bc

Riot Men Series 1: Whispers in the Dark

book_age18+
10.3K
FOLLOW
65.6K
READ
killer
possessive
sex
kidnap
forced
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Complete!

⚠️WARNING: This series is EXCLUSIVELY directed to an OLDER AUDIENCE and should STRICTLY be KEPT AWAY from MINORS.

Anong gagawin mo kung inalok ka ng isang bagay na makapagpapabago sa mahirap mong buhay? Tatanggapin mo ba ito kahit ang kapalit nito ay panghabang-buhay mong kalayaan?

Nasilaw si Jin Fajardo sa alok ng isang sakim na tao. Sa murang edad, siya ay nakipagkasundo rito upang mabigyan ng marangyang buhay ang mga minamahal niya. Wala siyang kamalay-malay na ang pakikipagkasundo sa mga taong katulad ni Stephen Reyes ang siyang magdadala sa kaniya sa magulo at madilim na mundo. Buong buhay siyang hinasa na maging isang masunuring aso kay Stephen na walang awa kung pumatay at magwasak ng buhay. 

Subalit sa hindi inaasahang gabi ng kaniyang buhay, ang magulo at madilim na mundo ni Jin ay mababasag nang may makilala siyang isang babaeng nagngangalang Maxine Gonzales. Siya ay tuluyan na nagbago nang dahil sa pagmamahal niya rito. Gagawin niya ang lahat upang siya ay mahalin kahit ang pamamaraan ni Jin ay labag sa kagustuhan ng kaniyang sinisinta. 

Dinakip at araw-araw niya pinaparamdam kay Maxine ang kaniyang pagmamahal na sa huli, natutunan na rin siyang mahalin nito at buong pusong tinanggap ang tunay na pagkatao ni Jin. Subalit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama nang malaman ni Stephen ang tungkol sa kanila. Hindi niya tinanggap na maging asawa ni Jin si Maxine kung kaya paghihiwalayin sila nito at iaasa na lamang sa tadhana ang magiging kahihinatnan ng dalawang nagmamahalan.

Ano ang magiging kahihinatnan nina Jin at Maxine? Magtatagpo pa rin ba ang kanilang landas o mauuwi na lamang sa isang magandang panaginip ang kanilang pagsasama?

chap-preview
Free preview
1. TWO BODIES
Naglalakad sa isang madilim at maruming gusali ang isang lalaki habang may hawak na isang ulo na nakahiwalay sa sariling katawan. Puno ng dugo ang kaniyang mga kamay at may mga kaunting mantsa pa ng dugo sa suot na fitted T-shirt na black. Dahil sa higpit ng suot, bakat ba bakat ang hubog ng kaniyang katawan. Malalaki ang kaniyang mga braso, malalapad ang mga balikat, at mababato ang tiyan. Huminto siya sa paglalakad nang makarating siya sa harapan ng isang lalaking nakatali ang sariling mga paa at kamay, nakaupo sa isang stainless na upuan. Sa loob ng silid, bukod sa kanilang dalawa, may apat pa na lalaki silang kasama — nakatayo at nag-aabang ng utos mula sa kaniya. Nang makita siya ng lalaking nakaupo, labis-labis ang takot at inis niya rito. Hinagis naman ng lalaki ang hawak na ulo sa harapan ng lalaking nakaposas. "Isa lang naman ang gusto namin sa iyo pero bakit mo naman kami pinahirapan pa?" usap ng lalaking naghagis ng ulo sa kaniya. "If you followed us, our conditions, baka humihinga pa ang anak mo ngayon." "F**k you, Jin! Hayop ka! Papatayin kita! Mga katulad niyong demonyo… Huff! Masusunog ang kaluluwa niyo sa impyerno! You f**king demon!" singhal ng lalaki habang umiiyak na makita ang patay na anak na hinagis ni Jin. "Mamatay ka na kasama ang amo mong demonyo! Tutal isa kang aso na walang iba ginawa kun'di ikawag ang buntot at sundin siya!" Hindi pinansin ni Jin ang pag-iyak at mga masasakit na salitang binato ng lalaki sa kaniya bagkus ay nainis siya sa ingay nito. "Tapos ka na ba tumahol?" walang emosyong tanong niya sa lalaki. "Ano? Ibibigay mo ba ang 80% profit ng company mo o hindi?" "Mamatay ka na!" "Ahh… so it's 100%, ha?" Pinandilatan at sinamaan naman siya ng tingin ng lalaki habang patuloy na umiiyak sa kaniyang anak. "Liam, anak… I'm so sorry… so sorry. Ako dapat ang namatay…" iyak niya na sabay siyang tumingin kay Jin. "Ako na sana ang pinatay mo! Ba't mo dinamay ang anak ko? Wala siyang kasalanan… Liam, anak ko…" "Iyon nga ang dahilan kung bakit siya namatay, dahil anak mo siya — only son. But don't worry, makakasama mo na rin siya kasama ang buo mo pang pamilya. Pakikumusta mo na lang ako kay… hmm? Ano nga ulit pangalan ng asawa at ang isa mo pang anak? Ah, yes… Trisha and your beautiful daughter, Diane. Sayang ang katawan n'ya at namatay siya ng maaga, but on the bright side, hindi siya namatay na virgin," nakangiting sambit ni Jin. "Doon ko nalaman na magaling pala siyang kumanta at sumayaw, nag-enjoy talaga ako sa kaniya." At saka siya ngumisi. Nagalit at nagwala ang lalaki na marinig niya ang mga binanggit ni Jin sa kaniya, pilit na pumipiglas at kumakawala sa mga mahihigpit na posas. "G**o ka, Jin! Mamatay ka na! Sinusumpa ko, magiging impyerno ang buhay mo! Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo sa pamilya ko! At kahit kailan… walang sino man ang magmamaha—" Hindi natapos ang pagsasalita ng lalaki nang binaril na siya sa ulo ni Jin. ""Walang sino man ang…" alin? "Walang sino man…" ba ang tinutukoy niya? Ba't mo naman agad pinatay, man? Dagdag isipin ko pa tuloy sinabi niya," buntong hiningang sambit ng lalaking kasama nila. "Parang ewan naman ito'ng si Jin." "Manahimik ka r'yan, Vincent. Kung gusto mo malaman, sundan mo siya sa langit kung," sabay niyang nilingunan ang lalaking nagreklamo, "kung doon ang bagsak mo." "Tinatanong pa ba iyan? Malamang hindi," tugon niya at sabay siyang nagkibit-balikat. "So, what's the plan?" "Dating gawi, kunin lahat ng ari-arian at ipasa kay Stephen," tugon ni Jin habang naglalakad papunta sa isang tauhan na may hawak na tela. Kinuha niya ito at pinunasan ang kaniyang mga kamay. "Linisin niyo na ito, ayokong may makita na kahit na anong bakas ng dugo sa lugar na ito at kun'di isusunod ko kayong lahat," pagbabanta niya. "Okay, boys… Narinig niyo naman si Jin, kayo na bahala rito so, bye," nakangiting sambit ni Vincent sa kasamahan nila. Pagkatapos linisin ang kamay, naglakad paalis si Jin sa silid at sinundan ang lalaki. Nang makaalis ang dalawa, nakahinga naman nang maluwag ang isang lalaki. "S**t! Muntikan na ako hindi makahinga," buntong hininga niyang usap. "Baguhan ka lang, 'no?" tanong ng isang lalaking walang buhok at may edad na rin. "Y-yes, sir," nauutal na sagot ng lalaki sa kaniya gawa ng takot sa hitsura at sa malalim nitong boses. Tumawa naman ang lalaki kung paano matakot ang baguhang lalaki sa kaniya at saka niya ito inakbayan. Hinila naman niya ito papunta sa kaniya at ginulo ang buhok ng baguhan. "Huwag mo na ako tawaging sir, Richard na lang. Ano ba pangalan mo, ha, bata?" "Christian ho pero Chris ho ang palayaw ko," sagot niya. "Oh, Chris… Chillax ka lang diyan, 'wag masyadong stiff sa trabaho at baka sa sobrang seryoso mo ay hindi mo na napapansin paligid mo, mabaril ka na lang wala sa oras," masayang usap ni Richard. Kinilabutan naman ang lalaki sa sinambit ni Richard at napalunok sa takot. Pilit namang tumawa ang lalaki upang masabayan siya. Pagkatapos ay binitawan niya ang lalaki at tumingin sa paligid. "Dapat masanay ka na lalo na gan'tong klaseng trabaho ang pinasukan mo. Kung lalambot-lambot ka r'yan, baka mabilis ka mapatay d'yan. Sayang naman ang buhay mo, malaki pa ang magiging ambag mo sa grupo lalo na't bata ka pa." "Aware naman ho ako sa trabaho pero hindi ko talaga ine-expect si Sir Jin. Ganoon ho ba siyang tao? Sa tagal ko sa ganitong gawain, hindi pa ako nakakakita ng katulad niya," tugon niya. Bigla siya napahinto sa pagsasalita at natakot. "H-hindi mo naman ho ako isusumbong sa kaniya, 'no? Dahil sa sinabi ko? Patay! Da't pala 'di na ako nagsalita," natataranta niyang sambit kay Richard. Humalakhak ang lalaki sa baguhan. "Huwag ka mag-alala, wala siyang pake sa mga gan'yan. Kahit anong ebas mo, hindi niya papansinin iyan," sagot ni Richard. "Sa tutuusin masyadong light pa nga iyan, may mas malala pa siyang ginawa sa ibang tao." "T-talaga ho? May mas malala pa ho kumpara sa pagpatay?" "Meron pero hindi ko na lang sa iyo sasabihin at baka bangungutin ka pa at 'di ka makatulog mamaya. Sa susunod na lang kapag nasanay na ang sikmura mo sa mga sasabihin ko sa iyo." "Sobrang lupit ho pala ni sir Jin?" bulong ni Chris, nanlaki naman ang mga mata niya at saka napalunok sa takot. Huminga nang malalim si Richard nang may naalala siya tungkol kay Jin na kinapansin ng bagong pasok na lalaki. "Ang totoo niyan ay, hindi talaga ganito si Jin noon. Napakabait na bata iyan. Para siyang anghel pero," sabay iling, "hindi naman natin masisisi sa kahirapan, pumasok siya sa ganitong trabaho." "Matagal niyo na ho kilala si Sir Jin?" "Oo." Tiningnan ang lalaki at sinuntok nang katamtaman ang tiyan nito. Napahawak sa tiyan ang lalaki sa sakit na kaniyang nadama mula sa suntok ni Richard. Pinilit naman niya tumayo upang hindi ipahalata na siya ay mahina. "Tama na k'wento, sundin na natin si Jin. Tulungan na natin ang malaking iyon sa paglilinis." At saka turo niya sa isa nilang kasamahan na lalaking may malaking pangangatawan at taas, tila ba isang higante sa laki at taas nito. Sinunod ni Christian si Richard at tinulungan sa paglilinis ang higante. Sa kabilang banda, bumaba si Jin sa kotse nang makarating sila sa isa sa pinakamalaking kumpanya sa Makati, ang SR Enterprise. Pinarke ni Vincent sa gilid at patakbong sinundan si Jin. Pagpasok sa loob ng kumpanya, ang lahat ng mga tauhan ay huminto at yumuko. Binati nila ng "Good evening, sir," si Jin. Hindi pinansin ni Jin ang mga bati sa kaniya samantala, kinawayan at binigyan sila ng mga ngiti ni Vincent lalo na ang mga empleyado nilang babae. Dumiretso sila sa isang elevator na exclusive para lang sa kanila na may mataas na katungkulan sa kumpanya. Nilagay ni Jin ang hinlalaki niya upang ma-recognize siya ng system. Pagkatapos ay pinindot niya ang pinakailalim na button. Dinala sila sa pinakailalim na palapag kung saan naroroon ang kanilang boss. Naglakad sa isang mahabang hallway na may mga gintong statue at may mga nakasabit na mamahaling paintings. Sa dulo ng hallway, may isang malaking kulay gintong pinto ang nag-aabang sa kanila. Binuksan ni Vincent ang dalawang pinto at sumigaw, "Was'up, sir!? Nandito na ang pinakapaborito mo na si Vincent!" Nang dahil sa sigaw ng lalaki, tumili ang dalawang babae na nasa isang malaking kama kasama ang isang matandang lalaki. Walang saplot sa katawan at halata sa kanilang hitsura ang kapaguran. "D**n, sir! Hindi mo naman kami in-inform na nagdi-dinner ka pala ngayon, 'di sana kami pumunta," banggit ni Vincent habang palapit sa kanila. "Bakit? Sasamahan mo ba ako?" tugon niya na sabay niyang inunat ang sarili at inayos ang pagkakasandal sa kama. Humiga naman ang dalawang babae sa mga braso ng matanda at niyakap siya. "Hell, no," mabilis na pagtanggi ni Vincent. "Ikaw? Kasama ka? Ew… mawawalan ako ng gana kapag kasama ka. Ngayon pa nga lang nandidiri na ako sa katawan mo." Kinilabutan na makita muli ang hubad na katawan ng matanda. Tumawa nang malakas ang kanilang boss sa sagot ni Vincent at saka tumingin kay Jin na tahimik lang sila pinagmamasdan. Nakita niya sa damit nito ang mga mantsa ng dugo ganoon din sa ibang parte ng mukha at katawan nito. "Pumasok ka sa kumpanya ko na gan'yan ang kalagayan mo?" tanong ng lalaki kay Jin. "Wala naman sila magagawa kung nakita nila akong ganito. Kahit may katawan pa akong kinakaladkad papasok, wala silang lakas na loob para magreklamo," malamig na tugon ni Jin. "Iyan ang gusto ko sa iyo, talagang pinagmamalaki ko na maging anak kita," masayang tugon ng boss sa kaniya. "Ano na ginawa mo sa kan'ya?" "Nasa langit na, kasama ang pinakamamahal niyang pamilya." "Nasa langit? Ba't mo naman agad pinatay? May mapapakinabangan pa tayo sa kaniya," tugon ng kanilang boss kay Jin. "Don't worry, Sir Stephen, may inutusan na ako tungkol diyan. He is one of my trusted companions sa business na 'to," tugon niya na sabay siyang naglakad papunta sa pabilog na mesa. Kinuha niya ang isang baso at nilagyan niya ito ng alak. "Ang tangi mo lang poproblemahin ay kung paano mo gagastusin ang mga pera na nakuha mo. For sure na nasa bank account mo na ang pera." Sabay inom ng alak. "You never fail to impress me, son. Just always remember this," umupo siya nang maayos at inalis naman ng mga babae ang pagkakayakap nila kay Stephen, "sabihin mo lang sa akin ang lahat ng gusto mo — mapababae iyan o lupain — ibibigay ko sa 'yo, huwag na huwag mo lang ako tatraydurin," seryosong paalala ni Stephen sa binata. "'Wag ka mag-alala, sir, kahit kailan hindi kita tatraydurin." Sabay niya nilapag ang baso at tumingin sa lalaki. "Babarilin ko ang sarili ko sa oras na ginawa ko iyon." Humalakhak si Stephen sa sagot ni Jin, ganoon din ang dalawang babaeng kasama niya. Ngumisi naman si Vincent. "Hindi mo na dapat tinatanong iyan, Sir Stephen. Alam mo naman kung gaano ka-loyal si Jin sa inyo," nakangusong sambit ni Vincent sa boss nila. "Miski nga ako hindi ko kaya 'yong sinabi niya na ano… na babarilin ang sarili kung mangyari nga 'yon? Mahal ko pa ang sarili ko at gusto ko pa mabuhay nang napakatagal," malungkot niyang sagot na sabay siyang tumingin sa pants niya. "Gusto rin makatikim nito ng iba't ibang babae." Mga ilang sandali pa ay may natanggap na tawag si Jin mula sa isang cellular phone niya. Kinuha niya ito at sinagot. Nang matukoy kung sino ito, nagpaalam siya sa kanilang boss na si Stephen upang lumabas. "Sure, sure. Go ahead…" pagsang-ayon ni Stephen sa kaniya. Naglakad palabas sa kuwarto ang binata at isinara ang pinto. "Iyon lang ba? Fine, I'll give you a permit to kill them. Patayin lahat ng mga saksi, walang matitirang buhay," walang emosyon nitong sagot at saka niya binaba ang telepono.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook