Prologue: Sa Ilalim ng mga Bituin ng Coron
Sa edad na 24, pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya sa pagpapatakbo ng sarili niyang negosyo sa Maynila. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon, lumipad siya papuntang Coron, Palawan—malayo sa ingay ng siyudad at malayo sa stress ng trabaho.
Noong gabing iyon, mag-isa siyang nakaupo sa isang madilim at tahimik na bahagi ng beach. May hawak siyang bote ng malamig na beer habang hinahayaan ang alon na tumama sa mga paa niya. Hinawi ni Maya ang mahaba, bagsak at medyo wavy niyang buhok sa likod ng tenga, saka siya huminga nang malalim. Sobrang saya niya sa dilim kasi sa wakas, walang nangingialam sa kanya rito.
"Is this spot taken?"
Isang malambing, medyo paos, pero napakagandang boses ang nagsalita sa tabi niya. English ang gamit nito at may kaunting accent.
Nang tumingin si Maya, isang matangkad at napakagandang babae. Kahit madilim at naka-simpleng puting summer dress lang ito, halatang hindi siya ordinaryong tao. Ang tuwid at itim nitong buhok na abot-bewang ay hinahangin ng hangin sa gabi. Dahil mukha naman siyang Asyano, binalak ni Maya na kausapin ito sa Tagalog.
"Ah, hindi naman. Sige lang, maupo ka," nakangiting sagot ni Maya sabay usog nang konti sa buhangin. "Mas masarap talagang tumambay dito kapag gabi, presko at walang masyadong tao."
Imbes na umupo, nanatiling nakatayo ang babae at medyo napatagilid ang ulo na parang nalilito. "I'm... sorry?" sagot nito sa Ingles. "I don't speak Tagalog. I'm from Thailand."
Naramdaman agad ni Maya ang biglang pag-init ng mukha niya sa hiya. Buti na lang at madilim para itago ang pamumula ng maputi niyang balat. "Oh! Oh, my god, I am so sorry," mabilis na sabi ni Maya sa Ingles, habang mahinang tinatawanan ang sarili. "I thought you were local. But yeah, please, the spot is free. You can sit here."
Natawa nang napakaganda ang babae bago tuluyang umupo sa tabi ni Maya. "It's fine. I get that a lot here. I'm Pim, by the way."
Sa edad na 26, si Pim ay isa sa pinakasikat na aktres sa Thailand. Ang bakasyon niyang ito sa Palawan ang huling pahinga niya bago magsimula ang napakarami niyang International Tour sa iba't ibang bansa, kasama na ang Pilipinas. Tumakas lang siya noong gabing iyon mula sa kanyang mga bodyguard at manager para maranasan naman maging normal na tao, kahit isang gabi lang.
At sa lahat ng pwedeng makatabi, ang tadhana pa ang pumili sa isang Pilipinang may magagandang light brown eyes para magpabago sa buhay niya.
Dahil sa nakatutuwang simula na iyon, mabilis silang naging komportable sa isa't isa. Buong gabi silang nag-usap. Hindi nagtanong si Maya kung ano ang trabaho ni Pim, at hindi rin nag-usisa si Pim sa buhay ni Maya. Nagkwentuhan sila, uminom ng beer, at nagtawanan na parang matagal nang magkakilala.
May kakaibang atraksyon sa pagitan nila na hindi na nila napigilan habang lumalalim ang gabi. Habang nagkekwentuhan, unti-unting lumiliit ang distansya ng mga balikat nila. Natahimik sila saglit, at tanging tunog na lang ng alon ang naririnig.
Tumingin si Pim kay Maya. Hinahangin ang ilang hibla ng mahaba at wavy na buhok ni Maya sa mukha nito. Nang hindi nag-iisip, itinaas ni Pim ang kamay niya at dahan-dahang isinabit ang buhok ni Maya sa likod ng tenga nito.
Noong unang beses na dumampi ang mga daliri ni Pim sa pisngi ni Maya, parang nakuryente silang dalawa. Napatigil si Maya at napatingin nang diretso sa mga mata ng aktres. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, kitang-kita ni Pim kung paano kumislap ang light brown eyes ni Maya. Sobrang ganda. Doon pa lang, alam na ni Pim sa sarili niya—siya ang unang nahulog, at nahulog siya nang husto.
"You have the most beautiful eyes I've ever seen, Maya," bulong ni Pim, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ng dalaga.
Medyo napalunok si Maya. Sanay naman siyang may pumupuri sa kanya, pero iba ang epekto kapag ang isang Pimpisa na ang nagsabi sa kanya nun. Ramdam niya ang lakas ng t***k ng puso niya. "You're just saying that because it's dark," biro ni Maya para itago ang kaba, pero medyo gumaralgal ang boses niya.
"No, I'm serious," seryosong sagot ni Pim. Lalo niyang inilapit ang mukha niya, sapat na para maramdaman ni Maya ang mainit na hininga nito.
Para namang magnet si Maya na hindi na nakagalaw nang hawakan ni Pim ang baba niya, dahan-dahang inangat ito, at idinikit ang mga labi nila.
Ang unang halik ay marahan lang—parang nagpapakiramdaman, parang nagtatanong kung pwede ba. Pero nang mapahawak si Maya sa braso ni Pim at gumanti sa halik, doon na nag-iba ang takbo ng gabi. Naging mas malalim, mas sabik, at mas mainit ang bawat dampi ng mga labi nila. Nalasing sila hindi sa ininom nilang beer, kundi sa presensya ng isa't isa.
Nang maghiwalay ang mga labi nila para huminga, pareho na silang hingal. Hinawakan ni Pim ang kamay ni Maya, mahigpit itong piniga, at tumingin sa kanya na tila nagtatanong. Hindi na kailangan ng salita. Tumayo si Maya, hawak pa rin ang kamay ni Pim, at magkahawak-kamay silang naglakad pabalik sa resort, diretso sa tahimik na kwarto ni Pim.
Pagkasara na pagkasara ng pinto, tila nawalan na sila ng pasensya. Isinandal ni Pim si Maya sa pinto at muli siyang hinalikan nang mas mariin. Sumandal si Maya sa matigas na kahoy, habang ang mga kamay niya ay awtomatikong gumapang paakyat sa leeg ni Pim, pinaluob ang mga daliri sa tuwid at mahabang buhok ng aktres.
Hindi na lang ito simpleng halik; puno ito ng pananabik at init. Habang magkalapat ang mga labi nila, nagsimulang gumalaw ang mga kamay ni Pim. Dahan-dahan nitong ibinaba ang strap ng simpleng summer dress ni Maya, habang ang kamay naman ni Maya ay naghahanap ng paraan para hubarin ang suot ni Pim. Sa bawat pagitan ng malalalim na halik, unt-unting nahulog ang mga damit nila sa sahig, hanggang sa tanging ang init na lang ng mga balat nila ang namamagitan sa kanila.
Dinala sila ng mga hakbang patungo sa malambot na kama. Lalong naging mapusok si Pim. Inihiga niya si Maya at pumatong sa ibabaw nito, hindi pa rin pinuputol ang halik na nagpapakaba nang husto sa dibdib ng dalaga.
Dahan-dahan, bumaba ang mga halik ni Pim. Mula sa mga labi ni Maya, lumipat ito sa gilid ng panga, pababa sa maseselang bahagi ng leeg nito. Napakapit nang mahigpit si Maya sa balikat ni Pim nang makaramdam ng kakaibang kiliti at init.
"Pim..." mahinang napa-ungol si Maya, napapikit habang hinahawakan ang likod ng ulo ng aktres para mas ilapit ito sa kanya.
Napatigil si Pim saglit. Inangat niya ang kanyang mukha, hingal na hingal, at tumitig sa mapupungay na light brown eyes ni Maya na tila ba nagniningning sa dilim. Hinaplos ni Pim ang namumulang pisngi ng dalaga gamit ang nanginginig niyang hinlalaki.
"You are so beautiful, Maya," bulong ni Pim, paos ang boses at puno ng emosyon. "Please... tell me if it’s too much."
"No... it's not," sagot ni Maya, halos pabulong na rin habang hinihila si Pim pababa para sa isa pang mabilis at mainit na halik. "Don't stop."
Isang maliit at seryosong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Pim bago niya ipinagpatuloy ang pagbaba ng kanyang mga halik patungo sa balikat at dibdib ni Maya. Sa bawat dampi ng labi at dila ng aktres, tila ba nawawalan ng hangin si Maya. Napakagat-labi siya para pigilan ang mas malalakas na daing na gustong kumawala sa kanyang bibig.
Ramdam na ramdam ni Maya ang bango ng pabango ni Pim na humahalo sa sarili niyang amoy. Nang marating ni Pim ang kanyang tiyan, naramdaman ni Maya ang marahang paghawak ng mga kamay ng aktres sa kanyang balakang, pinipiga ito nang may banayad na pananabik.
"Look at me, Maya," bulong muli ni Pim habang dahan-dahang lumuluwag ang hawak nito, gumagapang ang mga daliri patungo sa pinakasensitibong bahagi ng p********e ni Maya.
Iminulat ni Maya ang kanyang mga mata, kahit nahihirapan nang mag-focus dahil sa matinding sarap. Sinalubong niya ang madilim at determinadong titig ni Pim.
"I want to remember every part of you," paos na sabi ni Pim bago tuluyang ibinaba ang kanyang mukha sa pagitan ng mga hita ni Maya.
Nang maramdaman ni Maya ang mainit na dila ni Pim na dumampi sa kanyang pinakasensitibong bahagi, napasinghap siya nang malalim at napakapit sa kumot. Unang beses itong nangyari sa buong buhay ni Maya. Ang kakaibang sarap na idinudulot ng bawat banayad na paghila at pag-ikot ng dila ni Pim ay isang bagay na hindi pa niya nararanasan kailanman. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang natutunaw.
"Pim... ah!" hindi na napigilan ni Maya ang dumaing habang itinutulak ang kanyang balakang paitaas, dala ng tindi ng nararamdaman.
Mas lalong ginalingan ni Pim ang pag-init sa kanya, ninanamnam ang bawat patak ng tamis na lumalabas mula kay Maya, hanggang sa maramdaman niyang nangangatog na ang mga binti ng dalaga. Sa isang matinding pitik ng sarap, tuluyang dinala ni Pim si Maya sa kanyang unang climax. Napaiyak si Maya sa sarap habang hawak ang buhok ni Pim, habang ang aktres naman ay dinalisay ang huling patak ng likido nito bago muling tumingala.
Hingal na hingal si Pim, may maliit na ngiti sa labi, pero hindi pa siya tapos. Habang nakatitig sa namumulang mukha ni Maya, dahan-dahang ipinasok ni Pim ang kanyang daliri.
"Ah! Wait—" Napakapit nang mahigpit si Maya sa braso ni Pim, napangiwi sa biglaang kirot na naramdaman. Bago pa lang ang lahat ng ito sa kanyang katawan.
Napatigil agad si Pim. Hinawakan niya ang kamay ni Maya at hinalikan ito para pakalmahin ang dalaga. "I'm sorry. Are you okay? We can stop," nag-aalalang bulong ni Pim sa Ingles.
Huminga nang malalim si Maya, tinitigan ang nag-aalalang mga mata ng aktres, at dahan-dahang umiling. Kahit medyo may kirot, mas matimbang ang kagustuhan niyang mapuspos sa piling ni Pim. "No... don't stop. It's okay. Just... please be gentle," pakiusap ni Maya.
Tumango si Pim at hinalikan si Maya sa mga labi para ilipat ang atensyon nito mula sa kirot. Dahan-dahan, sa pinakamaingat na paraan, muling iginalaw ni Pim ang kanyang mga daliri. Sa bawat marahang pagpasok at paglabas, unti-unting napalitan ng pamilyar na init ang kirot na naramdaman ni Maya.
Naging mas mabilis pero nananatiling banayad ang ritmo ni Pim, sumasabay sa bawat mahinang ungol ni Maya. Ang buong kwarto ay napuno ng tunog ng kanilang mabibilis na hininga at maseselang bulungan. Hanggang sa maramdaman muli ni Maya ang pag-ipon ng matinding enerhiya sa kanyang katawan.
Naramdaman ni Pim ang pagsikip ng katawan ni Maya, isang senyales na unti-unti na naman itong dinadala sa rurok ng sarap. Dahil doon, dahan-dahang binago ni Pim ang ritmo. Ang marahan at maingat niyang paggalaw kanina ay unt-unting naging mas mabilis, at mas malalim.
"Pim... wait, oh god—" napakapit si Maya sa balikat ni Pim, habang ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa sa tindi ng nararamdaman. Ang bawat tulak ng mga daliri ni Pim ay tila tumatama sa tamang-tamang ugat na nagpapakuryente sa buong katawan niya.
"Stay with me, Maya," paos na bulong ni Pim sa kanyang tenga, habang patuloy na binibilisan ang kanyang paggalaw. Ang init ng hininga ng aktres at ang tunog ng bawat mabilis nitong paglabas masok ay lalong nagpadala sa katinuan ni Maya.
Hindi na makaisip nang maayos si Maya. Ang buong mundo niya ay umiikot na lang sa kamay ni Pim at sa matinding sarap na sumasabog sa kaibuturan niya. Napaarko ang kanyang balakang paitaas, sumasabay sa mabilis na ritmo ng aktres, habang ang mga ungol niya ay sunod-sunod at hindi na mapigilan.
Sa huling ilang mabilis at mariing tulak ni Pim, tuluyang nangatal ang buong katawan ni Maya. Isang matinding alon ng ligaya ang bumalot sa kanya nang marating niya ang kanyang pangalawang climax. Napayakap siya nang napakahigpit sa leeg ni Pim, ibinaon ang mukha sa balikat nito habang hinahabol ang kanyang hininga, ramdam ang bawat pintig ng sariling katawan na unti-unting kumakalma.
Niyakap nang matagal ni Pim si Maya habang dahan-dahang bumabalik ang normal na paghinga nilang dalawa. Nang kumalma na ang lahat, dahan-dahang bumangon si Pim. Kahit pagod, may malambing na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin kay Maya na kasalukuyang nakapikit at halatang hinihintay na lang na makatulog dahil sa tindi ng pagod.
Pumasok si Pim sa banyo para maligo nang mabilis. Pagkatapos, bumalik siya sa tabi ng kama na may dalang malinis at basang tuwalya. Sobrang ingat niyang pinunasan ang katawan ni Maya, nilinis ang bawat bakas ng kanilang naging mainit na gabi para masigurong magiging komportable ito sa pagtulog. Bahagyang idinilat ni Maya ang kanyang mga mata, medyo ngumiti, at hinayaan si Pim na alagaan siya.
Nang matapos, nahiga na rin si Pim sa tabi niya. Hinila niya si Maya paitaas para ihalong ang ulo nito sa kanyang dibdib, bago sila tuluyang dinalaw ng antok habang magkayakap.
Ngunit kinabukasan, pagsikat ng araw, sinalubong si Pim ng kakaibang katahimikan.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at awtomatikong kinapa ang tabi ng kama—pero malamig na ang unan. Wala na si Maya.
Napabalikwas ng upo si Pim, mabilis na inikot ang tingin sa buong kwarto, pero malinis na ang paligid. Wala ang mga gamit ng dalaga. Walang iniwang kahit anong sulat, o numero. Tanging ang bango na lang ng mamahaling pabango ni Pim ang naiwan sa unan na hinigaan ng babaeng nagpabago ng takbo ng puso niya sa loob lang ng isang gabi.