I felt so helpless at that very moment. In the middle of the crowd where everyone was only there out of curiosity and to eavesdrop, I know I have no accomplice. I felt so alone and wronged. Hindi ko makalimutan ang mapanghusgang mga mata ng mga nakarinig ng sinabi ko at ang gulat na ekspresyon ni Amanda pagkatapos ng aking pag-amin.
And when my eyes averted into another place, he was there.
Hindi ko man lang napansin na naroon siya at gaya ni Amanda ay narinig ang pinag-aawayan namin ng mga babae. Madilim ang ekspresyon niya at mariing nakakunot ang noo. I've never seen him with this intense expression. Parati man ay madilim ang mukha niya ngunit wala ng mas ididilim pa ngayon. His face was read in fury and shame.
It doesn't make it any better now that he's there and heard all of my shameless confession. Kung kanina ay malayo sa hiya ang naramdaman ko, ngayon ay unti-unting gumagapang ang pakiramdam na iyon. I feel angry to myself that I have the guts to feel that way when I just brought shame to Noah.
Bago pa may dumugtong ng salita sa mga nangyayari ay tumakbo na ako papalayo sa kanila. Sa bilis ng pagtakbo ko ay nakakamanghang hindi ako natapilid habang tumatakbo rin ang isipan.
I covered my face with my pillow and started screaming inside my room. My muffled screams and the slight shivering of my voice made me feel even worse. Ramdam ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata at ang panunuyo ng lalamunan ko.
Paano ko sila haharapin!?
People would definitely talk about it. Kahit na hindi na masyadong marami ang naroon at nakakarinig ay panigurado akong mayroong magkakalat ng kuwento noon. They will have different versions of what happened and I know my image won't get any better. Sa lahat ng bersyon magmumukha pa rin akong desperado.
In the first place, I was so desperate to fight for myself and our friendship. I was so desperate to fight for my place in their lives. It makes it seem like I am so pitiful.
That is why when weekdays came, I tried my hardest to avoid them.
Sa tuwing nakikita ko lang ang mukha nila ay bumabalik sa akin ang lahat ng pakiramdam sa sitwasyong iyon. And what is reigning is the feeling of embarrassment. Lalo na sa tuwing naaalala ko kung paano nasira ang iniingatang ekspresyon ni Noah sa mga sinabi ko. He's probably so disgusted and ashamed. No one ever shamelessly confessed their feelings to Noah in front of a crowd, while being oblivious to what it could result to.
"Miss Bautista, why aren't you on your seat?"
Huminto ang guro namin sa pagsusulat sa pisara nang mapansing nasa ibang upuan ako. Matuwid ako sa pag-upo at ipinapakitang wala akong balak magsimula ng gulo. I just... wanted to stay away from them. From him.
"Ma'am, ito na po ang bago kong upuan," diretso kong pahayag na ikinataas ng dalawang kilay nito.
"And who says that? I am your adviser. I get to decide your seating arrangement. Bumalik ka ngayon sa totoo mong upuan."
Nakatitig sa akin ang mga kaklase ko at para bang ikinakahiya ako. I bit my lower lip trying to gain sympathy from my teacher. This is the only time I needed their sympathy. Iyon lang ay tinaasan lamang ako nito ng kilay at isinenyas ang upuang kong katabi si Noah.
I pouted and stood up from my seat. Iritado naman ang nakaupo sa totoo kong upuan dahil kailangan niyang bumalik sa upuan niyang hindi katabi ni Noah. With a heavy heart, I walked towards my seat. Ibinagsak ko ang bag na dala at pabagsak ding umupo sa upuan. Nang makuntento ang guro namin ay binalikan na nito ang ginagawa.
Noah is just sitting on his seat like her presence did not affect him one bit. Iritado ako roon at sa sarili rin. Para saan ang lahat ng dinadala-dala kong pakiramdam kung wala lang naman sa kaniya ang mga iyon? He's probably used to being confessed in private and even in public. Oo nga naman at sa maikling panahon ko lang siya nakilala. Even when I knew him before anyone else, aside from Amanda, I am still a stranger to him and to all of these.
Nilingon ako ni Noah nang kumuha ako ng notebook mula sa bag. Nakaguhit ang malalim na kunot sa kaniyang noo. Bumaling din ako sa kaniya at saglit pa bago ko napagpasyahan ang tamang gawin. I moved my chair from his. Gumawa iyon ng nakakabinging tunog na siyang ikinalingon ng mga kaklase ko at guro naming abala sa pagsusulat at pagsasalita sa harapan.
"Miss Bautista, hanggang kailan ka titigil?" iritado nitong saway sa akin. Dinig ko ang bulong-bulungan ng mga kaklase ko. They were probably going on about my shameless confession, the reason behind my strange actions these days.
Noong nakaraang araw ay nanatili naman ako sa upuan katabi ni Noah at wala pa sa isip ang lumipat. However, I did not join them during lunch. Minsan nga ay mukhang nag-iisa pa si Amanda sa rooftop dahil hindi sumabay sa kaniya si Noah. Ilang araw na ako nitong pinipilit na pasamahin. Pahapyaw lamang iyon at binibigyan pa rin ako ng kaunting distansya para sa sarili. I was unyielding and never gave in.
Noah kept on staring at me. No. It was more like a glare. Hindi mawala-wala ang kunot ng noo niya at sa tuwing magtatama ang paningin namin ay mamumula siya sa galit. He would clear his throat and avoid my gaze like a plague. Kaya doon ko napagpasyahang lumipat na rin ng upuan!
Now that I am exposed, I grow stronger conviction to avoid them. Wala na akong mukhang maihaharap kay Amanda.
Ilang akong ngumiti sa kanilang lahat.
"Pasensya na po..." I apologize. I sink on my seat and played with the curls of my thick and long hair.
Pagkatapos ng klase sa umaga ay kinawayan ako ni Amanda mula sa kaniyang upuan. Nanatili siyang nakaupo kagaya ko at ng kapatid ko.
"Si Oliver, pakigising," she mouted. "Maghihintay ako sa labas." Iyon ang sinabi niya bago tumayo at maglakad palabas ng classroom.
Ilang segundo akong nakatitig lamang sa labasan ng classroom at hindi malaman ang gagawin. I glanced at Noah. Mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko at namayani ang pagdadalawang-isip sa gagawin.
Nasa kabilang banda nakapilig ang kaniyang ulo. His face is slump dreadfully on the armchair. His long limbs sprawled languidly on the floor like he is owning it.
Bago pa ako makaabot sa desisyon ay bumaling ang ulo niya sa kinauupuan ako. His eyes were open that he caught me by surprise.
Mabilis akong napatayo sa pagkagulat at hinila ang bag na nakasampa sa likod ng upuan. I forgot that the zipper is open. Bago ko pa iyon isampay sa isang balikat ay hindi na kinaya ng bigat ang laman ng bag ko. My notebooks slip off from my open bag. Bumagsak ang mga iyon sa ulo ni Noah!
Halos iwanan ko ang mga nagkalat na gamit para lang makatakbo. Before I was able to take another step, I felt a hard grip on my wrist. Napahinto ako kagaya nang kung paano saglit na huminto ang paghinga ko. My eyes dropped at the cold hand that enveloped my frail wrist.
Diretsong nakatitig sa akin ang mga mata niya na nakaguhit ang iritasyon. It did not help one bit that his face looks austere. Parang kaunting pagkakamali ko na lang ay mapipitid na ang kaunting sinulid na dumudugtong sa pasensya niya.
I froze in place. Nanatili ang titig ko sa kamay niyang nakahawak sa akin na may nanlalaking mga mata. It felt so strange how his cold hand brought warmth to my insides. The foreign feeling overwhelmed all of my senses that I don't know how to react accordingly. If I am sane, I would apologize to him, gather my things and run away in haste but I am not! I am ashamed that I feel delighted by the meager touch of our skin.
"Are you not going to apologize?" tanong niya sa akin sa mababang boses. His expression calm down a little bit but the slight irritation remained. Hindi naman mawala-wala iyon kapag sa akin napapadpad ang kaniyang mga mata.
"Huh?" lito kong usal nang hindi mahinuha ang sinabi niya.
Nakita ko ang pag-irap niya at ang pagod na buntong hininga. Padarag siya sa pagbitaw ng palapulsuhan ko bago umayos sa pagkakaupo, hindi ako iniiwan ng mga mata.
"Anong kailangan mo sa akin? You kept on staring at me while I was resting."
"Uh..." Nilingon ko ang labasan kung nasaan si Amanda. Pilit ko pa siyang inaaninag doon. Sa pagkakataon lamang iyon ako tuluyang nakagalaw sa paninigas. I came back to my senses after he pointed it out.
I should stop staring at him or he'd recall my shameless confession! Sa mga nakaraang araw ay mukhang hindi naman niya iyon alintana kahit ni Amanda. Only the people not even related to the three of us are making a big deal out of it. Pero malay ko ba kung ano ang nilalaman ng isip niya. He's not something I can just figure out with a simple stare.
Sinundan ni Noah ang tinitignan ko at nagtagal doon ang pagkakatitig niya na para bang iniintindi kung bakit bumaling ako roon.
"Naroon si Amanda. Pinagising ka sa akin. Maghihintay lang daw siya sa labas." Nagdiwang ang loob-loob ko sa dire-diretso kong pagkasabi noon. I silently applaud for myself thinking it could strengthen the melting confidence inside me.
"What for?" Pinagtaasan niya ako ng kilay, tila nanghahamon sa akin kahit nautusan lang naman ako! Hindi ako ang may intensyong putulin ang masarap niyang tulog!
The confidence I just slowly build began crumbling. We were playing dominos, placing them in line and the mere push of his pinky were enough for them to start falling one by one. Sa isang maliit na galaw niya lamang ay nauubos ang nagdudugtong ng lahat-lahat sa akin. Hindi ko maiwasang hindi manliit.
His presence is even enough to make me feel things I thought I had long missed, that includes all the feelings I'll be ashamed to have. Paano pa kaya kapag ganiyang mga titig ang ibinibigay niya sa akin? I am certain he is able to pull all my inner souls out of their deepest sanctuary. I fear he would know what I am and what I am not.
"Para saan at kailangan akong gisingin?"
"S-Siguro para mag-lunch..." pigil hininga kong usal. Nagkabuhol-buhol pa ang mga letra at nabasag ang boses. I cleared my throat and acted as if it doesn't fazed me at all.
"Oh..." His lips formed into a small O. Ilang saglit siyang hindi nagsalita at nakatitig lamang sa kamay niyang nasa armrest bago nag-angat muli ng tingin sa akin. "Hindi ka na naman sasama?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. It sounded like he was accusing me.
"Uhm, may gagawin ako..."
"Ano ang palusot mo ngayon?" He leaned on his hand. Nakatukod ang siko niya sa armrest, nakabaling sa akin ang ulo habang malamya sa kinauupuan.
"I am not making excuses!" Napataas nang bahagya ang boses ko. Nakita ko ang dahan-dahang pag-angat ng labi niya dahil doon. It sounded as if I am really trying to make excuses! Parang guilty pa ako na hindi sasabay sa kanila ah!
"Then let's hear you out. Ano ang gagawin mo?"
"I am eating with my friends. Lalabas kami sa kalapit na mall." I gritted my teeth after my words. I talked too much and winded up sharing more than what I should have.
"Lalabas? Kung ganoon, hindi na sa library ang palusot mo."
Mariin akong umiling.
It is true that I've been hiding in the library, using it as an excuse to avoid further interactions from the people I am trying my hardest to avoid.
Pero hindi ako nagsisinungaling ngayon. Talagang lalabas ako kasama sila Maria!
"Hindi. Lalabas talaga ako ngayon."
"Hmm..." he nodded languidly, he is making fun of me! Para bang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko dahil alam na alam niya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.
"Hindi sa library at lalong hindi ka rin magmumukmok nang dahil sa akin." Tumango-tango ulit siya.
"I will eventually moved on from you!" I glare at him. I did not expect him to tease me like this. Sa ilang araw ay nananahimik lang naman siya at susulyap lang sa akin. Gaya ng dati ay wala namang pagbabago sa reaksyon niya sa akin. He really dislikes me.
I already accepted that. At kahit alam ko man iyon, hindi naman agad-agad mababawi ko ang nararamdaman laban sa kaniya. I like him even when he doesn't feel the same way. Hindi ko lang maiwasang hindi mahiya at mairita sa pang-aasar niya! He find it so fun teasing me after he turned me down wordlessly.
"Atsaka crush lang naman kita. Mababaw lang naman iyon!" Siguro... Hopefully it is just what I think it is!
"Okay, crush lang." He nodded like it's the only action he can coincide with his joshing. However, the mere nodding is powerful that he is able to offend me with only that! "So you won't cry anymore because of me?"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nakita ko ang paglalaro sa mga mata niya. It is the first time I saw him with that look. He looks playful, but still not very friendly. The dangerous glint of his honey mead eyes, bright and fluid, I know very well how those eyes swiftly changes into different expressions.
"I... I didn't cry because of you. It's just that..." I draw a heavy sigh. Umangat ang dalawang kilay niya at naghihintay sa kasunod kong sasabihin. "I am hurt because I feel out of place. I feel like I don't belong in here. Kaibigan niyo naman ako, hindi ba?"
I give him a hopeful expression.
Tumayo lamang siya. Isinilid niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. Kinakain ng hakbang niya ang kaunting distansya sa pagitan namin.
Napaatras ako nang kaunti ngunit inisang hakbang niya lamang iyon para makaabot sa harapan ko mismo. I am frozen in place. Ang tanging nagawa ko lang ay ibalik ang matalim na titig na sa akin, taliwas ng sa kaniya ay malambot ang titig ko.
He leaned closer to me. Huminto siya nang maabot na ang tenga ko.
"I told you we are not friends..." I gasp.
Napalunok ako at ipinilig nang kaunti ang ulo. Ganoon din ang ginawa niya na nasa gilid mismo ng mukha ko. Nagtama ang paningin namin at pakiramdam ko kapag gagalaw lang ako nang kaunti ay magtatama na ang ilong naming dalawa. I can feel his warm breath on my face. His breath smells like peppermint.
"I don't like to be your friend, Georgina. That is why stop calling me your friend."
Parang kanina lang ay pinaglalaruan niya ako ngunit ngayon ag bumalik na ang madilim niyang mukha. I am right when I said he swiftly shifts into expressions as if flipping paper. I know well because I've been looking at him closely more than anyone else. Even from afar. I value every detail of him like I am a prominent sculptor to his on-going masterpiece. At alam ko dahil... ganiyan kabilis magbago ang ekspresyon niya sa akin. Like he has no control over it.
He has been good at putting on a blank face around other people but he cannot stop giving me glares.
He really dislikes me that much...