"Dey are cooming? Who are cooming?"
Nanlaki mata ni Father Deng nang ipaliwanag sa kanya ang naging takbo ng séance. Parating na sila, ang mensahe ng multo ng matanda at ng bata. At ito ang gustong malaman ng JHS. Nasa townhouse naman sila ni Father Deng ngayon, kung saan sila inanyayahan ng Aprikano para magpahinga, gather their thoughts...at matikman ang masarap niyang kape. Naupo sila sa dining table.
"How es de coffee?" ngiti ni Father Deng. "Not too strong?"
"Perfect!" sabi ni Jules, nag-agree rin sina Hannah at Father Markus.
Masarap ang kape, pero ang isipan nila'y nasa kakatapos pa lamang na séance.
"Tingin mo, Jules?" tanong ni Hannah. "Sino ang paparating?"
"Your guess is as good as mine," sabi ni Jules at nagsip ng coffee.
"May iba pa bang sinabi sa iyo ang mga multo, Hannah?" tanong ni Father Markus.
"Ito ang vibe ko..." sabi ng psychic. "Hindi sila nagpapakita para manakot. Actually, may something na tumatakot sa kanila. At 'yung sinabi ng matanda na "Umalis ka dito?"...isa 'yung warning."
"At ang tumatakot sa kanila ay 'yung paparating," intindi ni Jules.
"Exactly!" sabi ni Hannah.
"Which brings us back to the question, who is coming?" sabi ni Jules.
"Demons!" sabi ni Father Deng at nilakihan ang kanyang mga mata, puting-puti sa kanyang maitim na balat. Ikinagulat nila ito. Muntik pang matapon ang kape ni Hannah.
"Demons?" taas ng kilay ni Jules.
"Who els will scer de ghosts?" paliwanag ni Father Deng, at nilakihan muli ang kanyang mga mata, at may turo pa, "Demons are cooming!"
"Don't do that, please," sabi ni Hannah. Hindi siya takot sa multo, pero, nakaka-bother lang talaga ang isang itim na itim na Aprikano na nilalakihan ang mga mata.
"Well, we're not sure yet, father," sabi ni Jules kay Father Deng.
Biglang sumingit si Father Markus.
"Actually, Jules, tama si Father Deng."
Napababa sila ng mga hawak na kape. At kinuwento ni Father Markus ang nangyari sa kanya noong nasa bahay siya ni Bishop Israel—ang vision niya, ang nakitang mukha ng dimonyo. Dalawang beses pa itong nangyari. Pangalawa iyong mukha sa kape. Pangatlo, iyong paggising niya ng madaling araw na mabigat ang dibdib at pinagpapawisan. Iyon pala'y sa dahilang ang panaginip niya'y mukha rin pala ng dimonyo.
"f**k lang," sabi ni Hannah, umiiling.
Sasabihan sana ni Father Markus si Hannah to watch her language, lalo na't may isa pang pari ang naroon, pero, hindi na niya tinuloy. Naisip ni Father Markus, na yes, f**k nga lang talaga ang nangyayari. Kung pwede lang, sasabihin din niya ito.
"Demons are cooming, en dey are cooming for you, father," turo ni Father Deng kay Father Markus, at nilakihan muli ang mga mata.
Umiwas na lang ng tingin si Hannah. Pati si Jules ay nabobother na rin sa facial expression ng paring Aprikano.
"Sooooo," sabi ni Hannah. "Anong gagawin natin?"
Tumingin sa kanila si Father Markus.
"Tatawagan ko si Bishop Israel."
Nang makausap ni father ang obispo'y nasa isang charity event ito at mamayang mga alas-diyes pa ng gabi ang balik.
"But, if you really need me, Markus, pwede ko namang i-skip 'yung ibang programs," sabi ng bishop sa cellphone.
Napaisip si Father Markus. May nagsasabi sa kanya na tagpuin na ang obispo sa lalong madaling panahon, may nagsasabi naman na ipagpabukas na lang. Finally:
"No...no, I'm sure pagod ka na pagdating mo," sabi ng pari, at napatingin din kina Jules, Hannah at Father Deng na nakaupo sa sala't nagpapahinga. "Puntahan ka na lang namin sa office mo bukas ng umaga.
"Are you sure?" paninigurado ng obispo.
"Y-yes," sagot ng pari.
Matapos ang tawag ay sinabi ni Father Markus sa kanila na bukas na lang nila puntahan si Bishop Israel. Alas-singko kuwarenta ng hapon. Bagama't pagod na sina Jules, Hannah at Father Deng, ay desidido pa rin sila.
"Okay lang, father, I mean, we can wait," sabi ni Jules at tumingin kay Hannah at Father Deng na parehong nagsipagtanguhan.
"Malapit lang naman bahay ni Bishop," sabi pa ni Hannah.
Pero, umiling si Father Markus, at sinabi na i-reserve na lang ang kanilang energy para bukas. At nang humikab si Father Deng, ay lalo pang naging madali ang kanilang desisyon. Nagpaalam sina Jules at Hannah, sumakay ng Hi-ace at lumisan. Bumalik naman si Father Markus sa kanyang townhouse.
#
Dahil din sa pagod, ay nakatulog naman agad si Father Markus.
Pero, nang alas-tres ng madaling araw, ay muli siyang nagising na pinagpapawisan.
Naupo siya sa kama, hinihingal. Nagsalin siya ng tubig sa baso mula sa pitsel na nasa side table. Hinanda na niya ito kagabi pa para hindi na siya bababa ng kusina. Naubos niya ang isang basong tubig at huminga nang malalim. Mabigat ang dibdib niya, tulad ng dati na para ba itong dinaganan.
Sa bintana, bumubuhos ang ulan. Galit na binabayo nito ang bubungan at hinahampas ang bintana.
Tumayo si Father Markus at nagtungo sa banyo.
Nagulat siya sa kanyang hitsura sa salamin.
Namumula ang kanyang mga mata.
At naglabasan ang mga ugat sa kanyang leeg.
#
Kinabukasan. Alas-singko y medya pa lang ng umaga ay bumangon na si Father Markus.
Matapos niyang maligo ay sinuot niyang kanyang itim na pampari. Wala siyang ganang magalmusal at nasa isip lamang ay puntahan si Bishop Israel. Alas-otso ang usapan nila nina Jules at Hannah na magkikita sa opisina ng obispo sa Manila Cathedral.
Makulimlim ang umaga, nagbabadya ang ulan nang lumabas si Father Markus ng kanyang townhouse, dala ang itim na payong at nagmamadaling lumakad papunta ng Manila Cathedral. Hindi pa siya nakakalayo nang may tumawag mula sa kanyang likuran.
"Father! Father!"
Lumingon siya at nakita si Father Deng na nagmamadaling papalapit. Naka-suot din ito ng kanyang itim.
"Father Deng?"
Nang makalapit ay nagtaka ang Aprikanong pari dahil si Father Markus ay nakasuot ng dark shades bagama't downcast ang panahon.
"Are you going to de bishop, father?" tanong ni Father Deng.
"Yes, father."
"En why are you wearing dose glasses?" pagtataka ng Aprikanong pari.
Hinubad ni Father Markus ang kanyang shades at nagulat ang kaharap.
Pulang-pula ang mata ni Father Markus.
At nang ipakita niyang kanyang leeg ay napupuno ito ng mga ugat. Itinaas pa niyang kanyang sleeves, at sa kanyang mga braso ay naglabasan din ang mga ugat.
Hindi makapagsalita si Father Deng.
Nagpatuloy si Father Markus sa paglalakad.
"I'ma cooming with you, father!" sigaw ni Father Deng. "I'll just get my oombrella."
Nang makita ni Father Deng na tuloy lang sa paglakad si Father Markus:
"Ooh, forget de oombrella..."
At humabol siya para sabayan si Father Markus sa paglalakad.
Basa ang simento patungo ng Manila Cathedal.
Maya-maya'y pumatak na ang ulan.