"Did you do the job I appointed you to do? Umayos ka, Vincent, magtino-tino ka naman. Sa 'yo ko muna ibibigay ang posisyon ko sa bar, ikaw muna ang mag-manage hanggang sa makabawi ako sa kanila," diin na sagot ko kay Vincent mula sa phone.
"Just chill… Kilala mo naman ako, kapag seryoso ang usapan nagiging seryoso rin naman ako. Chillax ka lang, Jin. Ako bahala rito. As a matter of fact, nagawa ko na ang pinapagawa mong pataasin ko ang kita ng bar within a day. Magpapakabait din ako alang-alang kay baby Chloe... Speaking of which, pakisabi nga sa kan'ya na sa susunod na aalis s'ya, ako ang una niyang puntahan kapag hinahanap ka niya," sagot niya. Even though I can't see his face, I can tell by his voice that he is happy.
"Back off, Vincent. She's sixteen."
"Hoy, Jin, grabe ka naman! Gan'yan ba talaga ang tingin mo sa akin? Isang pedo?"
"Oo," I hurriedly responded.
"Ouch! Ang sakit no'n, Jin. Tumagos sa heart ko. Akala ko naman kaibigan kita." His voice lowered. Mukhang nag-iinarte na naman s'yang malungkot para makuha ang simpatiya ko.
"Umayos ka, Vincent, sinasabi ko sa iyo layo-layuan mo si Chloe at baka mapatay kita."
"Sheesh, sobrang seryoso. Oo na, oo na, para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo. Baka nga ngayon pinapatay mo na ako sa utak mo, so scary… kinikilabutan na ako. Pero, last na, hindi ba n'ya talaga ako hinanap? Ni Chloe?"
I instantly shut off the phone and placed it back in my pocket before answering him. If I listened to him for a long time, I might even kill him.
What a headache.
"Please accept my apologies for the lengthy delay, Sir. Fajardo. There was a minor issue outside, so it took me a while to get to you. So, how may I assist you?" sabi ng manager na sabay siyang umupo sa tapat ko.
I'm currently at my friend's restaurant, paying him a visit. Unfortunately, wala na naman siya.
Nasaan ba ang matandang iyon at sa oras na pinupuntahan ko ay palagi siyang wala?
"Is your boss still not coming here?"
"Unfortunately, no, sir," he immediately replied.
I sighed and then stood up. "Just notify him that I visited him again and that he should call me right away."
"Yes, sir Fajardo, I understand."
After that, umalis na ako sa maliit na silid na ito.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay may dalawang babae ang bumungad sa akin. I almost bumped into them, but luckily I was able to back off. I saw a small and slightly chubby woman assisting a taller woman than herself. Napansin ko rin how heavily the tall woman breathed, so perhaps she took her to the staff room. Hindi ko na inalam pa ang nangyari dahil wala akong pakialam sa kanila, hindi ko naman sila tauhan.
Lumabas ako at naramdaman ko sa loob ng restaurant how heavily the atmosphere is. Sumagi sa isipan ko ang sinabi ng manager tungkol sa pagkakaroon ng issue kaya natagalan siyang i-meet ako. I'd decided to go home before Chloe got angry with me again. But before that, bumili muna ako ng leche plan na gustong gusto ng kambal. Bumili na ako ng anim sa restaurant na 'to, tig-tatlo sila para wala na umangal at maghanap pa.
Someone abruptly bumped me before I could reach for my car. Fortunately, I was able to catch the leche plan that I was carrying, because if I hadn't, I would have broken this man's face.
"Are you blind!? Kita mo naman na may tao, eh! Tapos haharang-harang ka sa daanan ko!" sigaw niya at saka siya tumingin sa hawak niyang phone. "Tsk! Napakamalas ng araw na ito, 'di na nga ako pinapansin ni Maxi, iyong isa naman na babae ginawa pa akong manyak, and then this!? Bwiset!"
I try to keep from getting angry with this insect dahil ayokong umuwi kanila Chris at Chloe na kagagaling lang sa away. Pero kung makita ko ulit ang pagmumukha nito, baka masuntok ko na ito. Ang lakas ng loob na magalit kung siya naman ang tatanga-tanga at hindi tinitingnan ang daanan dahil panay tingin sa phone.
I got straight into the car and immediately drove away. I lost my temper when I saw them both when I came home. Kinain nila ang dala kong dessert at pilit nila ito pinapakain sa akin lalo na si Chloe. This is probably her payback against me.
"Stop," walang gana kong usap kay Chloe while avoiding her.
"Come on, kuya, kahit maliit lang — kahit kakapiranggot lang — tikman mo. Ang sarap-sarap kaya nito," pangmamakulit pa n'ya sa akin.
"Sabing ayoko ng matatamis. Ano ba, Chloe?"
While Chloe is bothering me, Chris is busy eating his dessert. But I just let her do whatever she wanted to me, kung ikasasaya n'ya, except sa pagkain ng matamis. Hindi ko gusto ang mga matatamis na pagkain lalo na't dessert. It's just that I don't like sweet foods or things.
Ilang araw ko rin ginugol ang oras ko na makasama sila, tinupad ko ang sinabi ko sa kanila na mag-bonding kami. I personally pick them up from school every time they come home, kaysa sa mga tauhan ko. Then I take them wherever they want to go. Mapamamahaling restaurant ba 'yan, theme park, mall; wala akong pake kung saan iyan basta ang mahalaga ay mapasaya ko sila. Hindi ko rin pinapansin kung magkano ang nailalabas kong pera dahil napupunta naman ang lahat na iyon sa kambal.
At ngayon, nasa isang bowling alley kami, tanging kami lang ang nandito kasama ang ilan kong mga tauhan para bantayan kami. Habang nakaupo, nilapitan ako ni Chloe samantala nakita ko naman na nag-uumpisa pa lang maglaro si Chris, kinuha ang bowling ball at inaayos ang kaniyang form.
"Kuya, seryoso? Ni-rent mo ba ang buong alley? Kaya wala na naman tayong kasama?"
"Why would I rent it? Hindi ako gano'ng tao. Binili ko lang," I seriously answered.
"The fudge!? I– Argh!" Hindi ko siya ma-gets kung bakit bigla na naman siya nagalit. Kabuwanan ba n'ya ngayon?
"Alam mo, Chloe," singit ni Chris habang nire-ready ang sarili para tumira. "Just enjoy it. Huwag masyadong ma-stress, lalo kang pumapangit."
"Tama naman si Chris except sa last thing je mentioned, i-enjoy mo lang ito. Ito naman ang rason ko kaya nandito tayo, 'di ba, para mag-bonding?"
"It's cute naman kasi na naglalaan ka ng time para mag-bonding tayo. I really appreciate rin sa araw-araw mong paghatid-sundo sa amin but there's also a limit. You're just wasting your money, kuya. And then this? Binili mo na itong alley para lang, what? Ma-solo lang natin?"
"Cool, right?" Chris answered.
"Hey, baby. Sinong nagsabing nagsasayang lang ako ng pera? Kung para lang sa inyo hindi pagsasayang ang ginagawa ko."
"Gets ko naman ang point mo, but please, kuya, stop doing unnecessary things like this. Where's the fun and excitement kung tayo lang tatlo ang nag-e-enjoy? Wala man lamang tayo kasama habang nagsasaya tayo especially noong nag-Star City tayo. Grabe ka naman, kuya, pati iyon nirentahan mo para lang sa atin?"
"About sa Star City... pati rin ako nanghinayang na hindi nila iyon binenta sa 'kin. Eh 'di sana araw-araw tayo nagsasaya," singit ko.
"Argh!" Then she rolled her eyes. "Maaawa ako sa future wife mo 'pag pinagpatuloy mo 'yang ugali mo."
I laughed at what Chloe told me and looked at her. "Kung magkakaroon ako," mabilis kong sagot. "Wala akong balak magseryoso lalo na sa pakikipagrelasyon. There's only two things na gusto ng mga babae: una ay ang pera para umangat sa buhay — para mabili nila ang gusto nilang bilhin sa buhay at i-post sa social medias at ipagyabang — at ang huli ay ang s*x. The truth is mas pabor ko nga ang huli dahil pati ako nakikinabang," I replied.
"Parang may nakakalimutan ka yata," she said at halata sa expression ng mukha n'ya na galit na naman siya — nakakunot ang mga noo niya. "Nakalimutan mo yata ang love."
"Anong love ang sinasabi mo?" I chuckled.
"Although money at s*x ang hanap nila, hindi pa rin mawawala ang love sa relationship... Sabihin na natin, yeah, nakipag-relationship s'ya sa isang sugar daddy, but at the end of the day ay may love rin na nabuo sa kanilang relationship. Doon naman sa s*x na sinasabi mo, same lang din sa una dahil may mabuo rin silang love through communication while they're having s*x."
"You're right, love sa money at hindi sa lalaki at iyong isa naman ay may mabubuong baby kapag 'di nag-ingat… There's no love in lust, baby. You're still sixteen kaya wala ka pang alam sa sinasabi mo. 'Tsaka anong pinagsasasabi mong 'love through communication?' Mga sigaw at ungol lang ang maririnig mo kapag nakikipag-s*x."
"Ang sabi ko ay communication not noise. Iba ang communication sa noise, kuya. Iyong communication ay nagsasabihan ng 'I love you' sa partner or anything that strengthen their bond," mabilis niyang sagot. "How about you? Ano naman ang alam mo sa love at bakit hate na hate mo? Nothing, right? 'Cause you have a stoned heart... Maraming way to express ang love that's why nagkakaroon ang ibang tao ng misunderstanding sa relationship nila. And look at you, nagkaroon ka ng misunderstanding between them kaya rin nasabi mo na pera at lust lang ang tumatakbo sa relationship nila. Because that's how you see it. You didn't see the whole picture at inalam.
"Masyado ka lang kasi manhid kaya sobrang bitter mo. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa 'yo kapag tinamaan ka na ng love tapos iyong babaeng mahal mo ay hindi ka love. Pft! Talagang pagtatawanan kita," pang-iinsulto n'ya na sabay siyang umirap at tumawa nang mahina.
"Hindi mangyayari ang sinasabi mo dahil lahat ng mga babae ay hindi kaya akong tiisin… Nakalimutan mo yata na may guwapo at mayaman kang kuya. Ngiti ko lang, nakakalaglag panty na," nakangisi kong sagot.
"Ew… Ang yabang mo. Bahala ka nga r'yan. Sana malasin ka sa love," nakanguso banggit ni Chloe sa akin na sabay siyang umirap at pinuntahan si Chris.
Hindi ko mapigilan na matawa kay Chloe, masyado siyang cute sa tuwing nagagalit. Gustong gusto ko pisilin ang mga matatambok niyang mga pisngi lalo na 'pag ngumunguso siya.
Napaisip naman ako sa sinabi niya tungkol sa pag-ibig. I suddenly wondered where she got her ideas about love, and she casually mentioned them, particularly the word 's*x.'
Maybe it's because of what she was reading that she had such thoughts. Mas mabuti kung limitahan ko s'ya sa pagbabasa at baka kung ano na ang binabasa niya.