[Lea's POV]
Napangisi siya sa aking turan at hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya. "Yung pagmamahal mo sa lawn tennis ay... nakakatakot."
"It needs to be scary in order for my love to make sense."
People who aren't athletes will never understand but playing lawn tennis is like a drug... an online game... a person... that you just can't live without.
Tennis is my love, my core. The court is my home, my kingdom, and I am its spirit, its empress.
"Kamusta na kayo ni Pia?"
"We're good. Alam niyo namang hindi ko matitiis na may kaaway ako sa isa man sa inyo."
"Hindi ka rin naman namin matitiis... kahit tuyuin ka pa." Natatawang iniling lang niya ang kanyang ulo.
"Alam mo, Lea... you're amazing. Yung pagmamahal mo sa sport mo ay isa sa mga bagay na hinahangaan ko sayo. I just... don't have that in me. Ilang talo na ang naranasan mo, maraming tao ang hindi bilib noon sayo at ngayon... nandito ka pa rin, nagsasanay para sa Regionals."
"No one and nothing could make me quit, Eion. I rather lose millions of matches than to stop playing."
Cy De Jesus accepted your friend request
Nanlamig ang buong katawan ko nung matapos ang apat na taon ay ngayon niya lang na-accept yung friend request ko. Jusko Lord, maraming salamat! Ano kaya nakain ng isang 'to at tinanggap niya yung fr ko? Did I caught his attention na ba?
Nakaupo ako sa shed, sa tabi lang mismo ng gate ng PHS. Early yung dismissal namin kaya napagdesisyunan ko na munang kumain ng takoyaki habang naghihintay ng masasakyan.
You have one message
One active message head
Napataas ang kilay ko bago binuksan ang aking messenger. Nataranta ako at aksidente kong nabitawan ang takoyaki na kinakain ko na nakalagay sa cup matapos kong makita kung sino yung nag-chat.
[Cy: Hey, congrats pala noong Division Meet.]
Nagkalat yung sauce ko sa aking uniporme pero hindi ko iyun pinansin. Kating-kati yung mga daliri ko sa pag-type. Mantsa lang yan, si Cy 'tong ka-chat ko.
[Me: Tenkyuu! Dismissal niyo na ba?]
Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang mahigpit na hawak ang aking cellphone. Sobrang init ng magkabilang pisngi ko dahil sa kilig.
[Cy: Kanina pa. Nagpa-practice na lang kami ng festival dance.]
Shet, shet, ano pa bang pwedeng tanungin? I-seen ko na lang kaya? Para parang mysterious introverted ferson ang dating ko. Pakshet, gusto ko pa siyang kausapin, e!
[Me: Anong festival ba yung sa inyo?]
Naghintay ako ng limang minuto at nung hindi pa siya nakakapag-reply ay tumayo na ako at sinuot ang aking bag para magpara ng sasakyan.
[Cy: Dinagsa Festival. Yung sa inyo ba?]
[Me: Dinagyaw siguro o Kisi-kisi, ewan. Exempted kasi ako dahil lalaro ako sa Regionals.]
[Cy: Good luck, then: )]
[Me: Malapit na ang sem-break. Ano ang plano mo?]
Para naman akong chismosa nito. Pero kasi... ayaw mag-stop ng heart ko sa pagkalabog nang sobrang lakas.
[Cy: Study, I guess. Kukuha kasi ako ng exam sa dalawang private university para sa next school year.]
Malungkot akong napangiti. Sa ibang school na pala siya magse-senior. Saang university ba? Doon ba sa university na pinag-aaralan ni Pauline?
[Me: Hindi ka pa rin nagbabago. Kanina, gusto sana kitang pansinin kaso nahihiya ako baka kasi kapag tinawag kita... hindi mo ako papansinin.]
Yakap-yakap ko ang bag ko nung makapag-reply na ako. Mukhang hindi ako makakatulog mamayang gabi, ah.
[Cy: Ako rin. Ang awkward kasi.]
[Me: Tatawagin kita next time kaya... lumingon ka ah?]
[Cy: Sure : )]
"Manong, Green Hills subdivision lang po ako!" Sigaw ko sa driver.
"Yung bayad mo, nasaan?! Huwag mo akong daanin sa ganyang diskarte. Alam ko kung sino yung mga nagbabayad at sino yung hindi."
Napalunok ako at napaawang ang labi nung ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi pa pala ako nakapagbayad. Dali-dali kong kinuha ang pera kong buo at mabilis na pinaabot iyun sa driver.
"H-heto na po, sayo na yung sukli. Nakalimutan ko ho kasi. Pasensya na, ibaba mo na ako, Manong!"
Iba ka talaga, Cy. Iba talaga yung epekto mo sa akin. Pati yung pagbayad sa jeep ay handa kong kalimutan, maka-chat ka lang.
.
"Lea, what happened to your clothes?!" Napabuga ako ng hangin dahil sa hysterical na reaksyon ni Mom. Mukhang kakagaling lang niya sa trabaho dahil suot pa niya ang kulay itim niyang heels, ang paborito niyang gamitin sa trabaho.
"Did someone bullied you? How could they? After what you've done in the Division Meet, they would just treat you as an outcast? Wala ba silang–"
"Quit it, Mom. Natapunan ko lang ng sauce ng takoyaki." She's overreacting as always.
"Ganun ba? Well, why don't you get change, so we can have dinner?"
I nodded and went upstairs para makapagbihis. Grabi nga yung mantsa, kaya pala grabi makatingin yung ibang mga pasahero sa jeep kanina. Hindi na nga ako nakapagpamasahe, mukha rin akong dugyot. Basta pagdating kay Cy talaga, nagiging sabog ang lola niyo.
I change into my tanked top and short shorts before walking out of my room. Napangiti ako nung kasabay ko ring lumabas si Dad na kakagaling lang sa room nila ni Mom.
"Dad!"
"Lea, how's practice?"
"Still working on my kick serve. I need to make everything twice powerful especially my strokes." Tumango siya at sumang-ayon. Except sa mga kaibigan ko ay si Dad ang kayang umitindi sa akin. He was a football player when he was 14, but he stopped when he got to college.
"Malapit na ang sem-break, may naplanuhan na ba kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Dad habang kumakain.
"Wala pa po. Parehos kasi kaming pasok ni Pia sa Regionals kaya kung papalarin na manalo kami ay kailangan naming magsanay sa buong sem-break para sa Nationals. Medyo matagal pa yung Nationals kasi hindi na kami sumali sa Provincial Meet."
In other words, kailangan naming hintayin yung mga taga-ibang province na part ng kaparehong region nung amin na matapos ang kani-kanilang Provincial Meet. Wala kaming Provincial Meet kasi walang kalaban kaya mas matagal pa yung hihintayin namin para sa Nationals.
"Why don't you go out on a date? Yayain mo yung crush mo. Sino nga ba yun? Si Cy ba yun?"