18. ONE MONTH

1394 Words
Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang bigat. As I struggled to get up from lying down, I touched my side in pain. I looked around and discovered that they had taken me to the mansion. It would have been preferable if I had been taken to the hotel or the base instead of here. Because when I'm here at gan'to kalagayan ko, may magbubunganga na naman sa akin. Pagkatapos gawin ang misyon, niyaya ako ni A.D. sa clinic ng mama n'ya. She offered to take care of my wounds. Hindi rin kami nagtagal at umalis din siya. Napansin ko na marami itong iniisip habang ginagamot niya ako. I just didn't ask her because I needed to rest my body at the time — wala na akong lakas para tanungin siya. She then rode away on her motorcycle. I ordered Richard to pick me up. I dozed off in the car due to exhaustion and awoke in the mansion. At ngayon, nakaupo ako at nakasandal. Napamura ako dahil sa hapdi ng mga sugat ko sa katawan. Ngayon ko lang napagtanto na may suot na arm sling ang isa kong braso. "Sobrang malas. Isa na lang tuloy na kamay ang magagamit ko. Hayop!" isip ko. Nagpahinga muna ako at pinikit ang mga mata. I try to release the pain by taking a deep breath. Maya-maya pa ay narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto. Nakita ko na si Chloe ang nagbukas at kitang kita ko rin na siya ay galit. Naglakad siya papunta sa gilid ko at tiningnan ako nang masama. "What is it?" I asked to break the silence. "Ang sabi ni Tito Sinclair kailangan mo ng maraming pahinga. 'Wag ka muna mag-take ng mission within one month if you don't want na lumala 'yang sugat mo," she grumpily answered. "One month? That's too long." "Anong 'too long' pinagsasasabi mo? Ang iksi pa nga iyan, sa totoo lang… Just look at yourself, kuya! Paano ka magtatrabaho niyan kung iisa lang ang gamit mong kamay tapos kapag gumalaw ka naman ay may chances na bumuka ang tahi mo sa body mo!? Wake up, kuya! Tao ka rin at hindi si Superman so stop pretending that you are okay! You need a long freaking break naman sa work mo!" inis niyang sumbat, ramdam ko ang gigil sa boses at sa panga niya. "I can't. If Sir Stephen needs me, pupunta agad ako at gagawin ang gusto n'ya." "My gosh…" Humawak s'ya sa noo at umiling. "No! Sa ayaw at sa gusto mo, dito ka lang!" "Chloe…" buntong hininga kong usap. "Kung magiging matigas ang ulo mo, ako mismo ang pupunta sa boss mo at magpapaalam." "Mas lalo naman hindi!" "Kaya kung ayaw mong gawin ko iyon, mag-behave ka rito. Don't you dare na mag-take ng any mission sa loob ng isang buwan." Then she sits beside me. "Kuya, naman… One month lang ang hinihiling ko, p'wede ba ako muna ang pagbigyan mo at hindi ang boss mo? Please?" At nag-sad-puppy-eyes-dog siya. Talagang ginamit niya ang alas niya sa akin. I took a deep breath and decided to respond, "Okay fine. I will tell my boss about my situation. Hindi ako maka-hindi kapag ginagawa mo iyan." "Yey!" Sa sobra n'yang saya ay agad niya ako niyakap. Tinapik ko naman siya and kissed her on the forehead. "I'm hungry. Have you prepared anything for me?" "Of course naman. Besides nakauwi na rin si nanay kaya may foods na ulit tayo," she happily answered at inalis ang yakap niya sa 'kin. "One more thing, bago ko makalimutan, two days ka na pala tulog. So yeah… Magugutom ka talaga." "Two days? Parang daplis lang ito, ah." "Anong daplis? Puro na lang daplis sa iyo. Kung daplis lang iyan bakit ang tagal ng tulog mo at may arm sling ka pa?" She rolled her eyes. "Diyan ka lang at dadalhan kita ng foods mo. Ask ko si nanay kung may natira para sa iyo. Sana wala para magtanda ka." Pagkasabi ay padabog itong umalis sa room. Sobrang cute talaga ni Chloe, ang sarap pisilin ang mukha. It seems na karma ito sa akin kaya ko ito nakuha dahil sa ginawa ko. While waiting, my mind became restless, as if I had forgotten something I needed to do after everything had transpired. My head suddenly hurt as I was thinking. I held it and rubbed it to relieve the ache. "Siguro hindi naman 'yon importante. Kung importante iyon, hindi ko agad iyon makakalimutan," isip ko at muli ko inayos ang pagkakasandal sa kama. Pinaalam ko ang nangyari sa akin kay Sir Stephen at agad naman din niya ako tinawagan pagkatapos ko magpadala ng text message sa kan'ya. "Nalaman ko ang ginawa mo. Sinabi sa akin ni Fernan at talagang pinagmamalaki kita. Although hindi siya konektado sa negosyo, malaki-laki rin ang nakukuha nila sa atin kapag hinayaan natin sila magpatuloy, especially sa client. Sayang lang at hindi ka muna namin makakasama sa isang buwan," banggit niya mula sa kabilang linya. "Sorry, sir." "Naku, naku, naku… Don't say sorry, my boy. Ipahinga mo lang iyan. Bumalik ka na lang kung magaling ka na. Sabihan mo lang ako kung ano ang mga kailangan mo at ibibigay ko iyan agad-agad." "Thank you, sir." "Ang dami-dami kong sinabi tapos ang iiksi ng sagot mo sa akin." Then he sighed. "Umm…" Narinig ko naman na tumawa si sir. "Napakaseryoso mo talagang bata ka. Basta, Jin, kung ang gagawin mo ay makatutulong sa negosyo, hahayaan kitang magwala, pero kung hindi… sa totoo lang ay ayaw kita parusahan, my boy. Nagulat lang ako dahil hindi mo muna pinaalam sa akin ang tungkol dito. Siguro naman ay may sapat kang dahilan kaya mo iyon ginawa." "Sir…" "Pagbalik mo na lang, saka mo na lang sa akin sabihin ang lahat." Ito na ang huli niyang sabi at saka na niya binaba ang telepono. Nilapag ko ang cellphone sa tabi pagkatapos. Sir Stephen seemed annoyed by what I did, or maybe by what Fernan told him. That man always speaks ill of me. Masyadong inggit kaya kung ano-ano ang pinagsasasabi n'ya sa akin. Lagot siya sa akin 'pag nakabalik ako. I'm going to crush that pest. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto makalipas ang mga ilang minutong paghihintay. Kasama ang kambal at si nanay, dala nila ang pagkain ko. I told Chloe and nanay that I could eat on my own, but they refused; they insisted that I was still weak and that they were the only ones who could feed me. When I picked up the spoon, nanay slapped me on the hand. "Aba'y napakakulit mong bata ka. Sabing ako na lang ang magpapakain sa iyo," inis na sabi sa akin ni Nanay Gina. "Tingnan mo nga sarili mo, hirap na hirap ka pa nga maggagagalaw." "Nay… I can d–" "Hay, naku… Iyan na naman tayo sa mga dahilan mo. Umupo ka lang d'yan at magpahinga, kami na ang bahala sa iyo." She sat down next to me and fed me porridge. "Bakit naman lugaw, nay? I'm not even sick?" I asked. "Anong wala? Sa tingin mo ba iyong pagtulog mo ng dalawang araw ay normal lang? Tigil-tigilan mo ako, Jin. 'Wag ka na mag-inarte at kainin mo na itong lugaw." Saka niya ako sinubuan kahit mainit pa. Naluha mga mata ko sa init pero nilunok ko rin. "Pahinging tubig," bulong ko sabay ubo. I noticed Chris laughing as he handed me the water. Chloe slapped my hand as I went to pick it up. "Ako na," nakangiting sabi niya at kinuha ang tubig, pagkatapos ay pinainom sa akin. "Talagang nakakatakot ang mga babae," isip ko. Buong magdamag ako nakahimlay sa kama. Balak ko sana mag-cellphone para malibang ako pero pinigilan naman ako ni nanay. Kinuha niya ito at pinagalitan pa ako. "Bawal mag-cellphone, baka magkasinat ka pa," nanay said. "Sabing wala nga akong sakit!" sigaw ko but she didn't listened at tuloy-tuloy na umalis sa kuwarto. Naging boring ang mga sumunod na araw. Hindi nila ako hinayaang mag-exercise baka raw bumuka ang tahi, kumain mag-isa, manood ng TV, mag-cellphone, at higit sa lahat ay lumabas. Mabuti na lang at nakuha ko, palihim, ang cellphone ko at tinawagan si Sinclair. "Hey, Sinclair, I need your help." "Hell no!" mabilis niyang sagot, sabay niya ako binabaan. "F**k!" Napamura ako nang bigla niya ako binabaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD