Chapter 15

2163 Words
"We'll extend the celebration and will hold the party a week after ng birthday ni mama."  Sumang-ayon kami sa gusto ng panganay. Nasa sala kami at kaniya-kaniyang nakasalampak sa carpet at sofa doon. Nagkalat din ang mga balat ng chips at mga lata ng beer at softdrinks. Para kaming mga college students na nag-overnight para gumawa ng thesis. Nakaupo ako sa carpet at kaharap ang laptop na nasa round table. We are still finalizing our plan for our mama's day. I know that we should hire an organizer for this and we have kuya Kiel's wife for that. "So our trip will last for five days and then two days after natin makauwi is gaganapin ang party? Is that right?" Tanong ko sa mga ito. "Ay true ba?" Tanong naman ni Kuya Jay. May paepek pa ito na pahawak-hawak sa dibdib na nakapilantik ang daliri. Isa pa, bibigwasan ko 'to. Nai-stress na ako sa mga ito. Maaga ata akong magkaka wrinkles dahil sa kunsumisyon. "Please be serious! Inaantok na rin ako!" "Mag-call center ka lang eh." Gatong naman ng bunso namin. "Sumbong ko kayo kay mama!" "Iyakin. Huhu. Iyakin!" Si Ken, ang bunso namin, habang nakalabi at kinukusot-kusot ang mga mata. I rolled my eyes and started to draft the invitation. Hanggang sa nakapasok ako sa kuwarto ay hindi nagtext ang lalaking 'yon. I miss my diamond. Morning came and I dressed up to go to the Univ. I'm still thinking kung mag-aattend pa ba ako ng graduation rehearsal or hindi na. Tinawagan ko si Joanne and we decided not to. Dadaan lang kami saglit then we'll go to the mall today para magwindow shopping or bumili na rin kung anong maisipan namin. Halos kabubukas lang ng mall nang makarating kami ni Joanne doon. Simpleng white shirt, shorts, at sneakers lang ang soot ko. Noong una ay naglalakad-lakad lang kami at bahagyang sinisilip ang loob ng mga boutique hanggang sa napagpasyahang kumain muna. Wala naman kaming nabili pero napagod na ako. Dumating ang order namin nang hindi ako umiimik pero si Joanne ay kung ano-ano ng kababalaghan ang pinagsasabi. "Masarap ba?" Napakunot ang noo ko at tinignan ang baby back ribs na kinakain ko. "Oo naman. Paubos na nga oh." "Gaga. Yung ano." "Ano?" "Yung ano... with boyfriend," sabay muwestra ng 'okay' sa kaniyang kamay. Nabulunan ako sa kawalan ng salaan ng bibig niya. "Tangina, Joanne!? Malay ko ba?" "Akala ko ba ginawa niyo na ng Señorito mo?" Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. "Boba. Yung plano sa farm ang ginagawa namin noong nakaraan... Gaga!" "Gaga ka rin. Hinuhuli lang kita... Tahimik mo eh, akala ko natira ka na." "Potaena mo talaga!" Mariin ang pagkakabigkas ko ng bawat salita. Nag makeface at tinawanan lang ako ng bruha. "Wala ka talagang bibilhin? Shoes, perfume, jewelry, clothes, lingerie..." "Aanhin ko naman ang lingerie?" Kunot-noong tanong ko. Napapansin ko rin na lagi na lang salubong ang kilay ko. Nahahawa na ata talaga sa diyamanteng yun. Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy kami sa paglalakad bitbit ang bubble tea na nabili. Inilabas ko ang phone ko at tinext si Dymaun. To: My Diamond I miss you. Call me when you're free. "Girl, san tayo niyan? Sawa na paa ko kakalakad... May groceries ka pa ba? Samahan mo na lang ako mamili non. Sayang oras. Kaloka ka." Hinila ako ni Joanne papasok ng supermarket at agad na kumuha ng cart. She was grabbing a box of fresh milk when I noticed someone familiar to me. Her hair's wavy. Her skin is tanned with some visible freckles on her cheeks. She's looking on the aisle of dairy products. I think I saw her before. Busy ako sa pag-iisip kung saan ko nakita ang babae nang may humila na sa buhok ko. "Hello. Gising na uy. Para kang tanga na nakatulala. Isang ganyan mo pa iisipin kong nanuno ka ngang talaga sa Pampanga." Inismiran niya ako at muling tinulak ang cart palayo. Nasulyapan ko siyang kumuha ng ilang bars ng chocolate pati nung krim stix na lagi kong nilalantakan. Ang sweet naman ng bff ko. Binalikdan ko ang pinanggalingan kanina ngunit wala na roon ang babae. Siguro'y nakaalis na. Malamang, duh? Nalibang na ako sa pagpili ng ibang produkto at nawala na sa isip ko ang tungkol sa babae kanina. Ngunit nang nasa counter na kami ay muli ko itong nasulyapan sa pinakadulong counter. Hindi siya nag-iisa. At ngayon, mas pamilyar ang lalaking kasama niya. I managed to organize my feelings. I have been with him for the past weeks and I really know that he is that man who's bringing that girl's grocery. Parang gumuguho na ang mundo ko pero pinilit kong itext siya. To: My Dymaun Where are you? Of course, he didn't text back. "Uy. Tulaley? Pakibuhat ine." Binitbit ko ang isang bag ng goods at pumunta na sa parking lot. Dala ko ang kotse ko today. Nang mailagay na namin sa back seat ang pinamili ay bumalik kami sa loob para mag magpamanicure at early dinner. Nasa 2nd floor kami at katatapos lang sa isang salon nang mabangga ako ng babaeng nakaputing bucket hat, halter top, and baggy jeans. Nagsorry siya pero hindi ata napansin na nalaglag ang bracelet niya. Pinulot ko iyon habang tinatawag ito ngunit hindi na ako narinig. "Ay grabe, intense." Turo nito sa kumpulan ng mga tao kung saan may isang lalaking duguan ang mukha. "Excuse me, miss." Baritonong boses ang nakaagaw ng pansin ko. "Can I have that? It's my girlfriend's..." Turo nito sa bracelet. Hindi ko ibinigay 'yon nung una pero nang ipakita niya ang picture nila ng babae, na mukhang kuha lang kanina at kita ang bracelet, ibinigay ko na iyon. "Saan na tayo nito?" "Kain, Joanne." Alam kong wala ako sa hulog. Nararamdaman ko rin 'yon kaya hindi na ako umaangal sa pamamansin na ginagawa ni Joanne sa akin. Nasa loob kami ng resto nang mapatingin ako sa isang boutique. Kalalabas lang noong babaeng nakita ko rin sa supermarket kanina at kasunod si Dymaun. I really thought he's in his mansion. What is he doing with that girl!? Unti-unting kumulo ang dugo ko nang makitang hinalikan ng babaeng 'yon ang pisngi ni Dymaun at mapapasugod na ako nang ngumiti naman ang lalaki sa babae. Tangina, Dymaun! Only I should get to see that smile! Ako lang! Ansakit sa dibdib. Hindi ko yata kakayaning sugurin siya. Why is he doing this? Hindi pa nag-iisang araw nang maging kami! "Oh my... Isn't that Señorito?" Inilahad ni Joanne ang taong kanina ko pa pinagtutuunan ng pansin. "Sinong kasama niya? Ganda ah. Parang female version niya. Pero alam ko wala namang kapatid na babae 'yan eh." Napatingin ako sa kaibigan. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko at hindi ko 'yon nagugustuhan. "Ambilis mo pa lang palitan eh. Mahina, sis. Tsk. Tsk." Pailing-iling ako nitong pinagmasdan hanggang sa napansin ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga ata ko. "Luh. Joke lang eh."  Tinatahan ako nito at humihinga lang ako ng malalim. I grimaced at laughed. Hindi ako 'yun. I am not a softy. I have a strong personality! Kapagkuwan ay nagpatuloy na lang sa pagkain. We should talk about this. Calm your nerves, Alecxiandra. Pagkatapos namin don ay umuwi at iniakyat na namin ang mga groceries ni Joanne. Hindi na muna ako tumuloy sa condo ko at nanatili na lang sa kaniya. Hindi na rin ako nag-aksaya ng panahon na tignan ang cellphone ko at basta na lang humilata at natulog sa kama ng kaibigan. Ilang araw na kaming hindi nagpapakita sa skwelahan. Natapos na naman namin ang lahat ng requirements. Updated naman si Joanne sa mga ginagawa nila kahit next week na ang graduation namin. Ilang araw na rin akong hindi umuuwi sa unit ko kahit na nasa lang nito iyon. Hindi ko rin chinecheck ang cellphone kong nalowbat na siguro ngayon. Wala akong ganang lumabas. Sumasakit ang likod ko pati na rin ang puso ko. Maybe it's about to flow. "Joanne?" Tawag ko sa kaibigan mula sa living room niya. "OH!?" Pagalit na sagot nito. Pinapauwi na niya kasi ako. Napakatamad ko raw masyado nitong nakaraang araw. "Joanne, gusto ko ng strawberry jam sandwich and strawberry milkshake," mahinang sambit ko rito. Naiiyak na. "Lintek, Alec. Nasaan ba kasi ang Señorito mo at hindi ka sa kaniya magpabili? Mas maraming pera 'yon kesa sa'kin! Siya bulabugin m—" Kinagat ko ang labi ko at napahinto naman siya ng makita ang masasaganang luha sa mga mata ko. "Tangina napano ka?" Itinuro ko ang pinapanood ko. "Gusto kong kumain ng strawberry jam sandwich, Joanne. Miss ko na rin ang Dymaun ko, Joanne. Taena ba't umiiyak ako!?" PMS lang siguro. Ilang buwan din akong hindi dinatnan. "Bat kasi hindi mo kinakausap? Sabi mo hindi ba kakausapin mo? Punyeta ka. Tawag nang tawag hindi mo sinasagot tapos ngayon gumaganyan ka!?" Nagpatuloy siya sa panenermon habang may pinipindot sa cellphone niya. "Kunin mo yung inorder ko mamaya. Ikaw na rin magbayad..." Inismiran ako nito at muling bumalik sa kusina. Kanina kasi ay sinabi kong baked mac 'n cheese ang gusto ko para sa lunch namin. Pinagpatuloy ko ang pinapanood at mas lalo akong naiyak nang makitang bigong-bigo si Heo Joon Jae. No, bb. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbuzz mula sa device na nakadikit malapit sa pintuan ng unit. Kahit nanghihina at iniinda ang likod ko ay tumayo ako at pinagbuksan ang nagdedeliver. Suot ko ang kulay kremang pares ng pajama ni Joanne na may print na mga halaman at magulo ang pagkakapusod ng buhok ko habang kumukuha ng bills sa pitaka. Tanaw ko ang brown leather loafers nito. Sossy. "M-magkano po ulit?" Hindi sumagot ang kinakausap kaya't tiningala ko ito. Nangangalumata siyang tumingin sa akin at binalot ako ng yakap. "Y-you smell... g-good," biglang nasabi ko, naiiyak na nandito nga siya sa harapan ko. His hug went tighter and he kept on kissing my head. Awe. My softy and precious diamond. "What are you doing here, Dymaun?" "Please, don't do that again to me, miss. I almost lost my sanity. I missed you so much. I am now your boyfriend. You should tell me what you feel so we can resolve it immediately, okay?" Tumango ako at patuloy lang sa pag-iyak na parang bata na hindi pinagbigyan sa gusto. Kapagkuwan ay bumulong ako. "I'm hungry, Dada. My back hurts. Tapos pinagpalit mo na ako. Love mo lang ako kasi maganda ako," patuloy ako sa paglabi, nagsusumbong kung ano ang nangyari sa akin. I heard him chuckled. "Silly." He carried me like a child. Iniyakap ko ang mga kamay ko sa leeg niya at isinubsob din ang mukha ko roon. Pumasok kami sa unit ni Joanne at ibinaba ang dalang pagkain sa lamesita. Habang siya ay umupo sa sofa at iniupo naman ako nang patagilid sa kaniyang kandungan. "You okay, baby?" he asked. "Feed me, Dada. I want a strawberry sandwich and a milkshake. My back is painful and my heart hurts, too..." Hinahaplos niya ang buhok ko at inayos ang pagkakatali noon. Kinuha rin niya ang dalang pagkain at binuksan 'yon para mapakain ako. "You're not listening to me because you found someone else right? You gave me flowers and you gave her flowers, too." Bumuntong-hininga siya at inilapit ang noo sa akin, hinahaplos pa rin ang buhok ko. "What now? You're tired na? Ayaw mo na sa akin kasi ganito ako? Sige, okay lang. You can go. Let's end this right n—" Naputol ang sasabihin ko nang pinaglapat niya ang mga labi namin. Marahan ang bawat halik na ibinibigay niya sa'kin. Nang bumitaw siya ay halos mabaliw ako sa titig niyang nakakapang-akit. Basa ang mga labi niya at bahagyang nakaparte iyon dahil sa marahang paghinga. "We're not ending this relationship, Miss. Maybe you saw me with Nyx the other day. I'll introduce you to her when everything is settled. And those flowers are for you. I'm about to surprise you but you surprised me more nang wala akong maabutan sa condo mo..." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at tumitig na lang sa pinapanood kanina. "I was calling you but you're not picking up. I even called your brother but he's rejecting my calls, too. I went back the next days pero wala pa rin. I even went to your school at kanina lang ay nasa baba ako, naghihintay sa'yo." Hindi ko siya kayang tignan. Mas naiiyak lang ako habang naririnig ang paliwanag niya. Hindi ko matanggap na napakababaw ko. "Baby, look at me." Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya. I scratched my nose and blew my cheeks. "Eat now, baby. You look pale. I'll take care of you and we'll talk again, okay?" I nodded. I was eating the food he bought while he's caressing my head. Unti-unti akong kumakalma at hinihila ng antok. Binitawan ko ang hawak na milkshake at isiniksik ang sarili ko sa kaniya. "I missed you, Dymaun..." mahinang usal ko bago ako tuluyang nakatulog. ... ♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD