4. TWO LADIES

3174 Words
Kasalukuyang nakahiga sa itim na bathtub si Jin. Nakapikit at ninanamnam ang kasarapan sa pagbababad sa maligamgam na tubig. Habang nagpapahinga, may isang babae naman ang pumasok sa banyo, isa itong empleyado ng kaniyang mina-manage na hotel. "Good evening, Sir Jin," bati niya habang nakayuko, bilang pagrespeto sa binata. Sinilip ni Jin ang babae at tumayo sa pagkakahiga. Naglakad ito, hubo't hubad, papunta sa harapan niya at sinuri mula ulo hanggang paa ang buong katawan ng babae. Nakaramdam naman ng kilig ang babae sa hubo't hubad na lalaking nasa harapan niya at napalunok nang makita ang katawan nito — malalaki at malalapad ang mga balikat, mababato pa ang tiyan, at mauugat ang mga braso at iba pang bahagi ng katawan lalo na ang nasa ibabang bahagi kung nasaan ang p*********i niya. Hinawakan ni Jin ang baba ng babae at iniangat upang makita nang husto ang mukha. Nakita niya ang pagkamula ng dalawang pisngi ng babae at ang mahalay nitong tingin sa kaniya. Hinaplos naman niya ang labi nito gamit ang kaniyang hinlalaki at pinasok sa loob. Sinubo at dinilaan ng babae ang daliri ni Jin at inakit. Kaniya naman inikot ang kaniyang dila at bahagya siyang umungol upang ganahan si Jin. Walang emosyong pinagmamasdan siya ni Jin hanggang sa inalis niya ang kaniyang daliri sa bibig nito. "What else can your mouth do?" tanong ni Jin. "Anything you can think of, sir." "Are you a virgin?" Bahagya nagulat ang babae sa tanong ni Jin, nakaramdam naman siya ng hiya. "N-no, sir." "Hmm… Much better," tugon niya. "Then kneel…" utos ni Jin. Hindi makapaniwala ang babae sa tugon ng kaniyang boss. Nakangiting sinunod niya si Jin. Lumuhod at hinawakan ang alaga ng lalaki at saka niya hinimas iyon — taas-baba — hanggang sa lumabas ang ulo niyon. Sunod ay dinuraan at dinilaan niya ang tuktok niyon at saka niya sinubo. Bahagya siya napaluha at naduwal na maisubo niya iyon. Hindi kinaya ng bibig ang taba at haba ng alaga ni Jin kaya kalahati lamang ang nakaya niyang isubo. Sa kabilang banda, hindi naman natuwa si Jin sa performance ng babae at bumuntong siya ng hininga. Hinawakan niya ang likurang bahagi ng ulo ng babae at tinulak papunta sa kaniya. Napaiyak ang babae sa kung paano sinagad ni Jin ang ulo niya rito. Napaungol siya nang malalim at tumirik ang kaniyang mga mata. Napakapit ang babae sa likuran ni Jin habang nagpapadala sa mga tulak at hila sa kaniya. Huminga nang malalim si Jin at saka rin niya binuga habang nakatingala, nakaramdam siya ng satisfaction sa pagsubo sa kaniya. Huminto si Jin sa pagtulak ng babae na kasabay niyon ang pag-ikot ng babae ng kaniyang dila sa paligid ng alaga ni Jin. Habang ginagawa niya iyon ay sumilip siya kay Jin at kitang kita kung paano nagugustuhan ng binata ang ginagawa niya, lalo pa niya ginalingan at ginanahan. Unti-unti na rin siya nakaramdam ng init sa katawan. Kasabay niyon ang pangangati sa pagitan ng kaniyang mga hita — hinahangad na ipasok ang sinusubo niya sa kaniyang loob. "Hayop, parang… Huff! Mamatay ako kapag… kapag pumasok ito sa akin. Hngh! Ngayon lang ako naka-experience nito. Anong… anong ginagawa niya para lumaki ito? Parang… mawawarak yata ako," isip ng babae habang binibigyan niya ng blow job si Jin. Mga ilang minuto rin ang lumipas at natapos na rin si Jin. Hindi niya inalis ang bibig ng babae sa alaga niya. Kahit hindi sinasabi, nilunok ng babae ang puting libido ng lalaki. Tinanggal naman ni Jin ang pagkakahawak niya sa ulo ng babae at huminga nang malalim. Umubo ang babae pagkatanggal na pagkatanggal sa kaniya at napa-upo sa sahig. Siya ay nanghina at hindi agad nakatayo. Pawis na pawis din siya at tunay na siyang nasasabik na makipagtalik sa kaniyang boss. Naglakad paalis si Jin sa banyo at pumunta sa labas. Kumuha siya ng tuwalya at pinampunas niya sa basa niyang katawan. Sumunod naman ang babaeng empleyado at siya'y pagod na pagod, inayos naman niya ang suot na damit at tumayo sa gilid — naghihintay ng utos ni Jin. Maya-maya pa ay sinenyasan ni Jin ang babae na lumapit sa kaniya. Dali-dali naman siyang pinuntahan nito. Nang makalapit ay tinulak ni Jin ang babae sa kama. Pumatong siya at agresibo niya tinanggal ang suot nitong pulang skirt. Binasa niya ang dalawang daliri at saka niya pinasok sa loob ng babae. Habang hinahanda ni Jin ang babae, tinanggalan naman niya ng mga butones ito. Nang dahil sa inip ay sinira na niya ang suot na damit ng babae. Sunod niya iniangat ang puting bra nito at saka dinilaan at sinipsip ang tuktok nito. Nakaramdam ng kiliti ang babae sa ginagawa ni Jin at napapakapit sa punda ng kama. Dinagdagan pa ng lalaki ang daliring kaniyang pinasok sa loob upang lalo itong lumuwag. Kaliwa, kanan, taas, baba, at mabilis na nilabas-pasok ang tatlo niyang daliri sa babae. Pagkatapos ay ginalaw na niya ang mani nito gamit ang kabila niyang kamay na lalong nagpainit sa babae. Sabay niyang pinaglalaruan ang loob at ang nakaumbok na mani nito. Ramdam na ramdam niya ang kiliti at kuryenteng dumadaloy sa buo niyang katawan. "Ugh! Yes… Hmm… Bilisan mo pa, Sir Jin…" ungol niya. Patuloy ang malalalim niyang ungol. Mga ilang minuto rin ay tuluyan ng nalabasan ang babae. Nakahinga siya nang maluwag at sumilip kay Jin, nakita niya kung paano magalit ang alaga nito. Bahagya siya kinabahan dahil hindi siya sigurado kung magkakasya iyon sa kaniya. "S**t! Ba't lalo pa s'ya lumaki? Teka lang… Oh my gosh…" isip ng babae habang nakatingin at hinahabol ang kaniyang hininga. Mga ilang sandali pa ay hinawakan ni Jin ang baywang nito at agarang pinasok ang alaga niya sa babae. "Ah, shi–! O-ouch… A-a-aray… Hngh… Sandali lang, sir," mangiyak-ngiyak ng babae nang pinasok ni Jin ito sa kaniya. "Ba...bagalan n-niyo lang. Hngh!" Sinimulan na niya ang pagbayo sa babae. Nang dahil katatapos lang ng babae, lalo naging sensitibo ang buo niyang katawan. Unti-unti na ring bumibilis at lumalalim ang pagkakabaon niya sa babae na lalong nagpa-iyak rito. Nakaramdam ulit ang babae ng kuryente sa buong katawan na pumunta na sa kaniyang ulo, hindi na siya nakapag-isip pa nang tama. At sa bawat baon nito sa kaniya, tanging malalakas na ungol at iyak ang sinisigaw niya. Napapatirik ang kaniyang mga mata at siya rin ay napapanganga. "Ahh… Sir J-Jin… Yes… Hmm… More, sir! L-laliman niyo pa, ahh! Oh gosh… There, there! You're hitting the right spot, sir!" sigaw at ungol ng babae habang hindi mapakali ang kamay kung saan hahawak. Hinawakan naman ni Jin sa leeg ang babae habang patuloy niya ginagalaw ito. Nasisiyahan siya sa kung paano umiyak ang babae ganoon din kung ano ang nakikita niya — isang mahalay na mukha na nakatirik ang mga mata habang nakanganga. Pagkatapos ay pinasok niya ang dalawang daliri sa bibig ng babae. Agad naman iyon sinubo at dinilaan gaya sa kung paano niya sinubo kanina ang alaga ni Jin. Bago pa tuluyan matapos si Jin ay huminto muna siya at huminga nang malalim. Inalis niya ang mahaba niyang alaga at sunod niya binaliktad ang babae. Pinatuwad niya ito na mabilis siyang sinunod ng babae. Hinawakan niya ulit ang beywang nito at dali-dali niya binalik ang kaniyang alaga sa loob ng babae. Lalong lumalim ang pagkakabaon niya dahil sa kanilang posisyon. Napakapit nang husto ang babae sa malalalim at mabibilis nitong pagbayo sa kaniya. Nang madama ni Jin ang pagluwang ng babae ay agad niya hinampas ang puwet ng babae nang napakalakas. Napatili ito at saka ngumiti. Sabay naman napakagat siya ng labi. Bahagya namang nasiyahan ang babae sa hampas sa kaniya na lalong nagpa-turn-on sa kaniya. Inulit ni Jin ang paghampas niya sa babae at sa bawat hampas niya rito ay sumisikip ang loob nito at may panibago itong nagugustuhan. "Sir, wait… Hngh! I'm… I'm c*****g again… Haah… S-sir..." "I didn't know that you were a pervert," bulong ni Jin na sabay siyang ngumisi. Lalo pa niya binilisan hanggang sa malabasan muli ang babae. Pinagpatuloy pa rin ang pagbayo niya rito kahit marami ng katas ang lumalabas sa babae. Mas lalong basa at dumudulas kaya naman mas lalong nagugustuhan ni Jin na araruhin ito hanggang sa nakaramdam na siya. Bago pa siya malabasan ay inalis niya muna ang alaga sa loob ng babae at sa labas niya pinutok. Nakahinga siya nang maluwag ganoon din ang empleyado. Pagkatapos ay tumingin siya sa nakatuwad at nakatalikod na babae at hinila ang buhok nito palapit sa kaniya. Inamoy niya ang leeg nito at bumulong, "We're not done yet... I will give you a big and good slap that will satisfy your body." Kinilig ang babae sa mga binulong sa kaniya ni Jin. Noong una ay hindi niya nais na hinahampas o sinasaktan siya sa oras na nakikipagtalik pero nang ginawa iyon ni Jin sa kaniya, hindi na niya magawang umangal pa bagkus ay nasiyahan pa siya at hinahanap-hanap na niya iyon. Kinabukasan, bumaba si Jin sa hotel ng kaniyang tinutuluyan na suot ang maganda niyang gray na suit. Agad naman siya nakita ng babaeng nakasama niya kagabi at dali-dali siyang lumapit kasama ang iba pang empleyado ng hotel upang batiin siya. "Good morning, Sir Fajardo," sabay-sabay nilang bati sa kaniya. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib nang hindi man lamang siya nilingunan o pinansin ni Jin hanggang sa makaalis na siya sa gusali, dire-diretso lang siya maglakad. Napansin siya ng kaniyang kaibigan at nainis sa kaniya. "Sabi ko naman sa iyo, 'te. Hinding hindi ka talaga pagtutuunan ng pansin no'n. Napaka-gago, jerk, at playboy ang lalaking iyon... Porket nakipag-s*x lang siya ng isang araw, I mean gabi, ay papansinin ka na niya agad? Hahanap-hanapin ka? Hindi, 'no? Sa movie mo lang iyan makikita and not in real life," galit na usap niya sa kaibigan. "Haist! Oo na, oo na. Tanga na ako pero atleast nasarapan ako kagabi," tugon niya, saka siya ngumisi at bumingisngis. "Gaga ka talaga!" Sabay irap sa kaniya at bumalik sa dating puwesto. Sinundan naman siya ng kaniyang kaibigan. Sa kabilang banda, may isa namang babaeng nagngangalang Maxine Gonzales ang nakatira sa isang bahay na paupahan. Kasama ang mga ibang kaibigan ay tulong-tulong sila nagbabayad ng renta sa kanilang tinutuluyan. Sa edad na 22, lumayas si Maxine sa kanilang tahanan sa kadahilanang nasasakal na siya sa kung paano siya tratuhin ng kaniyang mga magulang. Pinipilit ang kursong hindi naman niya nais ganoon na rin kung gaano kataas ang expectation ng mga magulang niya sa kaniya. Na-pressure nang husto ang dalaga hanggang sa sumabog na siya — nilabas ang lahat ng mga kinikimkim niyang galit. "Ano ba!? Tama na! Palagi niyo na lang pinagpipilitan ang gusto niyo sa 'kin, paano naman po ako!? Sinubukan ko naman na maging doktor pero kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga kayang gawin dahil… dahil hindi nga iyon ang gusto ko! Talagang… talagang hindi ko na kaya ang mga inuutos niyo sa akin. Kung p'wede lang po, ma, pa, pagbigyan niyo na ako sa kagustuhan kong maging painter," galit na may halong iyak niyang pakiusap sa mga magulang. "Anong painter-painter pinagsasasabi mo!? Sa tingin mo ba magkakaroon ka ng magandang kinabukasan sa drawing-drawing na iyan, ha!? Saan ka naman makakahanap ng trabaho niyan!? Maliit lang ang makukuha mo kapag pinagpatuloy mo ang kahibangan mo! Mag-isip ka nga… Kung maging isa kang doktor, may chance ka pa makapaghanap-buhay sa ibang bansa! Tigil-tigilan mo ako sa kadramahan mo, Maxine! Gamitin mo ang utak mo!" singhal ng ama ni Maxine. "Makinig ka sa papa mo. Wala kang makukuhang kinabukasan sa gusto mo maging. Ano na lang ang maibibigay mo sa amin 'pag tinuloy mo iyan? Mga painting mo na walang k'wenta? Sa tingin mo ba makakakain natin iyan?" inis na usap ng kaniyang ina. "Iyan… diyan naman kayo magaling, eh. Ano ito? Ginawa niyo lang kami para maging life insurance niyo? Grabe naman po pala kayo... Hindi ko naman gusto maging doktor, eh, kayo iyon. Bakit niyo pinagpipilitan ang pangarap niyo sa amin na hindi naman naming gusto? Kahit 'di niyo lang natapos ay gusto niyo na ibato sa amin? Nakakasakal na kayo." "Talagang sumosobra ka na!" sigaw ng ama niya na aakmang sasampalin siya ngunit agad naman siyang pinigilan ng ina ni Maxine at ang bunso niyang kapatid na lalaki. "Napakabastos! Wala kang utang na loob! Pinapaaral ka namin at binigyan ng magandang buhay tapos ito pa ang igaganti mo sa amin!? Wala kang kuwentang anak! Bwiset! Akala mo alam mo na ang lahat!?" panduduro ng ama sa kaniya. Tuloy ang pag-iyak ni Maxine hanggang sa patakbo siyang pumasok sa sariling kuwarto. Kinuha niya ang mga gamit at nag-impake. Dinala rin niya ang mga naipong pera sa mga commission niya sa pagguhit at dali-daling umalis. Nang makita ng pamilya, agad na nag-alala ang ina at kapatid ni Maxine. Mabilis na pinigilan siya ng kaniyang ina subalit hindi siya nagpatinag. "Since wala naman akong k'wentang anak, mas mabuti na lang siguro na umalis na ako rito. Mas maganda nga 'yon para wala na dagdag palamunin sa bahay na 'to," tugon ni Maxine na agad niya hinawi ang kamay ng ina na nakakapit sa kaniyang braso. "Maghunos-dili ka nga, Maxine! Sa tingin mo saan ka titira!? Paano na lang ang pag-aaral mo!? Sa tingin mo rin ba may pera ka para buhayin ang sari mo, ha!?" inis na tanong sa kaniya ng kaniyang ina. "Hayaan mo iyan… Magaling iyang anak mo, eh. Tingnan na lang natin kung saan siya dadalhin ng kahibangan niya," banggit ng ama habang nakangisi. Hindi siya nakinig, hindi niya hinayaan magapi siya ng mga masasakit na salitang binato sa kaniya ng mga magulang niya. "Ate Max…" malungkot na tawag sa kaniya ng bunsong kapatid. Nilingunan niya ang kapatid at naawa. Ang kapatid niya lang ang tanging sumusuporta sa kaniya kaya magaan ang loob niya rito. Ayaw man niya iwan ang kapatid ay wala naman siya sapat na kakayahan upang isama niya ito sa pag-alis. Pinunasan niya ang mga luha at naglakad paalis sa lugar na iyon. Una niyang pinuntahan ang kaniyang mga matatalik na kaibigan na sina Leslie, Andrew, at Jana na magkasamang umuupa sa iisang bahay. Pinakiusapan naman nila sa may ari ng bahay kung maaari bang tumuloy si Maxine sa kanila. Sa kabutihang palad, mabait at maunawain ang landlady kaya agad niya pinayagan ang dalaga. Sa loob ng ilang buwan niyang pamamalagi sa kanila, naghanap siya ng maraming trabaho upang matustusan niya ang mga pangangailangan niya lalong lalo na sa kaniyang pinapangarap na trabaho. At sa kaniyang pagiging malaya, may nakilala siyang isang lalaki. Nakilala niya si Nicolas sa school. Nabighani ang lalaki kay Maxine, sa ganda at maamo niyang mukha at sa ganda ng kaniyang mga gawang painting. Kahit na may katabaan ang dalaga, malakas ang kaniyang dating sa kalalakihan. Ilang beses noon niyang nilapitan si Maxine ngunit mailap ang dalaga sa kadahilanang nakutuban siya sa kung ano ang intensyon nito sa kaniya. Wala siyang balak na magkaroon pa ng malalim na relasyon sa iba hanggang wala pa siya napapatunayan sa kaniyang mga magulang. Noong siya nagliligpit ng kaniyang mga kagamitan sa klase ay tinulungan siya ni Nicolas. Masyadong marami ang mga dala niyang kagamitan sa pagguhit at dahil doon nahirapan siyang ibalanse ang sarili. "Ops! Be careful," nakangiting usap ni Nicolas habang inaalalayan si Maxine. Hinawakan ang mga kagamitan na hawak ni Maxine upang hindi siya matumba. Napaatras si Maxine sa lalaki at agad na naglakad paalis sa kaniya. Tiningnan naman siya ni Nicolas habang may ngiti sa labi. Tinuring niya na isang challenge na makuha ang loob ni Maxine kaya hindi siya sumuko sa kaniya. Araw-araw niya ito nilalapitan at pinupuntahan sa lahat ng trabaho ni Maxine. Unti-unti naman nakikitaan ng kagandahang loob si Maxine sa lalaki at unti-unti na rin siyang nahuhulog sa kaniya, subalit hindi pa rin siya bumigay lalo na't wala pa siyang karanasan sa pagkakaroon ng malalim na relasyon. "You know, sis', patulan mo na at baka ako pa ang kumuha sa kaniya," banggit ni Andrew habang inaayusan niya ng buhok si Maxine. Noong mga oras na iyon ay nasa bahay sila at nagpapahinga. Nasa sala silang apat: nakaupo si Maxine habang inaayusan ni Andrew ang buhok niya, si Jana naman ay abala sa paggawa ng proyekto sa paaralan, at si Leslie naman ay kumakain ng mani habang nanonood ng anime sa smartphone. "Gaga! Hindi pa muna, alam mo naman ang pinagdadaanan ni babe Maxine tapos bibigyan mo pa ng dagdag sakitin sa ulo?" tutol ni Jana. "You know, sis', it's much better na ang sarili mo muna ang unahin mo. Dagdag problema pa ang pagbo-boyfriend. Trust me." "Eh, saan ba kasi siya dumaan kaya mo iyan nasasabi? Bakit ka kasi dumaan do'n, gaga ka?" inis na usap ni Andrew kay Maxine at pabiro niyang sinabunatan ito. Natawa si Maxine sa kanila at umiling. "Huwag ka maniwala sa babaitang iyan. Masyado kasi siyang bitter, iyong pagka-bitter niya amoy hanggang langit," bulong ni Andrew kay Maxine. "Ang gusto ko lang naman sa iyo, sis', is to be happy. We know naman na determinado kang i-push ang pagiging painter mo but, sis'... you need to take a little-freaking break. Maglandi ka rin kahit papaano. Ma-experience mo rin ang saya kapag inlove ka. "Sayang naman ang beauty kung hindi magagamit but don't forget, ang mani… huwag agad basta-basta ibigay, ipakain sa kung sino man, hm? Naku, kung may mani lang ako ang dami ko na nilanding mga lalaki. Maganda naman ako kaso iyong mani talaga ang kulang sa akin, iyong ang hinahanap ng mga lalaki, eh. Kaloka!" inis na usap niya. "Tangina naman, An… Kumakain ako ngayon ng mani, respeto naman sa mani ko, ano?" inis na sambit ni Leslie. "Sorry, sorry, sige na, hindi na. Kainin mo na ang mga mani mo palibhasa mani rin ang gusto mo," tugon ni Andrew. "Anong magagawa ko, gusto ko babae, eh," kibit-balikat na sagot ni Leslie kay Andrew. "Ikaw naman hotdog ang gusto mo, tender juicy at malaki pa." "Hoy, grabe siya, oh… Hindi kaya." At siya'y ngumisi. "Hala! Pa-virgin ang de pota!" At saka umiling si Leslie. "Oo nga pala, ano na ang plano mo kay lover boy? Sasagutin mo na ba siya o ano? Takte naman kasi, naiinis na ako sa pangungulit niya. Ang sarap suntukin ang nguso para hindi na magtanong tungkol sa iyo." "I'm not sure… Siguro? Oo? Hindi? Ay ewan…" nagugulumihanang tugon ni Maxine. "Kilala n'yo naman ako na never pa ako nagka-boyfriend. Natatakot din ako na baka, you know… masaktan o ano pa man ang mangyari sa akin if ever na pinatos ko siya... For now, focus muna ako sa career ko and sa mga work ko." "Yes, I agree," pagsang-ayon ni Andrew. "Talagang masasaktan ka especially sa kama." Sabay siyang kinilig at tumawa. "Gaga ka talaga!" tugon ni Jana na sinabayan niya ng tawa ang kaibigan. Napayuko si Maxine sa hiya na marinig niya ang sinabi ni Andrew at napahawak sa namumulang mga pisngi. Sinabayan naman niya ng tawa ang dalawa at nainis naman si Leslie sa kanila dahil tanging mga tawa na lang ang kaniyang naririnig at hindi ang kaniyang pinapanood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD