[Lea's POV]
Mariin kong kinagat ang gilid ng labi ko nung matapos kong bitawan ang bola sa ere at malakas na hinampas iyun papasok sa court ng kalaban.
Agad kong hinanda ang racket ko nung ma-received niya iyun gamit ang forehand. After exchanging hits and topspins, I ran towards the baseline when the bouncing of the ball got extremely far, I hit it with a forehand slice using my left hand.
Nung ma-return ko ang bola ay nag-panic ko nung pagkalingon ko ay malapit lang siya sa net kaya mabilis ako tumakbo malapit sa gitna. Tinamaan niya ang bola gamit ng one-handed backhand na siya ikinatilapon ng bola malapit sa left side ng court.
I gritted my teeth and force my legs to run as fast as I could. I was praying that I could hit it before it even reach the ground twice.
"WHOO!!"
"PHS!!"
Hiyawan ng mga kasamahan ko nung sa wakas ay natamaan ko yung bola at naipasok ko pabalik sa court. I made the ball returned to the court through the side of the net near the umpire's chair. My opponent was stunned that she can't move her legs to approach the ball.
Namimilog ang mata niya dahil sa gulat. Kahit nga ako ay hindi rin makapaniwala na naipasok ko ang bola, to think na yung pagtalbog niya ay lumagpas na sa court at halos umabot na ako sa benches para lang makuha ko yung bola.
2 0, 4 30
It's still not enough. I got lucky that I force myself to run so fast, I was almost at my limit. Kung nagpabigay ako sa pag-init ng mga tuhod ko ay hindi ko mahahabol iyun. Thank goodness I was far persistent than I thought I would.
Kasabay ng pagtama ko sa bola gamit ang racket ko ay ang pag-ungol dahil sa hingal. Nung i-return niya sa akin ang bola ay nag-feint ako. I showed her that I was about to hit it hard that made her took some steps backward. She was about to initiate split-step but I waited the ball to flow across the net before I hit it lightly. My team mates stood up and cheered for me because of the dropshot I did. My opponent didn't even think of running to catch the ball because it's already far away.
4 30, 5 0
Two points away... only two points to make my way back on the game. I can't let her win... I can't afford to break my winning streaks.
"Congratulations, Adelaide Eleanor Gonzaga. Women singles category champion for the Division Meet!" Agad na nagpalakpakan ang mga tao nung matapos ang laro... ang larong naipanalo ko.
Nakipagkamay ako sa umpire at nung makalapit na ako sa kalaban ko ay tinanggap niya rin ang kamay kong nilahad bago inilapit ang mukha niya sa akin para bumulong. "You just got lucky. Don't even dream of making it to the Nationals." Nakipagkamay siya sa akin na may plastic na ngiti sa kanyang labi. Napatingin naman ako sa scoreboard dahil sa sinabi niya.
6 0, 5 40
I was just one point ahead. She's right, I just got lucky. I was so close to dying when we both wasted a lot of time during the deuce and the ad point. I still need to get stronger... stronger that my opponent won't even think of surpassing me.
"Congratulations!" Nagpalakpakan ang mga teachers, schoolmates at classmates ko habang nasa taas ako ng stage para tumanggap ng award galing kay Dean.
"Thank you," I mouthed and waved at them. My eyes can't help searching for him in the waves of crowd. Where is he? Nandito ba siya at hindi ko lang makita? Or he's not interested at all to even watch?
"Lea! Lea!"
"Ano?" Hinarap ko si Eion nung panay tawag niya sa 'kin.
"Bili mo ako... milktea."
Agad na napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi. Ano siya? Sinuswerte? "Asa ka. Kayo nga dapat ni Ron ang manlibre sa amin kasi kayo yung lalaki."
"Our allowance–"
"Psh, nakalimutan ko, parehos pala kayong kuripot."
"Bili mo na lang ako ng milktea." Lumaki ang magkabilang buho ng ilong ko sa pamimimilit niya.
"Buntis ka ba, Eion?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Nanalo ka sa Division Meet, kahit nga isang piraso ng snow bear ay wala kaming natanggap."
Ano ako? Nanalo sa lotto? Ngayon lang ako informed na kailangan pa lang mamalato kapag nananalo sa sports.
"E, ba't ako lang? Nanalo rin si Pia, ah." Bigla siyang napangiwi nung binanggit ko ang pangalan ni Pia.
Silang dalawa talaga... palaging nagbabangayan. Parehos ba namang suplada at suplado. Si Pia may pagkaistrikta tas si Eion ay mayabang na may pagkapilyo.
Me and Pia got gold during the Division Meet habang yung tatlo naman... wala, talo.
"Ililibre kita basta pilitin mo rin si Pia na hati kami sa gastusin."
"No, i'm fine. I can afford to buy my own." Napangiwi ako sa kanyang sinabi at mabilis niya akong tinalikuran.
"Anong nangyari?" Bulong ko kay Eva nung hindi pa rin nagpapansinan ang dalawa.
"Si Pia kasi... pinikon si Eion. Sinabihan niyang bumalik na lang sa paglalaro ng volleyball."
Pia naman, e! Alam niya kung ano ang issue noon tungkol kay Eion. Eion still can't move on from what happened when he was still in the volleyball team.
"Eion... Eion." Panay tawag at papansin ni Pia kay Eion. I know she wants to say sorry for what she said pero hindi niya lang masabi nang diretsahan. Mga narcissist nga naman, naging magkaibigan pa silang dalawa.
"Elliot Nathaniel Baldwin... Elliot Nathaniel Baldwin... Elliot Nathaniel Baldwin–"
"What the hell is it, Persephone Ada Wahlberg?!"
"Huwag mo akong pagtaasan ng boses, Nathaniel." Banta niya.
"Then don't piss the hell out of me, Ada."
"Magso-sorry na kasi ako!"
"Then is that the right way to say sorry?"
"Ikaw kasi, e!"
"Kasalanan ko na naman. Mga babae talaga."
Napakagat ako ng labi ko nung ang maingay na boses ni Pia at Eion ay unti-unting lumalaho. Wala akong ibang naririnig kundi ang pintig ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya na pumasok ng cafeteria na mag-isa. Nakaawang ang labi ko at hindi maiwasang mamangha sa maamo niyang mukha at mapupungay niyang mga mata.
Napalunok ako dahil habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Hey, Lea. Sino ang tinititigan mo–"
"Wala! Tara na nga." Mabilis kong kinuha ang bag ko bago tumayo. Mahirap na kung mapansin ni Ron na nasa cafeteria rin si Cy. Ang bibig pa naman nun ay walang preno.