13. UNFAMILIAR ROOM

1868 Words
Mahimbing na mag-isang natutulog si Maxine sa isang malaking kama. Tanging mahaba na long-sleeved na may butones at panty lamang ang kaniyang suot. Bago rin ang punda ng hinihigaan niyang kama at kumot, ibang iba ang mga ito kagabi. Naalimpungatan lamang siya nang maramdaman ang sakit sa kaniyang likuran. Umungol ang dalaga nang mahina sa sakit at nag-unat. Pagkatapos ay bumangon siya sa kaniyang pagkakahiga habang hawak ang kaniyang likuran, ito ay kaniyang minamasahe na nananatiling nakapikit. Mga ilang segundo pa lang ang nakalilipas ay naramdaman na lang niya na kakaiba ang kaniyang paligid. Hinimas ang kamang hinihigaan at inamoy ang paligid, ibang iba sa kaniyang nakagisnan. Minulat niya ang mga mata niya at pinikit-pikit. Nilibot ang paningin at napagtanto na nasa ibang kuwarto siya. "Hayop, nasaan ako? Bakit lumaki 'tsaka gumanda room ko?" bulong niya habang siya ay gulat na gulat. Habang tumatagal siya sa silid na iyon ay unti-unti na siyang nakakaramdam ng kaba. Napansin niya ang kakaiba niyang suot at nagulat nang makapa ang sarili dahil sa walang suot na bra, agad niya tinago ang sariling katawan sa kumot. Natatarantang nagtingin-tingin siya sa paligid at hinanap ang mga gamit niya. Dahil sa taranta at takot ay hindi niya napansin ang isang lalaking pumasok sa silid. "Are you… Are you alright, miss?" tanong ni Jin. Napatingin si Maxine kay Jin. Napatulala siya sa malaking lalaki na nasa pintuan. Walang suot na pang-itaas at kitang kita ang malalaki nitong muscles. Tanging suot lang niya ay isang short na hanggang tuhod ang haba. Napalunok siya ng laway na makita ang abs ni Jin ganoon din ang bakat nitong alaga. Nakaramdam siya ng kiliti sa tiyan at sa pagitan ng kaniyang mga binti kaya naman inipit niya ang kaniyang binti. Nagtaka siya sa kaniyang naramdaman nang makita ang katawan ng lalaki. "Anong nangyayari sa akin? Bakit kinikiliti ang tiyan ko at nangangati itong p**e ko? My gosh, Maxine… Anong nangyayari sa iyo? Ilang beses naman ako nakakakita ng lalaking topless, iyong iba nga naked na, pero never akong maka-feel ng ganito? What's wrong with my body?" isip ni Maxine. Mabilis niyang iniling ang sarili upang siya ay matauhan, kasabay niyon ang unti-unting pagbalik niya sa reyalidad. Bigla na lang siya nakaisip nang masama dahil sa sitwasyon niya at sa lalaking nasa harapan niya. Kinapit niya nang napakahigpit ang kumot at naiilang na tiningnan si Jin. "N-nasaan ako? Bakit ganito ang suot ko? May… M-m-may nangyari bang masama kagabi?" Bigla na lang nanginig ang boses niya at naluluha ang kaniyang mga mata. "W-wala akong matandaan kagabi… Ang alam ko lang ay… ay, ano… Umm… Naglalakad na ako pauwi tapos bigla na lang sumulpot si Nicolas. Tapos, tapos, umm… There's something strange and pointy ako na-feel sa neck ko and then… And then what?" Napansin ni Jin ang pagkatakot ni Maxine. Huminga siya nang malalim bago siya magsalita, "Your ex injected you with some drugs that made you unconscious. Don't worry, I'll take care of it and," muli siya tumingin kay Maxine, nakita niya kung paano siya manginig gawa ng takot, "about sa damit mo, nasukahan mo siya kaya… kaya pinapalitan ko sa room service. Since wala akong damit para sa babae, iyong damit ko muna ang pinasuot ko… nila sa iyo. Don't worry… I… I didn't touch you," pangsisinungaling niya. Gusto man niya sabihin ang tunay na nangyari sa kanila, hindi naman kayang sabihin ni Jin ang totoo sapagkat sa kung paano matakot ang dalaga sa kaniya. Ayaw niya na matakot si Maxine sa kaniya. Gumaan ang pakiramdam ni Maxine na marinig niya ang mga sinambit ni Jin. "Thank you. Oh my gosh… Grabe nakakahiya. Napag-isipan pa kita