14. MR. ANGEL

1640 Words
Oh my goody goodness! Is that real or a dream? My gosh, hindi ba n'ya nahalata na kinikilig ako kanina? Matingnan nga. Agad akong dumiretso sa room ko at ni-lock ang pinto. Tiningnan ko ang sarili sa human sized na mirror. Nakita ko na maayos naman ang mukha ko kahit papaano. Nakahinga ako nang maluwag na ma-check ang face ko. Sobrang pogi ni Jin. One in a billion times lang ito mangyari at halos lahat pa ay nababasa ko lang sa libro. Ang s'werte ko naman at may na-meet akong pogi at mabait pa, pero siyempre, we're not in a book nga. 'Wag assumera, self… Hindi naman s'ya katulad ng mga nababasa ko na magiging patay na patay sa akin within a day… I mean, night. Umupo ako sa kama ko at saka binagsak ang aking katawan. Nasaktan ako sa ginawa ko dahil ngayon lang sumagi sa isip ko na hindi pala malambot ang aking kama. Manipis lang ang punda nito. Lalo tuloy sumakit ang likod ko. Ewan ko ba kung bakit sumakit ang likod ko especially sa bandang beywang ko. Maybe because of the drugs? Speaking of which, ayos lang ba ang drugs sa body ko? Kaloka, nakalimutan kong tanungin si Jin about dito. Mabilis naman akong bumangon at kinuha ang cellphone sa bulsa para ma-contact siya. Habang nag-scroll down, naalala ko na wala pala akong number n'ya. Hindi ko na ma-gets itong utak ko. Bakit naging makakalimutin ako? Siguro masyado lang ako napagod. Sa dami na nangyari sa akin, kahapon, kailangan ko talaga ng isang break — matagal na break. Nagpalit ako ng damit, iyong maluwag na damit, at saka ko hiniga ang katawan ko. Mga hapon na rin akong nagising. Pagkagising ko ay dumiretso ako sa kusina para kumain. Habang nagkakalkal ng foods, bigla na lang ako nakarinig ng tili. Sa sobrang gulat ko ay muntikan ko na mahulog ang hawak kong kaldero ng kanin. "Maxine! Buhay ka!?" sigaw ni An na nagmadali siyang puntahan ako, pagkatapos ay niyakap niya ako. "You don't have any idea kung gaano mo ako pinag-alala, sis! Saan ka ba gumora at waley ka sa room mo kagabi!?" "Alam mo, An… Muntikan ko na mahulog itong kaldero dahil sa tili mo. You gave me a mini heart attack because of your scream, sis," inis na usap ko sa kaniya. "Ikaw naman kasi, pinag-alala mo ako. Saan ka ba kasi pumunta? Bakit 'di ka umuwi kagabi? Sobrang passed out ang dalawang gaga kaya 'di nila napansin na 'di ka umuwi kagabi." "Nasa room pa ba sila ngayon?" "Yas… Baka mamaya pa mga iyon magising. Pero, forget about that, nilalayo mo ang topic. Sagutin mo muna ako. Saan ka nanggaling kagabi? I need a complete and detailed answer," nakakunot na singhal niya. "Okay, fine. Sasagutin ko iyan, but before that, kakain muna ako. Nagutom ako bigla," nakangiti kong sambit at tinuloy ang pag-ready ko ng food. Umupo si An sa mesa at binaba ang dalang shoulder bag sa tabing upuan. Paglapag ko ng foods and water ko sa mesa ay agad akong kumain. Nakita ko ang pag-tap ng mga daliri niya sa mesa at mataray niya ako tinitingnan. Minadali ko naman kinain ang pagkain dahil sa kaniya at agad na uminom ng tubig. "Uy, sis... 'Wag mo naman akong tingnan ng gan'yan. Parang lalamunin mo ako ng buhay diyan, eh," sabi ko sa kaniya na nakanguso. Hindi siya nagsalita at nananatiling nakatingin sa akin. Sa lalim ng tingin n'ya ay parang may mga blades na lalabas sa mga mata niya na tutusok sa 'kin. "Ito na. Sorry kung… ano, hindi ako nakapagpaalam kagabi. Sorry na po," malungkot kong usap at saka siya sinilip. Bumuntong siya ng hininga at saka umupo nang maayos. "Ang totoo niyan ay masyadong mabilis ang pangyayari at… at masyadong hazy din. It starts when Nicolas came sa club at nakita mo naman, right, he's trying na ialis ako sa club?" "Of course. That jerk!? Ang kapal ng mukha akala mo kung sino. Makapagsalita kung bakit ka na nasa club at 'yong suot mo, akala mo dyowa pa." "Well, buti na lang at malakas ang suntok ko at napatumba ko s'ya nang gano'n-gano'n lang," natatawa kong sabi na tinawanan din ako ni An. "Eh, ang siste pa no'n... Pagkatapos siyang paalisin ng bouncer, hindi pa pala s'ya umuwi. Hinintay niya ako sa labas at nagkaroon ng gulo." "Oh my g… Are you okay naman ba? Anong klaseng gulo?" "Don't freak out. No'ng nasa labas na ako para umuwi, bigla na lang niya ako hinarangan. Nagkaroon kami ng, umm… malaking away and then sa kalagitnaan ng pagtatalo namin, may something siyang kinuha sa bulsa niya at," sinilip ko si An at inayos ang upo ko, "at may tinurok siya s-sa neck ko." "The, what!?" "Yeah… There's something pointy and itchy ako naramdaman sa leeg ko kaya tinulak ko siya. After that, bigla na lang ako nahilo at nanlambot ang buo kong katawan." "Punyeta, Maxine!? Seryoso ba iyan!? Ha! Alam mo, sumosobra