Chapter 6  A gatecrasher disaster

1329 Words
Chapter 6 A gatecrasher disaster (Sunny) Kasalukuyang nasa labas kami ng gate ng bahay ni Kye. Mula sa labas ay dinig na dinig namin ang tawanan sa loob. Iyong tipong lahat ay nagsasaya. Parehas kaming tatlo na tulala habang nakatanaw sa saradong gate ng bahay ni Kye. Mukhang naka-lock ito mula sa loob kaya hindi kami basta-basta makakapasok. "Ano ba yan si Kye, nakaka-bad trip. Pumunta lang ng America may pa-lock-lock pa ng gate nalalaman." reklamo ni Pearl. Kalong-kalong nito ang isang paper bag na pinaglagyan namin ng nabili naming beer sa Seven Eleven. "So, ano na ang next move?" siko ni Ricky sa akin. Ako naman ay natameme rin dahil hindi ko rin alam ang gagawin. "Abort the mission na lang kaya muna tayo," mungkahi ko. Lumingon si Pearl sa akin "Bunso naman eh!" ingos nito. "Nandito na tayo oh! Ngayon ka pa ba aatras?" "Eh, bakit may naiisip ka bang paraan?" tanong naman ni Ricky. "Hawakan mo nga muna ito bunso." utos ni Pearl sa akin. Sabay bigay sakin ng paper bag na pagkabigat-bigat. Lumapit ito sa mismong gate na tila may hinahanap ito. "Hoy! Ano bang binabalak mo?" si Ricky. Lumingon naman si Pearl sa amin at nilapitan nito si Ricky. "Sa tingin mo, kaya mo kaya akong buhatin?" tanong nito. "Huh!?" Bahagyang natawa si Ricky sa tanong nito. "Malamang hindi. Sa bigat mo at tangkad mong yan, versus sa katawan ko. Hindi pa ba obvious ang sagot." Umirap si Pearl sa kanya. Napatingin ito sa akin at mabilis naman akong umiling. Totoo naman kasi na hindi ko talaga siya kaya. Siya kasi ang pinakamatangkad sa aming tatlo at isa pa, hindi na rin naging kagaya noon ang katawan niya. Medyo nadagdagan na ang kanyang timbang magmula ng makipag-hiwalay ito sa dati nitong nakarelasyon. Si Ricky naman ay lamang lang ng dalawang pulgada ang tangkad sa akin. Mula noon pa man ay payat na talaga si Ricky. Ewan ko nga ba, malakas naman kumain pero hindi tumataba. "Eh, ito na lang talaga ang naiisip kong solusyon eh," pilit ni Pearl. "Bakit may naisip ba kayo?" tanong niya sa aming dalawa. Nagkatinginan kami ni Ricky at sabay umiling. "Kaya, heto na nga eh. Ito na ang solusyon. Pagtulungan niyo na lang akong buhatin na dalawa." utos nito. "Pero, hindi kaya tayo mapapahamak sa naisip mo?" si Ricky. Nagdadalawang-isip ito. "Baka sa prisento pa ang bagsak natin niyan 'ha. Ayokong makulong sa walang ka kwenta-kwentang bagay." Inismiran ni Pearl si Ricky. "Alam mo, ang duwag mo!" bwelta ni Pearl. "Hindi naman siguro tayo ipapakulong ni Kye kaya huwag na kayong matakot. Tara na! Buhatin 'nyo na ako at para makapasok na tayo. Tubuan na tayo ng ugat sa kakatayo dito sa labas eh." Sumunod naman kami ni Ricky. Wala naman kasi kaming magagawa pa. Pinagtulungan na namin siyang buhatin kahit na medyo may kabigatan talaga siya. Tagumpay naman siyang naka-akyat…iyon nga lang. "Konti na lang, sissy." pampalakas loob ni Ricky. "Malapit ka na sa finish line. Go lang ng go!" Umangat ang kilay ko na napatingin kay Ricky. Siniko ko siya ng mahina. "Anong konti?" bulong ko. "Eh, nasa kalagitnaan pa rin siya eh." "Yaan mo na, gusto niya yan eh." pabulong na sagot rin ni Ricky. "Eh, sampong minuto na kaya tayong nakadungaw sa kanya. Kalahati pa lang ng gate ang naabot niya. Eh, baka tapos na ang party bago tayo makapasok niyan." ani ko. "Eh, ano naman ang gagawin natin?" kunot noo ni Ricky. "Magagalit naman ang higanteng bakulaw na yan kapag sinabihan nating abutin tayo ng siyam-siyam sa ginagawa niya." "Iyon nga eh," laylay ang balikat na wika ko. Lalapitan ko na sana si Pearl para pagsabihan na bumaba na lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng gate. "S—Sunny?!" mulagat ang mata na wika ni Kye. Para itong nakakita ng multo. Pinilit kong ngumiti upang matakpan ang gulat sa aking mukha. "Hey! Hi!" nanginginig ang boses na bati ko. Kumaway at talagang sa gwapong mukha niya lang nakatutok ang aking mata. After a long years, mukhang iba talaga ang nagagawa ng America sa kanya. Mas lalo lang itong naging gwapo at kuminis ang balat. Nagkaroon na rin ng muscle ay dati ay medyo patpatin nitong katawan. Pwera na lang sa kanyang mga mata na ngayon ay may salamin pa rin na suot-suot. "Oh…my… God!" gulat na bulalas rin ni Mia. "Sunny?" Nasa likuran lang pala ito ni Kye at ang iba pa naming mga kaklase noong high school. Ngayon ko lang napansin. Naroon rin si Elton at ang misis nito. "You guys are here?" si Lisa. "Sayang bakit ngayon lang kayo?" tanong nito. "Sana inagahan nyo ang pagpunta, eh di sana nakapag-chika naman tayo." segunda ni Alexa. "Paano iyan? Pauwi na kami?" si Elton. Inirapan ko ito dahil may konting inis akong nararamdaman sa kanya. Mukhang nawala kasi ang loyalty nito sa amin. Napakamot naman ako sa aking batok. "Ano kasi…may…." Bigla akong napatakip sa aking bibig dahil sa gulat. Parang may biglang bumagsak. Next thing happened. Nakarinig na lang kami ng malakas na daing na tila namimilipit sa sakit. Namilog ang aking mata sa aking nakita. Pagtingin ko kasi, nasa lupa na sina Pearl at Ricky. Si Ricky ay nakahiga at walang malay. Si Pearl naman ay sa isang tabi habang namimilipit sa sakit sa kanyang leeg at braso. Kaya ayon, dalawang abulansya ang dumating sa labas ng gate ni Kye. Sasama pa sana ako sa loob ng ambulansya pero sabi ni Pearl ay huwag na. Pagkakataon ko na raw na makasama at makausap si Kye. Kaya heto ako ngayon sa loob ng kanilang bahay. Nakatingin lang kay Kye habang nagliligpit ito ng mga kalat sa loob ng bahay niya. "Nasaan nga pala ang anak mo?" tanong ko. Luminga-linga ako sa kapaligiran. Hinahanap ang batang babae na ampon niya. "She's upstairs. Siguro ay tulog pa rin." Naglakad siya palapit sa malaki niyang refrigerator. "Anything you want to drink?" he asked. Umiling ako. "I have beer here." Kumuha ako ng isang lata ng beer sa paper bag. Kaagad ko iyong binuksan at ininom. Siya naman ay nakamasid lang sa akin. "What? Do you want one?" tanong ko. Nang mapansin kong nakatingin pa rin siya sa akin. Umiling naman siya. "Nah! I'm good." Humila ito ng silya at umupo. Bumuntong hininga at ngumiti nang tumingin sa akin. "So? Kamusta na?" aniya. I smiled. "Heto, maganda pa rin." kibit balikat ko. Tumawa ng bahagya. "Ikaw? Kamusta na? Mukhang—ang dami ng nagbago sa buhay mo." Siya naman ang natawa at yumuko. "Hindi naman. Just some changes that sometimes we can't help it happen." Muli itong napa-angat ng tingin. "Ikaw nga 'tong marami ang pinagbago. Balita ko, sikat na illustrator ka na." I smiled. Knowing that he knows something about me. "Well, nasa tatlong daan lang naman na mga kwentong pambata ang ako ang naging ilustrador." pagmamalaki ko. "Idagdag mo pa, iyong siguro nasa… isang daan rin na mga book covers for teens book na ako rin ang may gawa." Pumalakpak ito ng mahina at tumawa. "Wow! Grabe! Bigla akong nanlamig." anito. Kumunot ang noo ko. Pinakiramdaman ang aking sarili. "Bakit? Hindi naman malamig ah," ani ko. Mas lalo siyang natawa. "Ang hangin mo kasi." anito. Muling tumawa. Umirap ako. "Alam mo, kahit kailan…mapang-asar ka pa rin." "Bakit? Totoo naman ah." giit niya. "Isa lang talaga ang hindi nagbago sayo." "Ano iyon? Is it my face?" Ikinulong ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad at nagpa-cute sa harap niya. "Pretty pa rin diba?" Mas lalo kong nilapadan ang aking ngiti. "Oh, diba? Sinong mag-aakala na 32 na 'to." Umiling-iling siya na may ngiti sa kanyang labi. "Ang kayabangan mo sa katawan talagang walang pinagbago." Umirap ako at nangalumbaba habang nakatingin ng diretso sa kanya. "Ikaw rin naman. Gwapo ka pa rin. Parang hindi ka nga tumanda." Tumawa siya ng bahagya at pumalatak. "Ikaw 'ha? Nanliligaw ka ba?" he asked. "No!" mabilis kong tugon. "I'm here to marry you." His smile slowly disappeared.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD