6. GREAT SUPPORTERS

1972 Words
Bago pa sisikat si inang araw, gising na gising na ang diwa ko para magtrabaho. Hindi rin ako nakatulog nang maayos dahil nga sa first heart break ko. Mapapa-t*****a ka na lang kapag naaalala mo ang nangyari sa 'yo. Pero ang mas tanga ay walang iba kun'di ako, alam ko naman na nag-cheat siya at nakipag-s*x sa iba while kami pa pero hindi ko pa rin siya makalimutan — mahal ko pa rin siya. My gosh! Help! Pagkatapos ay dumiretso ako sa isa kong trabaho at iyon ang magdeliver. Half day lang ako rito kaya no'ng matapos ay diretso na ako sa school para mag-aral ng arts. Suot na hoodie at caps, kahit na sobrang init sa Pinas ay sinuot ko pa rin para hindi ako makita ni Nicolas. Ayoko kasi siyang makita at baka sa oras na makita ko siya at humingi ng sorry, I'm sure na bibigay ako lalo na't wala ang mga back-up ko na sina Andrew, Jana, at Leslie. Tuwing tanghali ang klase namin — ang oras na kinuha ko para mapaglaan ko ng time ang mga part time job ko. Fortunately, hindi ako nakita ni Nicolas, muntikan na nga ako mahuli dahil pumunta siya sa room namin, mabuti na lang ay una ko siya nakita at nakapagtago. Nahiya pa nga ako sa katabi ko pero mukhang mabait naman kaya tinulungan niya ako magtago. Dali-dali akong lumabas ng klase at saka dumiretso sa isa ko pang part-time job, sa isang restaurant na hindi naman kalayuan sa tinutuluyan namin. Isa akong waitress at hanggang gabi na ako rito. Kailangan kong kumayod lalo na't mahal ang mga gagamitin ko sa pagpe-paint. Agad naman ako nag-panick nang makita ko si Nicolas sa labas ng restaurant, napamura ako ng "S**t!" at nagtago sa kitchen. Nagulat naman ang katrabaho kong babae na si Hanna sa akin, kasing-edad ko rin siya at mabait, naging magka-close kami nang sobra. "Girl, what's wrong? Parang may bumbay na dumating at pinagtataguan mo siya," banggit niya sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay niya. "Worst. Iyong ex ko, nandito." "Nandito? Aba'y mapuntahan at masaksak. Nasaan ang kutsilyo?" Sabay niyang nilibot ang paningin. "Ah! Hayon! Wait lang at kukunin ko lang…" "Hanna, naman… 'Wag na," awat ko sa kaniya. "Puwedeng favor na ikaw na lang muna ang lumabas at ako na sa trabaho mo sa kitchen? Please lang, Hanna, pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang. Ayoko lang talaga makita siya, hindi pa ako ready." "Ayos lang naman sa akin na mag-switch tayo pero, girl... need mo harapin si g**o. Diyan sa ginagawa mo parang ikaw ang may ginawang mali," inis niyang sambit sa akin. "Gusto ko rin naman, but umm… I'm not ready to face him," sagot ko habang kinakabahan, sabay ang paghimas ko sa mga kamay ko para mawala ang aking kaba. "Okay, okay. I understand naman kasi first of all, siya ang naging first boyfriend mo. Payo lang, girl, you need to prepare yourself sa magiging future relationships mo. Kailangan maging matibay ka, malakas ka, para if ever man, huwag naman sana, na mangyari ulit ito sa iyo or may mas worst pa… your motherf**king heart ay hindi na masyadong marupok. You know, you're so sweet and kind that's why nagiging target ka ng mga lalaki. You need to toughen up yourself, girl," mataray ngunit malambing niyang payo. "Don't worry, ako bahala sa cheater na iyon." And then she winked at me at naglakad paalis sa kusina. Sinundan ko naman siya ng tingin para malaman ko kung ano ang binabalak niyang gawin kay Nicolas. Hindi ko marinig ang conversation nila kasi sobrang layo ko. Nakita ko na kinakausap ni Hanna si Nicolas, nakaupo siya tapos si Hanna naman ay nakatayo. Hindi ko na nakita kung ano na ang sunod na nangyari dahil tumulong na ako sa loob ng kusina. After a few minutes, bigla na lang ako nakarinig ng tili ng babae. Lahat kami ay napahinto sa ginagawa at sinilip ito. Nakita ko na umiiyak at sumisigaw si Hanna habang yakap ang sarili. May mga ilang kalalakihan naman ang lumapit sa kanila at hinarangan si Nicolas. "Oh my gosh… alam ko naman na isa lang akong hamak na waitress pero isa rin akong babae! Parang binaboy ang pagkatao ko dahil sa lalaking iyan!" Sabay turo kay Nicolas. "Argh! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa pamilya ko 'pag nakita nila ako. My gosh… whoo… I can't breathe! I can't breathe!" Sabay niyang pinaypayan ang sarili gamit ang kaniyang kamay at hinahabol ang hininga. "Anong sinasabi niyan!? I didn't even touch her!" Nicolas shouted. "Sir, please… enough! Nakita namin ang pangyayari, please lang, mas maganda kung umalis na po kayo rito," banggit ng isa naming kasamahan na lalaki. "No! Bakit ako aalis!? Wala akong kasalanan!" "Oh my gosh… ramdam ko pa kung paano niya ako hawakan… Argh! Parang nakamarka na ang kamay na dumapo sa katawan ko na kahit kailan ay hindi na ito maaalis pa. Ano na lang ang sasabihin ng iba sa akin?" Sabay siyang nag-iiyak habang yakap-yakap ang sarili. Hindi naman sa jina-judge siya but there's something wrong talaga kay Hanna. Hindi naman gan'yan iyan. Is she acting? Magsasalita pa sana si Nicolas pero napalingon s'ya sa paligid, napansin na niya yata kung paano siya tingnan ng mga tao sa loob. Some of them are whispering at ang iba naman kinukuhanan na siya ng video. "F**k! Get your hands off of me!" he shouted sa kasamahan naming lalaki na hawak-hawak siya, pinipigilang lumapit kay Hanna. He then walked away from the restaurant. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam ko na set-up lang ito ni Hanna dahil kilala ko siya, hindi siya mag-iiyak kapag may humipo man sa kan'ya, talagang masusuntok at masasapak niya ang taong 'yon. Agad ko siyang nilapitan. "Ano na naman ba ito?" I whispered while helping her. Tiningnan lang n'ya ako at pinagpatuloy ang pag-arte niyang kunwari hindi siya makahinga. Bigla naman sumulpot ang manager namin at kinausap ang mga customer, "I apologize for the trouble that occurred earlier. Don't worry, we'll do everything we can to prevent what happened before from happening again. We will do everything we can to keep that man out if he returns... We understand that the restaurant's priority is its customers, but if a customer is disrespectful to one of our employees, we will not tolerate it. Thank you for understanding and we're sorry for the inconvenience. Please enjoy your meal." At saka siya yumuko. "Miss Gonzales, go and help her, assist her in going to the staff room and calming her down." "Okay po, sir," I immediately answered na agad ko rin inalalayan si Hanna na hanggang ngayon ay hinahabol ang kaniyang hininga. Nang pinasok ko siya sa staff room at ni-lock ang pinto, bigla s'ya nag-transform. Bumalik siya sa ayos nang isang iglap lang at saka pinunasan ang mga luha niya, parang walang nangyaring gulo kanina. "Seriously? Kailangan mo pa talaga idaan sa gano'n? Alam ko naman na may kasalanan s'ya, pero parang sobra naman yata ang ginawa mo sa kaniya?" sabi ko sa kaniya habang papalapit sa kaniya. "Oh, come on, girl… Totoo naman ang mga sinabi ko kanina na… na may kasalanan siya, hindi ko nga lang m-in-ention kung ano." Sabay winked sa akin. "Pero kahit na… That's too much, Hanna. Masyado mo siya pinahiya." "Okay, fine. But we know na mas malala ang ginawa niya sa iyo, girl. Gising-gising din minsan, 'no? Wala lang ang ginawa ko sa kaniya kaysa sa ginawa niyang pagchi-cheat sa iyo. Haist… You're so naive and kind kaya naaawa ako sa iyo," buntong hininga niyang sabi. "On the bright side, hindi ka na magtatago pa sa kaniya while working. Talagang malaking distraction ang pagbo-boyfriend na iyan! Lalo na kung… Naku… Nanggigigil talaga ako 'pag naaalala ko ginawa n'ya sa iyo. Baka naman kapag nag-sorry lang siya, bumigay ka naman." Nananatili lang akong nakatameme at nakatayo dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na ito. "Kaya mo naman ang sarili mo kaya mauuna na ako," paalam ko sa kaniya. "Wait lang, girl. Ang syonga mo talaga. Mahahalata tayo kapag umalis ka agad. Dito muna tayo, magpa-aircon muna tayo and… kapag umabot na sa, siguro, mga 30 minutes saka lang tayo umalis." "Sobra naman yata ang 30 minutes, ano ka rin?" "Fine… 29 minutes?" "10 lang, grabe ka, hoy! Mahahalata talaga tayo, isipin na nagdadahilan lang tayo." Hindi na umangal pa si Hanna sa suggestion ko at nanahimik na lang. Pagkatapos ay nauna akong lumabas at pinagpatuloy ang trabaho ko. Dahil busy sa pagtatrabaho, parang nawawala nga sa isipan ko si Nicolas hanggang sa makatapos ako. Eleven na ng gabi nang ako ay natapos, sunod na ako nakapagpaalam sa kanila. Pagkalabas ko ay nakita ko ro'n si Nicolas, nakaupo sa bench at patingin-tingin hanggang sa magkasalubong ang mga tingin namin. Napaatras ako nang makita ko siya at patakbo niya ako nilapitan. Naramdaman kong yayakapin niya ako pero umusog ako at hindi ko siya tiningnan. Ayoko talaga siyang makita. "Maxi, babe… bigyan mo naman ako ng oras para magpaliwanag." Even though I wasn't looking at him, I could hear his sadness in his words. Hindi ko siya pinansin, ni hindi ko rin siya sinagot. Nananatili ako nakatingin sa left side ko habang hawak ang strap ng bag ko nang napakahigpit. "Alam ko sa sarili ko na masama ang ginawa ko sa iyo. Ginawa ko kasi iyon dahil sa pangangailangan din ng katawan ko. Hindi mo rin naman ako pinagbigyan, ayos lang naman sa akin dahil desisyon mo iyon pero kasi… Hindi mo naman ako masisisi kasi… ano…" "So dahil libog na libog ka kaya ginawa mong mag-cheat? Akala ko ba magso-sorry ka? Ba't parang sinisisi mo sa akin kung bakit ka nagloko?" pagpuputol ko. "Hindi naman kasi sa gano'n… Ang point ko ay nagsisi na ako sa ginawa ko. Hindi ko makontrol ang sarili ko kaya ginawa ko iyon sa iyo. I'm so sorry, Maxi, so sorry. Please, give me another chance to prove myself na nagsisi talaga ako sa ginawa ko. Please, Maxi, babe…" "Una sa lahat, hindi mo ako 'babe' dahil tapos na tayo! Huwag na huwag mo ulit akong tatawaging 'babe' at 'wag mo na rin ako hintayin at hanapin pa! Wala! Na! Tayo!" sigaw ko sa kaniya, ramdam ko ang init ng katawan ko sa galit at nararamdaman ko na malapit nang bumigay ang mga luha ko sa mga mata ko. "Please, Maxi… Give me another chance. Please… please lang. I still loved you." Then he caressed my cheeks, and I looked him in the eyes. I could see how sad his eyes were, and he seemed sincere in what he was saying. Naawa ako sa kaniya, ilang segundo na lang ay bibigay na ako ngunit biglang may humila kay Nicolas na nagpahiwalay sa amin. At sa isang iglap, nakita ko na lang siyang bumagsak. Natauhan ako nang makita si Leslie sa harapan ko. Napaupo sa sahig si Nicolas dahil sa lakas ng suntok ni Leslie sa kaniya. Tumingin sa akin si Leslie at saka niya ako hinila paalis sa lugar. "Maxine!" sigaw ni Nicolas. Habang naglalakad kami, tahimik na hinihila ako ni Leslie. Hindi ko makita kung ano ang reaksiyon niya sa nangyari pero ang alam ko lang ay sobra ang pasasalamat ko sa ginawa niya. "Thank you, Leslie," bulong ko na sabay na bumigay ang mga luha ko. Umiiyak ako na parang bata sa labas at agad niya ako niyakap. Hinimas ang likuran ko habang bumubulong siya ng, "Shh… It's okay, babe. Nandito kami para sa iyo… You're always welcome." Mabuti na lang talaga na pumunta s'ya at kung hindi, madadala na naman niya ako sa mga matatamis niyang salita at sa mga paawa niya. Kung hindi man ako pinalad sa pamilya, sobra-sobra naman akong pinalad sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD