Meeting

1660 Words
7: 46 AM. Nakatayo si Jules sa kanto ng A.H. Lacson at Dapitan Sts., bitbit ang takeout mula sa McDo. Maaga pa lang ay may pila na sa loob ng McDo, at sa paligid, nagkalat ang mga estudyanteng taga U.S.T. Naglabasan na rin ang mga nangungupahan, mga nagdo-dorm, para mag-almusal sa mga tapsilogan at carinderia. Karamihan ay may dalang mga payong. Tumingin si Jules sa langit at nakita na malaki ang tsansang umulan. Kulay gray ang mga ulap at may kalakasan ang ihip ng hangin. Nakapagdala naman siya ng payong na nasa loob ng kanyang sling bag kasama ng kanyang laptop. Matapos mausukan ng tambutso ng mga jeepney ay natanaw niya ang Hi-ace ni Hannah. "Finally..." iling ni Jules, at naubo nang bahagya. Sakto naman na stop ang traffic light kaya't hindi na gumilid si Hannah at tinutok na lang ang sasakyan sa nakahintong UV van. Tinulak niyang pabukas ang pintuan sa passenger's seat para makasampa si Jules. "Nabasa mo 'yung text ko?" bungad agad ni Hannah. "Text?" Anong text?" dikit ng kilay ni Jules. "Nagtext ako!" tumaas ang boses ni Hannah. "Sabi ko, palitan mo ng Cheesy Eggdesal with Sausage 'yung Sausage McMuffin ko." "'Di nga?" sabi ni Jules. "Sorry, wala akong nare-receive na text." "f**k naman! Mas gusto ko pa naman 'yung Cheesy Eggdesal!" angal ni Hannah at pinihit ang kambyo pagka't "go" na. Sa inis, sinunod-sunod niya ng busina ang jeepney na bigla na lamang huminto sa gitna ng kalsada para magbaba ng pasahero. "Cool lang, inaasar lang kita," tawa ni Jules at binigay ang sandwich ni Hannah. "Hetong eggdesal mo!" "Shet ka talaga, Jules," irap ni Hannah. "Akina muna 'yung hashbrown!" Kumaliwa sila ng Andalucia St. tungo ng Quezon Bridge. May kaunting traffic sa Quiapo Church, as usual. "Onga pala," sabi ni Hannah habang ngumunguya, "Anong nalaman mo tungkol 'dun sa vision ni Father?" "Wala nga eh," sagot ni Jules. "Magre-research sana ko, pero, nakatulog agad ako, ewan ko ba..." "Ako rin!" pagtataka ni Hannah. "'Di nakatulong 'yung kape ni Father Deng." Makababa ng tulay ay nagsimula nang umambon. Nang makarating sila at kumanan ng Padre Burgos at pumasok ng Intramuros, ay may kalakasan na ang ulan. By the time na nakarating sila at magpark sa may Manila Cathedral ay umiinom na sila ng kanilang orange juice. "Nandyan na siguro si Father," sabi ni Hannah. # Naroon na nga sa opisina ni Bishop Israel si Father Markus kasama si Father Deng. Kilala naman na ng Aprikanong pari si Bishop Israel pagka't na-meet na niya ito. In fact, opisina ng obispo ang nag-arrange ng kanyang tirahan. Kapuwa basa ang isang side ng kasuotan ng dalawang pari pagka't nag-share sila ng payong nang biglang bumuhos ang ulan. Nguni't, hindi ito ang napansin nina Jules at Hannah pagpasok nila, kundi ang nakagugulat na hitsura ni Father Markus. Ang pulang mata at naglabasang mga ugat. "Oh, s**t!" sabi ni Jules. Mindful din naman sila na hindi gamitin ang F-word sa presence ng bishop. "Yes, we know," tango ni Bishop Israel. "Wat es happening to father?" concerned na tanong ni Father Deng. Napatingin sila kay Julius para sa kasagutan. "Well, it's obvious, isa lang naman ang ibig sabihin nito," sabi ni Jules at bumaling kay Father Markus. "Father, gusto kang pasukin ng dimonyo." Nanlamig sila sa sinabi ng parapsychologist. Nang ikuwento ni Father Markus ang tungkol sa paggising niya ng madaling araw na mabigat ang dibdib na para bang dinaganan, ay 'yun na nga. Hindi lang pala ito epekto ng bangungot kundi'y nag-a-attempt na pala ang dimonyo na pasukin siya during his subconscious state. "An entity is trying to get inside you, Markus, pero, hindi ka niya basta mapasok," sabi ni Bishop Israel. Tutoo ito. Hirap na pasukin ng dimonyo at i-possess si Father Markus pagka't malakas ang resistance nito, hindi lang dahil siya'y alagad ng Diyos, kundi'y may taglay siyang kakaibang kapangyarihan, kakaibang lakas ng pananalig. Punto pa ng bishop: "That, and also, exposure to the rosary made you stronger." Isa pa ito: nang gamitin ni Father Markus ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz ay nabigyan pa siya ng isang layer ng proteksyon sa mga kampon ng dimonyo. Lumakas pa lalo ang kanyang powers. Sa kanilang exorcisms, kapag hawak ng pari ang artifact ay nagliliwanag siya. Holy aura. Patutoo pa ng ibang mga saksi, tila nagsalita pa raw ang Diyos mismo sa bibig ni Father Markus. Ang booming voice of God. Sa madaling salita, nagkaroon ng special bond si Father Markus at ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz. "Kung ganon, dapat nga immune na si father sa possession, 'di ba?" sabi ni Hannah. "Pero, bakit parang nagagawa nilang mapasok siya?" Isang katanungan na hindi nila masagot. Except Father Markus. "Matagal na nila akong gustong i-possess," sabi ng pari. Nagtaka ang lahat. "Why do you say that?" tanong ng bishop. Tumingin sa kanila si Father Markus. "Natatandaan n'yo 'yung kaso ni Don Villaromano?" # Narinig nilang tumunog ang mga kampana sa belfry ng Manila Cathederal. And as if by divine providence, ay humina pansamantala ang ulan para bigyang daan ang pagtunog ng mga kampana, bago bumuhos uli. Sa lakas ng buhos ay sinuspend ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila. Nariyan na naman ang pagbabaha ...at mga post sa sss. Ilan sa mga picture frames na nasa mesa sa may bintana ay nagbagsakan dahil sa malakas na hanging ulan. Tinulungan si Bishop Israel ng mga kasama na maiayos ang mga gamit at isara ang mga bintana. "Hindi titigil ang ulan na ito," tingin ni Bishop Israel sa bintana bago bumalik sa mga kausap. "Markus, you were saying?" Naupo sila sa paligid ng desk ng obispo. "Yes, father, anong nangyari noon?" tanong din ni Hannah. "Noong nasa loob kayo ng kuwarto at naiwan kami ni Don Carlos kaharap si Juan Satan..." umpisa ng pari. At kanyang isinalaysay na noong huling major case nila ng possession involving ang dalawang kambal, na kung saan sa kahuli-hulihan ay pumasok si Satan sa katawan ng isang Satanista na nagngangalang Juan Satan at thrinethen ang buhay ni Don Carlos, ang ama ng kambal. Para mailigtas ang don, ay sinabi ni Father Markus sa dimonyo na siya na lamang ang kunin, ang i-possess. Nang kukunin na ng dimonyo ang pari'y nailigtas siya in the nick of time ng private investigator na kakampi nila. "s**t, father! Ba't mo ginawa 'yon!" gulat na sabi ni Hannah. "Ininvite mo ang dimonyo na pasukin ka!" "Wala akong choice, Hannah," malungkot na sabi ni Father Markus. "This is something that can't be undone, Markus," ani ni Bishop Israel. Alam ito ng obispo, as well as nilang lahat, na kapag inimbitahan mo ang dimonyo ay wala na itong bawian. Sa lagay ni Father Markus, hindi na siya lulubayan ng dimonyo hangga't hindi siya napagmamay-ari. Para maputol ito ay kailangang mangyari ang dapat mangyari. Kailangang ma-possess si Father Markus, at makakalaya lamang kung mae-exorcise. May isa silang maliit na concern. Si Father Deng. By this time, nagtataka na ang Aprikanong pari sa nagiging usapan. "We might as well tell him," sabi ni Bishop Israel. "Tell me what, your excellency?" pagtataka ni Father Deng. At inexplain nila kay Father Deng ang lahat-lahat. Ang tungkol sa JHS at ang mga past cases ng exorcism. Kinuwento nila ang pakikipaglaban sa dimonyong si Berith, ang paggamit ng rosaryo ni San Lorenzo Ruiz, ang pakikipagtuos nila kay Satan at mga Satanista, at ang mga bagay-bagay na maaaring nag-lead sa sitwasyon nila ngayon. Maraming instances na napaindak si Father Deng at lumaking mga mata, sa mga bagay na ngayon lang niya narinig sa tanang buhay niya. "So, I wes right," sabi ni Father Deng. "Demons are cooming." Natahimik sila, iniisip ang kanilang kalagayan. "Father, the demon that you saw..." baling ni Jules kay Father Markus, nag-inggles para maintindihan din ni Father Deng. "What does it look like?" "Can you describe him, Markus?" sabi pa ni Bishop Israel. All eyes kay Father Markus, na napaisip. Tatlong beses siyang nagka-vision ng dimonyo: sa bahay ng bishop, sa kape, at sa panaginip. "Red face...horns...balbas...beard..." pag-alala ng pari. "De devil! Setan hemself!" mulat ni Father Deng at may turo pa. "Typical demon, father," sabi ni Hannah without looking. "Base sa powers ng demon na magpakita through vision, first or second hierarchy malamang," pag-isip ni Jules. "It could be anyone sa mga princes ng Seraphims, Cherubims or Thrones..." "Serpahems?" pagtataka ni Father Deng. Inexplain ni Jules ang tungkol sa classification ng mga demons ayon sa librong Historie Admirable de la Possession et Conversion D'une Penitente ng 16th century inquisitor na si Sebastien Michaelis, ang basehan ng JHS. First hierarchy ay mga fallen angels na Seraphims, Cherubims at Thrones na tulad nina Beelzebub, Leviathan at Berith; Second hierarchy ay mga prince of Powers, Dominions and Virtues tulad nina Carreau at Belias; Third hierarchy ay mga prince of Principalities, Archangels and Angels tulad nina Verrier at Luvart. "Of course, they have counterparts based on other literatures, other writers," paliwanag pa ni Jules. "Like Michael Psellus, Cornelius Agrippa, Alphonso de Spina and Peter Binsfield." Namangha si Father Deng sa knowledge ni Jules. "How do you know all of des?" tanong niya. "Research," sagot ni Jules. Napangiti sina Father Markus, Bishop Israel at Hannah. Tama naman, research. Pero, ang hindi sinabi ni Jules sa Aprikano ay tulad ni Father Markus na may power of faith, si Hannah na may psychic abilities, siya naman ay may photographic memory. "Well, it could be anyone sa mga minention mo, ang tanong ay sino?" sabi ni Bishop Israel. "Or sino-sino," sabi ni Father Markus. Natigilan ang mga nakarinig. "What do you mean sino-sino?" tanong ng obispo. "Who? How many?" "Magkakaibang mukha ng dimonyo ang nakita ko," sabi ni Father Markus. "Tatlong beses siyang nagpalit ng katauhan." "s**t! Oo nga!" bulalas ni Hannah. ""Di ba sabi rin ng mga multo eh sila. Parating na sila." "I also sed demons! Not one, but mene demons!" dilat ni Father Deng. "Yes, father," tango ng bishop. Nagkatitigan sila ni Father Deng at medyo nailang siya, pagka't kung may powers naman ang Aprikanong pari, ito'y ang hindi kumurap ng matagal. "Kailangan nating ma-identify sila!" sabi ni Hannah. "Jules! Baka may makuha tayo sa video at audio recordings mo!" "Yes! Tama!" sabi ni Jules. Biglang umungol si Father Markus, at napakapit sa kanyang upuan. "Father?" tingin ni Hannah. "Father, are you okay?" lapit ni Father Deng. Nakaramdam ng p*******t ng ulo ang pari, at panlalamig sa katawan. Nagpakuha si Bishop Israel ng gamot para kay Father Markus at ng mamemeryenda ng lahat, habang kinuha ni Jules ang kanyang laptop para kanilang i-review ang mga recordings. Sa labas, patuloy ang buhos ng ulan hanggang sa ikalawang kalembang ng mga kampana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD