Bumukas ang mga dilaw na ilaw sa mahabang corridor at nailawan ang mga bakal na rehas, ang hilera ng mga selda. Dito, sa sikretong lugar sa ilalim ng simbahan ay may katahimikang nakabibingi at malagkit na hangin na kumakapit sa balat. Magkasabay na naglalakad sa corridor sina Bishop Israel at Father Markus. "Anong lugar ito?" tanong ng pari. "Apparently, it served two purposes," sagot ng obispo. "Noong unang panahon, kulungan para sa mga kalaban ng simbahan, at noong World War II, taguan naman ng mga kakampi ng simbahan. You could say, for both good and evil." All in all, may 13 cells lahat. Tig-anim sa both sides, at isa sa dulo, sa center na nakaharap sa kahabaan ng corridor. Tumayo sina Bishop Israel at Father Markus sa tapat ng 13th cell. "This is the farthest cell," ani ng bisho