na iyang Nicolas na iyan, ah… Namumuro na iyan sa akin!" singhal niya at saka siya tumayo dahil sa galit. "Kapag nakita ko iyan, 'wag na 'wag mo akong pipigilan dahil mapapatay ko iyang lalaking iyan! "Ano? Ayos ka lang ba?" Sabay siyang naglakad papunta sa akin at ch-in-eck ako. "Ano nafi-feel mo? Nawala ba ang hilo mo? Natatandaan mo pa ba ako? Diyos ko, sis! Huwag mo muna kami iwan," mangiyak-ngiyak niyang banggit na sabay niya ako niyakap. Nakadikit ang mukha ko sa tiyan n'ya at niyakap ako nang napakahigpit. "Ang OA mo na, sis. I'm fine. Kita mo naman ako na maayos lang ang kalagayan ko." Nang marinig niya ang sagot ko ay marahal n'ya inalis ang pagkakayakap niya sa akin. "Sure ka, ah… Naku… Ikaw pa naman ang tipo ng taong palaging nagsasabi ng, 'Maayos lang ako' but deep inside hindi." "Oo nga, okay lang talaga ako kasi… Hindi ka maniniwala sa itsi-chika ko, kung ano ang sumunod na nangyari." Pinaupo ko si An sa tabi ko at tinuloy ang kuwento. Kinuwento ko na nakakilala ako isang malaki at guwapong lalaki, pati na rin kung paano niya ako tinulungan. "'Di ko na kasi tanda kung anong nangyari sa akin kagabi basta ang natatandaan ko lang ay may sumalo sa akin no'ng pabagsak na ako. At alam mo ba, sis... Nakapa ko 'yong braso at dibdib, grabe putok na putok — ang laki. Hayon talaga ang hindi ko makakalimutan," kinikilig kong usap. "Hala, sis... Gaga ka, ang s'werte mo nga. Ano na nangyari? Don't tell me, ano… Kinama ka? My gosh… iyong virginity mo, sis, binigay mo agad dahil lang malaki lang ang katawan niya?" kinikilig niyang biro na sabay siyang napahawak sa bibig. "Hoy! Grabe ka sa akin. 'Di ako tulad mo, 'no? 'Di n'ya ako kinama, ang sweet at ang bait pa nga niya... Nahiya nga ako kasi pinag-isipan ko pa siya ng masama. Akala ko talaga may nangyari sa amin kagabi kaya grabe 'yong takot ko sa kaniya," sagot ko. "Paano naman kasi, nasa hotel ako tapos ibang iba ang damit ko ta's may susulpot na isang hunk man sa kuwarto ko at naka-top less pa siya, so you know, nag-assume talaga ako na may nangyari talaga sa amin. Pero, fortunately, mabait ang tumulong sa akin. He's like an angel na bumaba sa lupa to save me." "W-w-w-wait… Sinasabi mo sa akin na walang nangyari sa inyong dalawa? As in, dalawa lang kayo sa hotel, babae at lalaki, guwapo at maganda, si malakas at si maganda, pero ni hipo walang nangyari?" "Ano ba, An!? Umayos ka nga. Ako ang nahihiya sa mga sinasabi mo, eh." Naramdaman ko na lang ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko. "Wala nga kasi, ba't ba pinipilit mo? Mabait siyang tao at baka may dyowa o asawa na 'yong tao gagawin mo pa akong kabit? Kilala mo naman ako, 'di ako gano'n. Ayoko ng gano'n at isa pa, kabe-break lang namin ni Nicolas. Ayoko muna mag-isip about sa mga lalaki, this time, iyong career ko na ang uunahin ko," seryoso kong sagot. "Ito naman parang 'di ma-joke. Buti na lang talaga at walang nangyari sa inyo dahil kung hindi… Naku, sis... Paano na iyong pangako mo sa sarili mo?" Nakita ko sa mukha niya ang pag-alala. Bigla naman ako napaisip nang malalim sa kaniyang binanggit. Nangako kasi ako sa sarili ko na ang taong paglalaanan ko ng buong katawan at puso ko ay sa taong makakasama ko habang buhay. Kung isang stranger lang ang kukuha sa pagka-birhen ko ay baka… Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko 'pag nangyari nga iyon. "Ay! 'Wag na natin iyan isipin pa kasi wala naman nangyari sa inyo. Ang pagtuunan natin ng pansin ay kung gaano kalaki ang katawan niya at kung ilang abs ang meron siya. Kailangan ko ng sagot, now na. Ibigay mo rin ang name, age, address, birthday, at lahat ng nalalaman mo kay 'Mr. Angel' sa akin. Parang kailangan ko na mag-hunt ng angel ngayon," natatawa niyang usap. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sasagutin ko iyan pero, patapusin mo muna akong kumain." "Iyan, tama iyan dahil mahaba-haba ang tsismisan natin ngayon tungkol sa Mr. Angel mo," masaya niyang usap. Tinuloy ko ang pagkain ko at saka naman s'ya pumunta sa kuwarto niya para magpalit ng damit. Habang kumakain, bigla ko na lang naalala ang sarap ng pagkaing niluto niya sa akin. Naalala ko rin ang mga mapupungay niyang mga mata habang siya ay nakikipag-usap, ang malalagkit n'yang titig. Ganoon na rin ang mga ngiti at ang mabato niyang tiyan, lalong lalo na ang nakabakat niyang sawa sa kaniyang short. Napailing ako na maalala ang katawan niya. Grabe ka na, Maxine. Masyado ka ng uhaw. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang baso na may tubig at inubos ito. Kahit papaano ay mabawasan ang pagka-uhaw ko sa katawan ni Jin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD