"Mga sis'... Kayo na lang ang pumunta, may trabaho at school work pa akong gagawin. Kailangan ko pa kasing tapusin 'yong isa ko pang project na ipapasa ko sa prof ko. Hanggang ngayon wala pa ako naiisip na i-paint," banggit ni Maxine habang nakaupo sa kanilang sala at pinapanood ang kaniyang mga kaibigan na abala sa pag-aayos ng mga sarili.
"Na-ah, sis'... Kailangan mo sumama sa 'min. Hindi magiging masaya ang gabi kung hindi tayo kumpleto," pagtanggi ni Jana habang sinusuot ang mahaba niyang hikaw.
"Maxi… You need a good long break. Palagi ka na trabaho, aral, trabaho, aral… wala ka ng time para mag-enjoy. 'Di mo na nae-enjoy ang pagiging youth mo. 'Di ka na nga nakaka-iyot, 'di mo pa enjoy ang youth mo," singit ni Andrew habang may hawak na itim na dress. "Here, isuot mo ito at magwawarla tayo buong gabi." At saka abot sa hawak na dress kay Maxine.
"Wait, An, saan mo naman ito nakuha? Ang ganda… I don't want to wear it, masyadong sexy at ano… 'di bagay sa akin, mataba ako," nahihiyang sambit ni Maxine habang hinihimas ang sariling mga kamay.
"Sis', sexy ka! Sexy ka! Tatandaan mo iyan na sexy ka!" paulit-ulit na paalala ni Andrew habang palapit sa dalaga.
"Yeah, sa mata n'yo dahil kaibigan niyo ako pero sa iba, hindi. 'Wag na lang at isa pa hindi naman ako sasama, kayo na lang. Ikaw na lang magsuot niyan."
"Alam mo, babe, ang kulit-kulit mo," singit ni Leslie habang sinusuot ang mahabang itim na boots. "Hindi ka naman nagsusuot ng damit to impress them, 'no? Ang ganda-ganda mo kaya lalo na kapag sinuot mo iyang itim na dress. Pak na pak ka riyan."
"Sang-ayon ako kay babe Leslie, Maxi. Kahit anong shape mo, sexy ka pa rin. Just look at me, sobrang payat, sobrang flat, walang ka-curve-curve pero gora lang ako magsuot ng two piece, fitted na dress, or crop top," banggit ni Jana na may pagmamalaki. "I'm wearing these clothes not to impress boys, but because they make me feel sexy and confident. Kasi if ever man na magsusuot ako ng damit to impress them, eh 'di sana nakahubad na ako, ngayon pa lang." Kinindatan niya si Maxine na may ngisi.
"Alam mo, sis'," sabay tingin si Andrew kay Leslie, "mag-sis' nga talaga tayo kasi same…" kinikilig niyang pagsang-ayon sa kaniya.
"Ayaw mo ba s-um-exy kahit isang beses lang? Ipagmukha mo kay Nicolas na hindi ka kakulangan. Ipakita mo kung gaano ka palaban na babae," pangkukumbinsi ni Jana.
"Through wearing… that?" Sabay turo ni Maxine sa hawak na damit ni Andrew.
"Oo naman. Isa rin kayang armor ang damit... I know you know about Princess Diana no'ng niloko siya ng prince? Nagsuot siya ng pak na pak na black dress for her revenge. Pinagmukha niya na isa siyang palaban at matapang na babae. Another is, kapag sasabak ka sa giyera kailangan mo ng magandang damit lalo na sa pupuntahan natin tonight," nakangiting tugon ni Andrew na may halong kilig.
"Saan naman?"
Nagtinginan naman sina Andrew at Jana at bahagyang kinilig, hindi naman maunawaan ni Maxine ang rason ng mga ngiti nila. Sa huli ay nakumbinse na nila na sumama ang kaibigan. Pinasuot nila sa kaniya ang dress ganoon na rin ang itim na black heels at dumiretso sa isang club na sikat sa kanilang lugar.
"Devlyn Club? Ang weird naman ng name," bulong ni Leslie habang nakatingin sa labas ng club.
"Ang unique nga, eh. Ano kaya ang reason bakit Devlyn ang name?" singit ni Maxine.
"Aba, malay ko. Ngayon lang din ako nakapunta. Tanungin mo 'yong dalawa na nasa unahan, mga tambay sila rito lalo na si An," tugon ni Leslie.
Kasalukuyan silang nakapila upang makapasok sa night club. Dahil sikat ang nasabing club, gabi-gabi punuan ang lugar kung kaya mahaba ang pila. Ilang minuto rin sila naghintay upang makapasok.
Pagpasok ni Maxine ay bahagya siya nagulat sa kakaibang lugar. Unang beses lamang siya nakapunta sa ganoong klaseng lugar, tila ba isang bagong mundo ang kaniyang pinasukan. Nakadama siya ng kaba habang naglalakad papasok at dahil na rin sa lakas ng beat at bass, sumasabay sa kabog ng kaniyang dibdib. Napakapit siya nang husto sa taong nasa harapan niya at hindi niya namalayan na ibang tao na pala ang kaniyang nahawakan.
"Mas okay kung umuwi na lang ako. Ayoko talaga sa mga ganitong lugar," sigaw niya upang marinig niya ang sarili ganoon din ang kaniyang kausap.
Bigla namang yumuko ang taong hinahawakan siya at binulungan sa tainga, "It's such a waste kung aalis ang isang magandang babaeng tulad mo."
Biglang kinilabutan si Maxine dahil sa init ng hiningang naramdaman sa kaniyang tainga. Siya ay napalingon sa taong hawak niya. Nanlaki ang mga mata niya na hindi pala sa isa sa mga kaibigan niya ang kaniyang nahawakan.
"S-sorry… Excuse me," nahihiya niyang usad na sabay siyang nagmadaling naglakad paalis sa lugar at hinanap ang mga kaibigan niya.
Hindi naman sinundan ng lalaki si Maxine bagkus ay pinagmasdan lang niya ito umalis lalo na ang bandang likuran nito. Natuwa naman siya sa kaniyang nakita — sa mga matatambok nitong puwet na bakat na bakat dahil sa suot nitong dress.
"Sir Vincent, tawag kayo ni Sir Jin," tawag sa lalaking napagkamalan ni Maxine.
"Sino kasama?" tugon niya.
"Mga ka-partner niya sa business, sir."
Bumuntong siya ng hininga at walang ganang sinundan ang tauhan ni Jin. Ayaw na ayaw niyang maistorbo sa kaniyang kasiyahan.
Sa kabilang banda, paikot-ikot naman si Maxine sa loob at dahil sa rami ng tao, marami rin siyang nabubunggo.
"I'm sorry… My gosh, I'm so sorry… Umm… Excuse me…" paulit-ulit niyang sambit hanggang sa makita na niya si Andrew. "Thank God, An!" sigaw niya na patakbo niya itong pinuntahan.
Agad siya napansin ni Andrew at nakahinga nang maluwag. Pagkatapos ay niyakap ang kaniyang kaibigan. "Kaloka ka, sis... Kanina ka pa naming hinahanap. Saan ka ba naglululusot, ha?" inis na tanong niya.
"Sorry… Ano kasi, bigla na lang kayo nawala. Ang dami kasing tao kaya 'di ko napansin na wala na kayo sa harapan ko."
"It's okay… Next time, holding hands na lang tayo 'pag gogora."
"Nasaan silang dalawa?" tanong ni Maxine na sabay niyang nilibot ang paningin upang makita sina Jana at Leslie.
"Obviously, hinanap ka at naghanap na rin siguro na mahaharot," nakangising tugon niya. "Wait, text ko na sila na nahanap na kita." At saka niya kinuha ang kaniyang smart phone.
Pagkatapos niyang i-text ang dalawa ay niyaya na niya si Maxine na sumayaw sa gitna. Ngunit mabilis na tumanggi ang dalaga dahil sa matindi nitong hiya. Napatingin siya sa mga babaeng sumasayaw sa gitna. Nakaramdam siya ng panliliit sa kaniyang sarili dahil sa kung gaano kaganda ang mga hubog ng katawan nila at kung gaano rin sila kaganda.
Napuna ni Andrew ang mga tingin ni Maxine sa mga babae. "Maxi, Maxi, Maxi…" Hinawakan ang mga balikat ng babae at hinarap siya. "Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon kung gaano ka kaganda at ka-sexy, pati ako na bakla magiging straight."
Bigla natawa si Maxine sa winika ng kaibigan.
"Naku… Mas lalo na kung ngumingiti ka. Miski bangkay tatayo kapag nakita ang ganda mo, sis. Trust me. Walang echos ito."
Lalong nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili si Maxine nang marinig niya ang mga salitang iyon. "Gaga ka talaga," masaya niyang saad at saka niya niyakap nang napakahigpit ang kaibigan. "Thank you. Let's go na nga. Tayo na at magsaya."
"Iyan ang sister ko," masayang tugon ni Andrew.
Hawak-kamay silang pumunta sa dance floor at magkaharap silang sumasayaw. Tinuturuan ni Andrew ang dalaga ng steps lalo na sa mga pa-sexy moves. Maya-maya pa ay dumating na ang dalawa nilang kaibigan at sabay-sabay silang sumasayaw. Naging masaya ang kanilang gabi at lalong tumaas ang kumpiyansa ni Maxine sa kaniyang sarili.
Ilang oras din na nagtagal ay nakaramdam na ng pagod ang dalaga kung kaya nagpaalam siya sa mga kaibigan na magpahinga muna. "Doon muna ako…" Sabay turo sa mesa na nasa gilid. "'Di ko na carry sabayan kayo."
"Ang weak mo naman. Nasa climax na tayo ng pag-e-enjoy, suko ka na?" nakangusong tugon ni Leslie habang nakaakbay kay Jana.
"Yes… Suko na ako. Eh 'di kayo na ang maraming energy," nakangiti niyang sagot na sabay siyang umiling. Pagkatapos ay umupo siya sa isang stainless na upuan na walang sandalan at tahimik na pinagmamasdan ang mga kaibigan.
Sa kabilang dako na hindi kalayuan sa kinapu-puwesto ni Maxine, nandoon naman nakaupo si Jin kasama ang iba niyang ka-sosyo sa trabaho ganoon din si Vincent. Nakaupo sila sa pabilog na upuan at may mga kasama silang mga babaeng nagbibigay ligaya sa kanila. Mas lalong nasiyahan ang mga ka-sosyo ni Jin na matatanda dahil sa mga babae at sa masasarap na alak na binibigay sa kanila.
"Kaya hindi na kataka-taka na sikat ang night club mo, Mr. Fajardo. Babae pa lang, talagang nakakagana na," masayang sambit ng isang matandang lalaki habang hinihimas ang malalamang binti ng babaeng nakasandal sa kaniya.
"Oh… daddy, hinay-hinay lang sa paghawak at kapag tinuloy mo pa iyan hmm… baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at sunggaban kita. Rawr," bulong ng isang babae habang inaakit ang matandang lalaki, bahagya siyang umungol.
Kinilig ang matanda sa mga akit, bulong, at mahihinang ungol na ginagawa ng babae sa kaniya. Nadadala siya at malapit nang bumigay. Napatingin ang babae kay Jin na nagpangisi sa binata at saka niya kininditan ang babae. Nangangahulugan lamang na tama ang ginagawa nito sa matanda.
"So what do you think, Mr. Fernandez? Do we have a deal?" tanong ni Jin sa lalaki na masayang-masayang nakikipag-lampungan sa babae.
"Tinatanong pa ba iyan? Siyempre naman," natatawa niyang tugon habang hinahaplos ang buong katawan ng babae at saka niya binigyan ng mga halik ang katawan nito lalo na ang leeg.
Naglabas naman ng isang makapal at itim na folder na gawa sa leather si Vincent at isang ballpen. Kaniyang nilapag iyon sa mesa.
"Kung gano'n, magpirmahan na tayo, Mr. Fernandez," tugon ni Jin.
"Wait lang, baby," paalam ng matanda sa babae at sabay niyang kinuha ang folder.
Nakita naman nila na maiging binabasa ng matanda ang mga nakasulat sa kontrata kaya tiningnan ni Jin ang babae. Nakuha naman ng babae kung ano ang mensaheng gustong iparating ni Jin sa kaniya kaya naman ginawa niya ang kaniyang trabaho. Niyakap niya ang matanda at nag-umpisa na siyang umarte.
"Come on, daddy… Ayoko na patagalin ito. Gusto na kita ma-solo," reklamo niya habang hinihimas ang dibdib ng matanda.
"I know, baby. Gano'n din ako. Kailangan ko lang basahin ito para ma—"
Bago pa man matapos magsalita ang matanda, bigla naman nag-iiyak ang babae. "Hindi mo na ba ako mahal? Akala ko ba ako lang? Bakit inuuna mo pa iyan kaysa sa akin? Nagseselos na ako," malungkot niyang reklamo habang palapit na palapit ang kaniyang labi sa labi ng matanda.
Nang dahil doon, gusto na tikman ng matanda ang mapupulang labi nito.
"Sumang-ayon ka naman, 'di ba, sa kan'ya? Naging maayos ang negosasyon niyo, right? Bakit ayaw mo na pirmahan iyan, ngayon na, para naman," at saka niyang pinadausdos pababa ang kaniyang kamay hanggang sa umabot na sa alaga ng matanda, inumpisahan na niyang himasin ito nang dahan-dahan, "ma-solo na natin ang gabi. Ayaw mo ba iyon? Kasi ako… gustong gusto ko na," bulong niya na sabay niyang dinilaan ang tainga ng matanda at bahagyang kinagat.
Napapaungol nang mahina ang matanda at tuluyan nang bumigay. Nagmadali siyang pirmahan ang kontrata na hindi man lamang binabasa ang buo at pabagsak niyang binaba ang ballpen. Agresibo naman niyang niyakap ang babae na nagpatili sa kaniya, natawa naman ang babae at tumingin sa kontrata.
"Oh, daddy… tonight, you are mine," masaya niyang sambit.
"Thank you for being a part of our company, Mr. Fernandez, and best of luck for the rest of your life as her pet," masayang tugon ni Jin sa matanda.
"W-what?" nagugulumihanang tugon ng matanda sa kaniya.
Mga ilang sandali pa ay may naramdaman siyang isang bagay sa kaniyang leeg. Wala siyang kamalay-malay na sinuotan na pala siya ng babae ng isang makapal at itim na choker necklace sa leeg. Natawa ang matanda nang makita niya ang mga ngiti ng babae habang inaayos niya ang nasa leeg nito.
"Gan'to pala ang mga gusto mo? Kaya ko naman gawin ang gusto mo pero," sabay niyang hinila ito, sinusubukang tanggalin, "pero p'wede mo namang luwagan sana?" natatawa niyang usap na may halong kaba.
Mga ilang sandali pa ay may pinindot ang babae. Nakuryente naman ang matanda at sa sobrang bigla at laki ng voltage ay napasigaw siya sa sakit at nakagat ang dila, nagresulta ng pagdugo ng kaniyang labi. Pinagtawanan siya ng babae ganoon din si Vincent sa kung paano ang naging reaksiyon nito.
Mga ilang sandali pa lang ay pinatay ito ng babae, sumandal ang matanda sa pahabang sofa. Tiningnan niya nang masama ang babae at agad na sinugod, subalit bago pa mangyari iyon ay binuksan niya ulit na nasa leeg ng matanda.
Habang nangingisay ang matanda, tumayo naman ang babae at nag-unat. Kinuha ang itim na leather gloves at sinuot, pagkatapos ay sunod niyang kinuha ang itim niyang shoulder bag.
"It's so nice meeting you, Mr. Fajardo. Next time, iyong fresh naman at hindi madaling mamatay. Hindi ako mag-e-enjoy kung ilang voltage pa lang ay malapit na siya mamatay," mataray niyang usap.
Napatingin naman sina Jin at Vincent sa matandang lalaki, nakita nila ang matinding paglaway ng matanda habang tumitirik ang mga mata.
"Pero ayos lang, at least may mapipiga akong pera sa kaniya. By the way," binigyan niya ng tingin si Vincent, "are you sure na ayaw mo akong samahan? I know na ganito rin ang mga gusto mo. May kakilala ako magaling sa mga gan'tong klaseng activity and I'm pretty sure na marami ka pang matututunan sa kan'ya. Malay mo, kayo na pala ang tinadhana?" Saka siya ngumisi.
"Nah… Pass ako. Kilala ko na 'yan kung sino ang tinutukoy mo and it's a big 'No' from me. Hindi ako pumapatol sa lalaki. Ayos lang sa akin kung ikaw, kaso pareho tayong dominant, 'di rin tayo talo," mabilis niyang pagtanggi.
"Okay, fine. Kung iyon ang gusto mo." At saka niya pinindot ang off button.
Nakahinga naman nang maayos ang lalaki na kasalukuyan pa ring nangingisay.
"Kumusta na pala kapatid mo, Keslie? Balita ko nagkaroon ng gulo sa pinapasukan niya at s'ya ang salarin? Talagang kayong magkapatid... Magkapatid talaga kayo," nakangising banggit ni Jin kay Keslie.
"Si Jovanna ba? Well, obviously, she's fine and besides mas matalino siya unlike you kaya nakalusot na naman siya. For now, she decided to stop muna sa school at hintayin matapos ang school year, tapos tuloy ang buhay." Nang masagot na niya si Jin ay pinautos niya sa mga tauhan ng binata na dalhin ang matanda sa kaniyang kotse.
Bago pa aalis ang babae, nagsalita si Jin, "About sa sinasabi mo, meron akong nakita — regular sa bar — I'm sure he's to your liking. How about i-check mo rin siya? He comes here every Friday and Saturday, and he is usually at the counter. What do you think, Keslie?"
Nilingunan ni Keslie si Jin at binigyan ng ngiti. "We'll see. Sa ngayon, mag-e-enjoy muna ako sa kan'ya at pipigain ang lahat ng money na meron siya." Na sabay siyang naglakad paalis ng bar.
Natahimik naman ang ilan nilang kasama sa lugar lalo na ang mga kasamahan ng matanda. Napainom ng alak ang iba dahil sa gulat. Tiningnan naman sila ni Jin na lalong nagpatakot sa kanila.
"Ba't nanigas na kayo? Hindi ba nagkakasiyahan tayo kanina lang? Mag-umpisa na tayo maging baliw!" sigaw ni Vincent na sabay siyang tumayo at tinungga ang isang basong alak. "Nasaan na ba iyong babaeng nakita ko kanina? Gusto ko siya tikman," usap niya habang nililibot ang paningin, hinahanap si Maxine. Nang hindi niya makita sa kaniyang puwesto ay umalis ito at naglakad.
Hindi pinansin ni Jin si Vincent bagkus ay ininom niya ang alak na inabot sa kaniya ng isang babaeng katabi niya. Maya-maya pa ay naramdaman na lang niya ang paggapang ng kamay ng babae sa kaniyang katawan. Ngunit kahit na inaakit siya nito, wala siyang nararamdaman. Hinayaan lamang niya ang babae habang sinusuri ang buong lugar, tinitingnan kung nasa ayos ang lahat hanggang sa may pumukaw sa kaniyang pansin.
Nakita niya ang isang babaeng tahimik at nag-iisa sa maingay na lugar, nakayuko at nakatuon ang atensiyon sa hawak na smartphone. Dahil sa dilim, hindi niya maanigan ang mukha ng babae, pero napansin niya ang hubog ng katawan. Hindi niya nagustuhan ang hubog nito dahil sa katamtaman nitong katabaan at tinuon ang atensiyon sa mga babaeng naggagandahan na sumasayaw sa gitna.