"F**k!" mura ni Jin kay Sinclair, muli niya tinawagan ang kaibigan na doktor at tumingin sa kaniyang paligid.
"Alam ko na iyan, Jin… Ayoko pa mamatay," iyak ni Sinclair mula sa kabilang linya.
"Kung ano man ang nasa isip mo, g**o, hindi iyon," inis na usap ni Jin. "I just want you to tell Chloe na p'wede na ako lumabas o gumalaw lang. Mababaog ako sa bahay kapag wala ako ginagawa."
"Sira ba utak mo? Six days ka pa lang at hindi pa okay tahi mo, saka may mga bali ka rin sa katawan. Hindi ka pa talaga puwede lumabas, g**o ka," inis na tugon ni Sinclair.
"Sinclair, I'm not asking."
"Yeah, yeah… Palagi ka naman gan'yan eh, 'no? Bahala ka sa buhay mo. Specialized ako sa body ng tao at kapag sinabi ko na bawal sa iyo ang ganito, ganire, gawin mo. Pake ko kung magalit ka sa akin, eh, wala ka naman pake sa akin, remember?"
Nilayo ni Jin ang hawak na smartphone at huminga nang malalim. "Okay, fine… I'm sorry, Sinclair, sa kung paano kita tratuhin lately. Sorry din kung… kung sa oras na lang na kailangan kita ay saka lang kita kino-contact. S-sorry…" buntong hingang usap ni Jin.
Nag-isip nang malalim si Sinclair. Sinasadya niya na huwag niya bigyan ng agarang sagot ang kaibigan dahil gusto niya na asarin ang kaibigan. "Parang hindi ka naman sincere?"
"Sinclair…" gigil na tawag niya, ngunit kaniya namang pinigilan.
"Ah, tama! Magiging sincere lang ang apology mo kung personal ka hihingi ng sorry. If you did that ay baka patawarin na kita. Kitakits mamaya, Jin. Bye…" At saka niya binabaan si Jin.
Huminga nang malalim si Jin at hindi natuwa sa sinagot ng kaibigan.
Samantala, tumawa nang malakas si Sinclair pagkapatay niya ng telepono. "Akala mo, ah… Lagot ka talaga sa 'kin mamaya, Jin. Ire-record ko ang pag-apologize mo sa akin at gagawin ko iyong ringtone, punyeta ka," natatawa niyang usap.
Kasalukuyan siyang nasa loob ng kaniyang silid sa hospital na pagmamay-ari niya. Subalit nawala rin ang kaniyang ngiti nang maalala ang biglaang pagdating ni Andra sa kaniyang hospital noong isang araw.
Siya ay pinuntahan ng dalaga na balot na balot ang buong katawan at tila ba may tinataguan. Nagulat si Sinclair sa pagdalaw sa kaniya. Kilala niya si Andra ganoon din siya sa kaniya, lalo na ang malaki niyang sikreto na tinago niya sa kaibigan — kay Jin.
"B-black poison!" gulat na sigaw niya kay Andra. Kilala niya sa alyas na "Black poison" ang dalaga.
Walang ano-ano ay hiningan siya ni Andra ng lahat ng impormasyon tungkol sa droga para sa pansariling interest. Gusto niya matukoy kung sino ang nagtangkang patayin siya. Gagamitin niya ang impormasyong kaniyang nakalap kay Sinclair, ganoon din sa kinuha niya sa laptop ni Jin noong dinalaw niya ang binata upang makuha ang kasagutan sa kaniyang tanong.
"O-okay. Please help me, kaibigan ko si Jin, alam ko na magagalit siya sa akin kapag nalaman niya na kasama ako sa pagawaan ng mga drug sa laboratory." At saka niya inilahad ang isang makapal na folder na naglalaman ng impormasyon ng mga droga.
Si Sinclair Grivas ang isa sa mga taong gumagawa ng drugs na sinubukang sirain nina Jin at ang kaniyang mga tauhan. Sa kasamaang palad, ang gusaling pinasabog nina Jin ay isang branch lamang ng pagawaan ng nasabing droga. Samantala, si Andra Daphne Harrison naman ay isa sa nagbebenta ng mga illegal na droga sa Pilipinas at isa na iyon ang droga na kilala sa Happy Reaper. Kinailangan nila isekreto ito kay Jin at baka kalabanin sila ng binata kahit naging kasintahan noon ni Andra si Jin at isa sa matalik na kaibigan niya si Sinclair.
"Wala ka namang kasalanan, niligtas mo lang ang sarili mo," tugon ni Andra sa kaniya, sabay ang pagkuha ng folder upang basahin.
Pagkatapos makuha ni Andra ang lahat ng kailangan niya sa binata ay umalis na rin ito. Tinapik niya muna sa malapad nitong balikat ang doktor at nagmadaling lumabas.
Nang maalala ang tungkol doon ay nag-alala si Sinclair. Buntong hininga niyang binuksan ang kaniyang laptop. Sinubukang linisin ang kaniyang record sa black market na konektado siya sa droga na binangga ni Jin.
"Hayop talaga… Grabe talaga kaba ko no'ng nagpa-investigate siya about sa drugs. Parang matatanggal kaluluwa ko sa katawan ko. Hindi naman kasi siya interest sa droga dati, eh, kaya expected na 'di niya kami mababangga. At isa pa, hindi naman namin sila kinakalaban dahil kilala namin si Jin, lalo na ang boss niya. Isa sila sa pinakamalakas na sindikato sa Pinas. Haist… Punyeta talaga," inis na bulong ni Sinclair habang may ginagawa sa kaniyang laptop.
Sa kabilang banda, kasalukuyang nasa paaralan si Maxine. Siya ay nagmasid sa kaniyang paligid at nakahinga nang maluwag na hindi niya muli nakasalubong si Nicolas. Ilang mga araw na rin ang lumipas nang hindi na niya nakikita si Nicolas, ngunit kahit na ganoon ay nananatili pa rin siyang alerto upang hindi niya mabunggo ang dating nobyo.
Habang naglalakad ay nakaramdam ulit siya ng panunuyo ng kaniyang lalamunan at kakaibang init sa katawan. Mabilis niya kinuha ang malaki niyang baunan na tubig sa kaniyang bag. Umupo siya sa tabi kasama ang dalawa niyang kaibigan, pagkatapos ay tinungga niya ito.
Hindi makapaniwala sina Jana at Andrew sa kung paano tumangga si Maxine at sa tila galon niyang tubig. Nakahinga siya nang maluwag nang makaraos sa kaniyang pagkauhaw.
"Girl… You're so thirsty as hell," banggit ni Andrew sa kaniya. "Para kang hindi nakainom ng tubig buong week."
Siya ay napalunok. "Ewan ko nga kung anong nangyayari sa akin. Maya't maya ako nauuhaw. Ewan ko ba sa katawang lupa ko... Tapos grabe rin ako magpawis tuwing gabi. My gosh… What's happening na ba sa body ko?" buntong hiningang tugon ni Maxine.
"OMG, sis! Baka may aids ka!" sigaw ni Andrew at napahawak sa kaniyang bibig.
"Gaga! Paano magkakaroon ng aids iyan, virgin pa kaibigan natin," tugon ni Jana, sabay niya tinapik sa braso si Andrew nang malakas.
"Bakla ka! Porque may aids, nagpaano na para magkaroon? Duh! Hindi kaya! Iyong iba nakukuha ang aids dahil adik sa drugs, 'no!?" inis na usap ni Andrew.
"Mas lalo naman iyon. 'Di naman adik si Maxine. Kung ikaw lang naman din, 'di na ako magugulat pero si Maxine, magiging adik? Ay wow… Malabo talagang mangyari iyon." Sabay niya inirapan ang kaibigan.
"Ay grabe siya, oh. Ang bait mo talagang kaibigan sa akin," mataray na usap ni Andrew at binigyan ng isang sarcastic na ngiti.
"Alam mo, Maxine… Magpa-check-up ka na kaya, pati rin kami nag-aalala na sa iyo. Baka kung ano na iyan, sis."
"'Wag na. Mahal pa pa-check-up tapos pagamot if ever man. Uhaw lang ito at saka, sadyang mainit lang talaga ang panahon ngayon," tugon ni Maxine, pagkatapos ay binalik niya ang tubigan sa kaniyang bag.
"Hay, naku… Iyan na naman tayo." Sabay irap si Andrew.
"Anong mainit? Ber months na kaya. Ang lamig-lamig na kaya," banggit ni Jana.
"Nandito pala kayo?" singit ni Leslie. "Ano? Tara, g? Kain sa labas?" yaya niya sa kanila, bakas sa kaniyang mukha na siya ay masaya.
"Hala siya… Ang saya natin, ah. May girlfriend na siguro ang dalaga namin," pambibiro sa kaniya ni Andrew.
"Sana nga kaso wala," buntong hininga niyang sagot. "Anyway, hindi iyon ang rason ko why I'm happy. It's because... Una sa lahat, nakapasa ang thesis namin at bukod pa ro'n ay ipanglalaban pa iyon sa ibang school," masaya niyang sagot.
"Wow! Congrats, sis," bati sa kaniya ni Maxine.
Samantala, pumalakpak na may excitement si Jana sa kaniyang narinig.
"Wait, may thesis kang ginawa? Ba't 'di kita makitaan na gumagawa ng thesis mo? Puro ka nood ng anime tapos laro ng online games, and then this?" tugon ni Andrew. "Kawawa naman kagrupo mo, may pabigat silang group mate."
"FYI, sis... Ako ang leader sa group at kung hindi dahil sa akin, baka bagsak na ang kagrupo ko. Ako yata ang nagbuhat sa amin, 'no?" Saka siya nag-middle-finger sign at naglabas ng dila upang insultuhin siya.
Hindi nakapagsalita si Andrew, inirapan lang niya si Leslie.
"And secondly, higit sa lahat, why I'm happy dahil… dahil hindi ko na nakikita ang pagmumukha ni Nicolas. Thank goodness at wala na mangungulit sa akin," buntong hininga niyang usap.
"Mabuti nga iyon dahil si Babe Maxine natin ay nagtatago sa kaniya," nakangising saad ni Jana.
"H-hoy… 'di kaya…" pagtanggi ni Maxine. Hindi niya matingnan nang maayos ang mga kaibigan.
"Ay, sus… Bulaan. Halatang halata ka, sis. Although agreeable naman ba't ka nagtatago sa cheater na iyon," tugon ni Andrew sabay ang pagtawa niya. "Speaking of… Oo nga. Bigla na lang hindi nagparamdam si Nicolas. 'Di na rin yata pumapasok? Ano na kaya nangyari ro'n?"
"Who cares? Wala naman tayo pake sa kaniya. 'Wag na natin 'yong pagtuunan ng pansin, ang isipin natin ay kung saan tayo kakain." masayang usap ni Leslie. "Libre ko."
Habang nagbibigay ng mga suhestiyon ang mga kaibigan ni Maxine kung saan sila kakain, tahimik naman na nakatingin ang dalaga sa kanila — pinapakiramdaman ang sarili niyang katawan. Kahit gusto niya magpatingin sa doktor, wala na siyang sapat na pera upang ipangbayad sa hospital. Masyado na rin siya nahihiya sa mga kaibigan niya. Ayaw na niya madagdagan pa ang utang na loob niya sa kanila kahit ilang beses na nila sinasabi sa dalaga na lahat na iyon ay bukal sa kanilang kalooban. Hindi na niya kailangan pa ibalik ang mga perang kanilang ibinibigay sa kaniya.
Pagkatapos nila magdesisyon ay sabay-sabay silang umalis sa campus upang kumain sa labas.