HULING family dinner ni Alyssa sa mansion ng mga De Asis ngayong gabi. Dahil simula sa susunod na araw ay babalik na si Audrey at siya naman ay babalik na sa kanilang probinsiya. At hindi maintindihan ni Alyssa kung bakit nakakaramdam ang kirot ang puso niya ng sandaling iyon. Naisip niyang baka dahil sa maikling panahon ay naging malapit siya sa pamilya De Asis. Siguro dahil noong mawala ang Mama niya ay naghahanap siya ng kalinga, nang pagmamahal ng isang pamilya. At sa pagpapanggap niya bilang si Audrey ay nahanap niya iyon sa pamilya ni Franco. At mayamaya ay napakunot ng noo si Alyssa nang marinig niya ang pagtunong ng doorbell sa labas ng kwarto niya. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Alyssa ng humakbang siya palapit sa pinto para pagbuksan ang pinto. At ganoon