ng masama. And… Wait, tama ba ang dinig ko? Drugs? In-injected niya ako ng drugs?" "Unfortunately, yes." "Oh gosh…" Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. "So… Anong nangyari sa kan'ya? Dinala… Umm… Dinala niyo ba sa pulis err… Umm…" "Jin, Jin Fajardo," mabilis niyang tugon. "As I said kanina, you don't have to worry about it. Natanggap na niya ang parusang nararapat sa kan'ya." "Thank you Mr. Jin Fajardo. Oh gosh… I'm so sorry to bother you and for including you in my problems. By the way, I'm Maxine Gonzales." "No, it's okay. You don't have to, Ms. Maxine." Nakita ni Jin kung ang unti-unting pagkalma ni Maxine. Kinuyom ni Jin ang mga kamao niya dahil sa inis sa sarili, inis sa ginawa niya sa isang inosenteng babae at inis sa pagiging malambot at malambing niya kay Maxine. Hindi niya maunawaan kung bakit ibang iba ang pakikitungo niya kay Maxine at sa pagsisinungaling niya para lamang hindi matakot ang dalaga sa kaniya. Sa dinami-rami ng mga babaeng nakatalik niya, kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng awa o pag-aalala sa kanila. Unang beses lamang iyon nangyari sa kaniya kaya siya ay naiinis. "A-a-aww… S**t," mahinang sambit ni Maxine habang paalis siya sa kama. Binalik ni Jin ang atensyon kay Maxine at nakita na nahihirapang gumapang ito paalis sa kama. Mabilis niyang nilapitan si Maxine at inalalayan siya. "Are you okay? Is there anything I can do to help you?" tanong ni Jin at halata sa mukha at boses niya ang pag-alala. "Naku… Huwag na. Sobra-sobra na 'yong tulong mo sa akin, kaya ko na. I got this," natatawa niyang tugon habang pinipilit na tumayo. "No, you're wrong." At saka niya binuhat si Maxine. Napatili si Maxine sa gulat at agad naman niyang tinakpan ang kaniyang bibig. Tumingala siya at nakita niya nang husto ang mukha ng binata. Lalo siyang napogian sa lalaki, ngunit mabilis din niyang inalis ang tingin dito na nananatili pa ring nakatakip ang bibig niya. Sinilip ni Jin si Maxine at bahagyang nainis sa pag-iwas ng dalaga sa kaniya. "You must hold me or else you will fall," paalala sa kaniya kay Maxine. Nailang ang dalaga kay Jin at nagdadalawang-isip na yakapin siya. Sinilip-silip niya ang binata. Humakbang naman ng ilang beses si Jin at nagkunwaring maihuhulog niya si Maxine. Akala ng dalaga na mahuhulog siya kaya agad niya niyakap si Jin. Mahigpit niya ito niyakap sa leeg at kasalukuyang nakasandal ang mukha niya sa malapad nitong balikat. Ngumisi si Jin dahil naging matagumpay ang plano niya. Niyakap niya nang mahigpit si Maxine at napapikit nang saglit. Bumuntong siya ng hininga sapagkat nang mayakap niya muli si Maxine, gumaan ang kaniyang kalooban. Pagkatapos ay naglakad nang maayos ngunit mabagal si Jin papunta sa kusina. Sa kusina, pinaupo niya si Maxine sa isang mataas na upuang pabilog na stainless. "T-thank you," nahihiyang pasasalamat ng dalaga sa kaniya. Tanging ngiti lamang ang sinagot sa kaniya ni Jin. Pumunta ang binata sa lababo upang kumuha ng plato at pinaghandaan niya ito ng agahan. Napansin ni Maxine ang mga kalmot ng binata sa likuran at tumingin sa paligid. Siya ay napuna ni Jin habang naghahanda ng pagkain. "What's wrong? Anong hinahanap mo?" "Umm… Ano lang… Hinahanap ko lang iyong pusa mo. Ang totoo niyan ay allergic ako sa pusa, so… baka kasi, ano, pumunta siya sa akin at ma-trigger ang allergy ko." Napataas ng isang kilay si Jin dahil hindi niya matukoy kung saan nakuha ni Maxine ang tungkol sa pagkakaroon niya ng pusa. "That's an out of the blue topic, Maxine. Saan mo nakuha ang ideyang iyan?" natatawa niyang sambit at saka niya nilapag ang pagkain sa harapan ng dalaga. "Well… 'Cause you have so many scratches on your back?" mahina niyang tugon. Natawa nang mahina si Jin at umiling, sunod siya lumapit sa sementadong countertops at hinarap si Maxine. "I do actually have a lovely cat. She's a little chunky, but I find her amazing. I felt at ease when I caressed her, but, unfortunately, I had to let her go." "Why naman? Kung napamahal ka na pala sa kan'ya, bakit mo pa siya pinakawalan?" malungkot na tugon ni Maxine. Tinitigan ni Jin si Maxine nang matagal at napaisip ng, "Napamahal, ha?" Nagkibit-balikat siya at tumingin sa pagkain. "She's too scared of me, and I don't want her to be scared of me. That's it." "Baka naman kasi may ginawa kang masama. Alam mo naman kapag mga animal, kapag na-feel nila na threatened sila talagang matatakot or ano, aawayin ka. Need mo rin kasi maging careful sa kanila." "I just did. Naging gentle ako sa kan'ya pero I can't control myself na gawin sa kaniya ang hindi niya gusto and this… Look what happened? Natakot siya sa akin kaya I'm setting her free," buntong hininga niyang tugon. Tumango si Maxine sa sagot ni Jin at mukhang naintindihan ang binata. "Sayang naman pero sabi nga nila na 'If you love that person, you must let her or him go.' I don't know the reason why they are letting their loved ones go, pero I'm sure na kapag bumalik siya sa iyo, siguradong siya na ang the one mo. Oh! Wait…" Biglang tumawa nang mahina si Maxine. "Bakit napunta tayo sa gan'tong usapan? Don't worry, Jin. I'm sure na nasa maayos ang 'lovely cat' mo. Kitang kita ko sa mukha mo how sorry you were and how much you cared about her." Ngumiti si Jin kay Maxine at sumang-ayon. At saka nag-umpisang kumain ng agahan ang dalaga. Nasarapan si Maxine sa luto ni Jin at kaniya ito pinuri. Habang kumakain ang dalaga, hindi maiwasan ni Jin na hindi tingnan ang labi ni Maxine. Sa bawat galaw ng labi nito, pumapasok sa kaniyang isipan ang lahat ng nangyari kagabi. Ang pakiramdam habang hinahalikan niya ang dalaga, habang yakap niya si Maxine, at ganoon din kung paano siya tingnan ng dalaga. Ang rason kung bakit naka-top less siya ay upang ipakita kay Maxine ang ginawa niya sa binata. Gusto niya ipaalala sa dalaga ang nangyari kagabi, subalit dahil sa epekto ng drugs, nakalimutan ni Maxine ang nangyari sa kanilang dalawa. Naging tahimik ang paligid hanggang sa matapos siyang kumain. Binigyan naman ni Jin ng damit ang dalaga at saktong sakto sa katawan nito. Hinatid ni Jin ang dalaga sa paupahang bahay ni Maxine. Sinuri naman ng binata ang lugar. Bago pa lumabas si Maxine sa kotse ay tiningnan niya muli si Jin. "Thank you again, Jin. I really appreciate sa lahat ng ginawa mo sa 'kin. And… the best talaga ang food na niluto mo," masaya niyang sambit. Natawa nang mahina si Jin sa kaniya. "You're always welcome. Are you sure this is your house?" "Not umm… exactly my house. It's a rented house. It's a long story and I'm sure, mabo-bored ka lang." Tumawa siya nang mahina. "Okay… Thank you ulit, Jin. Ingat ka and god bless," nakangiti niyang paalam. Hindi agad nakapagsalita si Jin sa mga oras na iyon. Kaniyang ninanamnam ang huling pagkakataon na makasama niya sa huling pagkakataon ang dalaga. Nagdesisyon siyang huwag na gambalain pa si Maxine dahil sa guilt na kaniyang nararamdaman. Natauhan lang siya nang marinig niya ang pagsara ng pinto ng kotse. Nakita niya na nasa labas na si Maxine at kinawayan siya, pagkatapos ay naglakad na ito papasok sa tinutuluyan nito. Bumuntong ng hininga si Jin at agad na pinaandar ang kotse, nagmadaling umalis upang hindi na niya makita pa si Maxine. Dahil sa oras na tinawag pa siya o makita pa niya muli ang dalaga, baka hindi na niya pigilan ang sariling hindi ito pakawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD