Gerone Severa

2298 Words
“Ano’ng nangyari, iha? Bakit narito na kayo agad? Hindi ba tatlong araw ang free room accommodation na ibinigay sa inyo ng management ng Frontera para sa honeymoon ninyo ni Gerone?” nagtatakang sunod-sunod na tanong ni mommy Elaine kay Daphne. Naririto sila ni Gerone ngayon sa kanilang bahay. Bago tumuloy sa mansyon ng mga Severa ay napagkasunduan nilang mag-asawa na dumaan muna sa bahay ng kaniyang mga magulang. Nagulat si mommy Elaine nang makita silang dalawa ni Gerone. Agad siya nitong hinila sa kusina upang hindi marinig ni Gerone at ng kanyang daddy ang kanilang pag-uusap. Naiwan ang dalawang lalaki sa sala. “Ganoon nga, mommy,” nagmamaktol na tugon niya. “So, bakit nga narito na kayo? At ang sabi ni Gerone ay didiretso na kayo sa kanilang mansyon? Don’t tell me na wala siyang ibang plano para sa honeymoon ninyo?” Napabuntong-hininga si Daphne. Iniisip kung tamang sabihin sa ina na wala pang nangyayari sa kanila ni Gerone mula pa kagabi. Ngunit madaling makaramdam ang kanyang mommy Elaine. “May problema ba, iha?” “Mommy, I don’t know if I have to tell it to you, but I guess Gerone is not that excited to take me as his wife.” “What?” Napalakas ang boses ni mommy Elaine kung kaya agad nitong tinakpan ang sariling bibig sa pag-aalalang marinig sila ng dalawang lalaki na nag-uusap din sa sala. “That’s impossible, iha. Gerone loves you very much. Everybody knows that. Dahil kung hindi, hindi ka niya pakakasalan.” Napailing siya tanda ng pagtutol sa sinabi ng ina. “Pero bakit ni hindi niya ako hinawakan man lang kagabi, mommy? Sa halip ay uminom siya nang marami pagkatapos ay natulog. And this morning, he refused to do it with me. Sobra niya akong pinahiya.” Masuyong hinawakan ni mommy Elaine ang kaniyang balikat. “I’m sorry, iha. Pero baka may matinding dahilan kung bakit.” “Tulad ng ano, mommy?” “The Severas are a very conservative family. Alam mong masyadong makaluma at torpe si Gerone at ikaw lang ang kanyang naging kasintahan sa pagkakaalam nating lahat. At ilang buwan lang kayong naging magkasintahan bago nagpakasal. Sabihin na nating baka hindi pa siya ganoon kahanda para tumupad sa mga tungkulin bilang asawa.” “At his age, mommy? My God, he is thirty. At ako? Hindi ba, I also came from a conservative family? Pareho lang kaming walang karanasan. Pero dapat ay siya itong mas agresibo sa aming dalawa?” “Iha…” May takot na rumehistro sa mga mata ng kanyang ina. “I hope this will not cause a conflict between the two of you. Alam mo kung gaano kahalaga ang marriage ninyo ni Gerone hindi lang para sa inyong dalawa kundi maging sa pamilya natin.” Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng ina. “I know, mommy. Alam ko naman kung bakit halos ipagtulakan ninyo ako na makasal agad kay Gerone. It’s because of daddy’s political ambition.” “I’m sorry,iha. Pero kung hindi ka naman pumayag ay hindi ka naman namin pipilitin ng iyong daddy.” “Alam ko naman iyon, mommy. Kaya lang, hindi ko pa rin maiwasan na isipin na ginamit lamang ni daddy at ni governor ang sitwasyon namin ni Gerone para sa sarili nilang kapakanan.” “Iha, alam mong malakas ang kalaban ng iyong ama sa pagka-mayor sa darating na eleksyon. Anak ng dating gobernador ng Pontevedra si Raul Mondego. At ang ama nito na si Simoun Mondego ay tatakbo muli bilang gobenador at siyang makakalaban ng iyong biyenan na si Amador Severa. Kinailangang pag-isahin ni Rodante at Amador ang kanilang makinarya at mga supporter sa pamamagitan ng pagsasanib ng ating mga angkan. Mas marami at mas nagkakaisa, mas may puwersa tayo laban sa makapangyarihang angkan ng mga Mondego.” “At idagdag n’yo pa na gagamitin ako ng mga Severa sa pangangampanya, hindi ba?” “Daphne, alam mong kailangan ng isang kandidato ng karisma. At ang magagandang babae ay sapat upang makaakit ng mga botante. Tama ka, kakailanganin ka ng gobernador sa dahilang dati kang beauty queen ng ating lalawigan at ngayon ay isang sikat na modelo.” “Naggagamitan lang ba ang ating mga pamilya, mommy?” halos pabulong na tanong niya. Unti-unting nagsisikip ang dibdib niya dahil sa nagiging takbo ng usapan. Mapait na ngumiti ang kanyang ina. Isang katotohanan ang nabasa niya sa likod ng ngiting iyon. “Masakit mang aminin, ay ganoon na nga, Daphne. Pero isipin mo na lang na gagawin mo ang lahat ng ito para sa iyong ama. Please, promise me that you will help your father at all cost.” Ipinasya ni Daphne na huwag nang makipagtalo pa. Tahimik na niyakap na lang niya ang kanyang ina. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanilang padre de pamilya kasukdulang magbulag-bulagan ito sa katotohanan. “Siyangapala, where is Dorcas, mommy?” tanong niya habang kumakawala sa pagkakayakap ng ina. Nakita niya na papalapit sa kanila si mayor Rodante kung kaya pinilit niyang maging masigla upang hindi ito makahalata sa pinagdadaanan niya. “Hay naku, pumasok ang kapatid mong iyon kahit dumaing kanina na hindi raw maganda ang kanyang pakiramdam. Thesis defense daw kasi nila ngayon sa masteral studies niya. Alam mo namang requirement sa kanya ang makatapos sa graduate school upang ma-permanent siya sa Pontevedra State University.” Nagulat pa si Daphne nang biglang sumabat sa usapan nila ang kanyang daddy nang makalapit ito sa kanila. “Kung bakit kasi ang tigas ng ulo ng anak mong iyon, Elaine. Sinabi ko nang huwag magturo ay sumige pa rin.” “What’s wrong with teaching, Rody? It is a noble profession at masaya sa pagtuturo si Dorcas. And besides, maganda ang benefits na nakukuha niya sa PSU dahil pag-aari ng gobyerno ito,” sansala ni mommy Elaine sa sinabi ng mayor. “But hers is a very simple, ordinary job. Walang glitz, walang glamor. Paano siya makakakuha ng de-kalibreng asawa na katulad ni Daphne sa ganoong workplace?” Napabuntong-hininga si mommy Elaine. “Hayan ka na naman, Rody. Pinagkukumpara mo na naman sa isa’t-isa ang mga anak natin. Siyempre, iba si Daphne at iba rin si Dorcas.” “Sang-ayon ako riyan.” Lumapit kay Daphne ang kanyang daddy at nakangiting umakbay sa kanya. “Matigas ang ulo ng isang iyon. Samantalang ang isang ito ay masunurin, mabait at madiskarte. Kaya paborito ko ito.” Pinisil pa ni mayor Rodante ang balikat niya. Napangiti siya sa giliw na ipinakita sa kanya ng minamahal na ama. Iniyakap niya ang isang braso sa katawan nito. Napailing na lamang si mommy Elaine. “Ewan ko sa inyong dalawa.” Kibit-balikat na iniwan sila ni mommy Elaine upang dalhin ang inihandang meryenda para kay Gerone na nasa salas. Nagkatawanan na lamang silang mag-ama. Gabi na nang makarating silang mag-asawa sa mansyon ng mga Severa. Isang marangyang hapunan ang inihanda para sa pagbabalik nila ni Gerone. “I’m glad that you’re here, iha.” Mahigpit na pinisil ni Carolina Severa ang kamay ni Daphne habang kumakain sila. “Feel at home. Ituring mong pag-aari rin ang lahat ng kay Gerone, Daphne.” Ginantihan niya ng ngiti ang biyenan. May pagka-mestisa ito na siyang namana ni Gerone. Edukada at may pagka-aristokrata. “Kita mo naman na kakalog-kalog kami sa napakalaking bahay na ito, Daphne,” sabat naman ng gobernador. “Umaasa kami na sa lalong madaling panahon ay madadagdagan na tayo.” Bumaling ang gobernador kay Gerone. “Madaliin mo, iho. Gustong-gusto na namin ng mama mo na magkaapo.” Biglang nasamid si Gerone. Sunod-sunod ang ubo nito. Nagtatanong ang mga mata na tiningnan niya ang asawa ngunit sinadya nito na hindi salubungin ang mga tingin niya. Pagkatapos mag-shower ay isinuot ni Daphne ang red nighties na regalo ni Misty sa kaniya. Ayon kasi sa mga s*x psychologist, may s****l attraction sa mga lalaki ang damit na kulay pula kapag suot ng isang babae. Nag-spray din siya sa buong katawan ng cologne. Banayad lang ang amoy nito, sapat upang makapukaw ng pagnanasa ng isang lalaki. Umaasa siya na hindi na siya mabibigo ngayong gabi sa asawa.Nasa terrace pa si Gerone. May kausap ito sa cell phone. Alam niyang nakita na siya nito na nakaupo sa gilid ng kama at naghihintay pero tuloy pa rin ito sa pakikipag-usap sa nasa kabilang linya. Nang mainip ay tumayo na siya at nilapitan ang lalaki. Walang sabi-sabing niyakap niya ito mula sa likuran. Hinawakan niya ang cell phone at dahan-dahan inilayo iyon sa asawa. “Daphne…” “Let’s do it, Gerone. I’m so excited to do it with you.” Umikot siya paharap sa asawa. Binuksan niya ang butones ng pajama sa tapat ng dibdib ng asawa at hinalikan iyon. She was never a s*x vixen. Pero sa tingin niya ay dapat niyang tulungan ang asawa upang mabuhay ang pagnanasa nito. Unti-unting tumaas ang kanyang mga labi patungo sa leeg hanggang sa mga labi nito. Marubdob niyang hinalikan ang asawa at ganoon na lang ang tuwa niya nang tumugon ito. Sa loob ng ilang sandali ay nagpalitan sila ng mga halik. Hindi ganoon kainit ang mga halik at hagpos ni Gerone pero sapat na iyon para sa katulad niyang nananabik. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay hinila niya ang dalawang kamay ng asawa at dinala ang mga iyon sa malulusog niyang mga dibdib. Tinulungan niya ito na haplusin at pisilin ang mga iyon. Napapikit siya sa daluyong ng pananabik at pagnanasa nang madaanan ng mga daliri ng asawa ang naninigas na mga tuktok noon. Iniungol niya ang init na nararamdaman. “Bring me to bed, hon. Please…” bulong niya. Tahimik na binuhat siya ni Gerone patungo sa kama. Nang maibaba siya nito ay agad niyang kinawit ng isang braso ang leeg nito at muling siniil ng halik ang asawa. Inilipat niya ang isang kamay sa tapat ng puson nito, desididong damhin ang p*********i ng asawa. Mabilis na hinawakan ni Gerone ang kamay niya upang pigilan siya. “Why?” takang tanong niya. “N-not so fast, honey. I mean, binibigla mo ako. Hindi ka naman dating ganyan.” “We’re husband and wife, hon. What’s wrong if I touch you?” “Nothing’s wrong…kaya lang ay…” “Ay ano?” Unti-unting nagbangon ang inis sa dibdib ni Daphne dahil sa iginagawi ng asawa. “Don’t you find me sexy and seductive?” “Of course, yes, honey. You are always sexy and seductive.” Ginitian ng pawis sa noo si Gerone. “Then, what keeps you from making love with me? Tell me…” Tila ubos na ang pasensiya niya. “There is more than making love, sweetheart. Hindi lang s*x ang batayan ng pagmamahalan ng isang magkapareha.” “I agree. Pero kailangan natin ito para maging masaya tayo.” Lalong pinagpawisan si Gerone. “We will go to that. B-but please, be patient…We’ll do it in some other day.” “What? So, kailan natin gagawin? Bukas? Sa isang lingo? O sa isang taon?” Sa wakas ay sumabog din ang pagtitimpi niya. Sa inis ay mabilis niyang hinablot ang garter ng pajama ng asawa dahilan upang malantad ang p*********i nito. At ganoon na lang ang gulat niya sa nakita. Kahit wala pa siyang karanasan ay nakakapanood naman siya ng porn flicks paminsan-minsan kung kaya alam niya ang itsura ng s*x organ ng lalaki kung handa na itong makipagtalik. Kabaligtaran sa kanyang inaasahan ang itsura ng p*********i ng asawa. Sa tagal ng halikan, yakapan at haplusan nila ay nanatiling hindi ito tumutugon sa init niya. Malinaw na balewala rito ang romansang ginawa nila. Parang binuhusan nang malamig na tubig ang init ni Daphne. Nagtatanong ang mga mata na tiningnan niya si Gerone. Umiwas ito sa mga titig niya. “I’m sorry, Daphne. Matagal ko na itong gustong sabihin… I-I have an erectile dysfunction,” nakatungong wika nito. Nayanig ang buong pagkatao ni Daphne sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan niya ngayon sa asawa. “Kaya ba? Kaya ba umiiwas ka na sipingan ako? Kaya ba sa loob ng ilang buwan nating pagiging magkasintahan ay nanatili akong birhen? Dahil hindi nabubuhay ang p*********i mo?” Halos hindi lumabas sa bibig ni Daphne ang kanyang tinig. “I’m sorry,” Nakatungo pa rin si Gerone. Hindi kayang salubungin ang nagbabaga niyang mga mata. “I’m sorry?” Nanginginig na ubod-lakas niyang itinulak ang asawa. Padabog siyang tumayo. “Iyan lang ba ang sasabihin mo? Sorry? You fooled me, Gerone. Hindi mo sana ako pinakasalan gayong alam mo na wala kang kakayahan na gawin ang katungkulan mo bilang isang asawa.” “God knows I wanted to tell you, Daphne. Pero lagi akong pinanghihinaan ng loob kaya hindi ko nasabi sa iyo bago tayo ikinasal.” “Akala mo ba hindi ko rin malalaman kahit hindi mo sinabi?” Basag na ang tinig ni Gerone nang muling magsalita. “I love you, Daphne. And I know you love me, too. I just thought love is enough to keep us stay together.” Napailing si Daphne. Pigil ang napipintong pagluha. “I don’t know. I don’t know, Gerone. Ang alam ko lang, niloko mo ako. And I cannot forgive you for doing this to me.” Galit na hinila niya ang pulang robe na nakasampay sa isang upuan. Nagmamadaling isinuot iyon at tuloy-tuloy na lumabas ng silid. Narinig niya ang pagtawag ng asawa ngunit minabuti niyang hindi pansinin iyon. Masamang-masama ang loob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD