I Am A Woman

2426 Words
Iisang tao ang naisip na tawagan ni Daphne ng gabing iyon, si Misty. “Bestie?” hindi makapaniwalang tanong ni Misty sa kabilang linya. “Bakit parang nagulat ka? Di ba, madalas naman akong tumatawag sa iyo ng ganitong oras?” malamig niyang tanong. “Oo nga. Pero tonight is different. Honeymoon ninyo ni Gerone ngayon. Huwag mong sabihing tapos na? O magsisimula pa lang kayo?” pilyang tanong ng kanyang kaibigan. Napabuntong-hininga si Daphne. “Iyon nga ang dahilan, Misty. I am totally disappointed tonight. Gerone disappointed me to the highest level.” Hindi niya naitago ang inis. “What?” gulat na tanong ni Misty. “Don’t tell me, tinulugan ka niya ngayong gabi?” “You got it right. Tinulugan nga niya ako. At hindi siya magising dahil ang dami niyang nainom. Parang…parang sinadya niya talaga.” “Oh, my gosh! I can’t believe it, bestie. Sa ganda mong iyan, tinulugan ka lang ng hubby mo? And worst, this is your first night together. Di ba sabi mo, ni minsan ay hindi ninyo sinubukang mag-s*x ni Gerone noong magkasintahan pa lang kayo? Ibig bang sabihin ay hindi man lang siya nasabik sa iyo sa ganda mong iyan?” “Iyon nga ang ipinagtataka ko, Misty. Kaya inis na inis ako sa kanya.” “I sympathize with you, bestie. Kung sa akin mangyari iyan na tulugan ako ng hubby ko on the night of our wedding, magwawala talaga ako. Paano naman ang free accommodation ninyo diyan sa Frontera, sinayang lang niya.” “Balak ko nang mag-check out tomorrow morning, Misty. Nawalan na ako ng gana na mag-stay sa hotel na ito kung wala rin lang memorable experience na mangyayari.” “Huwag naman, bestie. Siguradong magtataka ang family mo kapag tinapos ninyo agad ang three day free accommodation na regalo sa inyo ng Frontera.” “Eh, ano naman ang gagawin ko rito, Misty? Tititigan siya habang natutulog?” “Bakit hindi mo hintaying magising? Baka pagod lang at iyon nga, naparami ang inom. Baka bukas iba na iyan at iba na rin ang ikukuwento mo sa akin.” Sinundan iyon ni Misty ng pilyang tawa. Napangiwi siya. “Ikaw talaga. Seryoso ang problema ko pero tinatawanan mo lang.” “Seryoso rin ako, bestie,” biglang bawi ni Misty. “Hintayin mo siyang magising at malay mo, kapag nasilayan niya ang kagandahan mo ay lumabas ang nakatagong halimaw sa loob ng katawan niya? Seduce him. Itodo mo ang pagpapaganda at pang-aakit sa kanya.” “Ano’ng oras pa siya magigising? Bukas pa ng umaga? Napanis na ang beauty ko noon. Ngayon ko siya kailangan, eh.” “I understand you, bestie. Teka, bakit hindi mo hanapin si Mr. Ruggedly Handsome? Baka makatulong siya sa problema mo?” “Sino si Mr. Ruggedly Handsome?” “Ano ka ba? Iyong guwapong ang lagkit ng titig sa iyo kanina sa reception. Malay mo, naka-check in din pala siya riyan?” “Misty naman. Alam mong hindi ako ganoong klase ng babae.” “Joke lang, bestie. Huwag kang magalit. Pero just in case na tama ang kutob ko diyan kay Gerone, hindi kita masisisi kung bigla mong hanapin si Mr. Ruggedly Handsome.” “Anong kutob?” “Na beki siya. Sorry, ha? I hope I didn’t offend you. Pero kapag wala pang nangyari sa inyong dalawa hanggang bukas, naku, bestie, mag-file ka na agad ng annulment.” Hindi nakakibo si Daphne. Nagdududang napatingin siya sa natutulog na asawa. May kung ano’ng kutob ang agad na nabuhay sa dibdib niya. Paano nga kung totoo ang duda ni Misty? No, it can’t be. Mahal niya ito at alam niyang mahal din siya nito. Kahit alam niyang hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya rito dahil limang buwan lang sila naging magnobyo at nadala lang siya sa panunulsol ng mga magulang na magpakasal rito ay alam niyang puwede namang ma-develop kung anuman iyong meron na sa puso niya. Masaya naman siya kapag kasama ito kahit minsan ay nararamdaman niyang parang may kulang at may nakaharang sa pagitan nilang dalawa. Alas-sais na ng umaga ay tulog pa rin si Gerone. Pagkatapos mag-shower ay naisipang mag-ikot ni Daphne sa buong resort yaman din lang at first time niya rito. Suot ang paboritong pink sun dress ay bumaba na siya ng hagdan. Mas pinili niyang gamitin ang hagdan sa halip na mag-elevator tutal naman ay nasa third floor lang ang silid nila. Malapit na siya sa first floor nang biglang may nagsalita sa likuran niya. “How’s the newly-wed?” She automatically turned around to see the owner of the magnetic voice. Ganoon na lang ang gulat niya nang makilala kung sino ito. Si Mr. Ruggedly Handsome. Nakasuot lang ito ng white sando at jogger pants, mukhang galing sa work out. Bakat ang magandang katawan na alaga sa gym. Nakatali sa likod ng ulo ang mahaba at kulay tansong buhok. Pawisan ang noo at balikat. Jesus! He was damn hot and drop-dead gorgeous. Parang umikot nang mabilis ang mundo niya dahil sa kaguwapuhang nasa harap niya ngayon. Mas guwapo pala ito sa malapitan at mas matangkad kaysa sa inakala niya. Naramdaman niyang muli ang kakatwang init na kagabi lang ay bumalot sa buo niyang katawan noong naghangad siyang angkinin ni Gerone. Napalunok siya. Daphne shook her head. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit niya nararamdaman ang ganito sa harap ng estrangherong ito? Ganito na ba siya ka-desperada para sa pakikipagniig? “Do I know you?” Sa wakas ay naapuhap niyang sabihin. Wala pa ring kurap na nakatitig siya rito. Taglay ng guwapong mukha nito ang kakaibang karisma sapat upang mabalisa siya. Muli siyang napalunok nang sunod-sunod. Bahagyang napangiti ang lalaki. Napansin siguro ang pagkataranta niya. “My name is Franco. Nice to meet you, Daphne Vega?” She blinked her eyes. “Alam mo ang pangalan ko?” “Yup. Nabasa ko sa invitation kahapon. Naisipan ko lang na maki-usyoso sa kasal mo. You were the most beautiful bride I have ever seen.” “I see. Naka-check in ka rin pala rito.” Sinadya niyang huwag pansinin ang huling sinabi ni Franco kahit ang totoo ay kinikilig siya sa papuri nito. “Yeah. I’m here for a vacation. By the way, where is your husband? He is supposed to be with you today.” Kumirot ang dibdib niya pagkaalala kay Gerone ngunit pinilit niyang maging kaswal. “Natutulog pa siya.” “Hmmm…pinuyat mo siguro.” Nagulat si Daphne. Hindi niya inasahan ang makahulugang salita na binitawan ng lalaki. “Excuse me.” Sa inis ay tinalikuran na niya ang lalaki saka ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Franco followed her. “Did he enjoy you?” malisyosong tanong ng lalaki. Agad na umakyat ang dugo sa ulo niya. Napalitan ng inis ang paghangang naramdaman niya kani-kanina lang. Gusto na niyang sampalin ang lalaki dahil sa kapreskuhan nito ngunit nakapagpigil siya. Binilisan niya ang pagbaba sa hagdan. Nagmadali rin si Franco sa pagbaba. Hinahabol siya. “He’s such a lucky guy. Had I found you earlier, ako sana ang kasama mo kagabi at hindi siya.” “Tigilan mo ako, bastos ka,” nanginginig na wika niya. Lalo niyang binilisan ang pagbaba sa hagdan. “Yes, I’m rude. But I can f**k hard. Really hard,” mayabang nitong sabi, hindi alintana ang ipinakita niyang pagka-inis. Sa galit ay muli niya itong hinarap. “I don’t speak with rude people. Nagsisisi ako at kinausap pa kita. Now, let me go and never bother me again or else, I will call the guards to throw you out of this place.” “Hey, you can’t do that to me.” Sarkastikong ngumisi ang lalaki. “And why not? I am the mayor’s daughter and daughter-in-law of the most powerful man in this province.” Bahagyang natigilan si Franco. Pagkuwa’y makahulugan itong ngumiti muli. Sinamantala naman niya iyon upang makatakbo pababa ng hagdan at makalayo rito. Tinungo ni Daphne ang beach sa di-kalayuan. Naglakad-lakad siya rito para pahupain ang inis na nararamdaman kay Franco. Lihim niyang ipinagpasalamat na hindi ito sumunod sa kanya sa beach. Halos kalahating oras na siya sa tabing-dagat nang tumunog ang cell phone niya. Si Gerone ang tumatawag. Gising na ito at hinahanap siya. Agad na naglaho ang inis niya para sa asawa kung kaya sinabi niya rito kung nasaan siya. Ilang minuto lang at nakita niyang nagmamadali ito sa paglapit sa kanya. Nakapag-shower na ito at nakapagpalit na rin ng damit. Muli ay lihim na naman niyang hinangaan ang taglay na kakisigan ng asawa. Napakalinis at napakabango nitong tingnan. Napalunok siya. “Hi, honey,” masigla nitong bati sa kanya. “Hi,” kunwari ay matabang niyang tugon. “I’m sorry, hon. I was very drunk last night. I’m so sorry.” Kinabig siya nito at hinagkan sa noo. Napangiwi siya. Sorry lang ba ang katapat nang lahat? Nasa isip niya iyon pero hindi lumabas sa bibig niya. “It’s okay. We can go back to our suite, hon,” sa halip ay sabi niya, desididong huwag sirain ang kanilang honeymoon. “We’ll do that later. Mag-breakfast muna tayo tapos mag-horseback riding tayo. May mga kabayo na pinarerentahan dito sa loob ng resort. Matagal na rin akong hindi nakakasakay sa kabayo.” What? Totoo ba ang narinig niya? Mas gusto pa nitong sumakay sa kabayo sa halip na sa kanya? Hindi sinasadyang biglang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Misty kagabi tungkol sa asawa niya. Pagkatapos mag-almusal ay pinagbigyan ni Daphne ang kahilingan ni Gerone na mag-horseback riding sila. Nag-rent sila ng tig-isang kabayo at ilang oras din silang nagpabalik-balik sa beach. Ngunit ang posisyon ng asawa at ang mapanuksong galaw nito habang sakay sa kabayo ay sapat upang unti-unti na namang mabuhay ang init sa loob ng katawan niya. Napaka-hot at napaka-seductive nitong tingnan. Para tuloy tuksong pumasok sa imahinasyon niya ang anyong sa ibabaw niya nakasakay at gumagalaw ang guwapong asawa. Agad siyang nakaramdam ng panunuyo ng mga labi at lalamunan. Kung bakit naman parang tuksong biglang pumasok sa utak niya ang guwapong mukha ni Franco. She closed her eyes to see him more in her imagination. His deep eyes, his flirtatious smile and seductive mouth. Franco’s seductive mouth. Daphne couldn’t help but to wonder how his mouth tastes like. She giggled. Upang malimutan ang mga bagay na gumugulo sa isip niya ngayon ay lakas-loob siyang naglambing kay Gerone hanggang mapapayag niya ito na bumalik na sila sa kanilang suite. Ganoon na lang ang tuwa niya nang masuyo siya nitong inakbayan habang naglalakad sila pabalik sa hotel. “Hon, I think we need to cut our honeymoon here,” malumanay nitong sabi. What? Wala pa nga, puputulin na agad? Maktol ni Daphne sa isip. Para na naman siyang binuhusan nang malamig na tubig sa narinig sa asawa. “Bakit?” Hindi niya napigilan na ipahalata ang pagka-irita. “Madami kasi akong nabiting trabaho dahil sa naging preparation sa kasal natin. Kailangan kong balikan agad ang mga iyon.” “What are you saying?” inis na tanong niya. “You are a governor’s son and damn rich. Kung tutuusin, puwede kang hindi magtrabaho sa buong buhay mo sa dami ng pera ninyo.” “I’m not that type of person, you know. I am independent and workaholic from the very start. Gusto kong umangat gamit ang kakayahan ko hindi dahil sa pangalan at pera ng pamilya ko.” “Kung iyan ang gusto mo, bahala ka.” “Thanks, hon. Ikaw rin naman, hindi rin kita pipigilan sa mga gusto mong gawin. Puwede mong ipagpatuloy ang pagmomodelo kung gugustuhin mo.” “No, Gerone. Iba na ang gusto ko ngayon. Ang gusto ko ay magkaroon ng mga anak. I want to be a mother, Gerone. A mother of your kids.” Napansin agad ni Daphne ang pagbabago ng kulay ng mukha ng asawa. Namutla ito dahil siguro sa mga narinig sa kanya. Gerone didn’t say a word. Naging palaisipan tuloy sa kanya ang bigla nitong pananahimik upang tila putulin na ang pag-uusap nila. Ngayon ay nasa loob na muli sila ng kanilang suite. Naghahanda na si Gerone para sa kanilang pagtse-check-out. Ngunit sa halip na ayusin ang mga gamit niya ay isa-isang hinubad ni Daphne ang kanyang mga damit hanggang panties na lang natira. Walang pangiming humarap siya sa asawa. “W-what are you doing, hon?” maang na tanong ni Gerone. “Sabi mo, we will cut short our honeymoon here?” mapanukso niyang sagot. “Oo nga. Kaya nga, itinatanong ko kung bakit ka naghuhubad?” “Wala pa tayong honeymoon kaya ano’ng puputulin mo? Let’s do it first, hon,” mapangahas niyang tugon. Dahan-dahan siyang lumapit sa asawa at ikinawit ang mga braso sa leeg nito. Tumingkayad siya upang abutin ng mga labi ang leeg ni Gerone. Sinimulan niyang hagurin ng mga labi at dila ang leeg nito patungo sa pisngi nito. She was never this seductive. Pero palagay niya ay dapat niyang sundin ang ipinayo sa kaniya ni Misty upang magising ang natutulog na p*********i ng asawa. Biglang hinawakan ni Gerone ang magkabila niyang braso at pilit na kumakalas sa pagkakahawak sa kanya. Para itong napapaso sa paglalapat ng kanilang balat. Ginigitian ng pawis ang noo nito. “Stop it, Daphne,” pakiusap nito. “You don’t want to do it? Why?" hindi makapaniwalang tanong niya. “Paalis na tayo, hindi ba? Isa pa ay maraming oras para riyan lalo na at kasal na tayo. Be patient, hon,” pagdadahilan ni Gerone. “Be patient?” inis na ulit niya. “Kagabi pa ako nagpapasensiya, Gerone. This is supposed to be our honeymoon. Why are you doing this to me?” Tila walang maapuhap na sagot ang lalaki. Halata ang pagkalito nito. “I’m… sorry, hon. Perhaps, we can do this… at home. Pero huwag ngayon, please.” “Okay, huwag kung huwag. Hindi mo na kailangan pang makiusap na para bang ako lang ang may gusto na gawin natin ito.” Nagdadabog na pinulot niya isa-isa ang mga damit sa sahig at isinuot muli. Parang sasabog ang dibdib niya dahil sa ngitngit at pagkabigo. Tahimik lang na nakatungo si Gerone, halatang iniiwasan ang mga tingin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD