"Really? You're sure about that? Talagang sinasagot mo na ako?" masayang panlilinaw ni Nicolas kay Maxine.
"Oo nga. Inulit?" nahihiyang tugon ni Maxine sa kaniya na sabay niyang hinawi ang buhok.
Sa sobrang saya ni Nicolas noon ay binuhat niya ang kasintahan at niyakap nang napakahigpit. Napasigaw si Maxine sa ginawa ni Nicolas at saka siya tumawa.
"I will make sure that you will never regret your decision, Maxine. I will make you the happiest girl in the world," masayang sambit niya kay Maxine na sabay niyang binaba. "Hindi mo lang alam kung ga'no mo ako pinasaya nang sinagot mo ako. Hindi nasayang ang mga panliligaw at pangungulit ko sa iyo."
Tumawa nang mahinhin si Maxine sa sinambit ni Nicolas. "Actually, si Leslie nga ang nainis sa iyo. Palagi mo raw siya kinukulit. Siya ang dapat mong suyuin," tugon niya.
"Wala siya magagawa, sadyang makulit akong tao." Saka siya ngumisi. "Pero thank you, Maxine… Sobrang thank you at tinanggap mo ako," masaya niyang sambit na sabay niyang hinaplos ang mukha nito.
Akmang hahalikan ni Nicolas si Maxine ngunit tinakpan niya ang bibig ng lalaki.
"Not so fast, Nick…"
"Come on, it's just a kiss. How about smack lang?" nakangusong banggit niya.
"Still no, kahit mag-puppy eyes dog ka pa riyan, 'no' pa rin," natatawang pagtanggi niya. "Kaka-start pa lang natin, ah."
"Okay, okay, hindi na po." At saka naman niya hinaplos ang mga pisngi ng babae at hinalikan ang noo. "Much better. Nag-lunch ka na ba?"
"Not yet."
"Tara, kain muna tayo, ako bahala, sagot ko." Kaniya naman niyang kinindatan si Maxine.
Tumagal ang kanilang pagsasama na umabot na ng taon. Pinatunayan ni Nicolas ang kaniyang pangako sa kasintahan na gagawin siyang pinakamasayang babae sa buong mundo. Naramdaman ni Maxine kung gaano kabait na nobyo si Nicolas.
Ngayong 25 na si Maxine, nagdesisyon siyang ibigay ang matagal na gusto ni Nicolas sa kaniya. Nakaramdam siya ng kaba na pagbigyan niya ang lalaki na makipagtalik sa kaniya sapagkat ni halik sa labi ay hindi pa nila nagagawa. Nangako siya sa sarili na ibibigay niya ito sa lalaking makakasama niya habang-buhay at sa tingin niya na si Nicolas na ang lalaking hinahanap niya.
Sinubukan niya i-surprise ang kaniyang nobyo sa bahay nito, kahit walang okasyon ay pinuntahan pa rin niya si Nicolas. Bitbit ang isang kahong condoms, mocha cake na paborito ng lalaki, at ang sarili niya, kumatok siya sa pintuan nito.
"Shocks! Bakit ba isang box na condoms ang binili ko? Hindi naman namin mauubos ito. Haist… kinakabahan ako," bulong niya sa sarili habang pinapakalma ang sarili.
Mula sa loob narinig niya ang pagsagot ni Nicolas at agad naman siyang pinagbuksan nito. Laking gulat niya na makita si Maxine. Binigyan ng babae ng isang malaking ngiti si Nicolas at pinakita ang hawak niyang cake.
"Surprise! Miss me?" masaya niyang sambit.
"W-wow… sobrang surprise nga, Maxi. Anong… Anong ginagawa mo rito? May birthday ba? May occasion ba akong nakaligtaan? Parang wala naman ako natatandaan," natataranta niyang usap habang sinisilip ang loob ng bahay.
"It's a secret but before that... umm… Hindi mo ba ako papapasukin?"
"A-ah! Ano kasi… masyadong makalat ang bahay. Kahapon kasi, ano… dumating mga kaibigan ko tapos nag-inuman kami kaya makalat," sagot ni Nicolas na bakas sa kaniya ang pagkabalisa. Sunod siyang lumabas at sinara ang pinto. "Mas maganda kung sa labas na lang tayo. Ayoko naman na marumihan ka, sayang naman ang dress mo, ang cute-cute mo pa naman diyan."
"Ano ka ba? Wala iyon sa akin, tulungan kita maglinis." Agad siyang naglakad at binuksan ang pinto.
"Hindi na… Ano… Girlfriend kita at hindi katulong kaya, ano na lang… magpapalinis na lang ako sa iba. Tara, kainin na natin ang cake sa labas. May alam akong perfect place."
"Seryoso? Aalis tayo na gan'yan ang hitsura mo? Ni wala ka nga suot na damit tapos naka-short ka lang at tsinelas," natatawang usad niya.
"Syempre magpapalit ako ng damit pero dito ka lang muna, okay? Sobra talaga ang kalat sa loob kaya mas maganda kung dito ka lang muna," nakangiti nitong tugon.
"Pft! Para namang may tinatago ka sa akin," natatawang usap ni Maxine sa nobyo.
Bahagya napaatras ang lalaki at pinilit na ngumiti sa harap ng nobya. Nakutuban naman si Maxine na baka tama ang kaniyang hinala. Agad niya pinasok ang bahay ng lalaki at nakita niya na maayos ang loob, kabaliktaran sa sinabi niyang makalat.
"Wait, Maxi…" pampipigil sa kaniya ni Nicolas.
Binaba ni Maxine ang dalang cake sa upuan na nasa sala at sinuri ang buong bahay.
"Wait nga lang, Maxi… Ano bang ginagawa mo?" Bahagyang nainis ang lalaki sa ginagawang paglibot ni Maxine sa loob ng kaniyang bahay.
Sunod niyang inakyat ang silid ng lalaki na agad naman siyang hinawakan sa braso at pinigilan. Tiningnan ni Maxine ang lalaki at nakita niya sa mga mukha nito ang pagkatakot.
"Bitawan mo ako," mahina niyang usap, pinipigilan niyang huwag umiyak.
"Please, Maxi… please…"
Napakagat si Maxine sa labi at agresibo niyang pinagpag ang braso upang maalis ang pagkakahawak ni Nicolas sa kaniya. Saka siya patakbong umakyat upang matukoy kung ano ang tinatago ng kaniyang unang kasintahan.
Pagpasok niya sa kuwarto nito, wala siyang nakita kun'di ang magulong kama. Nilapitan niya ang kama ng lalaki at nakita niya sa ilalim nito ang isang gamit na condom, may katas pa ng kahapon. Napahawak sa beywang si Maxine at pinipigilan ang sariling hindi umiyak. Hanggang sa may marinig siyang ingay na nanggaling sa banyo. Binuksan niya ang pinto at nakita niya roon ang isang babaeng walang saplot, tanging ang tuwalya lang ang tumatakip sa kaniyang katawan, basa ang buhok, at amoy sa loob ang amoy ng katatapos lang maligo. Sa gulat ng babae ay hindi niya magawang magsalita. Pati rin siya ay walang ideya sa kung anong nangyayari.
"Wait, Maxi, babe, I know it's so sudden but please let me explain," banggit ni Nicolas sa kaniya.
"Nico? What the f**k is this!? You said you're still single!" galit na usap ng isang babae.
"Ah… Single? Really, Nick?" panlilinaw ni Maxine.
"Umm… Maxi, babe… l-let me explain. Ano kasi, s-siya kasi umm… you know kasi… well…"
Hindi na hinintay pa ni Maxine makarinig ng isa pang kasinungalingan mula kay Nicolas at agad niya itong sinuntok sa mukha.
"T*****a mo, Nick! Muntikan ko na ibigay sa iyo ang virginity ko pero ga-g**u-hin mo lang pala ako!? Ano!? Hindi mapigilan ang t**e kaya kahit may," at saka sipa niya sa pagitan ng mga hita ng lalaki, "girlfriend ka na ay may lakas ka pang loob para lumandi!? Sinayang mo ang mahigit dalawang taon nating pagsasama dahil hindi mo lang kayang pigilan ang t**e mo!?" Sinuntok niya ulit si Nicolas sa mukha dahil sa galit.
Sumingit naman ang isang babae at sinipa niya ang umiiyak na alaga ni Nicolas.
"You f**king liar! A*****e!" inis na mura ng babae sa kaniya.
Kasalukuyan namang namimilipit sa sakit ang lalaki habang nakahiga sa sahig.
"FYI, your d**k is so small, I wasn't even aroused and also, your performance is so f**king poor, I can't even enjoy it," banggit niya kay Nicolas at tunay siyang nanggigigil sa lalaki. "I'm sorry, girl, if I f**ked this a*****e! I didn't even know that she already had a girlfriend. My God, I'm so freaking stupid!"
"It's okay, atleast alam ko na kung anong klaseng lalaki ito," sagot ni Maxine. "Next time, be careful ka na lang." Pagkasabi ay naglakad siya paalis sa bahay ni Nicolas.
Sinubukan naman siyang pigilan ni Nicolas ngunit dahil sa mga natamo niya ay hindi niya kayang tumayo nang maayos at habulin pa siya.
Pagkauwi ni Maxine ay agad na nagkulong sa kaniyang kuwarto, doon niya binuhos ang nararamdaman niyang galit at lungkot — sinigaw at iniyak niya ito upang mailabas.
Nakita naman siya ni Leslie na kasalukuyang naghihilamos at kinakatok ang kaibigan. "Maxi, babe, what's wrong?"
"Please, Leslie," sabay hikbi, "gusto ko mapag-isa…" sagot sa kaniya habang umiiyak.
"O-okay… kung gusto mo lang ng kausap dito lang ako, ha? Kami nina Jana kahit wala pa sila ngayon," malungkot na usap ni Leslie na may pangamba sa kaibigan.
Ilang oras din na nanalagi ang dalaga sa loob ng sariling silid at talagang nangangamba na ang kaniyang mga kaibigan.
Kauuwi lang ni Andrew sa bahay nang makita niya ang dalawang babae sa labas ng kuwarto ni Maxine, nakadikit ang mga mukha at tila ba may gusto silang marinig sa kabila ng pinto.
"An'yare? What's the chika at ganiyan ang mga awra niyo today?" tanong ni Andrew habang nilalapag ang shoulder bag sa mesa. "At bakit nakadikit mga tainga niyo riyan? Naglagay ba kayo ng rugby sa ears niyo at trip niyo lang idikit diyan?"
Sabay naman nina Leslie at Jana pinatahimik ang kaibigan.
"Pati rin kami hindi alam," bulong ni Jana.
"Ba't kayo bumubulong? Ano ba kasi ang nangyayari?" bulong ni Andrew habang papalapit sa kanila.
"Ito kasi si Maxi, umuwing umiiyak. Ewan ko nga kung saan nanggaling iyan, eh. Basta nagtatakbong pumunta sa room n'ya tapos nagkulong," mahinang sagot ni Leslie. "Baka naman… dinalaw ang parents tapos may mga sinabi na namang masasakit na salita kaya nasaktan?"
"If that's the case, mas good kung 'di na natin siya guluhin baka mapasama pa lalo kapag nangealam pa tayo," tugon ni Andrew. "Shocks… Talagang mga mudrakel at pudrakel ni Maxi, ah… Pati ako nai-stressed. 'Di pa ba enough ang hindi pagsuporta sa kaniya at kailangan pa siya laitin? My gosh…"
"Hinaan mo lang iyan at baka marinig pa ni Babe Maxi," bulong ni Jana.
Mga ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto at bahagya naman na-out of balance sina Leslie at Jana, mabuti na lang ay naagapan nila at nakatayo sila nang maayos. Nakita nilang tatlo kung gaano kamaga ang mga mata ni Maxine.
"Okay ka na, sis', nailabas mo na ba lahat?" tanong ni Jana na may pangamba.
Nang dahil sa tanong ni Jana ay umiyak muli si Maxine at niyakap ang dalawang babae. Hinimas naman nilang dalawa ang likuran ng kaibigan upang mahimasmasan. Pinaupo nila ang dalaga at pinainom ng tubig, pinaypayan naman ni Jana si Maxine at inaayusan naman siya ni Andrew ng buhok.
"It's okay, sis', ano man ang sabihin ng mga mudrakel at pudrakel mo ay… ay i-deadma mo na lang. 'Wag mo na lang isipin nang masyado kasi kung iisipin mo pa nang super duper iyon, magiging virus pa sila sa career mo," mahinahong sambit ni Andrew sa kaibigan.
"Tama, sis', nandito naman kami — your biggest supporters, your sisters, deadma mo lang sila, sis'," pagsang-ayon ni Jana.
"Hindi naman sila ang reason kung bakit ako umiiyak…" At saka niya pinunasan ng tissue ang kaniyang mga luha. "Si Nicolas kasi…"
"Oh? Anong meron kay Nicolas? Inaway ka ba? Sinaktan ka ba? Aba! Papatayin ko iyon kapag sinaktan ka. Sabihin mo sa akin kung saan ka sinaktan," inis at sunod-sunod na usap ni Leslie sa kaniya.
"Dito, oh." Sabay turo sa dibdib. "Kasi… nahulihan kong nag-cheat siya sa akin with another girl," mangiyak-ngiyak niyang sagot.
"P*******a! Ano!?" sigaw ni Leslie, nang dahil sa galit napatayo ito sa kaniyang pagkakaupo. Kinuyom niya ang kaniyang mga kamao at tila ba gusto na manapak.
Nagulat din ang dalawa sa sinabi ni Maxine at nagalit kay Nicolas.
"T*****a! Nasaan iyon at mapatay?!" inis na usap ni Leslie at aakmang aalis ng bahay.
"Les, babe… calm down," piit ni Andrew. "Hindi enough ang pagpatay sa cheater na iyon kailangan iyon tino-torture." Sabay siyang tumayo at huminga nang malalim. "We need to calm down. Nasaan ang mapurol na kutsilyo at maputol ang t**e no'n?"
"Mas maganda kung kinakalawang, nasa tool box. Wait, kukunin ko lang," tugon ni Leslie.
"Guys, stop…" pigil ni Maxine. "Nagantihan ko na siya kaya huwag na."
"Anong nagantihan? T*****a, hindi sapat kung ano man ang ginawa mo. P**a? Nahulihan mong nag-cheat tapos gano'n-gano'n lang?" inis na usap ni Leslie.
"Okay, girls, mas okay kung magchi-chill lang tayo dahil walang mapapala kapag sinugod natin si Nicolas — walang mangyayari kung sasaktan natin s'ya o kung ano man ang nasa isip niyong gawin dahil mabilis lang iyang manghilom. We need to focus kay Maxine, she badly hurt, emotionally, at hindi basta-basta maghi-heal iyon. Mas okay kung irespeto natin ano man ang magiging desisyon ni Baby Maxi," suhestiyon ni Jana. "Sis', ano man ang desisyon mo, susuportahan ka namin. Kung gusto mo talaga siyang putulan ng t**e, okay na okay lang sa amin kung iyon naman ang ikaliligaya mo. If that's what makes your heart feel better, go ahead and do it."
"Thank you, Jana, pero lilinawin ko lang na wala akong puputulan," natatawang usap ni Maxine. "Umm… whoo… For now, ayoko muna siya makita. Baka kapag nakita ko siya, baka gawin ko na ang suggestion niyo."
Kinilig naman si Andrew sa kaibigan na sabay niyang niyakap mula sa likuran.
"Group hug…" masayang sambit ni Jana na sabay niyang niyakap ang dalawa.
Kahit ayaw ni Leslie ang mga "cheesy moments" na iyon, sumama siya sa group hug ng kaniyang mga kaibigan upang sa ganoon ay makatulong, kahit papaano, na mabawasan ang nararamdamang lungkot ni Maxine.
"I love you, guys. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin without your supports, mga sis'," masayang usap ni Maxine sa kanila.
"Sus, wala iyon, sis', that's the essence of friendship naman, right? Nagtutulungan?" masayang tugon ni Andrew.