8. WELCOME HOME

2459 Words
Sa isang malaki at puting kama, may isang lalaking tanging boxer lamang ang suot ang kasalukuyang nakahiga at nakagapos ang mga paa't kamay sa kama. Napapaligiran siya ng mga babasaging alak, gamit na mga sigarilyo at drugs, at sira-sirang kagamitan — iyong iba ay nasa kama at ang iba naman ay nakakalat sa sahig. Siya ay naalimpungatan nang may tumama ng sinag ng araw sa kaniyang mukha. Napaungol siya nang malalim sa sakit gawa ng hilo at sa mga natamo noong isang gabi. Aakma siyang babangon nang may naramdaman siyang malamig at mahigpit na nakakapit sa mga pulso at paa niya. Sinilip niya ang kaliwang kamay at nakita ang mga posas dito. Dahil sa kagigising lang, siya ay wala sa wisyo at hindi maunawaan ang nangyayari hanggang sa iniling niya ang ulo nang malakas at mabilis. Sinubukan niyang kalasin ang mga posas. Habang kinakalas, doon na lamang niya napansin na pati rin ang kaniyang mga paa ay nakaposas din. Siya ay nakabukaka ganoon din kung ano ang kaniyang suot at ang mga nakakalat sa kaniyang paligid. "F**k! What the heck is this!?" singhal niya habang inaalis ang mga posas. "Jin! Ano ginawa mo!? Argh!" Patuloy na sinusubukang tanggalin ang mga posas sa kaniyang katawan at sumisigaw upang marinig siya. "F**k you, you piece of s**t! Kapag nakawala talaga ako rito papatayin kita!" mura niya kay Jin. Dinig ang mga mura at sigaw niya sa labas ng silid. Bahagya namang naringgi ang isang tauhan ni Jin na may katamtamang laki ang pangangatawan, ngunit matangkad na lalaki. Ang lalaking ito ay siyang nagbabantay sa lalaking nasa loob. Isang oras din nagtagal ang pagsigaw niya ganoon din ang kaniyang pagpupumiglas na nagresulta ng mga marka sa kaniyang katawan. Sa oras din iyon, pumasok na si Jin suot ang isang pulang T-shirt at itim na fitted pants. Kinuha niya ang isang stainless na upuan na nasa tabi ng pinto at kinaladkad niya iyon habang papunta sa tabi ng lalaki. Saka siya umupo, nanigarilyo, at binuga ang usok sa mukha nito. Umubo ang lalaki na lalo niya kinainisan. "What the hell do you want? Bakit mo ako pinosasan? Kink mo ba ito, ha? Dang… Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa lalaki. Kaya pala walang babae ang pumapasa sa iyo dahil lalaki pala ang gusto mo," nakangising sambit niya kay Jin na sabay siyang tumawa nang mahina. "What would you do if that's true?" walang emosyong tanong ni Jin. Napaatras ang lalaki sa winika nito at nandiri. Nakita niya sa mukha nito kung gaano ito kaseryoso. "The hell, Jin!? Seryoso— G**o! Tanggalin mo 'to! 'Di ako pumapatol sa lalaki. Putsa, ka naman, Jin, oh!" takot niyang usap habang sinusubukan ulit alisin ang mga posas. Pinagtawanan naman siya ni Jin na sabay niyang diniinan ang hawak na may sinding sigarilyo sa dibdib ng lalaki upang patayin. "Argh! F**k!" sigaw ng lalaki. Pagkatapos ay pinitik niya ang patay na sigarilyo sa gilid. "You're not really going to behave, are you, Luke? Ayos lang sa akin ang pagiging g**o mo, pero don't ever ruined my business again," marahal niyang usap na may halong inis. "Wala akong pakialam kung itutuloy mo ang pagrerebelde mo sa ate mo, wala rin ako sa lugar para manghimasok because I don't know your story. I don't want to get involved in your family problems if you have any, but keep this in mind: huwag na huwag mo idadamay ang negosyo ko sa kag**uhan mo. Ibaon mo sa makitid mong utak, maliwanag ba? And if it weren't for your sister, your worthless body would definitely be floating in the sea right now." "Ha! Sa tingin mo natatakot ako sa iyo, ha, Jin?! Fine! Go ahead! Gawin mo para wala ka ng problema!" nakangising tugon ni Lukas kay Jin. Bumuntong ng hininga si Jin at napailing. "Kailan ba 'to titino? He's like a child, the twin is more mature than this man," isip ni Jin. "May ipapadala akong tauhan para dalhan ka ng pagkain. Pag-isipan mo nang mabuti mga desisyon mo sa buhay." At saka siya tumayo. "Hoy! Iiwan mo ako?! Teka lang, tanggalin mo muna ito bago ka umalis!" Hindi nakinig si Jin kay Lukas at dire-diretso siya lumabas ng silid. "Takte! Jin! Paano ako kakain nito? Argh!" singhal niya. Samantala, dahil linggo ang araw na iyon, pumunta si Jin sa pinakabahay niya. Mag-isa siyang pumunta sa isang pabundok na lugar. Mahaba ang daan kaya matatagalan makatuntong sa malaki at tila palasyo niyang tirahan. Ginarahe niya ang itim na sasakyan sa tapat ng mansyon at patakbong umakyat sa hagdanan upang makapasok agad sa loob. Pagpasok, ang unang bubungad sa kaniya ay isang maganda at malaking chandelier sa gitna ng sala at may dalawa namang hagdan — magkabilaan — papunta sa pangalawang palapag. Kulay puti ang pintura at iilan lang ang mga nakasabit sa dingding, halos lahat na iyon ay mga litrato ng kaniyang kambal na kapatid. May isa namang malaking painting sa itaas na nasa pagitan ng dalawang hagdan, ang painting na iyon ay silang tatlong magkakapatid. Umakyat si Jin sa itaas at pumunta sa isang silid, hinanap ang kaniyang mga maliliit na kapatid. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya ang dalawa na abala sa kani-kanilang gawain. Ang lalaki sa kambal na si Chris ay kasalukuyang naglalaro mag-isa ng darts at ang babae sa kambal na si Chloe naman ay mag-isang naglalaro ng table tennis. Ang silid na pinasukan ni Jin ay ang game room nila, maraming iba't ibang klaseng laro ang nandoon kung kaya isa ito sa pinakamalaking silid sa kanilang mansyon. Napansin naman ni Chris ang kuya kaya huminto siya sa paglalaro. "Yo, kuya, napaaga ka yata. 'Di pa oras ng game time natin," banggit ni Chris na sabay siyang tumingin sa kaniyang relo na nasa kaliwang pulso. "Ayaw niyo ba ako makasama? Parang nasaktan ako ro'n," tugon ni Jin habang palapit sa kanila. "Nah, not really. Unexpected kasi pag-uwi mo, nasanay lang kami na 'di ka umuuwi. Ewan ko nga kung bahay mo ba ito o rest house… Oo nga pala, may hotel ka naman, so yeah, bakit ka nga ba mag-aabalang umuwi kung may mas malapit at comfortable na place for you?" sumbat ni Chloe habang patuloy na naglalaro ng table tennis. Kahit hindi pinapakita, bakas sa kaniyang tono at mga salita na siya ay naiinis sa kaniyang kuya. Ngumisi si Jin at niyakap mula sa likuran ang kapatid. Nagulat si Chloe sa ginawa ng kapatid kaya naman tinulak niya ito paalis sa kaniya at nandiri sa pagiging malambing nito. "Ew, kuya… Umalis ka nga. Ang init-init," banggit ni Chloe. "Kadiri…" "Paanong mainit? Naka-aircon 'tong room." Siya ay ngumisi. "Hindi ko pala alam na miss na miss ako ng baby ko. Dapat pala hindi ko inagahan ang pag-uwi para lalo mo ako ma-miss, hm?" Sabay niyang binigyan ng halik sa ulo ang kapatid at niyakap muli. "Sinong nagsabing na-miss kita, ha? Argh… Ew, naman, kuya… Tigilan mo pag-hug sa akin, parang ano naman, eh…" inis na sambit ni Chloe. "Shh… It's okay, baby. You can whim every time. Gusto mo ba ng milk, baby? Or how about ice cream? Cake? Teddy bear? Hugs and kisses from your kuya, hm? O baka gusto ng baby natin ipaghele ko s'ya para hindi na siya magtampo?" malungkot niyang usap habang niyayakap at bahagyang sinasayaw ang kapatid. Tumawa nang mahina si Chris sa kung paano tratuhin ni Jin ang kaniyang kambal. Samantala lalong nainis si Chloe sa kaniya at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap ni Jin sa kaniya. "Alam mo, kuya, epal ka." "Yeah, I know." Pagkasabi ay inalis niya ang pagkakayakap sa kapatid at tiningnan ito habang hawak sa mga balikat nito. "Sorry na, okay? Sorry if I rarely come back home. It's just that I've been extremely busy at work lately. Another is, for the past weeks, may isang big task akong ginawa kaya 'di agad ako nakauwi agad. Don't worry at tapos na 'yon, marami na akong free time para makapag-bonding naman tayo as a family." "We understood naman na you have a job and ma-limit umuwi, but, kuya naman… you should call man lamang para malaman namin if you're doing fine or you're still breathing," inis na sagot ni Chloe kay Jin. "You didn't know how worried we were especially na gan'yan klase ang work mo. Every single seconds, days, na wala ka... palagi ako nag-aalala sa safety mo. And this? Almost two months wala kang paramdam? Almost two freaking months din ako nag-iisip sa kung anong kalagayan mo kung… kung ano na nangyari sa iyo why you're not contacting us, at… at saang lupalop ka na ba ng Pilipinas ngayon. "Gusto kita puntahan sa trabaho mo, but your people always prohibited us from going sa work mo. There was a time nga na pumunta ako sa hotel mo at nagbabasakali na maabutan kita pero wala ka. Naghintay din ako ng ilang days sa hotel, pero hindi ka pa rin dumarating ni anino mo wala ako nakita. Pinatanong na nga kita about you sa mga staff mo sa hotel, but unfortunately, pati sila hindi nila alam kung nasaan ang boss nila. "I was shocked, worried, at kung ano-ano na ang naiisip ko because of you. Gustong gusto ko na sugurin ka sa trabaho mo pero marami ang pumipigil sa 'kin. Isa lang naman ang gusto ko at 'yong palagian mong pag-contact sa amin at magsabi na you are okay. Nakakainis lang kasi na iyong pamilya mo mismo ang walang alam sa kalagayan mo. Ano na lang kung may mangyari sa iyo, ha? Ano? Kami pa ang huling makakaalam tapos mababalitaan na lang namin na ano... na hindi ka na humihinga?" Sabay niyang inirapan ang kuya, bakas sa kaniyang mga mata ang pagkaluha, ngunit pinipigilan lang niyang hindi umiyak. Hindi makapagsalita si Jin sa mga oras na iyon. Napatingin siya kay Chris, sumenyas ng tulong kung ano ang gagawin niya kay Chloe. Ningitian lang siya ng kapatid at hindi siya tinulungan. Huminga nang malalim si Jin at nag-iisip nang mabuti kung ano ang maaaring gawin upang mapawi ang galit ng kapatid. "Umm… you know, Chloe. I–" "I forgot na may project pa akong gagawin. I have to go," mabilis na usap ni Chloe na sabay siyang naglakad paalis sa lugar. Padabog niyang sinara ang pinto ng silid. Nilapitan ni Chris si Jin at tinapik sa balikat. "Bigyan mo muna siya ng space, kuya, masyado mo kasi s'ya pinag-alala. May mali ka rin kaya kailangan mo mag-adjust... Since, sabi mo kanina na marami ka ng free time para mag-bonding, gamitin mo muna ang time na iyon to reconcile kay Chloe. Much better kung hindi ka muna aalis ngayon and next time, tumawag ka naman din minsan o mag-message," payo niya sa kapatid. "Yeah, iyan din ang plano ko. I'm sorry. Talagang nagmana siya kay papa, ganiyan na ganiyan din s'ya sa akin noon." "It sucks kung hindi namin s'ya naabutan. Talagang may good father kami and," sabay tingin kay Jin, "good kuya rin." Napangiti si Jin sa sinabi ng kapatid at ginulo ang buhok. "Huwag iyan…" natatawang sambit ni Chris habang inaalis ang kamay ni Jin. "By the way, welcome home, kuya." Ngumiti lang si Jin kay Chris. "Kumain na ba kayo?" "Ano lang, cereals lang." "Iyon lang ba ang kinakain n'yo? At saka, where's Nanay Gina? Hindi ko pa siya nakikita no'ng umuwi ako." "About kay nanay, umuwi s'ya ngayon sa probinsya dahil na-stroke ang asawa niya. Isang linggo kaming puro instant foods and deliveries ang kinakain." "Did you give Nanay Gina an extra allowance? Pampagamot at pang-uwi?" "Of course, kami pa." "It seems that I will be your Nanay Gina from now on. Chloe must have eaten very little today because she disliked cereal. I think I know what I'm going to do to make her lose her hot temper," nakangiti niyang sambit kay Chris. "Well, good luck, chef." At saka siyang kumindat kay Jin. Sabay na umalis ang dalawa sa silid at pumunta sa kusina. Nagsuot ng apron si Jin at naghanda ng kaniyang lulutuin. Samantala, nakaupo lang sa tabi si Chris at pinapanood ang kapatid kung paano siya magluto. Binuksan ni Jin ang fridge at nakita kung gaano na lamang kakaunti ang laman nito. Nagkibit-balikat lamang si Chris sa kaniya. Kinuha ni Jin ang maaari niyang gamitin na sangkap sa pagluto, sinilip naman niya ang iba pang cabinet upang kumuha ng sangkap. Pinagsama niya ito at niluto hanggang sa makagawa siya ng ramen. Nilagyan niya ang tatlong malalaking mangkok ng ramen. Ang hiniwang karne at prito ay inilagay niya sa maiinit na ramen, tigdadalawang hiwa ng karne sa bawat mangkok. Sunod siyang nagbasag ng mga itlog at nilagay sa mga mangkok, saka niya tinukloban ito at naghintay ng ilang minuto upang maluto ang itlog. Pagkatapos ay inilagay na niya ang tatlong mangkok sa isang maliit at natutuping mesa. "Ikaw na magbuhat ng pitchel at baso," utos ni Jin kay Chris na agad naman siyang sinunod. Marahal nilang dinala ang kanilang pagkain sa kuwarto ni Chloe. Kumatok si Chris at saka niya binuksan. Nakita naman nila na nakaupo ang dalaga sa harapan ng computer at may ginagawa. Pagpasok, naamoy ni Chloe ang masarap na pagkain at siya ay napalingon. "Ano iyan?" tanong ni Chloe. "Pitchel, bulag ka ba?" pabalang na sagot ni Chris na sabay niyang nilapag sa mesa. "Bwiset," bulong ni Chloe. "Busy ka pa ba sa project mo? Tara, kumain muna tayo, pampagana," yaya ni Jin na sabay niyang nilapag ang hawak sa mesang naroroon. "Yes, obviously," malamig niyang sagot. Nilapitan ni Jin ang kapatid at sinilip ang monitor. "Hmm… Madali lang pala, kung gusto mo tulungan kita but before that, let's eat first," nakangiti niyang sambit. "Kaya ko naman." Sa sobrang lamig ng pakikitungo ni Chloe kay Jin, na-blangko ang kaniyang isipan — wala siyang maisip kung ano ang susunod niyang hakbang upang humupa ang galit nito. Hindi siya sanay manuyo at tanging pagbibigay lamang ng mga bagay, pera, o regalo ang kaya niyang gawin. Mga ilang sandali pa ay tumawa nang mahina si Chloe at nilingunan ang kuya. "Alam mo ba kung gaano ka ka-awkward every time na naglalambing ka? Iyan ang kulang sa iyo, eh, lambing. Mukha kang tanga kapag nanunuyo ka," natatawa niyang sambit kay Jin. "Luto mo ba iyon, kuya?" "Of course, alangan naman si Chris. Prito lang ng hotdog at itlog alam niya tapos palagi pang sunog," bulong niya na kinatawa ni Chloe. "Wow, ah… Harap-harapan talaga? Dinig ko iyon," singit ni Chris habang pinapalamig ang kaniyang ramen. "Kainin na nga natin iyon at baka si Chris pa ang makaubos. Sayang naman at matagal-tagal na rin ang huli kong kain ng luto mo, kuya." Ngumiti si Jin at hinalikan niya ulit si Chloe sa noo. Sunod silang pumunta kay Chris upang sabay silang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD