Love For Lawn Tennis

1291 Words
[Lea's POV] I need to get stronger. I need to win the Regionals, make it to Nationals and be an Olympic Champion. Lawn Tennis is such an underrated sport here in the Philippines. First of all, dahil mahal. Mahal ang racket, mahal ang bola, mahal ang training at mahal din ang rent para sa court... ang pinagtataka ko lang, ba't ang ibang bansa ay kayang mag-produce ng mga lawn tennis champions like Russia, USA, and Spain? The answer is easy... masyadong corrupt ang government kaya halos lahat ng bagay ay mahal. The government moves so slow in responding to the inflations. Good thing na may trabaho ang mga magulang ko, we don't need to depend on the government. Pumasok ako sa court ng PHS na suot ang kulay grey kong tennis dress. Naka-half ponytail ang maitim at mahaba kong buhok. Agad na nagsilingon ang mga iba kong kasamahan na nagpa-practice na lalo na si Coach pati si Lanz. "Coach," tawag ko sa kanya nung makalapit siya sa akin. "Yung takoyaki ko." "Hindi ka na elementary, Lea." Tawa nito na ikinasimangot ko. Itinuon ko ang aking mga tingin sa mga kasamahan ko. They practice like they always do... they hit the ball the way they should... that's what I keep seeing every single damn practice. Nasaan na? Nasaan na yung pagmamahal nila sa lawn tennis? Seryoso ko silang tiningnan at maya-maya pa ay tumigil na sila sa pag-practice nung mapansin ang paraan ng pagtitig ko. "Mauna na kami, Coach." "Bukas naman." "Bye." Hindi nila ako binigyan ng tingin at dali-dali silang umalis ng court. Ang naiwan na lamang ay ako, si Lanz at Coach. "Warm-up muna ako." I shouldn't settle for the best... I need to be great. I will show the world how deeply in love I am with lawn tennis. "15 minutes break," sabi sa akin ni Coach at akmang pupunta sana siya pabalik sa bench pero iniling ko ang aking ulo. "We only have 45 minutes to practice, kung ipahinga ko pa ang 15 minutes, 30 na lang yung matitira. I can't waste that much time." Napabuga ng hangin si Coach at napakamot sa kanyang kilay. "Fine, 5 minutes then." "I could already practice three strokes and hit 30 balls within 5 minutes. There's no time for breaks, Coach." Ipinakita ko sa kanya ang determinasyon sa aking mga mata na tiyak kong hindi niya matitiis kaya wala na siyang nagawa kung hindi ay tawagin si Lanz para siya yung mag-ensayo sa akin. "Pass your assignments before we proceed to our next topic." Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa utos ng math teacher namin. Assignment...? May assignment? Teka, pumasok ba ako kahapon? Ba't wala akong maalalang assignment? Napayuko na lamang ako at inabala ang sarili sa paghahanap ng assignment... kahit wala naman. Mabuti na lamang at mukhang nagmamadali yung math teacher namin at hindi na siya nag-abala pang tanungin kung sino ang walang assignment... phew, kaligtas tayo roon, ah. Napalunok ako at namimilog ang mata nung pag-akyat ko sa second floor para sa english subject namin ay naroroon siya kasama ang dalawa niyang kaklase. Nasa porch sila at kinakailangan kong dumaan sa pakening harap nila para makapasok sa kasunod na room. Gusto kong tumakbo pababa ng building pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang mga namamanhid kong tuhod habang nakatingin sa kanya na nakasandal sa pader at nakahalukipkip. Naramdaman ko ang init ng magkabilang pisngi ko hanggang leeg habang nakatitig sa seryoso niyang mukha na nakatingin sa harapan. Gusto kong lumusot sa pader o hindi kaya ay magkunwaring gamo-gamo na lang nung unti-unti niyang inilipat ang kanyang tingin sa akin nung maramdaman ang presensya ko. Matuwid akong tumayo at parang robot na dire-diretso akong naglakad. Shet, yung puso ko, mamshie. "Lea!" Bigla akong natigilan nung may tumawag sa akin. Shet, kakausapin ba niya ako? Ito na ba ang pangalawang pag-uusap namin? "Y-yeah?" I turned around and I can't help but to be disappointed that it was his classmate that called me. "Congratulations on winning the Division Meet. I wish you all the best for the Regionals." I could see on my peripheral vision that Cy is also staring at me seriously. Parang anytime ay magco-collapse ako dahil sa pamamanhid ng mga tuhod ko. "Salamat! Sige, mauna na ako." Mabilis na akong tumakbo papasok ng room ko at nung makaupo na ako sa aking seat ay doon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Parang sampung tournament yung nilaro ko sa sobrang hingal. I can't even move my arms and legs, the insane butterfly feeling inside my stomach is making me blush. Cy's presence alone is already making me crazy. I can't imagine kung ano pa ang magiging epekto sa akin kapag siya yung personal na nag-congrats sa akin at hindi ang kaklase niya. "Serve naman ako, Coach." Hinihingal sa turan ko kay Coach nung matapos akong makapag-practice ng backhand slice at smash. "May thirty minutes ka para makapag-practice. Isasara ko na maya-maya ang court." Tumango ako bago hinila ang box na puno ng bola. 'You just got lucky. Don't even dream of making it to the Nationals.' 'You just got lucky. Don't even dream of making it to the Nationals.' 'You just got lucky. Don't even dream of making it to the Nationals.' Mahigpit akong napahawak sa aking racket nung maalala ang sinabi ng kalaban ko noong nakaraan. f**k her, i'll be winning the next match, and the next, and the next... until I become an olympic champion. I practice kick serves. I need to make my serve more powerful. Napakuyom ako sa aking palad nung malakas nga ang serve ko pero hindi naman pasok sa kabilang court. I need both consistency and power. "I saw what happened earlier." Napagitla ako sa gulat nung makarinig ng boses. "Hayop ka, ginulat mo ako!" Sinamaan ko si Eion ng tingin. Nakapasok na pala siya ng court at nakatayo sa gilid na nakapamulsa. "Tigilan mo na ang pagkakape." Tawa niya. Iniling ko na lamang ang ulo ko bago nag-concentrate sa tamang posisyon ng pag-serve. Should I keep more distance between my legs? Or should I hit the ball higher? "Bend. You should be bend more." Napataas ang kilay ko nung biglang magsalita si Eion sa tabi ko. "What do you even know about lawn tennis?" "Few things," kumibit-balikat siya. "Parang volleyball din yan. Kapag nagse-serve ako ay mas nagbe-bend ako lalo para mataas ang jump serve ko. Bending preserve power before you hit the ball. When bending a lot, try to toss the ball a lot higher for perfect timing." Pinanliitan ko siya ng mga mata at hindi maiwasang mapangiti. He prefer reflecting lawn tennis in volleyball rather than badminton. Hindi pa rin siguro nawala ang pagmamahal niya sa volleyball. "Thanks a lot, but what are you doing here anyways?" "Just wanna ask if you're fine. Nakita ko yung nangyari kanina sa english building... iba talaga ang epekto sayo ni Cy." Nahihiya akong napalunok at naramdaman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. "O-of course i'm fine! Parang hindi na kayo sanay sa akin." Malumanay siyang ngumiti sa akin. Tangina, kung hindi ko siguro nakilala si Cy ay baka kay Eion ako nahulog kaso masyadong suplado si Eion sa iba at grabi kung mang-insulto, kaya it's a no... no tayo sa red flag. "I just don't want you to lose yourself to Cy, Lea." "I won't. Hindi naman ako iiyak kung sila nga ni Pauline ang meant-to-be. May lawn tennis pa man ako kaya hindi ako mawawala sa sarili ko, Eion." "You're really head over heels in love with lawn tennis. Mas mahal mo ba ang lawn tennis kesa kay Cy?" "Yeah... lahat ng bagay ay isusugal ko para lang hindi ako huminto sa paglalaro, kahit na ang pagmamahal ko pa kay Cy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD