Sumilip ako sa classroom namin at nag-iingat na walang kaklaseng makakita sa aking pasulyap-sulyap sa loob. The class has already started fifteen minutes before! Nahuli ako dahil naeengganyo sa pakikipag-usap.
Our teacher wrote something on the board. Nakatalikod siya mula sa pintuan kaya binalak kong pumaslit nang hindi nila napapansin. Hindi naman kalayuan ang upuan ko. Kung walang magsusumbong ay hindi ako mahuhuli.
But before I could do that, my teacher turned around just when I was on the doorstep. Natigilan siya at umalsa ang kilay pagkakita sa akin. Ang abala kong mga kaklase ay natigil din sa ginagawa at nagsilingunan sa direksyong pinagmamasdan ng guro namin.
“Ah...” I awkwardly stood alone on the doorstep and fiddled with my fingers to calm my pulsating heart.
“Yes, miss Bautista? Do you know what time it is already?”
I bit my lower lip and nodded in accordance. Bumaling ako sa oras na ipinapakita sa screen ng cellphone at binanggit ang oras na naroon.
“9:48 AM na po, Ma’am.” I answered.
Napapikit ang guro namin at napailing. My classmates started laughing as if I had said something funny. Ano bang nakakatawa? I just answered my teacher’s question about the time. I really just wanted to get inside now and mope on my seat.
Iginala ko ang tingin sa mga kaklaseng chini-cheer pa ako para makahanap ng kaalwanan. My eyes stopped at Noah and I almost jumped from where I stand. Nakatitig siya gaya ng mga kaklase ko ngunit hindi naman siya tumatawa sa sinabi ko kanina. Unlike my classmates who were very interested to witness what was happening, his eyes were evident of boredom and annoyance. Parang gusto na niyang pumasok ako dahil nakakaistorbo ako sa klase.
Pinapasok din naman ako ng teacher namin at dahil na bad mood sa pagiging late ko, nadamay pati ang ibang kaklase namin. Pinakuha kami ng papel at magpapa-quiz daw siya sa mga itinuro niya kanina. Wala ng kalalagyan ang mga madilim na iniisip ko kanina dahil wala na akong karapatang manatili pa roon habang walang alam sa magigin sagot!
Maraming reklamo ang maririnig habang nagaganap ang test at may mga pasaring pa na sa akin papunta. Hindi na lang ako nagsalita at nag-focus. Nagbabakasakali na lang akong may question na alam kong sagutin.
In the end, I got 3 out of 20. Iyong mga kaklase ko ay mababa rin ang scores at may nakakuha pa nga ng bilog. My teacher was so disappointed that only few got passing. Si Noah naman nakakuha ng perfect score. While everyone has him as their eye candy, they don’t have the opportunity and liberty to compliment him. Nagsimula na kasi ang mahabang sermon ng guro namin at hindi na lang iyon patungkol sa pagiging late ko dahil halata namang late man ako o hindi, kapag nagkaroon ng test ay ganoon pa rin ang magiging resulta nila. They just have a certain person to put the blame to because they can’t accept that they’re also to be blamed.
Nang umalis na ang guro namin ay ‘tsaka pa nakahinga nang maluwag ang mga kaklase namin. Noah seemingly not affected by the tension rested on his seat. Oo nga naman at siya lang sa lahat ang nakakuha ng perfect score.
Tumayo kaagad si Amanda nang matapos ang subject at nakakrus ang brasong lumapit sa akin. I avoided my gaze at her but still waited for her to say what she wanted to say.
“Saan ka galing?” she asked her brows twitching in irritation.
“Ah, kasama ko sila Maria.”
Nangingkit ang mata niya at hindi na sumagot. She just nodded and seemed to believe what I had said. I don’t think she fell silence because of the awkwardness upon hearing my friends from other classes’ names. Nagkapatawaran naman na kasi ang lahat at may mga pagkakataon pang sabay kami sa lunch. Although it only happen whenever we’re not eating on the rooftop.
Naupo siya sa upuang katabi ko kaya napapagitnaan ako ni Noah at Amanda. Tahimik lang ang dalawang katabi ko. Si Noah na mukhang nakatulog na sa kinauupuan at si Amanda na hindi na nagsalita at tumabi lang sa akin. Nagpalipat-lipat na ng mga upuan ang mga kaklase ko para kausapin ang mga kaibigan. No one paid attention to the three of us and none of them both also paid attention to me so I calmed down in the midst of silence. Nagkaroon ako ng pagkakataong muling maisip ang mga pinag-uusapan namin kanina.
Tumunog ang alarm ng school naming hudyat na break time na namin. Nagsitayuan kaagad ang mga kaklase ko para bumili ng snacks sa cafeteria. Ang iilan naman ay bumibisita sa ibang puwesto para makipag-usap sa mga kaibigan.
“Amanda, pupunta ako ng cafeteria. Sasama ka ba sa’kin?”
Amanda shamelessly yawned and stretched her arms. Nang mapagtantong kinakausap ko siya ay lumingon siya sa akin.
“Hindi na. Inaantok ako. Matutulog muna ako saglit.”
“Wala kang ipapabili sa akin?”
Umiling siya at tuluyan nang umidlip sa puwesto. I shrugged and went out alone.
Hindi masyadong marami ang tao ngayon dahil hindi pa naman lunch time at marahil busog pa ang mga estudyante. Naghahanda pa naman ng niluluto nila ang mga tauhan sa cafeteria at kung ikukumpara sa tanghali ay kaunti lang ang panindang ulam.
I rarely went out for breaks to get snack. Kadalasan sa tuwing hindi ako nakakakain sa umaga dahil male-late na sa klase o hindi kaya’y kapag tinatamaan ako ng gutom. Ganoon din siguro ang iilang narito sa cafeteria. May mga umupo na sa puwesto nila at kumakain ng full meal. Balak ko na ring kumain dito. Mahirap naman kumain sa loob ng classroom kasi ang iingay at kukulit ng mga kaklase ko.
I brought my tray and look for a place to seat. Bago pa ako makahanap ay may kumakaway na sa aking mga estudyante.
“Georgina!” they called out.
Malawak ang ngiti kong tumugon sa kanilang tawag at dahan-dahan sa pagpunta sa kanila dahil sa puno na tray. Umusod sila sa gilid at pinaghila pa ako ng bagong upuan dahil kulang ang naroon sa table nila.
“Gutom na gutom ah? Hindi ka kumain ng agahan?” si Frezie na napansin ang mga nilalaman ng tray.
Tumawa ako at tumango.
“Parang ganoon na nga. Matagal akong nakatulog kagabi dahil sa assignments, matagal ding nagising.”
“Hindi lang ngayon nangyari na nakalimutan mong mag breakfast ano?”
I sheepishly grinned and placed the last plate on the table. Wala namang masyadong laman ang table dahil snacks lang naman ang mga pinamili nila. Inilagay nila ang sagabal na tray sa kabilang bakanteng table.
“You should not skip your meals. Pinaka importante ang breakfast sa lahat.”
We started talking about different things after they admonished me for not minding my health. Napadpad na sa kung saan-saan ang pinag-uusapan namin habang nakikinig ako at tumatango-tango dahil abala pa sa kinakain. Sometimes I would answer if there was I need for me to. Wala naman daw silang klase sa susunod na subject at inalarma na sila ng next subject teacher kaya nakipagkuwentuhan lang ako nang hindi sila inaalala, nakalimutang sila lang ang walang pasok at meron pa akong next subject.
“Hindi mo kasama ngayon si Amanda?”
“Nasa classroom, tulog.” Natawa ako at umiling.
Frezie tsked regretfully.
“Sayang. I thought Amanda and I will have another discourse this day. Inaabangan ko ang mga araw na ganoon.”
Natawa kaming apat sa sinabi nito. We don’t feel awkward about what happened anymore. Sa tuwing naaalala nga iyon ay itinatawa na lang naman lalo na’t napagtanto kung gaano ka babaw ang ugat ng away namin. It was not even worth the putting of hair and snapping of school uniform’s buttons.
Ngayon napagtanto na nilang ganoon lang talaga makipag-usap si Amanda at iisipin mong hindi ka niya gusto. You would think she’s carrying a hidden ire towards you because her words were always spicy. Nagkasundo rin sa huli si Amanda at Frezie at kapag nagkakasagutan ay naiintindihan na nilang wala sa kanila ang nanghahamon ng away at ganoon lang talaga ang isa’t-isa.
“Ah, may bagong classmate kayo ‘di ba? ‘Yong guwapo raw?” tanong ni Maria.
Sinapok siya ni Moore sa ulo. She looked at her as if Moore has done something she cannot comprehend.
“Guwapo kaagad ‘yong una mong naiisip ah.”
“What? Don’t get me wrong, he’s not my type. It’s the description people always gave him so that’s what came to my mind first. Guwapo, mysterious and silent type daw.”
“Kung hindi mo type, ano bang type mo?” tanong ni Frezie. She raised both her hands as if in a defensive mode. “Oh, ingat ka. Dapat ‘yong reachable lang. Turo iyon sa atin ni master Amanda,” biro nito. Tumawa si Maria.
“Well, you could say that it’s still unreachable. Guwapo, tall, achiever at magaling makipaghalubilo sa mga tao.”
Achiever din naman si Noah, mukha lang hindi dahil kapag titignan sa panlabas na itsura niya, iisipin ng iba na sa sobrang anti-social niya ay hindi na rin kayang maging competitive. I said inside my mind but kept it to myself and just let them lead the flow of conversation.
“Ah, unreachable nga kung sa’yo. Hindi mo talaga kinalimutan ang guwapo, ano?”
“Oo naman!” sagot nito nang walang pagdadalawang-isip.
“Hindi ba parati mong kasama ‘yon?”
“Sino?” Kumunot ang noo ko.
“Iyong bagong classmate mo.”
Ah, si Noah...
Tumango ako. I thought we’re moving on to another topic but we’re still talking about Noah. I know my friends don’t like him because I know their type but for some reason, I don’t want us to dwell on the same topic. Just like how I hated it when my little secret, Noah, came to my sight that day. Alam ng lahat kung sino siya at kahit pa man hindi naman nila nakikita si Noah tuwing gabi sa convenience store, he became their eye candy and secret, too.
A lot of people know more about his existence, I feel like even if he’s just in front of me, I can’t reach to him. Maybe I was just being selfish.
“Then that means...” Pinandilatan ako ng mata ng mga kaibigan ko. They also know what I like. They knew Noah perfectly fits the crown.
Bago pa man ako nakasagot ay may narinig na akong nag-uusap malapit sa amin. Their voice were loud enough for us to hear it. Nagbubulong-bulungan pa sila, mukhang butas naman ata ang boundary na ginawa nila.
“Kasama raw niya parati si Oliver?”
“Huh? Really? Sinungaling naman ‘yan. Nakikita ko ‘yan sila parati. Hindi naman niya makakasama si Oliver kung hindi dahil kay Amanda.”
“Totoo namang malapit si Amanda at Oliver sa isa’t-isa. Maybe they’re in a relationship. Pareho namang tahimik lang ang dalawa kaya siguro wala pa tayong nalalaman.”
“Obviously. Nakikisali lang naman ‘yang isa riyan porke’t kaibigan niya si Amanda. Siguro naiinis na rin si Oliver dahil hindi sila mapag-isa ng girlfriend niya. She’s trying to be a relationship breaker. Hindi naman maganda!”
Kanina ay nanahimik lang sina Frezie ngunit ngayon ay halata na ang iritasyon sa mga mukha nila. The three of them—Maria, Frezie and Lyka—stood up. Sa gulat ko ay nanatili akong nakaupo at ipinihit na lang ang katawan para masundan sila ng tingin.
“Hey, ladies. Looks like you are having fun talking about other people’s lives...” salubong ni Frezie sa kanila.
“Oh, sino ba kayo?” naiiritang sagot ng isa sa kanila.
‘Yong isa naman niyang kasama ay hindi nagsalita ngunit sa akin nakatitig ang matalim na mga mata. I shifted on my seat and contemplated on what to do. Akala siguro nila ay nagpapatulong ako sa mga kaibigan. I don’t even have to tell them that and I know for the fact that my friends were not the people I can just control. If they wanted to do something, they would do it without a doubt and in sync.
“Wala naman. Just a nobody,” Maria answered gracefully. The other girl snorted as if silently making fun of Maria. “Were just a nobody, just like the two of you.”
Tumawa si Moore sa idinugtong ni Maria at umupo sa mesa ng mga babae. Nanatili si Lyka sa tabi ko at hawak-hawak ang kamay ko.
“Alam niyo, hindi naman masamang mag-usap usap... as long as it’s for the fact. But rumors, they’re for brainless people like you who have an uneventful life. Kaya sa halip na mamuhay kayo nang tahimik ay nagdadaldal kayo nang kung anu-ano!”
“Si Frezie, baka kung ano na namang mangyari.”
I was just worried that she would be sent again to the disciplinary office. Baka may hilahan na namang buhok ang mangyari.
Umiling lang si Lyka at ngumiti sa akin. Among the four of them, Lyka was the one who always stay away from dangerous arguments. While Frezie and Moore were assertive and Maria was sweet yet cunning, Lyka would always speak to her softest and calmest voice. Parang ayaw niyang may masaktang tao kahit sa tono lang ng pananalita niya.
“Hindi ba kayo naaawa kay Amanda at Oliver na pinag-uusapan niyo? And nothing was proven right yet so why are you all taking it on Georgina?”
“Oh, is it because Georgina can be with Oliver while you can’t. Kahit ano pang galit ang maramdaman mo riyan, kahit magmaktol ka pa, hindi niyo makakasama nang ganoong kalapit si Oliver. Ganoon ba?”
Nalaglag ang panga ng dalawa at parang nahuli pa sa akto. Pumalakpak naman si Frezie at Moore sa ginawang realisasyon ni Maria. Maria smiled cheekily after being praised by her leading friends.
They came back as if they’ve won a court debate. Nagsialisan kaagad iyong nanatili sa cafeteria para matuklasan lang ang one-sided na sagutan. They high-fived each other. Pagkatapos ay lumingon sila sa akin at nag-aabang na tumugon ako. I weak smile broke my lips and I gave them all a high five.
Matagal bago nila mapagtanto ang oras at nang makita iyon ay pinapamadali akong bumalik sa classroom dahil baka raw ma-late ako. I just nodded at him silently and turn my back from them.
I ran in the middle of the hot field trying to catch up to the time. Or it was more like trying to catch up the colourful part in my mind that just left me. After hearing what other people said about it, I can no longer pretend to ignore it.
Hindi lang naman sila ang naiisip iyon. Sa araw-araw na kasama ko ang dalawa ay wala ni isang beses na hindi pumapasok sa isipan ang mga ideya na iyon. I had pretended that it didn’t bother me. I pretended that it was fine and I was just thinking too much but now that it’s here, I know it’s real. It’s not just what I think, that was how other people see it too.
I thought that reality won’t hurt me but it hurts even more than I thought it would.
Noah was always in front me. And him being in front of me makes me happy. He was like my image of hope and the other feelings that I have lost. He was like a bag that my mother had sent me to bring back what she had robbed. I thought he was only in front of me but I can’t reach at all.
That’s because Amanda was there. She was behind Noah. Other people were behind him as well and watching him as their little secret. We were all sharing the same secret but it seems like I had lost. Amanda and Noah had their own little secret only the two of them knows. Kahit pa parati kong kasama ang dalawa, parang nasa ibang palapag pa rin ako. I felt left out. I felt like I shouldn’t really be here.
Bumalik sa upuan niya si Amanda nang pumasok ang next subject teacher namin. Nagsitakbuhan na rin pabalik sa kaniya-kaniyang upuan ang mga kaklase namin. Noah woke up from his sleep and listened to our teacher when she started talking.
Nanatili lang akong lutang at nakatitig sa pisara namin. I wanted to look at outside the window. It would probably distract me from my ill-thoughts more but I would be called out by my teacher if I do that. Sa pisara na lang at iisipin nitong nakikinig ako dahil sa harap naman ang tingin.
Ilang sandal ay nagsitayuan na naman ang mga kaklase namin. Akala ko tapos na ang klase kaya tumayo na rin ako para sa lunch break pero lumapit sa puwesto ko si Amanda at may dalang papel, libro at ballpen. Tinaasan pa ako ng kilay na para bang nahihiwagaan sa akin.
“Oh, saan ka pupunta?”
“Huh?”
Napakurap-kurap ako at ngayon lang nakita nang buo ang nangyayari. Nagsilipatan ng upuan ang mga kaklase ko at ang iba ay nasa lapag na dala ang mga gamit gaya ni Amanda. Our teacher was still in front and watching over us.
“Ah, may gagawin tayo?”
“Oo. Hindi ka ba sinabihan ni Oliver?”
“Huh? Bakit naman ako sasabihan ni Noah?”
Napabuga ng hangin si Amanda bago ako makatanggap ng tapik sa ulo gamit ang papel niya. Napupuno na ata siya sa kalutangan ko. Umupo na lang ako at nahihiyang ngumiti sa kaniya.
“Tanga. Magkasama tayong tatlo sa isang task.”
“Ah...” Napatango-tango ako. “Kasama si Noah sa task na ‘to?”
“Oo. Sinabi ko nga na magkasama tayong tatlo sa isang task.” Amanda tsked and took the seat beside me. “Ayan kasi hindi nakikinig sa teacher.”
“Sorry.” I laughed to make me fault light.
“Tinawag mo si Oliver ng Noah. Ayaw mo bas a Oliver? Iyon ang tawag ng karamihan sa kaniya ah.”
“Noah is... easier to say,” mabagal kong sabi, hindi sigurado sa isasagot. I wanted to say it sounds good for me but it might offend Amanda or I might hurt Amanda by saying it. Bumabalik na naman sa akin ang mga napagtanto kanina. Ah, no. I’ve realize it long ago. Ngayon ko lang natanggap na baka ganoon talaga iyon. I never fell along with the waves of rumors because long ago, before it even started, I already created an assumption that would hurt me.
“Hmm, okay.” Iyon ang sinabi niya ngunit hindi ako nilubayan ng mga mata. She squinted her eyes as if looking for a secret I am trying to hide. Napaiwas ako ng tingin at bumaling sa kabala ngunit si Noah naman ang nahuli ng paningin.
Without a care to the world, he sat languidly on his seat. Nakataas ang isang paa sa upuan at sa kabila ay nakababa lang ito, his long legs that makes long strides in full view. Kumakain lang ito ng lollipop habang nagbubuklat sa librong kailangan namin. Nang maramdamang may nakatitig sa kaniya ay nagtaas ng tingin sa akin. He took out the chocolate lollipop he was eating.
With his head slightly tilted, his slanted eyes looking directly at me and a lollipop on his hand, he looked as if he was modelling the product. If that happened, it would immediately sell.
Tumaas ang kilay niya sa akin, doon ako natauhan at naramdaman ang hiya at matinding kaba.
“What do you want?”
“Ah! H-Hindi mo ako sinabihan.” I struggled looking for words to pardon myself. At nang makahanap ng salita ay hirap iyong binigkas sa kaniya na parang pupugutan ako ng ulo kapag hindi niya iyon nagustuhan.
The visible frown on his forehead returned. Parang kanina lang ay komportable siya at nang mapagtantong ako ang kausap ay naiirita na siya.
“Whatever. I don’t think I need to. Mandy would tell you about it anyway.”
Mandy... That was Amanda’s nickname he mentioned back then.
Nagsimula akong makarinig ng bulungan galing sa mga kaklase ko. I instinctively flinched in fear of those whispers. Remembering what happened a while ago, I feel like I would totally break if I would hear more. I was trying to protect myself but the whispers inside were even louder.
So they also noticed about the nickname.
Dati pinipilit ko sa sarili na nagtatampo ako dahil hindi ko alam ang nickname ng kaibigan ko. I forced myself to accept that lies when I know it was not how I feel. I feel bad and hurt because they seem to have a world both of them belong. A world where I cannot exist.
“Gia?” boses ni Amanda na nilulunod na ng bulong ng mga kaklase ko.
I bit my lower lip and avoided anyone’s gaze. Nanginginig ang kamay ko sa kakapigil ng bugso ng damdamin. If I cry in here, it would be shameful. I can’t let myself cry in here.
Bumibilis ang paghinga ko at hindi pinansin ang tawag ni Amanda. Naramdaman ko ng hawak niya sa balikat ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Breathing even felt so hard to do at this moment that I thought if I’ll trip from my pace, I’ll die in suffocation.
“Gia, ano ba? Ayos ka lang ba? Tell me. Are you feeling ill? Pupunta tayong clinic ha? Sige na...” Amanda’s voice grew softer but I know she was panicking inside. I felt bad for ignoring her and bearing these conflicting feelings towards here. It’s not that I hate her but I am very envious of her.
Parang napupunong lalagyan, bubuhos iyon palabas at hindi titigil ang pagbuhos kapag hindi napatay ang gripong pinagmulan. My tears started to fall from my eyes, I trembled while trying to stop my sob from escaping. Hindi ko na naririnig sa malapit si Amanda ngunit kausap na ata ang guro namin.
I moved to secretly wipe my tears but before I could reach my face, somebody else’s hand held my chin. The hand that guided my head up handled me gently, the person must’ve cared for me deeply for them to caress and touch my face this way. Ngunit nang magtama ang paningin naming ng taong iyon ay si Noah ang sumalubong sa akin.
He stared at me. His face was grim and contorted with an unfathomable expression. Tears started falling even more. The sobbing came out and my classmates, teacher and Amanda turned their head on our seat. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita ang expression nito.
Even when I was crying, he hated me.