Daphne Vega

2725 Words
Severa-Vega nuptials. Ang pinakahihintay na kasalan ng taon sa lalawigan ng Pontevedra. Ito ay walang iba kundi ang pakikipag-isang dibdib ni Daphne Alcaraz Vega sa guwapong arkitekto na si Gerone Montilla Severa. Daphne joyfully surveyed everything in the surrounding, the guests, the venue, the decorations and the flowers. Gusto niyang itatak sa kaniyang memorya ang lahat ng alaala ng isa sa pinakamimithing okasyon ng bawat babae sa buong buhay niya, her marriage. But was she really happy? Or did she only convince herself that she could be happy with Gerone Severa? Pero ano pa ba ang hahanapin niya sa kaniyang groom? Nasa lalaking ito na ang lahat ng hahangarin ng bawat babae. Kaguwapuhan, katalinuhan, kayamanan at kapangyarihan. All of these were in Gerone’s possession. Pero masaya rin kaya si Gerone sa mga sandaling ito? She hoped he was. Kung tutuusin ay hindi naman lugi si Gerone sa kanya. She was equally beautiful and famous just like him. Maraming lalaki rin ang humahabol at naghahangad sa kanya. Ang pangalang Daphne Vega ay bukang-bibig sa mga pagtitipon ng mga rich and famous sa buong Pontevedra. But Daphne knew that something was more than this matrimonial ceremony. Ito ay nangangahulugan din ng pagsasanib ng puwersang pulitika ng dalawang makapangyarihang pamilya sa nabanggit na probinsiya. Ang papa ni Gerone ay ang incumbent governor ng lalawigan at ang daddy naman niya ay ang incumbent mayor ng kanilang bayan, ang Zaragosa. Lalong pinagtibay nina governor Amador Severa at mayor Rodante Vega ang mahabang panahon ng pagkakaibigan at pagsasama sa ilalim ng iisang partidong pulitika sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanilang dalawa ni Gerone. Wala ring pagsidlan sa tuwa ang kanilang mga ina, sina Carolina Montilla Severa at Elaine Alcaraz Vega, sapagkat sa wakas ay matutupad na ang kapwa inaasam ng mga ito, isang apo na magpapatuloy ng nasimulan ng kani-kanilang angkan sa larangan ng pulitika at kapangyarihan sa lalawigang ito. Dinaluhan ang kasalan nang matataas at kilalang tao sa lipunan. Maging ang presidente ng bansa ay naroroon din bilang isa sa mga ninong nila sa kasal. Ilang sikat na pulitiko, celebrity at negosyante rin ang naroroon. Ang nakababatang niyang kapatid na si Dorcas ang kaniyang maid of honor at ang kaniyang best friend na si Misty Zaldriaga naman ay gumanap bilang isa sa mga bridesmaid. Talitha Zaldriaga was also there, Misty’s younger sister and Dorcas’ bestfriend. Isang marangyang garden wedding ang napagkasunduan ng kani-kanilang pamilya. At ang maluwang na hardin ng Frontera Resort and Hotel ay sakto sa naisip nila. Isa itong five-star hotel na bagong tayo sa kanilang bayan. Maraming kababayan nila ang nabigyan ng trabaho dahil sa pagkakatayo ng hotel na ito, ngunit nakapagtatakang hindi lumulutang sa madla ang totoong may-ari nito. Hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan sa mga taga-Pontevedra kung sino talaga si Stefano Estillore, ang half-Filipino, half-Spanish billionaire na diumano ay may-ari ng Frontera. A cheerful smile curved on her lips when she glanced at Gerone beside her. Nasa kalagitnaan na sila ngayon ng sermon ng pari. Tahimik lang na nakikinig ang lalaki sa tabi niya. As usual, she couldn’t help but to secretly admire her groom. Gerone was handsome, tall, and with a slim body matched with smooth and fair complexion. Kilala ang mga Severa sa mestiso at mestisang kaanyuan. Idagdag pa ang pagiging isang mahusay na arkitekto nito, kung kaya ang pagiging isang Severa ay bonus na lang. Napabuntong-hininga si Daphne sa isiping ilang minuto na lang at magiging Mrs. Severa na siya. Limang buwan pa lang silang magkasintahan ngunit dahil sa panunulsol ng kani-kanilang pamilya ay humantong agad sila sa kasalan. Laging sinasabi ng mga ito na kung nagkakaintindihan naman silang dalawa ay bakit hindi pa sila magpakasal. Pero alam niya, na bukod doon ay meron pang mas matinding dahilan kung bakit nagmamadali ang kani-kanilang magulang na makasal sila agad. At iyon ay upang lubusan silang makatulong sa pangangampanya ng mga ito sa darating na halalan. Kaya pagkatapos ng ilang buwang relasyon bilang magkasintahan ay nagkasundo silang dalawa na magpakasal na dahil nasa tamang edad na rin naman sila pareho. Thirty years old si Gerone at siya naman ay twenty-five. Alam niyang hindi pa hinog ang kung anomang nararamdaman niya para kay Gerone. Ngunit ang kabutihan at pagmamahal na ipinapakita nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya ay sapat na upang makumbinsi siyang puwede niya itong mahalin nang wagas at walang pag-aalinlangan. Love can be developed. At naniniwala siyang patungo roon ang nararamdaman niya para sa mapapangasawa. Isa pa ay palagi niyang naririnig mula sa kaniyang pamilya at mga kaibigan ang mga katagang “Gerone is a good catch.” Kung pakakawalan niya ang isang tulad ni Gerone, baka wala nang dumating na katulad nito o higit pa. Hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman na napakaraming babae ang naiinggit sa kanya ngayon dahil sa kanyang kapalaran. Tila ba sinalo na niyang lahat ang biyayang isinaboy ng kalangitan. Bukod kasi sa pagiging isang sikat na modelo at dating beauty queen ng kanilang lalawigan ay magiging kabiyak pa niya ang lalaking pinapantasya ng maraming kababaihan sa kanilang lugar. Sabik na hinintay ni Daphne ang magiging sagot ni Gerone Severa sa tanong ng pari. At napangiti siya nang walang alinlangang tumugon ang lalaki ng “I do”. Masigla naman niyang inulit ang sagot ng lalaki nang siya naman ang tinanong ng pari. Matapos ideklara ng officiating priest na mag-asawa na sila ay inutusan nito si Gerone na hagkan siya. Buong puso naman niyang tinanggap ang halik na inialay ng asawa sa kaniya. Pagkatapos ng mga pagbati at halos walang katapusang picture taking ay tumuloy na sila ni Gerone kasama ang kani-kanilang pamilya at mga bisita sa isang function hall sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang reception. Maluwang at marangya ang lugar na ito tulad ng inaasahan ni Daphne. Lahat ng palamuti, kagamitan at furnitures ay galing sa Europe. Alam niyang napakamahal ng accommodation nila sa lugar na ito, halatang ginastusan talaga ng mga magulang ni Gerone. Sabagay, nag-iisang anak kasi ito kung kaya walang hinayang ang mag-asawang Amador at Carolina Severa sa pagsuporta rito. Sa saliw ng isang madamdaming awit na pumapailanlang sa buong function room ay naglakad sila ni Gerone patungong presidential table. Nagkislapan ang ilaw ng mga kamera habang walang humpay ang palakpakan ng mga bisita. Panay naman ang ngiti at kaway niya sa mga panauhing bumabati. Natutunan niya ang pagiging palabati at magiliw sa mga tao sa kaniyang pulitikong ama. “Bagay na bagay sila,” sabi ng isang bisitang babae. “Oo nga,” sagot naman ng katabi ng babaeng naunang nagsalita. “Seems that their love was made in heaven.” Kapwa sila napangiti ni Gerone sa narinig. Tiningnan siya ng asawa sabay pisil sa kanyang kamay na nakahawak sa bisig nito. Nang di sinasadyang mapadako ang tingin ni Daphne sa isang matangkad na lalaki na nag-iisang nakatayo sa isang sulok ilang metro ang layo sa kanila ni Gerone. Nakatingin ito sa kanya o mas tama sigurong sabihin na nakatitig. He was sporting soft, bronze curls. On both sides of his pointed nose were two brown eyes that matched to his short, pair lips. His distinct cheekbones, angular jaw, tall height, dark skin, broad shoulders and muscled arms and chest made him undoubtedly sinfully handsome. She couldn’t help but to meet his eyes. There was magic in those mysterious stares. Something that magnetized and captured her in deep curiosity. Para siyang nabato-balani kung kaya hinayaan niyang tumagal pa ng kung ilang segundo ang pakikipagtitigan dito. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mapanuring mga mata ang taas nito na sa tingin niya ay mahigit anim na talampakan. Ang height na inaasam niya sa isang lalaki. Nakasuot lang ito ng black collared shirt at denim pants. Sigurado siyang hindi ito isa sa mga bisita nila dahil mahigpit nilang ipinatupad ang dress code sa mga panauhin. Kung ganoon, sino ito na nakalusot sa eksklusibong okasyon na ito? Nang malingat si Gerone sa pakikipag-kamay sa ibang bisita ay pasimple niyang hinila si Misty na eksakto namang nasa likuran lang niya. “Do you see what I see?” bulong niya sa kaibigan habang marahang naglalakad. “Huh! Alin?” gulat na tanong ni Misty. Kasing-edad niya ito at katulad niya ay maganda rin. Ilang taon na silang magkaibigan. They have many things in common maliban sa isa. Sobrang liberated si Misty. Papalit-palit ito ng boyfriend na kabaligtaran naman niya na dahil sa sobrang pagiging conservative ay tanging si Gerone lamang ang naging kasintahan kahit maraming nanligaw sa kaniya. “That guy in black shirt and denim pants. Nakatayo siya sa sulok sa bandang kanan.” Pasimple namang sumulyap sa sinabi niyang direksyon ang kaibigan. Kitang-kita niya nang manlaki ang mga mata nito pagkuwa’y kinikilig na bumaling sa kanya. “I don’t know him. Oh my gosh, sobrang guwapo niya. Ang linaw talaga ng mga mata mo pagdating sa guwapo.” Nakangiting bulong ni Misty sa kanya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa lalaki. “Tse!” asik ni Daphne. “Huwag mo akong igaya sa iyo. Na-curious lang kaya ako nagtanong.” “Let us ask Dorcas, baka family friend ninyo at hindi mo lang kilala dahil sa Maynila ka naglagi nang matagal dahil sa modelling stints mo.” Pagkasabi noon ay sumulyap si Misty sa table na kinaroroonan nina Dorcas at Talitha. Pati tuloy siya ay napatingin sa nakababatang kapatid at sa best friend nito. “Huwag na,” sansala niya sa kaibigan. “Sa tingin ko ay isang ordinaryong gate crasher lang iyan.” Binawi niya ang tingin sa dalawang babae at palihim na sumulyap muli sa lalaking pinag-uusapan nila ni Misty. Muling nagtama ang kanilang mga paningin. Kakaibang kislap ang nakita niya sa mga mata nito. Mabilis niyang inilayo ang tingin dito. May kakaibang kilig siyang nararamdaman. Tumatahip din ang kanyang dibdib dahil sa excitement. “Sus! Ang guwapo namang gate crasher nito,” buntong-hininga ni Misty sabay nakaw din ng tingin sa lalaki. Hindi na niya nagawang magsalita pa nang makitang papalapit sa kinaroroonan nila si Gerone. “Let’s go to the long table, honey,” masuyong wika ng lalaki. Nakangiting inihawak niya ang isang kamay sa braso ni Gerone saka magkaagapay silang naglakad. Sandali tuloy niyang nakalimutan ang guwapong lalaki na matamang nanonood sa kanilang dalawa. Bago kumain ay nagkaroon pa ng maikling programa para sa mga bagong kasal. Bawat miyembro ng kani-kanilang pamilya ay nagsalita patungkol sa kanila ni Gerone, ganoon din ang mga ninong at ninang. Pulos paalaala ang mga sinabi ng mga ito. Bahagyang naaliw si Daphne sa pakikinig ngunit paminsan-minsan pa rin niyang sinusulyapan ang guwapong lalaki na nakatayo pa rin sa sulok at nakatingin sa kanya. Blangko ang mukha nito ngunit tumatagos sa kaibuturan niya ang mga titig nito. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang dahil sa tila walang pakialam nitong pagtitig sa kaniya kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na katabi niya ang kaniyang asawa. Maya-maya ay isang ninong ang humiling na mag-kiss sila ni Gerone na agad namang sinang-ayunan ng iba. Malugod namang pinagbigyan nila ang mga ito. Nagpalitan sila ni Gerone nang maiinit na halik sa gitna nang malalakas na palakpakan. Nang matapos ay muli niyang sinulyapan ang lalaki sa sulok. He was no longer there. Ikinibit na lang ni Daphne ang mga balikat. Bagama’t hindi niya maitatanggi ang atraksiyong naramdaman para sa estrangherong iyon ay batid naman niyang hanggang doon lang iyon. Paghanga lang ang kaya at puwede niyang iukol dito dahil isa na siyang Mrs. Gerone Severa ngayon. Kahit alam niyang hindi ganoon kalalim ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa asawa ay wala naman sa kaniyang hinagap ang pagtaksilan ito. Pinatay ni Daphne ang dutsa at hinila ang nakasampay na tuyong tuwalya. Matapos dampian ng tuwalya ang basang buhok at balat ay tiningnan niya ang sarili sa harap ng salamin. Hindi niya napigilang hangaan ang sarili. Alam niyang maganda siya, may make-up o wala. At hindi lang basta maganda, siya siyang tipong kaakit-akit na kagandahan. Mula sa kanyang mukha na tila nililok ang bawat sangkap, katawan na matiyagang inalagaan hanggang sa natural na makinis at maputing balat. Idagdag pa ang taas niyang 5’8” na hindi karaniwan para sa isang Pilipina. Siya, si Daphne Vega ay isang kaibig-ibig na babae. Walang sinumang anak ni Adan ang makatatanggi sa kaniya kung kaya ang dami niyang naging manliligaw. “I am also a good catch,” bulong niya sa sarili. Kaya siguro hindi na rin nagdalawang-isip si Gerone na pakasalan siya. Ngunit sa edad na twenty-five ay kahanga-hangang napanatili niya ang kanyang kabirhenan. Naging maingat siya kahit noong magnobyo pa sila ni Gerone. Tanging halik at yakap lang nagawa nito sa kanya. Kungsabagay, naging napaka-gentleman naman nito noong magkasintahan sila. Kahit minsan ay hindi ito nag-take advantage sa kanya na lihim naman niyang hinangaan kung kaya lalo itong napalapit sa kanya. Marahil ay sa dahilang galing ito sa napakakonserbatibong pamilya. But tonight was different. She could feel the intense s****l longings. She was indeed, a woman, and only her husband can satiate it. Lalo siyang nag-init sa kaalamang nasa loob lang ng kuwarto ang kanyang guwapong asawa at hinihintay siya. Kung kaya kahit bagong ligo ay may kakatwang init na gumagapang sa kanyang balat sapat upang manabik siya. Wala sa loob na nahagpos niya ang makinis niyang pisngi pababa sa kanyang leeg hanggang dumako ang kaniyang mga kamay sa tayong-tayo at malulusog niyang mga dibdib. Nasisiyahang pinanood niya ang sarili sa salamin. Hindi pangkaraniwan ang laki ng mga ito. Alam niyang ganoong sukat ang kinababaliwan ng lahat mga lalaki at isa si Gerone sa mga iyon. Nanuyo ang kaniyang mga labi sa isiping aangkinin na siya ng asawa ngayong gabi. At ibibigay niya rito ang lahat ng kung anomang meron siya nang walang alinlangan o inhibisyon. Sa gabing ito, mararanasan na niya ang noon ay nasa imahinasyon lang niya. Mababaliw siya sa kakisigan ng kaniyang asawa at ganoon din naman ito, dahil sa taglay niyang init at ganda. Nanginginig na ipinulupot ni Daphne sa katawan ang ginamit na tuwalya, sinadya niyang hindi magsuot ng kahit na anong saplot. Gusto niyang ipakita kay Gerone na handang-handa na siya. Paglabas niya ng banyo ay sinalubong siya nang malamyos na musika. Bago siya pumasok ng bathroom ay isinalang niya ang disc ng isa sa paborito niyang singer, si Martina Mc Bride. Ginawa rin niyang dim light ang silid para maging romantic ang ambiance at upang lalong manabik sa kanya si Gerone. Habang palapit sa kama nilang mag-asawa ay tumatahip ang dibdib ni Daphne dahil sa nerbiyos. Unang karanasan niya ito kung kaya may konting takot na kaakibat ang kanyang pananabik. This is it, Daphne. The moment you have been waiting for. Good luck. Nangingiting bulong niya sa sarili. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makalapit sa matrimonial bed nila ni Gerone. Hindi isang naghihintay na groom ang nakita niya. Tulog na tulog na ito. Ni hindi na nakuhang magpalit ng damit. Sa ibabaw ng night table ay nakapatong ang isang kopita at bote ng alak na wala ng laman. Sinubukan niyang gisingin ito ngunit nabigo lang siya. Sa ayos nito ay imposible talaga itong magising. Ngunit hindi agad sumuko si Daphne. Desidido siyang mangyari ang kinasasabikang honeymoon nila ni Gerone ngayong gabi kesehodang siya pa ang magsimula kung kaya hinawakan niya sa magkabilang balikat ang asawa at malakas na niyugyog ito. Ilang ulit pa niyang tinapik ang magkabilang pisngi nito. Ngunit malakas na hilik lang ang itinugon ng lalaki. Nanlalatang napaupo siya sa gilid ng kama. Parang binuhusan nang malamig na tubig ang kanina lang ay init niya sa katawan. Nagngingitngit ang kalooban na napamura siya. “s**t, Gerone. How could you do this to me? This is our honeymoon. You are not suppose to sleep like a dog.” Sa galit ay dinampot ni Daphne ang kopita at ibinato ito sa sahig. Lumikha ng tunog ang nabasag na bagay. Hindi pa rin nagising ang lalaki. Isinunod niya ang bote ng alak. Ngunit tila lalong lumakas ang paghilik nito. Hindi niya malaman kung sisigaw o magwawalala sa tindi ng pagkainis. Sa isang iglap ay napalitan ng pagkadismaya ang kanina lang ay pananabik niya sa asawa. Nagdadabog na muli siyang pumasok sa loob ng banyo upang pahupain ang natitira pang init sa katawan sa pamamagitan nang malamig na tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD