," umayos ako ng upo. Sandali ko munang itinabi ang cellphone ko. "I changed my mind. Babawiin ko na si Kye ulit. I mean ang puso niya."
"Wow!" Mahinang pumalakpak si Ricky. "Ang bilis mag-change mind. Ikaw na sissy."