7. FIVE MEN

2987 Words
Nagmamadaling naglakad ang isang lalaking may magandang pangangatawan. May suot ito na puting fitted na t-shirt at pantalon na may bitbit na itim na back-pack. Pawis na pawis at medyo marumi rin ang kaniyang hitsura. Pumasok siya sa gusaling pagmamay-ari ni Jin. Pagkabukas niya ng pinto sa pinakamataas na palapag ay nakita niya roon si Jin na nakaupo at nakaharap sa laptop, abala sa kaniyang ginagawa habang may suot na puti at manipis na salamin. Pabagsak na umupo ang lalaki sa isang upuan na nasa harapan ni Jin at marahal naman niyang nilapag ang kaniyang bag sa mesa. "May tubig kayo?" tanong niya kay Jin. Tiningnan ni Jin si Christian na nasa kabilang sulok ng silid, agad naman siyang naunawaan at mabilis niyang binigyan ng tubig ang lalaki. "Long time no see, Lexie. Bagong disguised sa misyon mo?" tanong ni Jin sa lalaki habang sinusuri ang hitsura. "Halata naman, 'no?" Maya-maya pa ay dumating na si Christian at inabot ang tubig sa kaniya. "Ah! Finally…" buntong hininga niyang usap na dali-dali niya iyong ininom. "Maalala ko nga pala, sina Ajax, at Brael, may balita ka ba sa kanila? Obviously, si Lukas nasa presinto o nasa ibang bar na naman. Ewan ko ba kung bakit siya napasama sa grupo." "Don't be surprised, walang sino man sa grupo natin ang matino," sagot ni Jin kay Lexie. "Iyong isa magnanakaw, iyong isa naman sira-ulo at palaging nagwawalwal, iyong isa naman ay katulad ko na nasa illegal na trabaho, tapos iyong isa naman agent na sobrang obsessed sa isang babae." At saka niya tiningnan si Lexie. "Lahat ng nasa grupo ay may malinis na record kaso nga lang sa langit, masyado na tayong kilala sa impiyerno." At saka siya tumawa nang mahina. "I thought you were an agent with a lot of information. Why are you asking me?" "Iba ang agent sa diyos. Eh 'di sana kilala ko na kung sino ang mastermind at hindi ako nagdi-disguise ngayon, tapos na sana ako sa misyon ko. Ginawa mo naman akong diyos," inis na usap ni Lexie. "Correction, I'm not like you, you motherf****r!" singit ng isang lalaking kapapasok lang sa silid. May suot na itim na suit at may hawak na suit case. Napangisi si Jin nang makita ang kaibigan at nilapitan ito. Nag-fist-bump at niyakap niya ito nang saglit. "I thought you weren't going. Busy ka, 'di ba, sa paghahanap ng hustisya sa parents mo, Brael?" tanong ni Jin sa kaibigan. "I thought the same thing, but I decided to go and silence you. I have a feeling you'll say something negative about me, and my intuition is correct. You really are a f**king good friend." Nakakunot ang noo nito habang tinitingnan nang masama si Jin. "Yeah, thanks for the compliment," nakangising tugon ni Jin kay Brael. "But why is my intuition telling me something about the real reason why you're here?" "Why? Masama ba bisitahin ka at isa pa, you were the one who invited us, and some other people aren't here." Saka siya tumingin sa kinauupuan ni Lexie. "'Sup, Lexie?" "Still breathing," buntong hiningang sagot ni Lexie sa kaibigan. "Hindi masyadong halata," masayang tugon niya. "Ligo lang muna ako," paalam ni Lexie na diretso sa banyo na nasa loob ng silid. "So, ano ba talaga ang rason mo?" tanong ulit ni Jin kay Brael. "Ba't parang hindi ka naniniwala sa akin?" "You wore a black suit na hindi mo madalas gamitin — sinusuot mo lang 'yan sa oras na may pormal meeting kang pinuntahan. Magulo rin ang ang bandang collar mo na parang kagagaling lang sa away, may dala ka pang suit case, and your shoes are covered with dirt. Let me guess, hindi naging maganda ang pinag-meeting-an niyo at nagkagulo pa kaya gan'yan ang naging hitsura mo, am I right?" paliwanag ni Jin habang sinusuri ang buong katawan ni Brael. Napangiti si Brael at hindi agad nakapagsalita. "I hate you for being an observant person, pero... that's the reason why we became friends." Pagkasabi ay saka niya tinapik si Jin sa balikat, naglakad papunta sa pahabang mesa, at umupo sa isang upuan. Pagkatapos ay nilapag niya ang dalang suit case sa mesa. Umupo si Jin sa harapan ng lalaki at sinara ang kaniyang laptop. "Malapit na akong maging legit na kasapi ng samahan pero mailap pa rin ang mga elder sa Daemon Est Porta, hindi pa rin nila ako pinagkakatiwalaan... They gave me a mission. I thought magiging maayos dahil madali lang naman ang pinapagawa nila pero biglang nagkagulo at ang punyetang baril ko ay walang laman," inis na paliwanag ni Brael. "Sinasabi ko na nga ba planado ang lahat, kaya noong una a lang, I'm hesitant to take this godd**n mission. They're f**king tricked me!" Tahimik namang pinapakinggan ni Jin ang kaibigan. "I think they're not." "What do you mean?" "That's just a test, man. What kind of mission did they give you?" "Ano… Huwag bubuksan ang case, ibigay kay Pablo Hernandez, at patayin sila kung hindi sila nag-agree?" mabilis na sagot ni Brael. Napataas naman ang isa niyang kilay dahil hindi niya maunawaan kung ano ang pinupunto ng kaibigan. "Pero, nagawa mo ba ang lahat?" "I don't know…" tugon niya, hindi sigurado kung nagawa niya ang misyon. "Sinunod ko naman ang lahat kaso bigla kasi may sumulpot na lalaki sa eksena at sinigaw ang tunay kong name. Na-alarma sila dahil, you know for my safety, hindi ko kasi binigay ang real name ko at nagkagulo na. "Pero t*****a talaga! Walang bala ang baril ko that's why I'm f**king pissed. If my gun is working, I can easily take down those guys pero hindi." "Napatay mo ba sila?" "Anong akala mo sa akin, baby? Siyempre naman." "Tiningnan mo ba ang laman ng suit case?" "No." "Check mo baka may clue about sa mission mo." Kinuha agad ni Brael ang suit case at binuksan ito. Nang binuksan ay hindi niya matukoy kung ano ang mararamdaman niya nang makita ang laman. Isang maliit na puting card na may number na nakasulat lamang ang nasa loob. "Have I risked my life because of this s**t?" inis na sambit ni Brael. "That's life, man, lalo na't sumali ka sa ganitong klaseng mundo," natatawang sagot ni Jin sa kaibigan. "Well, good luck na lang and god bless(?) na rin." Napailing si Brael sa sinambit ni Jin. Pagkatapos ay binalik niya ang tuon sa hawak na card. Tiningnan niya ang mga number at may naisip siya kung para saan ang mga ito. Walang paalam niya kinuha ang laptop ni Jin at tinipa sa G-Maps ang mga numero. Dinala naman siya ng mga numerong iyon sa isang lokasyon sa Pilipinas at may balak na puntahan upang tapusin ang kaniyang misyon. "I need to go there and figure out what my true mission is. Jin, I need more guns, stylish clothes, and a good car — my car is already wrecked, so… yeah." "Kunin mo ang lahat ng gusto mo 'wag lang ang damit ko." "T*****a, parang hindi kaibigan, ah. Bakit may putok ka ba? S**t! Buti na lang sinabi mo sa akin, muntikan na akong mahawaan!" banggit ni Brael na sabay siyang lumayo kay Jin at humawak sa ilong upang takpan. Umarteng nandidiri sa kaibigan na sabay siyang tumayo. "Brael!" "Yeah, yeah… I hate you, too, f****r!" Siya ay nag-middle-finger sign sa kaibigan habang palakad paalis sa kuwarto. "And, thank you!" pahabol na sigaw niya. Mga ilang minuto lang ang nakalilipas, may natanggap na tawag si Jin sa kaniyang smartphone. Tiningnan niya kung sino ito at agad niya sinagot. "Ano na ang balita?" tanong ni Jin sa kabilang linya. "Seryoso, Jin? Iyan talaga ang sasabihin mo? Wala bang 'Hi! 'Musta ka na? Ang tagal nating hindi nagkakausap, ah. Maayos ka lang ba? Humihinga ka pa ba?' Dapat mga gano'n ang sinasabi mo, nakakasakit ka na sa heart, sa totoo lang," malungkot na sambit ng lalaki. "Tigilan mo ako, Ajax, hindi maganda ang araw ko dahil kay Brael huwag mo na dagdagan. Just tell me kung ano na ang nangyari sa pinapagawa ko at baka hindi ko sa iyo ibigay ang pera," walang emosyong usap ni Jin sa kaniya. Tumawa nang mahina ang lalaki at sinagot siya, "Then I should thank him for ruining your day. Don't sweat, little baby Jin, sisiw na sisiw sa akin ang pasukin ang gusali. Ako yata ang pinakamagaling na magnanakaw sa buong mundo. Actually, hawak ko na nga ang black pearl, ang perlas ng sinilangan," masayang usap ni Ajax habang pinagmamasdan ang malaking itim na perlas na hawak niya. Kasalukuyan siyang nasa isang gilid ng talampas dahil sa lugar na iyon, doon siya nagtago. "P*******a, ang ganda, grabe! Gustong gusto ko na siya iuwi sa bahay at ipakita sa kaniya. Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi na may ganitong pearl, eh 'di sana matagal ko na ito ninakaw." "F**k off, Ajax. Iyan ang gusto ni Sir Stephen, don't you dare na iuwi iyan sa iyo at baka may gawin ako sa babae mo." "Alam mo, Jin? F**k you with respect! You know na nag-jo-joke ako pero palagi mo ito sineseryoso. Kapag ginalaw mo siya, pasensiyahan na tayo, ah… Kakalimutan ko na magkaibigan tayo at papatayin kita." "Oh! Bakit parang galit ka? 'You know na nag-jo-joke ako pero palagi mo ito sineseryoso,'" nakangising sambit niya kay Ajax, ginaya at inulit pa niya ang binanggit ng lalaki na nagpainis lalo kay Ajax. "I f**king hate you…" Sabay niyang binabaan ng telepono si Jin. Bahagya naman natawa si Jin at saka niya kinuha ang laptop. Makalipas nang mahigit kalahating oras ay natapos sa paligo si Lexie. Bumalik siya sa puwesto at kinuha ang laptop na nasa dalang bag. "Sure ka ba na sa account ng boss mo ise-send ang lahat ng pera? As in lahat?" panlilinaw niya. "Yes." "Man, how about you? You have the right to claim all of it because you made it by yourself. I know he's your boss pero masyado na yatang greedy boss mo. Ikaw na nga ang gumawa ng lahat, sa kan'ya pa mapupunta ang mga pera: iyong business na kinuha mo sa kanila at ang lahat ng ari-arian ng mga kaaway niyo? And besides you shouldn't le—" "Lexie, 'wag mo siya pagsasalitaan ng ganiyan," mabilis niyang putol sa kaibigan. "Just do your work, please." Sabay niyang tinitigan ang kaibigan. "Fine. You're so loyal to him, ewan ko ba kung anong pinakain sa 'yo ng boss mo at napaka-loyal mo," pagkasabi ni Lexie ay tinuon na niya ng pansin ang laptop. "There's… There's something na kami lang ang nakakaalam. Mas mabuti kung pagtuunan mo ng pansin ang trabaho mo, Lexie," banggit niya. Sumilip si Lexie kay Jin at napaisip nang malalim. Kahit ilang taon na silang magkaibigan, napagtanto niya na hindi pa niya lubos kilala ang taong nasa harapan niya. Magdamag din sila namalagi sa opisina ni Jin. Dahil sa kaliitan ng pasensiya ng binata, nainip si Jin sa tagal ni Lexie sa kaniyang trabaho at maya't maya niya ito tinatanong. "P'wede ba, Jin? I need silence. Iyon na lang ang maitutulong mo sa akin kaya 'wag mo ulit akong kulitin kung kailan ako matatapos," inis na sagot ni Lexie sa kaibigan. "Hindi madali i-cracked down ang systems ng bangko nila, gumagawa pa ako ng bagong codes. Maganda sana kung sa Pinas na bangko ito pero galing pa ito sa ibang bansa. Bakit mo ba kasi pinatay sila without taking their will na pinapasa nila ang lahat ng ari-arian nila sa boss mo?" "That's because... I have the most trusted and genius friend when it comes to this line of work?" Bahagya niya ningitian ang kaibigan.. Nairita si Lexie sa ngiti ng kaibigan. Hinayaan lamang niya ito at tinuloy na lang ang kaniyang ginagawa hanggang sa sumapit na ang alas-dyis ng gabi. Sa oras na iyon, naipasa na ni Lexie ang lahat ng kayamanan pati na rin ang negosyo ng lalaking pinatay ni Jin kay Stephen Reyes. Sumandal sa upuan si Lexie gawa ng pagod at agad naman ding tumayo, saka niya niligpit ang mga gamit. "Aalis ka na?" tanong ni Jin. "Yeah, you're welcome." Nag-umpisa na siyang maglakad paalis sa kaniya. Tiningnan lang ni Jin ang kaibigan na hindi man lamang nagpapasalamat. Hindi siya sanay magpasalamat na pasalita at tanging gawa lamang. Alam ng mga nakakakilala ang kaniyang ugali kaya palagi na lang nila inuunahan ang lalaki. Nag-send si Jin ng pera sa bank account ni Lexie bilang pasasalamat sa kaniya at tinuloy ang kaniyang trabaho. Habang nasa kalagitnaan siya ng pagtatrabaho ay biglang tumunog ang kaniyang smartphone, nakita niya ang dalawang message galing kay Vincent. Bahagya niyang kinunot ang noo dahil kilala niya si Vincent. Binuksan niya ito at nakita ang isang picture ni Vincent na malaki ang ngiti habang may kasuntukan ang isang lalaki sa likuran nito. Napahawak sa noo si Jin nang makita niya si Lukas na nag-uumpisa na naman ng away, namukaan naman niya ang lugar dahil ang nasabing lugar na iyon ay isang club na pagmamay-ari ni Jin. Pinatay niya ang laptop at nagmadaling pinuntahan si Lukas. Sa kabilang banda, sa Devlyn Club kung saang pagmamay-ari ni Jin ay kasalukuyang nakikipagsuntukan si Lukas sa mga ibang kalalakihan doon. Halata sa mukha ng lalaki na lasing ito — pagewang-gewang at hindi makatingin nang maayos. Masaya naman siyang pinapanood ni Vincent habang kumakain ng popcorn na inutos pa niya sa mga tauhan niyang bilhan siya nito sa kabilang kanto. "Sa likuran mo!" sigaw ni Vincent kay Lukas. Agad namang narinig ni Lukas si Vincent at mabilis na nakailag. Kinuha naman ni Lukas ang kamay na pinangsuntok sa kaniya ng lalaki at hinawakan niya nang mahigpit, 'tsaka niyang sinuntok ang siko nito. Sa sobrang lakas ng suntok dito ay nabali ang kamay ng lalaki at napasigaw siya sa sakit. Sunod niya sinipa ang lalaki na nagpatalsik rito. Suntok doon, suntok diyan, sipa roon, sipa riyan, ilag doon, ilag diyan; iyan ang paulit-ulit na ginagawa ni Lukas hanggang sa unti-unti na niyang napatutumba ang mga kaaway niya. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay pabor sa kaniya. Hinampasan siya ng isang stainless na upuan sa kaniyang likurang bahagi ng kaniyang ulo na nagpaluhod sa lalaki. Nakaramdam siya nang matinding pagkahilo sa lakas ng tama. Nang aakma ulit siyang hahampasin ay mabilis naman niya sinipa patalikod ang lalaki sa pagitan ng mga hita nito. Nabitawan ng lalaki ang hawak na upuan at napahawak sa kaniyang umiiyak na alaga. Paika-ika namang tumayo si Lukas at bahagyang natutumba dahil sa labo ng paningin at pagkahilo. Hinawakan niya ang kaniyang mukha at hinampas upang mawala ang nadarama niyang hilo. Nakita naman niya ang upuang ginamit sa kaniya kung kaya kinuha niya iyon at pinaghahampas niya sa lalaki nang napakalakas at paulit-ulit. "Stop, stop… Suko na ako, suko na…" mangiyak-ngiyak na sigaw ng lalaki sa kaniya. Dahil sa kalasingan at pagkahilo ay hindi niya ito masyadong narinig kung kaya hindi niya tinigilan ang paghampas niya sa lalaki hanggang sa sumuka na ng dugo at magdugo ito. Nananatili namang nakaupo si Vincent at tunay na nasisiyahan sa kaniyang pinapanood habang kumakain ng popcorn. Hindi pa rin tumigil si Lukas sa paghampas kahit na nawalan na ng malay ang lalaki at kung tinuloy pa niya ito ay maaari na siyang makapatay. Sa kabutihang palad ay dumatin na si Jin at pinigilan siya. Hinawakan nang napakahigpit ang upuang hawak ni Lukas. Nagalit ang lalaki sa pagpiit ni Jin at aakmang susuntukin ito, subalit agad siyang tinuhod nang napakalakas ni Jin na nagpawala ng kaniyang malay. Bumagsak si Lukas sa tabi ng lalaking kaniyang pinaghahampas. Tumingin si Jin kay Vincent, samantala tumingin naman sa iba ang lalaki habang nakanguso. "Darren," tawag ni Jin sa higanteng tauhan niya. "Dalhin mo si Lukas sa base at itali mo. 'Wag mo siyang palalabasin." Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay naglakad siya papunta kay Lukas. Binuhat niya ito gamit ng isa lang kamay at inalis sa lugar. Nilibot ni Jin ang buong paligid at nakita kung gaano karaming kagamitan ang nasira dahil sa gulo at kung gaano rin nasayang na mga oras at gabi ng club upang kumita. "Vincent…" malalim at walang ganang tawag ni Jin sa kaniya. Kinilabutan si Vincent sa kung paano siya tawagin ni Jin, alam niya sa sarili niya na galit ito. Napalunok siya at dahan-dahan niyang binaba ang hawak na popcorn. "Ikaw ang mag-ayos nito at dapat, kinabukasan, madoble ang profit na makukuha mo para mapunan mo ang nasayang gabi ngayon. Kung hindi, I will make sure na hindi ka na makakatayo pa habang-buhay," utos niya kay Vincent. "O-okay…" tipid niyang sagot na agad niya tinikom ang bibig. Umalis na si Jin pagkatapos niyang bisitahin ang club. Nang mawala na ang lalaki ay ang biglaang paghalakhak ni Vincent. Ang mga ibang empleyado ay nagtataka sa mga tawa ng lalaki at iyong iba naman na nakakakilala sa kaniya ay bahagyang nainis, ngunit pinigilan lang nila upang hindi sila mapansin ni Vincent. "Oh, f**k! Nakita niyo ang mukha niya? D**n, that was so f**king hilarious! What a work of art!" masaya niyang sambit na sabay siyang tumawa. "But, s**t! Paano ko gagawin ang inuutos niya? Bobo ako sa gan'to kaya sumama ako sa kaniya. S**t naman!" Kahit na kinakabahan ay hindi pa rin niya magawang hindi matawa sa kaniyang nakita. Gustong gusto niya nakikitang naiinis ang mga taong nasa paligid niya lalong lalo na si Jin kaya naman palagi siya gumagawa ng gulo. Kung meron mang gulo sa kanilang lugar, tukoy na nila kung sino ang pasimuno at iyon ay si Vincent. Wala siyang pakialam kung marami ang nasasaktan o nasisira basta lang makagawa siya ng kaguluhan at makita ang mga inis na mukha nila. Gustuhin man nilang paalisin si Vincent dahil sa kaniyang ugali, wala silang sapat na kapangyarihan upang mangyari iyon dahil pabor ang kanilang boss na si Stephen, ganoon din si Jin dahil sa malaking ambag sa grupo. Inubos niya ang popcorn at nag-isip na gimik na maaari niyang gawin upang magawa ang pinag-uutos sa kaniya ni Jin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD