Chapter 7  Hello Summer

1205 Words
(Sunny) Umarko ang kilay ko at napapa-isip habang nakatingin lang kay Kye. Hindi pa rin kasi siya humihinto sa pagtawa dahil sa sinabi ko. Hmmmmp! Mukha bang nakakatawa iyong sinabi ko? Parang hindi naman yata. Isa pa, seryoso kaya ako. I'm really here to marry him. Bilang na kaya ang araw ko sa mundong ito, may oras pa kaya akong magbiro. Kaloka! "You know what, Sunny?" wika nito ng tumigil na sa pagtawa. Buti naman! "What?!" may halong inis na sagot ko. Sabay inom sa beer na hawak-hawak ko. "You must go home." taboy nito. Muli na naman itong tumawa kaya tiningnan ko na siya ng masama. "Mukhang lasing ka na talaga eh! Kung ano-ano na kasi iyang lumalabas sa bibig mo." Umarko ang kilay ko sa narinig. Siya naman ay sumandal sa upuan na nakangiti habang umiiling na nakatingin sa akin. "Seryoso nga ako! Ano ka ba?!" pagpupumilit ko. "I'm really here to marry you. Wala nga lang akong singsing. Wala pa akong perang pambili eh." Bahagyang ngumiti sa kanya. "At…teka nga," nawala ang ngiti ko sa aking mga labi. "Kailan ba ako naging joker sa paningin mo?" "Since I met you," mabilis nitong sagot. I pouted. Hindi ba ako kapani-paniwala? Umalis na ito sa pagkakasandal at bahagyang dumukwang. Inayos ang suot nitong salamin sa mata at tumingin ng diretso sa aking mga mata. "You're a big clown in my life." "Clown!?" kunot ang noo na ulit ko. Umalis rin ako sa pagkakasandal at bahagyang dumukwang para salubungin ang kanyang mga titig. "Compliment ba iyan or insulto?" tanong ko. "Does it mean that I make you laugh your whole life since that is the clown's job? Iyon ba iyong gusto mong ipunto?" "Hmm-mmhm…sort of." aniya. Nagbawi ito ng tingin at muling bumalik sa pagkaka-sandal. Biglang sumeryoso ang mukha nito. "And…thank you for that. I'm glad that you really came into my life, Sunny. You really give colour to it." "Oh my God!" natatawa kong sabi. Pabiro siyang inirapan. "Mamamatay na ba ako? Bakit pakiramdam ko namamaalam ka na sa akin. Oy! Huwag kang ganyan ha!" sabay palo ng mahina sa kanyang braso. "Parang gusto mo na yata akong matigok kaagad. Ayoko pang ma-tsugi ah." Bahagya akong ngumiti ngunit sa loob-looban ko ay may lungkot na namumutawi. Knowing my life has a limit. "Baliw ka talaga! Pero iyon naman talaga ang totoo." insist niya. " I'm really glad that you came to my life and I become part of yours. We became friends. Built a really strong friendship and…." "That's why you should marry me." biglang sabat ko. "Para naman, strong relationship naman ang ating e-built this time around. So, will you marry me?" Muli na naman siyang tumawa. Akala mo naman isang napakalaking biro ang sinabi ko. "Ikaw talaga! Kahit kailan, puro ka pa rin kalokohan. When will you change, Sunny?" ani niya. Inirapan ko siya. Ano pa ba kasi ang babaguhin ko sa aking sarili. Magkapareho talaga sila ni Mommy. "Marry me and for sure, there is something that is gonna change with me." banat ko muli. Sabay kindat sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. "Ano naman iyon?" anito. "Apelyido ko syempre." Doon na siya bumunghalit ng tawa. "Ohh, aminin mo kinilig ka." pang-alaska ko pa. "Just marry me na lang kasi at pangakong patatawanin kita everyday. Gaya ngayon." "Noooo!" Biglang umalingaw-ngaw sa buong kabahayan ang boses ng bata. Halos sabay naman kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. "Summer!" bulalas ni Kye. Mabilis itong tumayo at humakbang patungo sa hagdanan kung saan nakatayo ang bata. "Are you already awake, baby?" tanong ni Kye. Kinarga nito ang bata at humakbang muli pabalik sa kinaroroonan ko. "Did we wake you up?" Kaagad kong nginitian ang bata ng magtagpo ang aming mga mata. "Hi, Summer! I'm tita Sunny." nakangiti kong bati sa kanya. Ngunit mukhang mas maldita pa talaga ang bata kaysa sa akin. Inisnab ba naman ako. "Hey Summer, tita Sunny say hi to you. What would you say?" salo ni Kye. "I don't want her." the kid said instead. Tinuro pa ako at tiningnan ako nito ng masama. "I don't like her. She looks so clumsy." Abay! Napaka-judgemental naman ng batang ito. Sinong nanay nito at ipapa-tulfo ko. Hindi tinuruan ng magandang asal ang anak. "Baby, that's not nice." saway ni Kye. "You can't just say that to someone you totally don't even know yet, okay? Now, say sorry to tita Sunny." "No!" sabay iling ng bata. Dahan-dahang binaba ni Kye ang bata sa sahig. "Summer, look at me." utos ni Kye rito. Sumunod naman sa kanya ang bata. "Do you want me to get angry at you?" banayad nitong tanong sa bata. "No, daddy." sagot naman ni Summer. Yumuko ito at nilaro-laro ang kanyang daliri. "I don't want you to get angry because lola mommy said. It will make you ugly." "That is why, now say sorry to tita Sunny. And I won't be angry at you." Tumingala naman sa akin si Summer kaya matamis ko siyang nginitian. "Still, no!" pagmamatigas pa rin nito. "Summer!" si Kye. Seryoso na ang mukha nitong nakatutok sa bata. Bigla akong naalarma kaya pumagitna na ako. "Kye! Ano ka ba, okay lang." ani ko. Pilit na ngumiti. "Ano ka ba, bata iyan eh. Hindi pa niya alam kung tama ba ang ginagawa niya o hindi." "Will you stop acting nice?" biglang sabat ng bata. Nanlaki at umawang tuloy ang aking bibig at mata dahil sa gulat. Ganito ba ang mga bata na lumaki sa America? "He will not gonna marry you. He will marry someone else. Better than you and…." "Summer! Stop it!" galit na sigaw ni Kye na ikinapitlag ko. "I never teach you to act like this." sermon nito sa bata. Bigla naman ako nakaramdam ng awa dahil parang iiyak na ito anumang oras. "Kye! Come on, s–she's just a kid." saway ko. "You will not marry her, right daddy?" biglang tanong ng bata. Alam ko naman na ako tinutukoy nito. Tumingin sa akin si Kye ng makahulugan. Pinilit ko naman ngumiti at tumayo na rin sa silyang inuupuan ko. "Maybe, I really should go, Kye." paalam ko. Bahagya akong lumapit sa mag-ama. Yumuko upang lumevel ang mukha namin ni Summer at mahinang tinapik ito sa pisngi saka ngumiti. "Bye, Summer. See you around." wika ko. "Never! Not in your wildest dream!" ani nito. Nag-tatakbo na ito paakyat ng hagdan. "Summer!" sigaw ni Kye ngunit hindi na ito pinansin ng bata. I was honestly pissed off. Pero knowing na bata ang kaharap ko kaya pilit ko pa rin na hinahabaan ang pasensya ko. It's not my first time that someone dislikes me. Pero bakit iba ang sakit pagdating sa mga bata? Bahagya akong tumawa upang burahin ang dissapointment sa aking mukha. "Why she don't like me? Pretty naman ako ah!" wika ko kay Kye. Pilit na pinasisigla ko ang aking boses. "Ano kaya problema ng dalaga mo? Mukhang sa'yo yata nagmana." biro ko pa. Hindi na sumagot si Kye at seryoso na ang mukha nito. "I'm sorry." hinging despensa niya. Umiling naman ako saka ngumiti. " Ano ka ba!She's just a kid." sabi ko. "By the way, mauna na ako. See you around." Paalam ko bago tuluyan ng lumabas ng bahay ni Kye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD