Chapter 5 Operation Plan A

1280 Words
(Sunny) "So what's the plan?" Basag ni Pearl sa katahimikan na biglang namagitan sa aming tatlo. Parang biglang naglaho ang mga antok namin kaya heto muli kami sa sala. Nakaupo sa sahig si Ricky na naka-indian sit habang kandung nito ang sariling laptop. Si Pearl naman ay sa isang sulok at komportableng nakaupo sa bean bag na kulay gray. Ako naman nasa sofa pa rin habang panay pa rin ang tingin sa larawan ni Kye lalo na bandang leeg nito kung saan parang ginawa niyang pendant ang singsing. Medyo malabo sa bandang part ng kwintas pero sigurado akong ito iyong couple ring namin noon. Para kaming mga detective nagsanib pwersa para maresolba ang isang misteryosong pangyayari. Lahat nag-iisip. "Siguro, the first thing we need to do is…" si Ricky. Pareho naman kaming lumingon ni Pearl sa kanya. "alamin muna natin kung sino ang fiancee ni Kye. Pero ito ang problema, kanina pa ako stalk ng stalk sa social media account niya pero wala eh! Wala akong makita na picture ng babae na posibleng fiancee niya." "Eh, paano naman natin malalaman iyon?" si Pearl. "Pag-tinanong ba natin si Kye sa tingin 'nyo sasabihin naman kaya niya sa atin?" "Try natin tanungin si Elton. Baka may alam ang chubby na iyon," suggestion ko. Mabilis na umiling si Pearl. "Nope! Imposibleng mapiga natin ang chubby na iyon. Loyal iyon sa pinsan niya at isa pa…hindi na siya katulad ng dati na suhulan mo lang ng pagkain ay kakanta na." "Hmmmm, what if iyong mga kaklase natin na medyo malapit kay Kye?" tanong ni Ricky. "Sino nga ba iyon? Iyong na meet niya si Kye sa U.S?" "Si Alexa?" kunot noo kong sagot. "She doesn't know anything. I'm sure of that." Bumuntong hininga si Ricky at muling itinuon ang mata sa laptop nito. Pearl just suddenly snapped her finger in the air. Para itong naka-isip ng isang magandang ideya. "Alam ko na!" ani nito. Sabay naman siyang nilingon ni Ricky. "May isang tao na bukod tangi na makapagsasabi kung sino man ang fiancee ni Kye. At alam nyo ba kung sino iyon?" Ricky rolled his eyes towards her. "Sino?" bored nitong tanong. "Iyong ampon niya, syempre." sagot ni Pearl. "Si Summer!?" wika ko. Saglit rin akong napa-isip. Oo nga, bakit hindi kaya sumagi sa isip ko ang bobwet na iyon. Maaaring may alam ang batang iyon. Imposible naman kasing wala. "So? Pupuntahan natin ang bata at tatanungin, iyon ba ang plano?" si Ricky. "Hindi!" pilosopong sagot ni Pearl. "Kikidnapin natin at sapilitang kukuha ng impormasyon sa bata." "Ah, talaga? Ikaw gagawa 'ha? Labas kaming dalawa diyan." si Ricky. "G**o! si Pearl. Binato nito ng libro si Ricky. "Malamang mag-iisip tayo ng paraan kung paano. By the way, ilang taon na ba ang bata sa tantiya mo?" Bumaling ito sa kinaroroonan ko. Pinilit ko namang inalala kung nabanggit ba ni Kye ang edad ng ampong anak. "Maybe, mga nasa limang taon gulang." "Okay!" Pearl snapped her fingers again. "Perfect timing. Bata pa kaya hindi tayo mahirapan na isahan iyon." "So, ito na yong plano?" si Ricky. "Alamin natin kung sino ang fiancee ni Kye sa tulong ng anak nito. Then? Ano na ang second step?" "Sa ngayon, iyan lang muna. Baby step muna tayo 'ha." si Pearl. Tumayo ito at tumabi sa akin sa sofa. " Kapag nalaman natin na fake news nga na may fiancee si Kye. Eh, di madali iyon sa atin pero kapag totoo naman, eh di. Baka need na natin pumatay." Biglang nanlaki ang mata ko. "Papatay talaga?!" "Joke lang, bunso. Ikaw naman eh. Heto na nga ang plano. Kung malaman na natin na may fiancee si Kye. Eh di, no choice na tayo. We need to play dirty here, mga darlings." Tumabi ito sa akin at mahina nitong tinapik ang braso ko. "Kailangan mo nang kumilos bunso. Wala ng ano-ano, agawan na ang peg." "Agawan? Hindi kaya mapunta pa ako ng impyerno sa plano ninyo?" atubili kong sabi. "Manahimik muna kayong dalawa!" biglang sigaw ni Ricky. Seryoso itong nakatutok sa cellphone nito. Tumahimik naman kaming dalawa. "Bakit ba?" usisa ni Pearl. "Wala lang! Ang hina ng internet natin." anito. "Ulol ka talaga!" sabay bato ni Pearl sa kanya ng unan. Napa-iling na lang ako. "Seryoso nga kasi ang hina talaga ng internet." si Ricky. Bigla itong tumayo habang pilit na inilalapit ang cellphone nito sa router ng wifi ko. "May isa kasing picture na ina-pload si Mia sa Photogram nito eh." "Eh, ano naman ngayon?" si Pearl. "Mukhang kasama si Kye at iilan sa mga kaklase natin noong highschool sa picture. Hindi ko mabuksan dahil mahina ang internet." Biglang tumayo si Pearl at mabilis na inagaw ang cellphone kay Ricky. Itinaas naman nito sa ere ang cellphone upang makasagap ng signal. "Ito na nakikita ko na ang kalahati," ani nito." Ngunit nag-loloading pa rin kaya sumuko na rin ito dahil nangalay na rin ang braso nito. "Ay kaya pala!" bulalas ni Ricky. "Hindi pala naka-connect sa wifi kaya loading lang ng loading." "Hayop ka!" naiinis na wika ni Pearl. Sabay batok kay Ricky. "Ang katangahan, hindi ina-araw-araw 'ha." "Sorry na nga eh!" si Ricky. "Ayyy! Hala siya!" Bigla na lang itong tumili kaya mabilis itong nilapitan ni Pearl. Kahit ito ay umawang din ang labi sa nakita. "Jackpot ka, bunso." si Pearl. Parang tuwang-tuwa ito na kulang na lang ay lumundag-lundag. "Bakit ba?" naguguluhan kong tanong. "Sa dating bahay pa rin nila si Kye titira. Nagpa-house warming party ito. Pero teka!" Biglang napawi ang tuwa nito sa kanyang mukha. "Bakit sila-sila lang? Hindi tayo inimbeta? Tayo kaya ang original na kaibigan niya." "Oo nga!" sang-ayon ni Ricky. May himig ng pagtatampo. "Isa pa itong damuhong si Elton, aba'y hindi rin nag-sabi. Aba'y wagas pa kung makangiti rito." Bigla akong tumayo. "Tara na guys! Empake na!" utos ko. Mulagat ang mata nilang dalawa na tumingin sa akin. "Are we going out for a vacation?" kunot ang noo na tanong ni Pearl. "Naku, bunso! Walang baka-bakasyon ngayon. Unahin muna natin ang lovelife mo, okay!?" "Kaya nga," ani ko. "Empake na tayo pauwi sa bahay ni Mommy." "Sure ka?" si Ricky. "Welcome ka ba pa doon? Eh, diba pinalayas ka na?" Saglit akong natameme. Hindi ko kasi maalala na pinalayas ako ng sarili kong ina. Mahina naman siyang binatukan ni Pearl. "Kailan pa pinalayas ni tita Lily si bunso? Fake news iyon. Si bunso ang umalis." "Talaga?" animo'y hindi makapaniwala si Ricky. "Dinig ko kasi kina Mommy at mga tropa niya na pinalayas ka. Usap-usapan kaya nila yan pagkatapos nilang magsimba at tumambay sa bahay." Hindi ko naman mapigil ang bumuntong hininga at umirap. "Hay naku! Talaga 'tong mga marites, walang magawa sa buhay at pati buhay ng iba ay gusto pang pakialaman." Nilapitan ko si Ricky at namewang. "Anyway, fake news nga 'yon. Ako talaga ang umalis at hindi ako pinalayas. Anyway, pake ko ba sa topic na yan. Hali na nga kayo at makalipat na tayo roon at," makahulugan akong ngumisi sa kanila. "Guluhin natin party nila. Let's do the party crasher thingy." sabay air qoutes sa ere gamit ang aking daliri. Nagniningning naman ang mata ni Pearl sa excitement. "Game ako diyan, bunso." si Pearl. Tumayo na rin ito. "And besides, you are right. It's better kung malapit tayo sa target natin." Tumango-tango naman si Ricky. Tanda ng kanyang pagsang-ayon. "Heto pa," ani ko. "Naniniwala rin ako sa kasabihan na, 'the nearer your ex, the clearer the chances to have a second chance again." "Kaninong kasabihan mo naman iyan narinig, bunso?" tanong ni Pearl. "Sunny's words of wisdom." sagot ko. Akala ko matatawa si Pearl ngunit si Ricky lang ang natawa at alam ko, kayong nagbabasa ay hindi rin natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD