KINABUKASAN ay nagpilit na lumabas sa ospital si Ethel. Pakiramdam naman niya ay malakas na siya. At isa pa, inaalala niya ang hospital bill. Wala nang kuwenta pang makipagtalo kung sino ang magbabayad. Bago umalis si Luke kahapon, malaking pera ang idineposito nito para madaling maibigay sa kanya ang anumang kakailanganin niya. May go signal na rin sa doktor. Impressed ito sa malaking pagbabago ng katawan niya. Si Luke ang naging mas mahirap kausap. Nang bumalik ito sa ospital, ito ang naging makulit sa pagtatanong kung dapat na nga ba siyang lumabas o hindi. Nang sa bandang huli ay naipaliwanag na niya ditong gusto na rin niyang lumabas, ipinilit muna nitong magpatingin siya sa OB-GYN. Isang espesyalista pa ang kinuha nito. “Pumasyal si Mama kina

